Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA REGION
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR

Learners’ Activity Sheets


Araling Panlipunan 8
Quarter 4 – Week 1-2

UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG

D.O Plaza Government Center, Patin-ay Prosperidad, Agusan del Sur


depedagusandelsur@deped.gov.ph
(085) 839-5456
Republic of the Philippines
Department of Education
CARAGA REGION
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR

Araling Panlipunan – Grade 8


Learners’ Activity Sheets
Ika-apat na Markahan – Unang Linggo : Unang Digmaang Pandaigdig
Unang Edisyon, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the
Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work
is created shall be necessary for the exploitation of such work for a profit. Such agency or office may, among
other things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (e.g., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.)
included in this activity sheets are owned by their respective copyright holders. Every effort has been exerted
to locate and seek permission to use these materials from their respective copyright owners. The authors do
not represent nor claim ownership over them.

Development Team of the Learner’s Activity Sheet


Writer/s: Mary Fel N. Llego
Editor/s: Lalaine S. Gomera, Luzviminda M. Bojos
Illustrator:
Layout Artists:
Lay-out Reviewer: Blessy Buroysuroy
Management Team: Minerva T. Albis
Gemma A. De Paz
Lorna P. Gayol
Lelani R. Abutay
Lalaine S. Gomera
Leoncio S. Malupa Jr.
Luzminda M. Pagulong

D.O Plaza Government Center, Patin-ay Prosperidad, Agusan del Sur


depedagusandelsur@deped.gov.ph
(085) 839-5456
GAWAING PAMPAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN 8
IKA-APAT NA MARKAHAN – 1-2 NA LINGGO

Pangalan: ____ Baitang/ Pangkat: ______________


Paaralan: ____Petsa : _______________________
Guro: ________________________________________ Puntos: ______________________

I. Pamagat : Unang Digmaang Pandaigdig

II. Kasanayang Pampagkatuto:

Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang pangyayaring naganap at bunga ng


Unang Digmaang Pandaigdig (AP8AKD-IVa-1)

III. Panuto: Ang mga sumusunod na gawain ay huhubog sa iyong kaalaman sa mga mahalagang
pangayayaring naganap sa Unang Digmaang Pandaigdig.

IV. Mga Gawain

Gawain 1: Magbasa Tayo!

Panuto: Basahin ang nilalaman ng aralin upang maunawaan at maisagawa


ang mga sumusunod na gawain.

 Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay isang malawakang digmaang pandaigdig na


naganap noong mga taon 1914 hanggang 1918. Ang mga nangungunang bansa ng
mundo na sangkot sa digmaan ay nabibilang sa dalawang magkalabang alyansa:
ang Triple Alliance at Triple Entente.
 Ang malaking digmaan na ito ay hindi naganap sa isang iglap lamang. Habang may
mga likas na kadahilanan, may mga salik na nagpaalab sa situasyon. Mga
pangunahing dahilan ng Unang Digmaang Pandaigdig ay nasyonalismo,
imperyalismo, militarismo, mga alyansa at ang pagpaslang kay Archduke Francis
Ferdinand.
 Nasyonalismo-ang damdaming nasyonalismo ay nagbunsod ng pagnanasa ng
mga tao upang maging malaya ang kanilang bansa.Kung minsan ito ay lumalabis at
g
nagiging panatikong pagmamahal sa bansa.Ang pagnanais ng Serbia na angkinin
ang Bosnia at Herzegovina na nasa ilalim ng Austria.Kabilang pa rito ang
pagkamuhi ng Serbia sa Austria dahil mahigpit na pamamahala nito.
 Imperyalismo-isa itong paraan ng pag-aangkin ng mga kolonya at pagpapalawak
ng pambansang kapangyarihan at pag-unlad ng mga bansang Europe.
 Ang pag-uunahan ng mga makapangyarihang bansa na sumakop ng mga lupain at
magkaroon ng kontrol sa pinagkukunang-yaman at kalakal ng Africa at Asia ay
lumikha ng samaan ng loob at pag-aalitan ng mga bansa.
 Militarismo-Upang mapangalagaan ang kani-kanilang teritoryo,kinakailangan ng mga
bansa sa Europe ang mahuhusay at malalaking hukbong sandatahan sa lupa at
karagatan,gayundin ang pagpaparami ng armas.
 Ito ang naging ugat ng paghihinalaan at pagmamatyagan ng mga bansa.Nagsimulang
magtatag ng malalaking hukbong pandagat ang Germany.Ipinalagay na itoy tahasang
paghamon sa kapangyarihan ng England bilang Reyna ng Karagatan.
 Pagbuo ng Alyansa- Dahil sa inggitan, paghihinalaan, at lihim na pangamba ng mga
bansang makapngyarihan,dalawang magkasalungat na alyansa na nabuo.-ang Triple
Entente at Triple Alliance.
 Triple Alliance- binubuo ng mga bansang Germany, Hungary, Austria
 Triple Entente- binubo ng mga bansang Great Britain,France, Russia
 Ang krisis na naganap noong Hunyo 28,1914 ang naghudyat sa pagsisimula ng
Unang digmaang pandaigdig.
 Ito ay dahil sa pagpaslang kay Archduke Franz Ferdinand at sa kanyang asawa na si
Sophie.Sila ay pinatay ni Gavrilo Princip habang sila ay naglilibot sa Bosnia na noon
ay sakop ng Austria Hungary.

Mga Pangyayaring nagbunsod sa unang Digmaang Pandaigdig


o Digmaan sa Kanluran- Ito ang pinakamainit na labanan sa Unang Digmaang
Pandaigdig.
o Lumusob sa Belgium ang hukbo ng Germany.Ito ang ginamit nilang paraan upang
malusob ang France.
o Digmaan sa Silangan-Lumusob ang Russia sa Prussia (Germany)sa pangunguna
ni Grand Duke Nicholas.Ngunit sila ay sunod sunod na natalo.Dahil dito
nakipagsundo si Lenin sa pamahalaang Bolshevik sa Germany sa pamamagitan
ng paglagda sa Treaty of Brest-Litovsk.
o Digmaan sa Balkan-Austria Hungary vs Serbia
 -Ottoman Empire vs Russia
o Digmaan sa Karagatan-Sa unang bahagi ng digmaan ay nagkasubukan ang mga
hukbong pandagat ng Germany at Britanya. ang Naitaboy ng mga barkong
pandigma ng Germany mula sa Pitong Dagat (Seven Seas) lakas pandagat ng
Britanya.
o Nabuo ang mga bagong Alyansa
o Central Powers-GERMANY, AUSTRIA-HUNGARY, OTTOMAN EMPIRE,
BULGARIA
o Allies -JAPAN, ITALY, UNITED STATES
o WAKAS NG DIGMAAN •Natalo ang Central Powers
•Sumilang ang mga bagong bansa
•Piniramahan ang Kasunduan sa Versailles
o BUNGA NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG
•Maraming buhay at ari- arian ang napinsala 8.5 milyong
sundalo, 22 milyong nasugatan, 18 milyong sibilyan 200
bilyong dolyar na pinsala sa ari-arian
o BUNGA NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG
•Nabuo ang LEAGUE OF NATIONS na may layuning:
•maiwasan ang digmaan;
maprotektahan ang mga kasaping bansa sa pananalakay
ng iba;
lumutas sa mga usapin at hindi pagkakaunawaan ng mga
kasapi
•mapalaganap ang pandaigdigang pagtutulungan,at
mapalaganap ang mga kasunduang pangkapayapaan.
Gawain 2: Mapa Kwento Ka!
Panuto: Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay isang pandaigdigang digmaang naganap mula 1914
hanggang 1918 na kinasangkutan ng mga makapangyarihang bansa sa mundo .Batay sa iyong
binasang teksto, gumawa ng story map,sa mga pangyayaring naganap sa unang digmaang
pandaigdig.

Pamagat/Pangyayari:_____________

Tauhan:

Epekto: Tagpuan:

Wakas:
Simula:

Kasukdulan:

Gawain 3: Hulaan Mo

Panuto:Tukuyin ang wastong salita sa pamamagitan ng pagpupuno ng wastong letra sa loob


ng mga kahon.

1.Bansang kaalyado ng France at Russia


R A T T N

2.Organisasyon ng mga bansa pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig.


L G E F N S

3.Kasunduang nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig.


V S A S
4.Alyansang binubuo ng Hungary, Austria, at Germany
R I E L I N E

5.Pagkakampihan ng bansa.
A L N A

6.Pagpapalakas ng mga bansang sandatahan ng mga bansa sa Europe.


M L T I S O

7.Panghihimasok ng mga makapangyarihang bansa sa mahinang bansa.


M E Y L O

8. Pagmamahal sa bayan.
A Y N L M

9.Ang pinaka mainit na labanan sa Unang Digmaang Pandaigdig.


D M S K L R N

10.Binubuo ng mga bansang Great Britain,France at Russia.


R P E E E

Gawain 4: Islogan Ko
Panuto: Ang hidwaan at hindi pagkakaunawaan ay minsan nahahantong sa kaguluhan at digmaan.
Gumawa ng islogan na nagpapakita ng matinding pagtutol mo sa mga digmaan sa ating
bansa.
Rubrik sa Pagmamarka ng Islogan
Kriterya Deskripsiyon Puntos Nakuhang Puntos
Nilalaman Ang mensahe ay 5
lubhang naipakita
Malikhain Napakaganda at 5
malinaw ang
pagkakagawa
Kaangkupan May malaking 5
kaugnayan sa paksa
ang islogan
Kalinisan Malinis na 5
pagkakagawa

V. Panapos na Gawain: Repleksiyon

Panuto:Sumulat ng isang repleksiyon sa natapos na aralin sa pamamagitan ng


pagsagot sa mga katanungan.

1.Bakit kaya nagkakaroon ng digmaan?

2. Nabago ba ang iyong pananaw tungkol sa digmaan

matapos malaman ang epekto ng digmaan sa


pamumuhay ng tao?

3.Paano mo maipakita ang pagmamalasakit sa bansa?


Mga Sanggunian:

Mga Larawang ginamit:

http://www.notebookclipart.com

http://google/.com

Mga Aklat:

Rosemarie Blando. Kasaysayan ng Daigdig. Kagamitan ng mag-aaral (DepEd-IMCS)

https://www.slideshare.net/jhingsworld/k-12-kasaysayan-ng-daigdig-ap-9-module-second-quarter
Susi sa Pagwawasto

Gawain 2:
Pamagat/Pangyayari: Unang digmaang Pandaigdig
Tauhan: Archduke Franz Ferdinand/ Sophie
Gavrilo Pricip
Grand Duke Nicholas
Tagpuan:Austria,Germany

Simula:Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay isang malawakang digmaang


pandaigdig na naganap noong mga taon 1914 hanggang 1918. Ang mga
nangungunang bansa ng mundo na sangkot sa digmaan ay nabibilang sa
dalawang magkalabang alyansa: ang Triple Alliance at Triple Entente.
 Kasukdulan: Ang krisis na naganap noong Hunyo 28,1914 ang naghudyat sa
pagsisimula ng Unang digmaang pandaigdig.
 Ito ay dahil sa pagpaslang kay Archduke Franz Ferdinand at sa kanyang
asawa na si Sophie.Sila ay pinatay ni Gavrilo Princip habang sila ay naglilibot
sa Bosnia na noon ay sakop ng Austria Hungary.

Wakas:Natalo ang Central Powers ,


Sumilang ang mga bagong bansa
Epekto:
Maraming buhay at ari- arian ang napinsala 8.5 milyong sundalo,
22 milyong nasugatan, 18 milyong sibilyan 200 bilyong dolyar na
pinsala sa ari-arian

•Nabuo ang LEAGUE OF NATIONS na may layuning:


•maiwasan ang digmaan;
maprotektahan ang mga kasaping bansa sa pananalakay
ng iba;
lumutas sa mga usapin at hindi pagkakaunawaan ng mga
kasapi
•mapalaganap ang pandaigdigang pagtutulungan,at
mapalaganap ang mga kasunduang pangkapayapaan.

Gawain 3:
1.Great Britain
2.League of Nations
3.Versailles
4.Triple Alliance
5.Alyansa
6.Militarismo
7.Imperyalismo
8. Nasyonalismo
9.Digmaan sa Kanluran
!0.Triple Entente
Gawain 3: “Ilarawan mo” Maaring mag-iba -iba ang tugon ng mga mag-aaral Ngunit
mamarkahan batay sa sumusunod na batayan.
Kaangkupan ng Sagot 2 puntos
Organisasyon ng ideya 2 puntos
Kahusayan sa paggamit ng wika 1 punto
kabuohan: 5 puntos

V.Repleksiyon Maaring iba-iba ang tugon ng mga mag-aaral ngunit mamarkahan batay
sa sumusunod na
. Sining batayan:
Kaangkupan ng Sagot 2 puntos
Organisasyon ng ideya 2 puntos
Kahusayan sa paggamit ng wika 1 punto
Kabuohan: 5 puntos

You might also like