Professional Documents
Culture Documents
FILIPINO 3 - WEEK 1 & 2 - Activity and Output - CARVAJAL, EMILIO R.
FILIPINO 3 - WEEK 1 & 2 - Activity and Output - CARVAJAL, EMILIO R.
WEEK 1 & 2
MODYUL 1
MGA LAYUNIN
PANIMULA
Mula nang matuklasan ng tao ang ekslusibong katangiang ito na kaloob ng Maykapal,
gumanap na ang wika ng napakahalagang papel sa kanyang buhay. Simula noon hanggang sa
kasalukuyan, wika ang pangunahing instrument ng tao sa pakikipagtalastasan, pasalita at
pasulat. Hindi maitatanggi na isang pangangailangan sa eksistensiya ng tao ang wika. Sa
pamamagitan ng wika ay naituturo ng magulang sa anak kung ano ang mabuti at masama. Wika
rin ang ginagamit ng mga mananaggol at peryodista sa pagsisiwalat ng mga katotohanan. Oo,
instrument rin ang wika sa paghahatid ng mga bana; na salita ng Poong Maykapal.
Samantala, may malaki ring kaugnayan ang wika sa tagumpay o kabiguan ng isang tao.
Ang pag-aangkin ng iba’t ibang antas ng kaalaman at kasanayang kaugnay nito ay maituturing
ding sanhi ng iba’t ibang antas ng tagumpay o kabiguan ng mga tao. Wika nga ni Ludwig
Wittgenstein, Ang limitasyon ko sa wika ay limitasyon ko sa mundo. Pansining karamuhan kung
hindi man lahat sa mga matatagumpay na tao sa lipunan ay may mataas na kaalaman at
kasanayan sa paggamit ng wika o pagpapahayag.
Kung tutuusin, ang mhga kaalaman at kasanayang ito ay napag-aaralan o natututuhan.
Ang pag-aaral na kaugnay nito ay tinatawag na retorika.
Depinisyon at Katangian
Ang retorika ay mula sa salitang Griyegong rhetor na ang ibig sabihin ay isang
tagapagsalita sa publiko [Badayos, et al.,2007]. Samaktuwid, sino mang nagsasalita sa harap ng
mga pangkat ng tao upang makamit ang isa o ilang layunin ay gumagamit ng retorika.
Bilang paglalagom ang retorika kung gayon ay, ay isang teorya at praktika ng
pagpapahayag o elokwens, apsalita man o pasulat. Ang pasalitang retorika ay tinatawag
na oratoryo. Binibigyang-kahulugan ng retorika ang mga tuntunin sa pagsulat ng
komposisyon at paged-deliver ng oratoyo na dinisenyo upang makaimpluwensiya sa
pagpapasya o damdamin ng ibang tao [http:encarta.msn.com] .
Pahapyaw na Kasaysayan
Klasikal na Retorika
Ang elokwens na ipinamalas nina Nestor at Odysseus sa Iliad ay naging dahilan
upang kilalanin si Homer ng maraming Griyego bilang amang oratoryo. Ang
pagkakatatag ng mga demokratikong institusyon sa Athens noong 510 BC ay nagtakda sa
lahat ng mga mamamayan ng pangangailangan ng serbisyong publiko. Mula noon,
naging esensyal na pangangailangan na rin ng oratoryo, kaya isang pangkat ng mga guro
ang nakilala. Tinawag silang Sophist. Sila’y nagsikap upang gawing higit na mabubuting
tagapagsalita ang mga tao sa pamamagitan ng tuntuning pansining. Si Protagoras, ang
kauna-unahang Sophist, ay nagsagawa ng isang pag-aaral sa wika at nagturo sa kanyang
mga mag-aaral kung paanong ang mga mahihinang argumento ay magagawang malakas
sa isang pahayag o talakayan.
Sinasabing ang aktuwal na tagapagtatag ng retorika bilang isang agham ay si
Corax ng Syracuse na noong ikalimang siglo ay nagsabing ang retorika ay artificer o
persuasion at umakda ng unang handbook hinggil sa sining ng retorika. Ang iba pang
maestro ng retorika sa panahong ito ay sina Tisias ng Syracuse, isang mag-aaral ni Corax;
Gorgias ng Leontini na nagpunta sa Athens. Si Antiphon naman, una sa itinuturing na
Ten Attic Orators, ang kauna-unahang nagsanib ng teorya at praktika ng retorika. Ngunit
si Isocrates, ang dakilang guro ng oratoryo noong ikaapat na siglo BC, ang nagpalawak sa
sining ng retorika upang maging isang pag-aaral ng kultura at isang pilosopiya na amy
layuning praktikal.
Tinutulan naman ni Plato, isang pilosopong Griyego, ang teknikal na pagdulog sa
retorika. Binigyang-diin ni Plato ang panghikayat kaysa katotohanan sa akda niyang
Gorgias at tinalakay niya nag mga simulating bumubuo sa esensya ng retorikal na sining
sa Phaedrus. Samantala, sa akdang Rhetoric, inilarawan ni Aristotle, isa pang pilosopong
Griyego, ang tungkulin ng retorika hindi bilang isang panghihikayat. Samaktuwid,
binigyang-diin niya ang pagtatagumpay ng argumento sa pamamagitan ng katotohanan
at hindi ng panghihikayat sa pammagitan ng apila sa emosyon. Itinuring niya ang
retorika bilang counterpart o sister art ng lohika.
Samantala, sa Roma ay nakilala sina Cicero at Quintillian, bagama’t ang mga
unang guro ng pormal na retorika noon doon ay mga Griyego. Sila ang tinaguriang
dakilang maestro ng retorikal at praktikal na retorika, kahit pa sila mga modelong
Griyego. Si Cicero ang umakda ng On the Orator, Institutio Oratoria at Tha Training of an
Orator na hanggang sa kasalukuyan ay ipinapalagay na masusing pagdulog sa mga
simulain ng retorika at sa kalikasan ng elokwens. Hanggang sa unang apat na siglo ng
Imperyo ng Romano, ang retorika ay itinuro ng mga tinatawag na Sophist na sa
panahong iyon ay naging titulong akademiko.
Modernong Retorika
Ang mga kanon na ito ay may silbing analytic at generative. Nagpo-provide ang mga ito ng
templeyt para sa kritisismo ng kritisimo ng diskurso at nagbibigay ng patern para sa edukasyong
retorikal. Ang mga literature sa retorika sa mga nakalipas na siglo ay tumatalakay sa limang
kanon na ito, bagama’t konsistent ang mga iyon sa pagbibigay ng kaunting atensiyon sa memori
at deliberi.
Ang imbensyon ay nakatuon saano ang sasabihin ng isang awtor at hindi sa kung paano
iyon sasabihin. Inilalarawan din ito bilang ubod ng panghihikayat. Sa katunayan, inilalarawan ni
Aristotle ang retorika bilang pagtuklas sa pinakamabuting abeylabol na paraan ng panghihikayat
at ang importateng hakbang ng proseso ng pagtuklas na ito ay tinatawag na stasis.
a. Introduksyon (exordium)
b. Paglalahad ng mga katotohanan (narratio)
c. Dibisyon (partition)
d. Patunay (confirmation)
e. Reputasyon (refutation)
f. Kongklusyon (peroration)
Ang estilo ay nauukol sa masining na ekspresyon ng mga ideya. Kung ang imbensyon ay
nauukol saano ang sasabihin, ang estilo ay nauukol sa paano iyon sasabihin. Sa pananaw
retorikal, ang estilo ay hindi incidental, superpisyal o suplementari sapagkat tinutukoy nito kung
paano ipinapaloob sa wika ang mga ideya at kung paano ito nakukostomays sa mga
kontekstong komunikatibo.
Ang estilo ay hindi rin isang opsyonal na aspeto ng diskurso. Ang estilo ay esensyal sa
retorika sapagkat ang kaanyuan o ang lingguwistikong kaparaanan ng paglalahad ng isang bagay
ay bahagi ng mensahe, katulad ng nilalaman o content. Wika nga ni McLuhan, the medium is
the message.
Sa una, maaaring isipin na ang memori ay may kaugnayan sa mnemonics o memory aids na
tumutulong sa isang orador na saluhin ang isang talumpati. Ngunit ang kanon na ito ay higit pa
sa pagmememorya ng isang inihandang talumpati para sa representasyon. Nakapaloob din sa
kanong ito ang pag-iimbak ng iba pang materyales sa isipan ng mga paksa ng imbensyon upang
magamit sa isang particular na okasyon.
a. Isang Kooperatibong Sining. Hindi ito maaaring gawin nang nag-iisa. Ito ay ginagawa
para sa iba sapagkat sa reaksyon ng iba nagkakaroon ito ng kaganapan. Sa pamamagitan
nito,kung gayon, napagbubuklod ang tagapagsalita at tagapakinig o ang manunulat at
mambabasa.
b. Isang Pantaong Sining. Wika ang midyum ng retorika, pasalita man o pasulat. Dahil ang
wika ay isang ekslusibong pag-aari ng tao, ang retorika ay nagiging isang ekslusibo ring
sining ng tao at para sa tao.
c. Isang Temporal na Sining. Ang retorika ay nakabatay sa panahon. Ang gumagamit nito
ay nangungusap sa lengwahe ng ngayon, hindi ng bukas o kahapon. Ang iba pang
sangkap ng retorika tulad ng paksa at paraan ay lagging naiimpluwensiyahan ng
kasalukuyang panahon. Baguhin mo ang panahon at magbabago rin ang retorika.
d. Isang Limitadong Sining. Marami itong kayang gawin. Maaari nitong paganahin angating
imahinasyon at gawing possible ang mga bagay na imposible sa ating isipan. Ngunit sa
realidad, hindi lahat ng bagay ay magagawa nito, Ang retorika ay hindi Diyos na
nakakapagpagalaw ng bundok, nakakapagparami ng pagkain o nakapaghahati ng dagat.
Samakatuwid, kung sa imahinasyon ay walang limitasyon ang retorika, sa realidad ay
limitado ang kayang gawin nito.
e. Isang May-kabiguang Sining. Hindi lahat ng tao ay magaling sa paghawak ng
wika.Marami sa atin ang limitado lamang ang kaalaman at kasanayan sa wika. Idagdag
pa rito na ang wika ay likas na komplikado. May mga tuntunin itong masalimuot at
sadyang nakakalito. Bunga nito, hindi lahat ng tao ay nagtatagumpay sa layunin sa lahat
ng pagkakataon. Sa ilangmga tao sa ilang mga okasyon, ang retorika ay nagiging isang
frustrating na karanasan.
f. Isang Nagsusupling na Sining. Ang retorika ay nagsusupling ng mga kaalaman.
Halimbawa, ang isang manunulat ay nagsisimula sa isang ideya sa isipan at nagsusupling
ng isang akda. Ang mambabasa naman ay nagsisimula sa pagbabasa at nagbibinhi ng
kaalaman sa kanyang isipan. Walang hangganan ang pagsusupling at pagpapasa ng
kaalaman sa pamamagitan ng retorika hangga’t may nagsasalita at nakikinig, may
nagsusulat at nagbabasa.
Ang mga iskolar ay hindi nangagkakaisa hinggil sa saklaw ng retorika noon pa mang
sinaunang panahon. Ilan sa mga nasabing iskolar ay nagpalagay na limitado ang saklaw ng
retorika sa mga politikal na diskurso.
Upang higit na maunawaan kung ano ang retorika, ipinakikita ng kasunod na ilustrasyon
ang saklaw nito:
Wika
Iba pang
larangan Retorika Sining
Lipunan Pilosopiya
Ngunit ang retorika upang maging mabisa ay kailangan sumunod sa mga tuntuning
pambalarila. Wika ang midyum ng retorika, kaya hindi maihihiwalay ang gramatika ng wika sa
retorika.
Ngunit ang retorika ay hindi lamang ekslusibong sa larangan ng Wika. Sining, Pilosopiya
at Lipuann, Sino mang tao, saan mang larangan ay may pagnanasang maging mabisa sa
pagpapahayag. Sa ano mang larangan, hindi maaaring hindi magsasalita o magsusulat ang mga
taong kasangkot doon. Samaktuwid, maging sa ibang larangan, ang retorika ay may malaking
kinalaman.
Napakahalaga ng retorika sa buhay ng tao. Malaki at marami ang gampaning papel nito
sa atin. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod.
Pagsusulit #1
I. Tukuyin kung sino ang tinutukoy ng mga sumusunod na pahayag.
Gawain /Takda # 1
PERSONALIDAD KONTRIBUSYON
Socrates isa sa mga nagpalaganap ng retorika noong mga
unang siglo.
Corax nagpanukala sa mga tuntunin ng paglalahad ng
kanilang argumento.
Aristotle sinuri niyang mabuti ang sining ng panghihikayat (Art
of Persuasion), binigyan ng parehas na empasis ang
katangian ng nagsasalita, ang lohika ng kanyang
kaisipan, at ang kakayahang pumukaw ng damdamin
ng mga nakikinig. Inihiwalay niya ang retorika sa
pormal na lohika at ang mga kasangkapang
panretorika sa siyentipikong pamamaraan ng
pagbibigay katuturan dito ayon sa maaring maganap
kaysa sa tiyak na magaganap.
Cicero Nasabi niyang ang pagtatalakay sa anumang
adhikain ay batay sa mabuting panlasa at pagpasiya
ng orador kaya’t sa isyu ng moralidad ipinahayag
niyang nararapat na maging mabuting tao ka muna
upang maging mabuting mananalumpati.
St.Augustine Ang kanyang paggamit ng retorika ay nasa ikaapat na
aklat nyang “De Doctrina Cristiana”. Ang aklat na ito
ang naging pudasyon at batayan ng Homiletics o ang
paggamit ng retorika sa pangangaral.
4. Kanon ng Retorika
Imbensyon – Nakatuon sa kung ano ang sasbihin ng awtor.
Pagsasaayos/ Arrangement – Nakatuon sa kung papaano pagsusunud-sunurin ang
isang pahayag o akda.
Istayl/Estilo – Nakatuon sa kung paano ito sasabihin ng awtor.
Memori/Memorya – Pag iimbak ng iba pang materyales sa isipan ng mga paksa ng
imbensyon upang magmit sa isang particular na okasyon.
Deliberi/Paghahatid – Tinatawag na pasalitang retorika na ginagamit sa mga
pampublikong konteksto, ngunit ito ay maaari ring ituring bilang isang aspeto ng retorika
na nakatuon sa pampublikong presentasyon ng diskurso, pasalita man o pasulat.
5. Mahalaga ang retorika sa pang araw-araw na buhay ng tao dahil ito ay nagbibigay daan
sa mga aktibidades na ginagawa ng tao tulad ng pakikipag-usap, pakikipag-argumento
at paghahanap ng impormasyon at kaalaman. Sa pakikipag-usap, mahalagang sangkap
ang retorika upang maipahayag ng mabuti at komprehensibo ang mga damdamin ng
nag-uusap. Sa larangan ng edukasyon, ang isang tao ay nagkakaroon ng pagkakataon
na magbigay ng panuto at paglalapat nito sa anumang bagay kung saan nananalamin
ang mga natatagong kaalaman nito sa isang paksa. Ang retorika ay nagbibigay rin ng
daan upang maayos at mabisang malaman ang mga dapat bagay na dapat matutunan
ng isang mag-aaral at magamit ito sa pang araw-araw na pakikipag-ugnayan sa mga
kapwa mag-aaral. Tulad ng mga bagay na nabibigyan ng angkop na pangalan at tawag,
nalalaman rin sa tulong ng retorikal na pagpapraktis ng komunikasyon ang saysay at
gamit nito ng bawat salitang nakakalap sa anumang sanggunian na ginalugad ng isang
manggagamit nito. Ang retorika rin ang ginagamit na "medium" ng mga guro sa
paghahatid ng mga impormasyon at kaalaman na kinakailangang malaman ng kanilang
mga estudyante.
Sa larangan ng relihiyon, Mahalaga ang retorika sa aspetong panrelihiyon sapagkat ito
ay isang salik na makakatulong ng malaki sa pagpapalawak ng personal man o biblikal
na pananaw ng isang indibidwal upang magkaroon ng kaisahan ang mga
magkakasalungat na paniniwala ng bawat mananampalataya na sinala mula sa iba't
ibang grupong may kinakatawan na sariling pananampalataya. Ang retorika ay
mabisang paraan sa pagsusuplay ng dahilan at pangangatwiran. Ang mga alagad ng
simbahan tulad ng mga pari ay masasabing mga retor na kinakailangang magtaglay ng
malawak na pag-iisip at mabisang pananalita upang maipahayag ng may paggalang at
kabanalan sa mga sumasampalataya ang bawat sentimiyentong biblikal na umaayon sa
winika ng Panginoon na kinikilala nito.
Sa larangan ng politika, politika ay isang kumplikadong larangan na nananaghoy sa
kaibuturan ng isang estado. Kung kaya't sa mga pampolitika na pagkilos sa
kontemporaryong lipunan, nangangailangan ng retorikal na paggamit ng salita. Isang
kongretong aplikasyon ng salaysay na ito ay ang pangangampanya, sa layuning
makakalap ng boto sa pagdating ng halalan. Sa isang kampanya, nagkakaroon ng
pagkakataon ang isang kandidato na nagnanais makakuha ng puwesto sa gobyerno
upang makapagpabatid ng kanyang mga aspirasyon para sa mga mamamayan ng lugar
kung saan ito kumakandidato. Dito nito ipinahahayag ang kanyang mga plataporma na
magbibigay ng kaginhawaan sa kanyang mga konstituente sa oras na maluklok sa
puwesto. Sa ganitong sitwasyon, ang isang pampolitika na kandidato ay kumukuha ng
teknikal na kargamento sa tulong ng retorikal na paraan ng pagpapahayag kung saan
siya ay mariin na kumakalap ng mabubulaklak na pananalita upang maakit at
maengganyo ang mga botante na suportahan ang kandidatura nito. Sa ganitong
pamamaraan, naipapakita ng isang tao, partikular sa konteksto ng isang kandidadto,
hindi lamang ang kanyang berbal na abilidad kundi maging ang kanyang angking
katalinuhan na siyang magsisilbing benepisyal na asset upang makamit ang kanyang
mga adhikain. Ang salitang "mabulaklak", mula sa paraan ng pagkakagamit nito sa
teksto ay nangangahulugan ng paggamit ng mga malalalim ngunit mga salitang kaakit-
akit sa pandinig ng mga tagapakinig.
Sa larangan ng legalidad, Likas na ang paggamit ng mga teknikal na terminolohiya sa
isang pagdinig. Kung kaya't pinagtutuunan sa aspetong ito ang kahalagahan ng retorika
sa mga usaping legal. Sa isang pagdinig, mahihinuha ang tipikal na serye ng
pagpapalitan ng argumento upang magawa ng isang partido o kampo na patunayan ang
akusasyon nito sa isang kampo o kaya naman ay bigyang beripikasyon ang
kainosentehan ng isang indibidwal laban sa isang kaso na nakasampa laban dito. Sa
normatibong pananaw, makikita ang dalisay na importansiya ng retorika dahil dito
umiiral ang katayuan ng isang kaso, ang mga retorikal na panambitan ng isang abogado
ang siyang kolektibong datos na ginagamit ng husgado upang ma-determina ang
kredibilidad ng isang kampo patungo sa estado kung saan ito ay maghahayag ng
kanyang pasya bilang wakas ng isang legal na proceeding. Kadalasan, batay sa mga
obserbasyon, nangingibabaw sa isang pagdinig ang kampo na nagtataglay ng mas
mahusay na abogado, marahil dahil mas detalyado at komprehensibo ang mga salaysay
na naipapaabot nito dulot ng tahasang husay sa pagsasalita.
Sa larangan naman ng kultura, ang kaugnayan ng kultura ng isang tao at ng wikang
ginagamit niya o ugaling gamitin, ay malapit na malapit. Samakatwid, masusukat ang
kultura ng tao sa kadalubhasaan niya sa paggamit ng wika. Gayundin, mahuhulaan ang
galing niya sa wika ayon sa tayog ng kanyang kultura. Subalit ito’y batay sa ipinanaday
ng edukasyon sa kanya, sa panahon ng kabataan, na kalahok ng tradisyon ng angkan,
ng espiritung panrelihiyon, at ng mga paniniwala at perwishong pinagkalakhan.
Alinmang wika ay ekspresyon, imbakan-hanguan at agusan ng kultura ng isang grupo
ng tao, maliit man o malaki, na may sarili at likas na katangian. Wika ang ekspresyong
kakikinlan ng isang kultura, sapagkat ito ang nagbibigay-anyo rito para sa labas, ang
siyang nagtatakda ng pagkakaiba at sariling uri nito—ng kanyang pagkakabukod sa
ibang kultura: ang kanyang kapagkahan, kung magagamit ang salitang ito, sa daigdig ng
mga kaisahang pang-kultura.
Sa larangan ng sosyolohiya, Ang malaking kaugnayan ng wika at sosyolohiya sa isa’t
isa ay pinatutunayan ng sosyolinggwistika, isang sangay ng pag-aaral tungkol
sa wika na itinuturing na bagong litaw sa panahong ito subalit kung tutuusi’y halos
kasintanda na ng panahon. Ito ay buhat sa salitang socius at linggwistika. Ang socius ay
salitang Latin na nangangahulugan
ng interaksiyon,pakikisalamuha, pakikibagay at pakikipamuhay ng tao sa kapwa tao. Ito
ang bahaging tumutukoy sa kasangkapang ginagamit ng tao sa pagpapahayg ng
kanyang iniisip at narararamdaman upang malaman ng iba kung ano ang mga ito. Isang
uri ng pagpapahayag na gagamitan ng kombinasyon ng mga tunog na tinatawag na mga
salita—salitang may kaugnay na sariling kahulugan, Kahulugang tinataglay ng salita
bunga ng pagkakisa ng mga kailangang magkaintindihan.
6. Sa lahat ng uri ng pakikipagtalastasan wika ang ginagamit ng tao maging pasalita man
ito o pasulat. Malaking bahagi sa buhay ng isang tao ang wika sapagkat sa wika
nakasalalay ang pagkakaunawaan ng bawat indibidwal sa isang lipunan. Dito makikita
ang kasiningan ng isang akda maging ito man ay pasulat o pasalita. Pagsasalita man o
pagsusulat, mas masining ang isang akda kung gagamitan ng simbolo. Upang maging
mabisa ang retorika, kaylangan sundin ang tuntuning pambalarila. Hindi maaaring
mailalayo ang gramatika ng wika sapagkat ang wika ay midyum ng retorika. Kahit na
sinong tao at kahit ano mang larangan ay maaaring maging mabisa ang pagpapahayag.