ACFrOgDgYOVi34upYdjGbSjQhQqdGwQy7z2mEy4c6vyfcqZ3MeV r-YvOxQD5Pee-0MWUz3PsU wgg9-U3gezp8mVfT8AC3jBs7fRzesGQITEKxzrNl6ocl zic6HZ15bOe0e2M0SssKGUA5vhOF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

Ikatlong Markahan – Ikaanim na Linggo

Pangalan: ________________________________________________________________
Paaralan: ________________________________________________________________

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
Abril 05, 2021 / 1:00 – 1:25 PM

Pamantayang Pampagkatuto: Nasusuri ang mga umiiral na paglabag sa

paggalang sa magulang, nakatatanda at may awtoridad.

Koda: EsP8PBIIIc-10.2

Panimula
Sa araling ito inaasahang matutukoy ang mga umiiral na paglabag
sa paggalang sa magulang.
Tunay ngang isang malaking hamon para sa kabataang tulad mo
ang pagpapanatili at pagpapatibay ng mga birtud ng paggalang at
pagsunod sa mga magulang, nakatatanda at may awtoridad. Sa sandaling
humina ang nakagisnang mga gawi ay nakapagdudulot ito ng suliranin, na
nagiging sanhi ng di pagkakaunawaan.
Ang ilan sa mga halimbawa ng paglabag sa magulang ay ang hindi
pagkilala sa mga limitasyon na itinakda ng mga magulang, kawalan ng
paggalang sa kanilang mga kagamitan, hindi pagtupad sa itinakdang oras,
kawalan ng pagmamalasakit at pagmamahal, pakikipagtalo at pagsigaw
sa mga magulang, pagrerebelde, pagpapabaya sa mga magulang kung
may sakit at ang pagsisinungaling.
Mahalagang maunawaan ng mga anak na ang pagsunod at
paggalang sa mga magulang ay napakahalaga. Sapagkat ito ay isang
napakahalagang kautusan mula sa Diyos.

Gawain 1

Panuto: Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung ito ay nagpapahayag ng

wasto at MALI naman kung hindi wasto.
_________1. Gumamit ng “po at opo” sa pakikipag- usap sa mga magulang.
_________2. Naiingatan ang mga bagay na hiniram.
_________3. Ang pabalang o pasigaw na pagsagot sa mga magulang.
_________4. Pagtupad sa itinakdang oras.
_________5. Nakikinig sa mga payo ng magulang.
_________6. Pagbabalewala sa mga limitasyong ibinigay ng magulang.
_________7. Pagsunod sa mga ipinag-uutos ng mga magulang.
_________8. Ang pakikipagtalo sa magulang ay gawaing may paggalang.
_________9. Laging isapuso ang birtud ng paggalang sa mga magulang.
_________10. Isabuhay ang paggalang kung kalian mo lang nanaisin.
Gawain 2

Panuto: Maglista ng tatlong utos ng magulang. Mula sa tatlo ay piliin ang sa

tingin mo ang pinakamahalaga at gawan ito ng islogan. Matapos gawin ,
ipaskil ito sa isang lugar sa inyong bahay ng isang linggo bago ipasa upang
mabasa ito ng inyong mga magulang para maipadama sa kanila na inyong
pinapahalagahan ang kanilang mga utos bilang paggalang. Araw-araw sa
loob ng isang linggo ay dapat na pinipirmahan ito ng inyong mga
magulang. Gawin ito nang may katapatan.

Paalala: ( HUWAG SASAGUTAN ANG RUBRIK) Ito ay batayan lamang ng guro

sa pagbibigay ng puntos para sa nabuong islogan.

Pamantayan Napakahusay Mahusay Nangangailangan

(25puntos) (15 puntos) ng Pag-unlad
(10 puntos)
Kaangkupan ng Napakahusay at Mahusay ngunit Hindi angkop sa
nilalaman sa angkop sa tema ang hindi masyadong tema ang disenyo
tema disenyo angkop sa tema
ang disenyo
Pagkamalikhain Napakamalikhain at Malikhain at 75% Hindi malikhain at
at orihinalidad sa 100 % orihinal ang na orihinal ang 50% na orihinal ang
pagguhit at iginuhit at islogan iginuhit at islogan iginuhit at islogan
islogan
Malinaw na Napakalinaw ang Malinaw ang Hindi malinaw ang
naipahayag ang pagkalalahad ng pagkalahad ng pagkalahad ng
mensahe sa mensahe sa iginuhit mensahe sa iginuhit mensahe sa iginuhit
islogan
Kabuuang Puntos

Repleksyon
Ang aking tugon mula sa mga konseptong natutunan mula sa
pakikinig sa 828 AM Radyo Pilipino Tarlac o panonood sa RTV Channel 26 at
FB Live ay ang mga sumusunod:

Bilang mag-aaral,
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Bilang anak,

Bilang mamamayan,

Inihanda ni: Isasahimpapawid ni: Iwinasto ni:

BLESSILDA I. PANGILINAN RAFAEL M. MANANQUIL EVELYN A. RAMOS

Scriptwriter Broadcaster EsP 8 Team Leader

Isinangguni kina:

EMMANUEL C. REGANIT, PhD BOBBY P. CAOAGDAN, EdD

EPSvr - EsP EPSvr - LRMDS
Division Guidance Coordinator
Ikatlong Markahan – Ikaanim na Linggo

Pangalan: ________________________________________________________________
Paaralan: ________________________________________________________________

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
Abril 07, 2021 / 1:00 – 1:25 PM

Pamantayang Pampagkatuto: Nasusuri ang mga umiiral na paglabag sa

paggalang sa magulang, nakatatanda at may awtoridad.

Koda: EsP8PBIIIc-10.2

Panimula
Sa araling ito inaasahang matutukoy ang mga umiiral na paglabag
sa paggalang sa nakatatanda at may awtoridad.
Biyayang maituturing ang pagkakaroon ng magulang o kapamilya.
Sina lolo, lola, tiyo, tiya, kuya at ate ay ilan lamang sa mga nakatatanda na
dapat igalang. Sinuman na nakatatanda sa atin ay kailangang igalang.
Sa kabilang banda ang isa pa sa mga dapat nating igalang maliban
sa mga magulang at nakatatanda ay ang mga awtoridad. Ang isang
samahan ay hindi magiging maayos kung walang awtoridad. Awtoridad
ang tawag sa mga taong may kapangyarihan, nagpapatupad ng mga
alituntunin at batas. Sila ang mga taong inatasan ng Diyos at binigyan ng
kapangyarihan upang tayo ay magabayan.
Ngunit may mga pagkakataon na nagiging salat sa paggalang ang
iba sa mga nakatatanda at may awtoridad.
Ang ilan sa mga paglabag sa paggalang sa nakatatanda ay ang
pagsagot ng pabalang, pagbabalewala sa kanilang payo, ang hindi
pagtugon sa pangangailangan at kahilingan at nababawasan ang
pagkilala sa kanilang halaga. Samantalang ang mga paglabag naman sa
paggalang sa mga awtoridad ay ang hindi pagsunod sa mga alituntuning
ibinigay, kawalan ng disiplina at ang kawalan ng tiwala.

Gawain 1
A. Panuto: Isulat ang Tama kung wasto ang ipinapahayag ng
pangungusap at Mali kung hindi.

_________1. Ang paggalang ay nararapat na ipakita sa mga nakatatanda at

may awtoridad.
_________2. Ang hindi pakikinig sa mga payo ng nakatatanda ay
pagpapakita ng kawalan ng paggalang.
_________3. Ang pagdadabog ay isang gawaing nagpapakita ng
paggalang.
_________4. Ang mga sakripisyo ng mga nakatatanda para sa pamilya ay
dapat na kilalanin.
_________5.Ang sinumang tao na napagkalooban ng awtoridad ay may
kapangyarihang magtalaga at magpatupad ng mga panuntunan.

B. Panuto: Sagutin at ipaliwanag.

Ano ang marapat mong gawin kung ang ipinag-uutos sa iyo ng mga
nakatatanda at may awtoridad ay nagdudulot sa iyo ng alinlangan?
Paalala: ( HUWAG SASAGUTAN ANG RUBRIK) Ito ay batayan lamang ng guro
sa pagbibigay ng puntos para sa sanaysay.

Pamantayan Napakahusay Mahusay Pahusayin Malilinang Iskor

(5) (3) pa (2) (1)
Nilalaman Maayos at Maayos Hindi Hindi
buo ang ngunit di gaanong maayos
paliwanag buo ang maayos ang
paliwanag ang paliwanag
paliwanag

Gawain 2

Panuto: Maglista ng mga gawaing nagpapakita ng paglabag sa paggalang

sa mga nakatatanda at may awtoridad. Sa tapat nito ilagay ang mga
maaaring mungkahing dapat gawin upang tuluyang mabago ang mga ito.
Magkaroon ng repleksyon araw-araw kung nagagawa mo ang mga
mungkahing iyong isinulat.
Gawaing Nagpapakita ng Paglabag Mungkahing Dapat Gawin Upang
Tuluyang Mabago
A. Nakatatanda
1.
2.
3.
B. Awtoridad
1.
2.
3.

Paalala: ( HUWAG SASAGUTAN ANG RUBRIK) Ito ay batayan lamang ng guro

sa pagbibigay ng puntos para sa sanaysay/repleksyon.
Kailangan pa
Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman ng kasanayan
(20 puntos) (15 puntos) (10 puntos) (5) puntos
Nilalaman Kumpleto at Kumpleto Kulang at hindi Kulang at hindi
angkop ang bagaman hindi masyadong angkop angkop ang mga
mga masyadong ang mga impormasyong
impormasyong angkop ang impormasyong isinulat.
isinulat. mga isinulat.
impormasyong
isinulat.
Repleksyon

Ang aking tugon mula sa mga konseptong natutunan mula sa

pakikinig sa 828 AM Radyo Pilipino Tarlac o panonood sa RTV Channel 26 at
FB Live ay ang mga sumusunod:

Bilang mag-aaral,
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Bilang anak,
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Bilang mamamayan,
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Inihanda ni: Isasahimpapawid ni: Iwinasto ni:

BLESSILDA I. PANGILINAN RAFAEL M. MANANQUIL EVELYN A. RAMOS

Scriptwriter Broadcaster EsP 8 Team Leader

Isinangguni kina:

EMMANUEL C. REGANIT, PhD BOBBY P. CAOAGDAN, EdD

EPSvr - EsP EPSvr - LRMDS
Division Guidance Coordinator

Mga Sanggunian
DepEd MELCs 2020, EsP Grade 8
Modyul para sa Mag-aaral sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 pahina 256-287
Ikatlong Markahan – Ikapitong Linggo

Pangalan: ________________________________________________________________
Paaralan: ________________________________________________________________

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
Abril 12, 2021 / 1:00 – 1:25 PM

Pamantayang Pampagkatuto: Nahihinuha na dapat gawin ang pagsunod at

paggalang sa mga magulang, nakatatanda at may awtoridad dahil sa
pagmamahal, sa malalim na pananagutan at sa pagkilala sa kanilang
awtoridad na hubugin, bantayan at paunlarin ang mga pagpapahalaga ng
kabataan.

Koda: EsP8PBIIId-10.3

Panimula
Sa araling ito inaasahang matutukoy ang mga paraan upang
maisabuhay ang paggalang na ginagabayan ng katarungan at
pagmamahal.
Maipakikita mo ang paggalang at pagsunod sa iyong mga
magulang, nakatatanda at may awtoridad kung kinikilala mo ang kanilang
halaga. Dahil dito, kinikilala at pinahahalagahan mo ang kanilang
tungkuling hubugin, subaybayan at paunlarin ang iyong mga
magagandanag ugali at mga pagpapahalaga. Mapagtitibay mo ang mga
birtud na ito sa pamamagian ng pagpapakita ng pagmamahal,
pananagutan at pagkilala sa kanila bilang biyaya ng Maylalang.
Maisasabuhay ang paggalang na ginagabayan ng katarungan at
pagmamahal sa pamamagitan ng mga sumusunod ayon kay David Isaacs
( Character Building, 2001). Una ang panatilihin ang pagkakaunawaan,
bukas na komunikasyon, at pagkilala. Ikalawa ay ang kilalanin ang
kakayahan ng bawat tao na matuto, umunlad, at magwasto ng kaniyang
pagkakamali. Ikatlo, pagtugon sa pangangailangan ng kapwa, sa
pamamagitan ng patuloy na pagtulong at paglilingkod sa kanila. Ikaapat
ang Laging isaalang-alang ang damdamin ng kapwa sa pamamagitan ng
pagpapakita ng maayos at marapat na pagsasalita at pagkilos. Ikalima,
Isaalang-alang ang pagiging bukod-tangi ng bawat tao sa pamamagitan
ng pagpapakita ng angkop na paraan ng paggalang. Ikaanim ay ang
suriing mabuti ang kalagayan o sitwasyon ng kapwa upang makapagbigay
ng angkop na tulong bilang pagtugon sa kanila. Ikapito, bilang bahagi ng
katarungan, ibigay sa kapwa ang nararapat sa kaniya at ang nararapat ay
ang paggalang sa kaniyang dignidad. Ikawalo, sa pakikipag-usap sa
kapwa, iwasan ang madaliang panghuhusga at pagbibitiw ng masasakit na
salita. At ang panghuli ay laging isaisip ang kahalagahan ng tunay na
paglilingkod sa kapwa na may kalakip na pagmamahal at pagpapatawad.
Gawain 1

Panuto: Gumawa ng sanaysay tungkol sa kung paano mo maipapakita ang

pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatanda at may awtoridad
nang may pagmamahal.

Paalala: ( HUWAG SASAGUTAN ANG RUBRIK) Ito ay batayan lamang ng guro

sa pagbibigay ng puntos para sa sanaysay.

Bahagyang Hindi
Higit na Nakamit Nakamit Nakamit Walang
Pamantayan Inaasahan ang ang ang Napatunayan Iskor
(5) Inaasahan Inaasahan Inaasahan (1)
(4) (3) (2)
Nilalaman Malinaw Malinaw Hindi Hindi Hindi
ang ang malinaw na malinaw na nadebelop
pagpapali- pagpapali- nadebelop nadebelop ang
wanag sa wanag sa ang ilang ang lahat pangunahing
lahat ng iilang pangunahing pangunahing detalye
mga detalye detalye detalye
detalye

Gwawin 2

Panuto: Sumulat ng tig-tatlong gawain kung paano maipapakita ang

pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda at awtoridad. Matapos
ang isang linggo, gumawa ka ng sariling ebalwasyon kung naisakatuparan
mo ang mga binalak mong gawin. Maging matapat sa pagsasagawa ng
gawaing ito.

1. Magulang

2. Nakatatanda
3. Awtoridad

Paalala: ( HUWAG SASAGUTAN ANG RUBRIK) Ito ay batayan lamang ng guro

sa pagbibigay ng puntos para sa ginawang ebalwasyon.

Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman

(20 puntos) (15 puntos) (10 puntos)
Nilalaman/ Nakalahad ng Nakalahad ng Nakalahad ng
Ideyang tig-tatlong tig-dalawang tig-isang
nailahad gawain ng kahalagahan kahalagahan
pagsunod at ng pagsunod at ng pagsunod at
paggalang sa paggalang ng paggalang sa
magulang, magulang, magulang,
nakatatanda at nakatatanda at nakatatanda at
awtoridad at awtoridad at awtoridad at
nakagawa nakagawa At nakagawa
katangi-tanging ngganap na ng kasiya-siyang
ebalwasyon sa ebalwasyon sa ebalwasyon sa
sarili sarili. sarili

Repleksyon

Ang aking tugon mula sa mga konseptong natutunan mula sa

pakikinig sa 828 AM Radyo Pilipino Tarlac o panonood sa RTV Channel 26 at
FB Live ay ang mga sumusunod:

Bilang mag-aaral,
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Bilang anak,
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Bilang mamamayan,
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Inihanda ni: Isasahimpapawid ni: Iwinasto ni:

BLESSILDA I. PANGILINAN MYLENE M. TAGATA EVELYN A. RAMOS

Scriptwriter Broadcaster EsP 8 Team Leader

Isinangguni kina:

EMMANUEL C. REGANIT, PhD BOBBY P. CAOAGDAN, EdD

EPSvr - EsP EPSvr - LRMDS
Division Guidance Coordinator
Ikatlong Markahan – Ikapitong Linggo
Pangalan: ________________________________________________________________
Paaralan: ________________________________________________________________

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
Abril 14, 2021 / 1:00 – 1:25 PM

Pamantayang Pampagkatuto: Nahihinuha na dapat gawin ang pagsunod at

paggalang sa mga magulang, nakatatanda at may awtoridad dahil sa
pagmamahal, sa malalim na pananagutan at sa pagkilala sa kanilang
awtoridad na hubugin, bantayan at paunlarin ang mga pagpapahalaga ng
kabataan.

Koda: EsP8PBIIId-10.3

Panimula
Sa araling ito inaasahang matutukoy ang mga kahalagahan ng
pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatanda at may
awtoridad.
Mahalagang isaalang-alang ang edad ng bata sa paghubog ng
magagandang ugali, tulad ng pagiging masunurin o pagsunod sa
magulang, nakatatanda at may awtoridad. Kritikal ang ikatlo hanggang
ikaapat na taon dahil kinikila ng bata ang awtoridad ng kinagisnan niyang
pamilya nang walang pagtatangi o bahid man ng pag-aalinlangan. Mas
madali para sa isang bata ang sumunod sa kaniyang mga magulang at
nakatatanda dahil sa direktang pagtanggap niya mula sa mga ito ng
seguridad, pagmamahal at pag-aaruga para sa kaniyang kaayusan at
kagalingan.
Pagkatapos ng tatlo haggang apat na taon, nagsisimula nang
mahubog ang kilos-loob ng isang bata. Kaya’t habang siya ay
nagkakaedad, nabibigyang katwiran niya ang kaniyang ikikilos kung
kailangang sundin ang ipinag-uutos at tuluyang magpasakop,
mangangailangan muna siya ng pagsangguni kung ang ipinag-uutos ay
kaniyang gagawin o hindi.
Mahalaga na maisabuhay ang pagsunod at paggalang sa mga
magulang, nakatatanda at may awtoridad. Ang pagrespeto o paggalang
sa kapwa ay nagsisimula sa pagtanggap. Kapag ang tao ay nagbibigay ng
respeto, ibig sabihin ay ibinibigay din natin ang ating tiwala. Sa pagbibigay
ng respeto, mas malaki ang oportunidad na ikaw ay galangin ng ibang tao.
Ito ay gawaing nakapagpapataas ng moralidad ng isang tao. Isa ito sa mga
dapat taglayin ng bawat indibidwal upang mapanatili ang
pagkakaunawaan.
Gawain 1

Panuto: Gumawa ng repleksyon kung bakit mahalaga ang pagsunod at

paggalang sa magulang, nakatatanda at may awtoridad. Gawin ito sa
isang malinis na papel.

Paalala: ( HUWAG SASAGUTAN ANG RUBRIK) Ito ay batayan lamang ng guro

sa pagbibigay ng puntos para sa repleksyon.

Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman

(15 puntos) (10 puntos) (5 puntos)
Nilalaman/ Malinaw na Malinaw na Hindi
Ideyang nailahad ang nailahad ang masyadong
nailahad ideya at ideya at malinaw na
nakapagbigay nakapagbigay nailahad ang
ng mga ng iilang ideya at
halimbawa. halimbawa. nakapagbigay
ng iilang
halimbawa.

Gawain 2
Panuto: Gumawa ng isang collage gamit ang mga imaheng nakita sa
dyaryo, magazine, journals na naglalarawan ng kahalagahan ng pagsunod
at paggalang sa mga magulang, nakatatanda at may awtoridad.
Mga kagamitan: long size bond paper, gunting, glue, dyaryo, journals,
magazines

Paalala: ( HUWAG SASAGUTAN ANG RUBRIK) Ito ay batayan lamang ng guro

sa pagbibigay ng puntos para sa repleksyon.

Pamantayan Napakahusay Mahusay Nangangailangan

(10) (8) ng patnubay (5)
1.Malinaw at
tugma sa paksa
ang larawan
2. Nagtataglay
ng malalim na
kahulugan o
nagpapakita ng
makabuluhang
mensahe
Kabuuang Iskor
Repleksyon

Ang aking tugon mula sa mga konseptong natutunan mula sa

pakikinig sa 828 AM Radyo Pilipino Tarlac o panonood sa RTV Channel 26 at
FB Live ay ang mga sumusunod:

Bilang mag-aaral,
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Bilang anak,
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Bilang mamamayan,
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Inihanda ni: Isasahimpapawid ni: Iwinasto ni:

BLESSILDA I. PANGILINAN MYLENE M. TAGATA EVELYN A. RAMOS

Scriptwriter Broadcaster EsP 8 Team Leader

Isinangguni kina:

EMMANUEL C. REGANIT, PhD BOBBY P. CAOAGDAN, EdD

EPSvr - EsP EPSvr - LRMDS
Division Guidance Coordinator
Ikatlong Markahan – Ikawalong Linggo

Pangalan: ________________________________________________________________
Paaralan: ________________________________________________________________

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
Abril 19, 2021 / 1:00 – 1:25 PM
Pamantayang Pampagkatuto: Naisasagawa ang mga angkop na kilos ng
pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatanda at may awtoridad

Koda: EsP8PBIIId-10.4

Panimula
Sa araling ito inaasahan na maisasagawa at maisasabuhay ang mga
angkop na kilos ng pagsunod at paggalang sa mga magulang at
nakatatanda.
“Igalang mo ang iyong ama’t ina. Isa sa mga kautusan ng Diyos
tungkol sa paggalang. Ang ating mga magulang maging ang mga
nakatatanda ay marapat lamang igalang bilang pagkilala na sila ay taong
nagtataglay ng dignidad. Ang paggalang ay para sa lahat, walang pinipili.
Kailangang gumalang dahil ito ang tamang gawin.
Ang ilan sa mga angkop na kilos ng pagsunod at paggalang sa
magulang at nakatatanda ay tumulong, alagaan sila, magkaroon ng bukas
na komunikasyon, maging sensitibo sa ikikilos at mga sasabihing salita,
pahalagahan sila, pag-unawa sa kanilang damdamin, gawin silang
halimbawa, mag-aral mabuti, at higit sa lahat ay ang mahalin sila.
Samantalahin ang pagkakataon habang ang ating magulang at
ating mga lolo’t lola o mga nakatatanda ay andyan, kasama pa natin.
Ibigay natin ang lahat ng makakaya natin, ipakita ang paggalang,
pagsunod at higit sa lahat ang ating walang hanggang pagmamahal.

Gawain 1

Panuto: Punan nang tamang kasagutan ang mga hinihingi ng bawat kahon.

Paggalang

Sino ang mga dapat igalang? Sino ang mga dapat igalang?

Magbigay ng apat angkop na kilos ng

pagsunod at paggalang sa pagulang at
nakatatanda. Ipaliwanag ang bawat isa.
Gawain 2

Panuto: Gumawa ng pangako o komitment na naglalahad ng iyong

gagawing pagsusumikap na maisabuhay ang mga birtud ng pagsunod at
paggalang. Pagkatapos basahin ito sa harap ng iyong magulang at sa isang
nakatatanda. Papirmahan ito sa kanila matapos basahin.

Paalala: ( HUWAG SASAGUTAN ANG RUBRIK) Ito ay batayan lamang ng guro

sa pagbibigay ng puntos para sa nabuong pangako o komitment.

Pamantayan 20 15 10 Puntos
Nilalaman Lubusang Naipakita ang Simpleng
naipakita ang gagawing gagawing
gagawing pagsusumikap pagsusumikap
pagsusumikap na na
na maisabuhay maisabuhay
maisabuhay ang mga ang mga
ang mga birtud ng birtud ng
birtud ng pagsunod at pagsunod at
pagsunod at paggalang. paggalang.
paggalang. Binasa ito sa Hindi binasa
Binasa ito sa harapan sa sa harapan
harapan ng kahit na sino ng magulang
magulang at sa magulang o o isang
isang isang nakatatanda.
nakatatanda. nakatatanda.
At At
napapirmahan napapirmahan
din ito. ito .

Repleksyon

Ang aking tugon mula sa mga konseptong natutunan mula sa

pakikinig sa 828 AM Radyo Pilipino Tarlac o panonood sa RTV Channel 26 at
FB Live ay ang mga sumusunod:

Bilang mag-aaral,
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Bilang anak,
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Bilang mamamayan,
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Inihanda at iwinasto ni: Isasahimpapawid ni:

EVELYN A. RAMOS IVAN AVE P. OCAMPO

Scriptwriter / EsP 8 Team Leader Broadcaster

Isinangguni kina:

EMMANUEL C. REGANIT, PhD BOBBY P. CAOAGDAN, EdD

EPSvr - EsP EPSvr -LRMDS
Division Guidance Coordinator
Ikatlong Markahan – Ikawalong Linggo

Pangalan: ________________________________________________________________
Paaralan: ________________________________________________________________

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
Abril 21, 2021 / 1:00 – 1:25 PM

Pamantayang Pampagkatuto: Naisasagawa ang mga angkop na kilos ng

pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatanda at may awtoridad

Koda: EsP8PBIIId-10.4

Panimula
Sa araling ito inaasahan ang mga mag-aaral na maisasagawa ang
mga angkop na kilos ng pagsunod at paggalang sa mga awtoridad.
Ang mga tinatawag na awtoridad ay ang mga taong pinagkalooban
ng kapangyarihan na mamahala o magpatupad ng mga alituntunin,
patakaran o mga batas. Katulad ng mga guro, sila ang may awtoridad
pagdating sa paaralan, ang mga doktor sa ospital, ang manager sa bangko
at marami pang iba. Ang lahat ng tao ay napasasailalim sa awtoridad.
Maging ang pinakamataas na taong napagkalooban ng awtoridad, tulad
ng pangulo ng bansa, ay napasasailalim din sa awtoridad na kailangan din
niyang sundin. Ang sinumang tao na napagkalooban ng awtoridad ay may
kapangyarihang magtalaga at magpatupad ng mga panuntunan. Ang
pagkakaroon ng ganitong tungkulin ang nagbibigay ng karapatan sa taong
may awtoridad upang mapanatili ang pagkakaisa, pagtutulungan,
kapayapaan, disiplina at kapakanan ng mga taong nasasakupan upang
makamit ang kabutihang panlahat. Kung kinikilala ng kaniyang mga
nasasakupan ang halaga ng kaniyang awtoridad, ay madaling
maisasabuhay ang pagsunod at paggalang.
Ang ilan sa mga angkop na kilos ng pagsunod at paggalang sa mga
may awtoridad na dapat isabuhay una, ang ibigin ang Poong Maykapal,
ikalawa, maging masunurin sa mga batas, ikatlo, gampanan ang tungkulin o
obligasyon, ikaapat, ipakita ang paggalang at pagsunod nang may
kababaang-loob, ikalima, ang ibigay ang pagtitiwala, ikaanim ay isabuhay
ang disiplina, at ang panghuli ang ipanalangin ang kanilang kaligtasan.

Gawain 1

Panuto:
1. Gamit ang talaan, isulat ang tatlong bagay na ipinag-uutos ng mga
taong may awtoridad.
2. Batay sa mga utos na iyong isinulat, ano sa palagay mo ang maaaring
maging resulta o bunga ng pagsunod sa mga ito? Punan ang
sumunod na talaan.
3. At kung di susundin ang mga utos, ano sa palagay mo ang maaaring
maging resulta o bunga nito? Punan ang susunod na talaan.

Bungang Pagsunod
Bungang Di Pagsunod
Utos
Halimbawa: Di ko
Halimbawa: Pumasok Halimbawa:Naabutan
May Awtoridad

May Awtoridad
napakinggan ang mga

May Awtoridad
sa tamang oras ang talakayan sa
unang paksa sa klase
1._______________ mahalagang paksa
1. _____________
2._______________ 1. ______________
2. _____________
3.______________ 2. ______________
3. _____________
3. ______________

Pagkatapos sagutin ang mga sumusunod.

1. Ano ang mga bagay na maaaring maging hadlang sa iyong

pagsunod?
2. Gaano kahalaga ang pagsunod at paggalang sa may awtoridad?

Paalala: ( HUWAG SASAGUTAN ANG RUBRIK) Ito ay batayan lamang ng guro

sa pagbibigay ng puntos para sa sanaysay.

Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman

(10 puntos) (8 puntos) (5 puntos)
Nilalaman/ Malinaw na Malinaw na Hindi
Ideyang nailahad ang nailahad ang masyadong
nailahad ideya at ideya at malinaw na
nakapagbigay nakapagbigay nailahad ang
ng mga ng iilang ideya at
halimbawa halimbawa. nakapagbigay
ng iilang
halimbawa

Gawain 2

Panuto: Gumuhit ng iyong sariling larawan ng isang maunlad na

pamayanang nagpapakita ng pagsunod at paggalang sa awtoridad.
Lagyan ito ng maikling paliwanag kung bakit ganoon ang iyong iginuhit.
Paalala: ( HUWAG SASAGUTAN ANG RUBRIK) Ito ay batayan lamang ng guro
sa pagbibigay ng puntos para sa iginuhit na larawan.

Pamantayan Indikador Puntos Nakuhang

Puntos
Katangi-tangi
ang
Nilalaman pagkakaguhit,
naipakita at 1 - 10
naipaliwanag
nang maayos
ang konseptong
iginuhit
Kaangkupan ng Maliwanag at
konsepto angkop ang 1 -5
mensahe tungkol
sa paksa
Pagkapamapanlikha Orihinal ang
(Originality) ideya sa 1 -5
pagguhit
Kabuuang Maayos at
Presentasyon malinis ang 1 -5
pagkakagawa
Pagkamalikhain Gumamit ng
tamang
kombinasyon ng 1-5
kulay upang
maipakita ang
ideya ng paksa
Kabuuang Puntos

Repleksyon
Ang aking tugon mula sa mga konseptong natutunan mula sa
pakikinig sa 828 AM RAdyo Pilipino Tarlac o panonood sa RTV Channel 26 at
FB Live ay ang mga sumusunod:

Bilang mag-aaral,
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Bilang anak,
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Bilang mamamayan,
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Inihanda at iwinasto ni: Isasahimpapawid ni:

EVELYN A. RAMOS IVAN AVE P. OCAMPO

Scriptwriter / EsP 8 Team Leader Broadcaster

Isinangguni kina:

EMMANUEL C. REGANIT, PhD BOBBY P. CAOAGDAN, EdD

EPSvr - EsP EPSvr -LRMDS
Division Guidance Coordinator

Mga Sanggunian
DepEd MELCs 2020, EsP Grade 8
Modyul para sa Mag-aaral sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 pahina 256 –
289

You might also like