Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ANG KONTINENTE NG ASYA

7 KONTINENTE NG ASYA KABUUANG SUKAT (Kilometro kwadrado)


1. Asya 44, 486,104 31%
2. africa 30, 269,817 20%
3. north america 24, 210,000 16%
4. south america 17, 820, 852 12%
5. antarctica 13, 209, 060 9%
6. Europe 10, 530,789 7%
7. australia 7, 862,336 5%
Kabuuan 143, 389, 336

ASYA – ay isa sa pitong kontinente ng daigdig.


KONTINENTE – ang tawag sa pinakamalaking dibisyon ng lupain sa daigdig.

LATITUDE – distansiyang angular na natutukoy sa hilaga o timog ng equator.


_ ang equator ay ang zero-degree latitude at humahati sa globe sa hilaga at timog na hemisphere.

LONGITUDE – distansiyang angular na natutukoy sa silangan at kanluran ng prime meridian.


_ ang prime meridian naman ay ang zero-degree longitude.

NAHAHATI SA LIMANG REHIYON ANG ASYA


1. HILAGA
2. KANLURAN
3. TIMOG
4. TIMOG-SILANGANG ASYA
5. SILANGANG ASYA

HILAGANG ASYA- binubuo ng mga bansang dating SOVIET CENTRAL ASIA (KAZAKHSTAN, KYRGYZSTAN,
TAJIKISTAN, AZERBAIJAN, TURKMENISTAN, UZBEKISTAN, GEORGIA, ARMENIA),
MONGOLIA, AT SIBERIA.
- Kilala ang rehiyong ito sa katawagang CENTRAL ASIA O INNER ASIA.

KANLURANG ASYA- binubuo ng mga bansang hangganan ng mga kontinenteng AFRICA, ASYA, AT EUROPE.
dito nakalatag ang mga bansang arabo (SAUDI ARABIA,LEBANON,JORDAN,SYRIA, IRAQ,
AT KUWAIT), GULF STATES (YEMEN,OMAN,UNITED ARAB EMIRATES,QATAR, AT
BAHRAIN)

TIMOG ASYA- bahagi nito ang INDIA; mga bansang MUSLIM ng AFGHANISTAN,PAKISTAN, AT
BANGLADESH; mga bansang HIMALAYAN ng NEPAL at BHUTAN; at mga bansang
pangkapuluan ng SRI-LANKA at MALDIVES.

TIMOG-SILANGANG ASYA- binansagang FARTHER INDIA at LITTLE CHINA


NAHAHATI SA DALAWANG SUB-REGIONS;
Mainland Southeast Asia (MYANMAR, THAILAND, VIETNAM, LAOS, CAMBODIA)
Insular Southeast Asia (PILIPINAS, INDONESIA, MALAYSIA, BRUNIE, SINGAPORE, EAST TIMOR)

SILANGANG ASYA- binubuo ng CHINA, JAPAN, NORTH KOREA, SOUTH KOREA at TAIWAN.

MGA URI NG ANYONG LUPA


1. BULUBUNDUKIN – HIMALAYAS ang pinakatanyag na umaabot sa 2,415 kilometro.
HINDU KUSH (AFGHANISTAN), PAMIR (PAKISTAN, AFGHANISTAN, TAJIKISTAN AT KYRGYZSTAN), TIEN SHAN
(HILAGANG ASYA), GHATS (TIMOG ASYA) CAUCASUS (AZERBAIJAN,GEORGIA,RUSSIA, AT ARMENIA), URAL
(KANLURANG ASYA).

2 PANGKAT NG KABUNDUKAN ASYA


1. ang una ay nagmumula sa hilaga-silangang dulo ng asya malapit sa BERING STRAIT na tumatahak pahilig patungong
AFGHANISTAN AT PAKISTAN.
2. nagmumula sa kanlurang bahagi ng asya particular sa TURKEY patungong IRAN na mula sa mga bansang ito ay
tumatahak pahalagang patungong Himalayas, at bababa sa MYANMAR at TANGWAY ng MALAY.

Magtatagpo ang dalawang sistemang ito sa AFGHANISTAN AT PAKISTAN.

2. BUNDOK – MT.EVEREST ang pinakamataas na bundok sa buong mundo. May taas na 8,850 metro. Pangalawa ang K2
(8,611 METRO) nasa PAKISTAN/CHINA, pangatlo ang MT. KANCHENJUNGA (8,586 METRO) nasa Himalayas.

3. BULKAN – dahil ang insular southeast asia ay nakalatag sa PACIFIC RING OF FIRE, nasa 300 na active na bulkan na nasa
asya. Tulad ng SEMERU, KRAKATOA (Indonesia), FUJI (japan), PINATUBO, TAAL, MAYON (pilipinas)

4. TALAMPAS – ang Tibetan Plateau ang itinuturing na pinakamataas na talampas sa buong mundo (16,000 talampakan)
itinuturing na ROOF OF THE WORLD sa ASYA. Kilala rin ang DECCAN sa katimugang bahagi ng INDO-GANGETIC PLAIN
ng INDIA.

5. DISYERTO- ang GOBI-DESERT (MONGOLIA AT HILAGANG CHINA, 1,295,000 kilometro kuwadrado) ay siyang ikaapat na
pinakamalaki sa ASYA. Makikita rin ditto ang disyerto ng TAKLIMAKAN(china), KARA KUM (turkmenistan), at mga
disyerto ng IRAQ, IRAN, SAUDI ARABIA AT INDIA.

6. KAPULUAN O ARKIPELAGO- PILIPINAS AT JAPAN ang may pinakamalaking archipelagic state sa buong mundo at
binubuo ng humigit kumulang na 13,000 mga pulo. Gayundin ang INDONESIA.

7. PULO- umaabot sa 1,994,300 kilometro kuwadrado ang kabuuang sukat ng mga pulo sa ASYA kabilang ang CYPRUS sa
kanluran, ANDAMAN, SRI-LANKA at MALDIVES sa katimugan; BORNEO, JAVA, SUMATRA, at mga pulo ng pilipinas sa
timog-silangan; HAINAN, TAIWAN, SAKHALIN, KURIL, at mga pulo ng JAPAN sa silangan; at WRANGEL, NEW SIBERIAN,
ZEMLYA at SEVERNAYA sa hilaga.

8. TANGWAY O PENINSULA- tinatayang 7,770,000 KILOMETRO KUWADRADO ang sukat ng lupain ng tangway o anyong
lupa nakausli sa karagatan ng asya. Ilan sa mga ito ay TURKEY SA KANLURAN; ARABIA,INDIA,INDOCHINA AT MALAY SA
KATIMUGAN; KOREA, KAMCHATKA, AT CHUKOTSK SA SILANGAN; AT TAYMYR, GYDA, AT YAMAL SA HILAGA(BAHAGI
NG SIBERIA).

9. KAPATAGAN- halos sangkapat(1/4) lupain ng asya ay kapatagan. Ang Indo-gangetic Plain at malaking bahagi ng
TIMOG-SILANGANG ASYA AY bahagi nito.

TIGRIS AT EUPHRATES,INDUS AT HUANG HO – mga baybay ilog na nagsisilbing lundayan ng mga sinaunang kabihasnan hindi
lang sa asya kundi sa buong daigdig. Mga ilog na dumadaloy na nagbibigay kapakinabangan sa mga tao gaya ng: LENA, OB,
IRTYSH, YENISEY, ANGARA, YANA, INDIGIRKA, AT KOLIMA na nasa bahaging RUSSIA at umaagos sa ARCTIC OCEAN.

APAT NA LAWA MATATAGPUAN SA ASYA


1. CASPIAN SEA-pinakamalaking lawa sa mundo(hilagang iran,Kazakhstan,Turkmenistan,Azerbaijan,Armenia at Georgia,
371,000 kilometro Kuwadrado).
2. LAKE BAIKAL- pinakamalalim na lawa (timog-silangang asya,31,500 kilometro kuwadrado)
3. DEAD SEA- pangalawa sa pinakamaalat na anyong tubig sa buong daigdig,(ISRAEL AT JORDAN, 1,049 kilometro
kuwadrado)
4. ARAL SEA- pinakamalaking lawa sa asya(UZBEKISTAN at KAZAKHSTAN, 64, 750 kilometro kuwadrado)
ANG MGA VEGETATION COVER NG ASYA

 VEGETATION- uri o dami ng mga halaman sa isang lugar tulad ng pagkakaroon ng kagubatan o
damuhan ay epekto ng klima nito.
 STEPPE- uri ng damuhang may ugat na mabababaw o shallow-rooted short grasses.
 PRAIRIE- ang lupaing may damuhang matataas na malalalim ang ugat o deeply-rooted tall
grasses.
 SAVANNA- matatagpuan sa timog-silangang asya particular sa MYANMAR AT THAILAND. ito ay
lupain nang pinagsamang mga damuhan at kagubatan.
 TAIGA- o ang boreal forest (rocky mountainous terrain) ay matatagpuan din sa Hilagang asya
particular sa Siberia. Confirous ang mga kagubatang ito bunsod ng malamig na klima dahil sa
presipitasyon na maaaring nasa anyong yelo o ulan.
 TUNDRA- o treeless mountain tract, kakaunti ang mga halamang tumatakip at halos walang
puno sa lupaing ito dahil sa malamig na klima.
 RAINFOREST- o torrid zone ito ay may mainam n klima na may pantay na panahon ng tag ulan at
tag araw.

You might also like