Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

TITLE: GREEN RIVER KILLER

CLIENT: JALINA MAE GALANG

_________________OPENING FRAME_________________

“Mga babaeng naglayas at nagbebenta ng katawan para mabuhay ang sunod-sunod na nawalan ng
buhay’

‘Sino nga ba ang dahilan sa pagkawala at pagkamatay ng mga babaeng ito?’

‘Bakit sila ang naging pangunahing puntirya sa bayolenteng krimen na ito?

_______________INSERT CHANNEL INTRO_______________

‘Ika-18 ng Pebrero 1949, isinilang ni Mary Ridgeway ang kaniyang anak na si Gary Leon Ridgeway sa Salt
Lake City, Utah at si Gary ang pangalawa sa tatlong anak nina Mary at Thomas. Hindi naging maganda
ang kanyang karanasan habang siya ay lumalaki sa poder ng kanyang mga magulang. Inilarawan ng
kanyang mga kamag-anak ang kanyang ina bilang isang striktang ina. Bukod pa dito ay madalas din
niyang naririnig ang malakas na bulyawan at walang awat na argumento ng kanyang mga magulang.
Dumagdag pa dito na ang kanyang ama na bukambibig ang mga hostes na pakalat-kalat sa kanilang
bayan.’

‘Produkto ng magulong pamilya, siya ay nagkaroon ng ‘Enuresis’ na dinala niya hanggang siya ay mag 13
taong gulang. Ito ay isang klase ng ‘Involuntary Urination’ kung saan hindi madaling mapigil ang pag-ihi
ng isang tao. Sa kaso ni Gary, siya ay gabi-gabing nag i-ihi sa kaniyang kama, tinutulungan siya ng
kanyang ina na linisin ang kaniyang higaan tuwing ito ay nangyayari.’

‘Ngunit bilang isang 13 taong gulang na bata, siya ay nakakaramdam ng magkahalong pagkailang at galit
sa tuwing nililinisan ng kaniyang ina ang kaniyang ari matapos niyang mag-ihi sa kaniyang kama.
Kalaunan ay nagsimula siyang mag-isip ng mga hindi magagandang bagay tungkol sa kaniyang ina, na
minsang umabot sa punto na gusto niya itong patayin.’

‘Ang kanyang nararamdamang pagka-muhi ay nag resulta sa isang hindi magandang pangyayari. Noong
siya ay 16 na taong gulang, inaya niya ang isang 6 na taong gulang na bata na mag-laro sa loob ng
kakahuyan. Dito ay sinaksak niya ang bata sa tagiliran at naapektuhan ang atay ng bata, nakaligtas ang
bata matapos ang insidente.’

‘Huminto ng isang taon sa pag-aaral si Gary dahil sa kanyang sakit na Dyslexia, isang sakit kung saan
nahihirapan siyang magbasa, magsulat at mali-maling spelling, siya din ay mayroong IQ level na hindi
bababa sa 80. Ito ay nangangahulugan na hirap siya sa pag-proseso at pag-rehistro ng ilang bagay sa
kaniyang utak, isang dahilan kung bakit hindi siya nakakasabay sa kaniyang mga kaklase sa paaralan. Siya
ay nag-tapos sa high school noong 1969 sa edad na 20.’
‘Pagka-tapos niyang magtapos ng pag-aaral sa high school ay pinakasalan niya ang kaniyang nobya.
Sumali si Gary sa United States Navy at nagsilbi sa isang supply ship kung saan niya natutunan ang self-
defense dahil sa kanilang training. Ngunit nagsimula din siyang matukso dahil habang siya ay nagsisilbi sa
Navy ay iba’t-ibang babae ang kaniyang kinakama, karamihan dito ay mga bayarang babae. Dahil dito ay
nagkaroon siya ng sakit na Gonorrhea, isang klase ng sakit na nagmumula at nakakahawa sa
pamamagitan ng pakikipagtalik. Doon nagsimula ang kaniyang pagka-muhi sa mga babaeng nag-aalok ng
serbisyo. Upang makaganti, ay nakikipag talik padin siya sa mga ito ngunit hindi siya gumagamit ng
proteksyon para mahawaan niya ito ng kanyang sakit.’

‘Muling ikinasal si Gary sa kaniyang pangalawang asawa noong 1973. Inilarawan ng kaniyang asawa si
Gary bilang isang relihiyosong lalaki. Di umano, ang mga gawi nito ay parang isang literal na maka-Diyos
na tao. Lagi itong umiiyak matapos ang sermon ng pastor, nagbabasa ng bibliya sa bahay at trabaho at
lagi nitong sinasabihan ang asawa nito na sundin ang mga pangaral ng kanilang pastor.’

‘Di nagtagal, tulad ng kaniyang ama, ay naging bukam-bibig din niya ang pagka-muhi sa mga bayarang
babae na pakalat kalat sa kanilang bayan, ngunit sa kabila nito ay ikinuwento ng kaniyang dalawang
naging asawa na naging hayok sa pakikipag-talik si Gary. Hindi daw maaaring lumipas ang isang araw na
hindi ito nag-aaya na makipagtalik, kahit sa mga pampubliko o magubat na lugar ay inaaya nito ang
kaniyang asawa.’

‘Nagkaroon ng anak si Gary sa kaniyang pangalawang asawa. Kuwento ng kaniyang anak, mula sa
kaniyang pananaw ay isang normal na ama si Gary, mabait at laging nasa tabi niya. Ngunit lingid sa
kaalaman ng kaniyang anak, ay ginagamit na siya ng kaniyang ama para sa itinatago nitong sikreto.’

‘1980’s nang magsimula ang kaniyang malagim na plano. Una siyang naaresto dahil sa pag-sakal sa isang
bayarang babae, ngunit nakalusot siya dito sa kadahilanang kinagat siya ng babae at self-defense lamang
ang kaniyang ginawa.’

‘Di-kalaunan, limang katawan ang natagpuan sa Green River sa magkakaibang linggo. Isa na dito ay ang
unang biktima ni Gary na isang 16- taong gulang na babae, si Wendy Lee Coffield, ito ay kinilala bilang isa
sa mga dalaga na naglayas sa isang bahay ampunan. Isang linggo matapos siyang mag-layas ay nakita
ang kaniyang katawan sa Green River.’

‘At dito na nagsimula ang bansag sa mga susunod pang krimen, ang ‘Green River Killer.’’

‘Sa pagitan ng 1980s at 1990s ay umabot sa mahigit 40 ang bilang ng mga babae na kaniyang hinalay at
pinatay, karamihan dito ay mga bayarang babae o kaya ay mga dalaga na tumakas sa mga bahay
ampunan. Ayon sa police report ay ginagamit ni Gary ang litrato ng kaniyang anak para maisakatuparan
niya ang kanyang malagim na plano. Lalapitan niya ang mga biktima at kunwari ay mag-tatanong tungkol
dito, kapag nakuha na nito ang loob ng kaniyang biktima ay tsaka niya isasagawa ang krimen. Karamihan
ng mga biktima ay namamatay matapos silang sakalin ni Gary.’

‘Sinubukang pigilan ni Gary ang kaniyang pagka-lulong sa pakikipag-talik. Umabot sa punto na


binabalikan niya ang mga tinapon niyang patay na katawan at saka siya makikipagtalik ulit sa mga ito
upang maiwasan niya nang pumatay pa ulit, ngunit hindi pa rin niya mapigilan ang malakas na tawag ng
laman.’

‘Noong taong 1982, ay bumuo ng Task Force ang kapulisan upang hanapin ang salarin sa krimen, ito ay
tinawag na ‘Green River Task Force’. Taong 1983 ay kinilala si Gary bilang isa sa mga salarin matapos
siyang ituro ng isang witness sa pagka-wala ng isang bayarang babae. Itinanggi ni Gary ang spekulasyon
sa kanya at ito ay napatunayang nagsasabi ng katotohanan matapos nitong sumailalim sa isang lie
detector test.’

‘Matapos mag-halungkat ang mga pulis sa mga record ni Gary ay nakakita sila ng isang kahina-hinalang
report. Dito nakatala na si Gary ay nakita na may kasamang isang bayarang babae sa loob ng isang naka-
paradang sasakyan, inimbestigahan ng mga pulis ang lugar na pinangyarihan at doon ay nadiskubre nila
ang isang katawan ng babae.’

‘Taong 1987 ay naka-kuha ng search warrant ang mga pulis para bigyang pahintulot na halughugin ang
bahay at lugar na pinag-tatrabahuhan ni Gary. Ngunit matapos ang masusing pag-hahanap ay bigong
makahanap ng ebidensya ang mga pulis laban kay Gary.’

‘Dahil sa bigong imbestigasyon, ay nanghingi ng DNA sample ang pulisya mula kay Gary, kumuha sila ng
sample ng buhok at laway mula rito. Ngunit sa panahong iyon ang teknolohiya ay hindi gaanong ka-
asensado kaya’t hindi matukoy ng mga pulis kung ang sample ba na nakuha nila ay tugma sa
ebidensyang naiwan sa katawan ng mga biktima.’

‘Taong 2001 ay lumabas ang resulta ng DNA test at nag-tugma ang resulta ng DNA ni Gary sa semilya na
natagpuan sa katawan ng mga biktima. Inaresto si Gary habang siya ay pauwi galing sa kaniyang trabaho.
Noong una ay itinanggi niya ang paratang sa kaniya, ngunit kalaunan ay inamin din niya ito.’

‘Siya ay unang sinentensyahan ng kamatayan, ngunit ito ay napababa sa habam-buhay na


pagkakakulong matapos makipag-negosasyon ang kaniyang abogado para sa isang ‘plea bargain’. Ito ay
isang paraan kung saan aaminin ni Gary ang mga paratang sa kanya at siya ay makikipag-tulungan sa
mga otoridad, kapalit nito ay ang pag-baba ng kaniyang sintensya.’

‘Nobyembre taong 2003 ay ibinunyag ni Gary ang mga lokasyon kung saan niya itinago ang katawan ng
kaniyang mga biktima. Karamihan ng kaniyang biktima ay pinatay niya umano sa loob ng bayan ng King
Country, Washington pero ang dalawa sa kaniyang mga biktima ay dinala niya sa Portland upang lituhin
ang imbestigasyon ng mga pulis.’

‘Disyembre taong 2003 ay sinentensyahan na si Gary ng 48 life sentences with no possibility of parole, o
habam-buhay na pagkaka-kulong para sa 48 na buhay ng mga biktimang kanyang walang awa na
pinatay. Ito na ang pinaka-mababang hatol na ipinataw sa kanya kapalit ng kamatayan. Siya din ay
pinatawan ng dagdag na 10 taong pagkakakulong sa bawat biktima niya dahil sa pag-tapon o pag-sira
niya sa mga ebidenysang laban sa kanya, ang kaniyang 48 year life sentence ay nadagdagan pa ng 480
years.’
‘Noong February 2004, ay inilabas ng hukuman ang isang taped-interview ni Gary at inamin niya na
umabot sa 65 na babae ang kaniyang pinatay,habang sa isang panayam naman noong Disyembre 2003,
ay inamin niya ang pagpatay sa 71 babae at tinawag niya ang mga krimen na ito bilang isang ‘career’.
Ibig sabihin ay may mga ilan pa siyang mga biktima na wala sa listahan ng mga pulis dahil sinadya niya
itong hindi itapon sa Green River upang malihis ang imbestigasyon laban dito.

‘Ang kaniyang mga biktima ay mga babaeng nasa edad 14 hanggang 38 ayon sa report ng mga pulis. Ang
mga labi ng mga biktima ay natagpuan sa iba’t ibang parte ng King Country.’

‘Gary Ridgeway, isang bata na produkto ng isang magulong pamilya, walang ibang naramdaman kundi
ang pagka-muhi dahil sa kaniyang mga nasaksihan sa loob ng kaniyang tahanan. Isang binata na hindi
nabigyan ng tamang patnubay at gabay ng kaniyang mga magulang. Isang asawa na dala ang mga
karanasang hindi niya kayang pigilan.’

‘Isang lalaki na piniling gumanti sa mga babaeng walang laban, isang pag-hihiganti na hindi
makatarungan. Nang dahil sa kanyang masalimuot at magulong nakaraan, mula sa pagkabata hanggang
pagtanda,ay naapektuhan ang kaniyang murang kaisipan para magpahirap at kumitil sa mga babaeng
walang kinalaman at kamalay-malay.’

_________________INSERT CHANNEL OUTRO________________

You might also like