ng taong ito, nang dumating ang Executive Order No. 4 ng ating gobernador na si Antonio T. Kho, na nag-uutos na isuspende ang lahat ng klase sa buong probinsya ng Masbate dahil sa pandemyang COVID 19. Sinasamahan ko noon ang mga mag-aaral natin sa BMC sa kanilang pagsasanay para sa entri ng ating paaralan sa gaganaping Pangumagat Festival sa buwan ng Abril. Samantala, sa mga oras ding iyon, ang mga mag-aaral nating nasa 4th year ay patapos naman sa kanilang practice teaching sa iba’t ibang paaralan sa munisipyo ng Balud. Sa isang iglap, nagbago ang lahat. Kasunod nito ang samot’ saring balita sa telebisyon, radyo at social media tungkol sa pataas na pataas na kaso ng COVID-19 sa buong mundo. Nadagdagan lalo ang takot natin nang nagdeklara ng lockdown ang ating lokal na pamahalaan dito sa Balud noong Marso.
Sa kasalukuyan, higit dalawamput limang
milyon na ang nahawa ng COVID-19 sa buong mundo. Higit walong daang libo naman ang namatay.
Sa Pilipinas, dalawang daang libong Pilipino
ang kabuuang bilang ng nahawa at higit sa tatlong libo ang namatay. Dito sa atin sa munisipyo ng Balud, nagpositibo rin ang ilan sa ating mga kasimanwa, ngunit ngayon ay COVID-free na muli tayo.
Limang buwan simula noong araw na iyon ng
paglabas ni Gobernador Kho ng Executive Order No. 4, sa kabutihang palad, narito pa rin tayo. Buhay na buhay at nagsisimula nang masanay sa tinatawag nating new normal, kung saan ang virus ay nariyan lang sa paligid.
Hindi ko alam kung sumagi sa isip ninyo ang
tanong na ito: Bakit kaya sa kabila ng lahat, palaban pa rin tayong mga Pilipino at Baludeño?
Alam kong marami tayong naiisip na dahilan
pero ang tradisyong Pilpino na ito na babanggitin ko ay tiyak na sasang-ayunan ninyo. Bayanihan. O pagtutulungan. Ito ang pagkilos ng lahat para matulungan ang mga nahihirapan sa buhay. Sa social media, nabusog tayo sa mga kuwento ng bayanihan sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. May isa tayong kababayan, isang Baludeño, na hinangaan sa social media dahil sa pag-tutor niya sa mga kabataang nahinto sa pag-aaral dahil sa pandemya.
Dito sa atin sa Balud, may mga indibidwal na
kusang tumulong para magbigay ng ayuda sa ating mga kababayan, katulad na lamang mga estudyante at kawani ng BMC na tumulong sa pagbalot ng mga relief goods na ipinamahagi ng LGU sa mamamayan. Ang ilan naman sa ating mga campus journalist ay nag-ikot sa iba’t ibang barangay para magdikit ng mga tarpapel na naglalaman ng mahahalagang impormasyon tungkol sa pandemya. May mga estudyante rin tayong gumamit ng kanilang talento upang gumawa ng kanta na magpapaalala sa atin na laging magsuot ng face mask at dumistansya.
Sa mga bayanihang ito, mayroong isang
common denominator, isang bagay na laging present, at marahil, dahil nariyan lang, ay hindi natin napapansin ang napakalaking ambag sa ating pagbabayanihan. Ito ay ang ating wika na nagbubuklod-buklod sa ating lahat.
Ang ating mga executive order, anunsyo, balita,
kanta, pakikipagkumusta sa ating mga kapamilya, kaklase at kaibigan, lahat ng ito ay posible dahil sa wika, wikang Filipino man, Ingles, Masbateño, Ilonggo, o anupaman. Walang bayanihan kung wala ang wika.
Sa panahong ito ng krisis, lalo pa’t papalapit na
ang araw ng pasukan, nawa’y mas pag- ibayuhin pa natin ang naaabot ng ating pagtulong sa pamamagitan ng pagtungo at paglapit natin mismo sa mga higit na nangangailangan, sa mga pinakanaghihikahos sa buhay, sa mga walang internet at kuryente, sa mga hirap mag-aral dahil prayoridad ang kumita para may maihain sa hapag-kainan. Sadyain natin ang mga nasa kasuluk-sulukan ng ating pamayanan.