Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

Pagsisinop ng Tala at Bibliyograpiya

PANALANGIN
Inililinaw ni Lumbera (2000) ang halaga ng wikang
pambansa para sa inklusyon ng mayorya ng
sambayanang Pilipino sa sumusunod: Ang usapin ng
wikang pambansa ay usaping kinasasangkutan ng
buhay ng milyon-milyong Pilipino na hindi
nakapagsasatinig ng kanilang adhikain at pananaw sa
kadahilanang ang nasa pamahalaan, paaralan at iba-
ibang institusyong panlipunan ay sa Ingles
nagpapanukala at nagpapaliwanag.
Ang milyon-milyong mamamayang iyan ang hindi
nakapagrireklamo kapag sila’y pinagsasamantalahan,
hindi nakapaghahain ng kanilang mga katwiran kapag
sila’y niyuyurakan, at hindi nakapaggigiit ng kanilang
mga karapatan kahit na sila ang nasa tama.
Kailangan nila ang wikang magiging daluyan ng
kanilang mga hinaing, pangangatwiran at
pagsasakdal, at ang wikang pambansa ang
makapagdudulit nito sa kanila.
PARAPHRASE O BUOD PAGTATALA NG MAIKLING
SIPI
Kung direkta kang sumipi sa tiyak na gawa ng isang
manunulat. Kailangan mong isama sa pagbanggit ang
pangalan ng awtor, taon ng publikasyon, at bilang ng
pahina para sa sanggunian. Ipinakikilala ang sipi sa
pamamagitan ng isang panandang diskurso na
naglalaman ng apelyido ng awtor na sinusundan ng
petsa ng publikasyon na nasa loob ng saknong.
PAGBANGGIT SA AKDANG HINDI TIYAK
ANG AWTOR Ayon kay Lumbera (2000)
“Ang usapin ng wikang pambansa ay usaping
kinasasangkutan ng buhay ng milyonmilyong
Pilipino na hindi nakapagsasatinig ng kanilang
adhikain at pananaw sa kadahilanang ang nasa
pamahalaan, paaralan at iba-ibang institusyong
panlipunan ay sa Ingles nagpapanukala at
nagpapaliwanag”
PAGSISINOP NG TALA AT BIBLIYOGRAPIYA
Ang kabuuan ng pagtalakay sa pananaliksik ay
kinapapalooban ng iba’t ibang pagbabanggit sa
mga kaugnay na konsepto o teorya, o
kinalabasan ng ibang pananaliksik na
nagpapatibay sa nais patunayan ng
isinasagawang pag-aaral. Mahalaga ang
masinop na dokumentasyon upang kilalanin ang
pinnagmulan ng ideya at batis ng impormasyon
na ginamit sa buong pananaliksik
PAGSULAT NG BIBLIYOGRAPIYA
Ang talaan ng sanggunian ay nasa pinakahuling
bahagi ng papel pananaliksik. Dito makikita ang
mga impormasyon na kailangan upang
mahanap ang lahat ng sanggunian na ginamit sa
katawan ng pananaliksik. Lahat ng binangit na
ideya at impormasyon mula sa ibang
sanggunian at kailangang isama sa
sangguniang ito.
SANGGUNIAN
Ang sanggunian ay isinusulat sa panibagong pahina at
nakahiwalay sa mismong teksto ng papel pananaliksik.
Nilalagyan ito ng titulong “Talaan ng Sanggunian” o
“Bibliyograpiya” na Ngunit kung hindi tiyak ang awtor at petsa ng
pagkalathala, ginagamit ang una hanggang dalawang salita sa
pamagat ng artikulo sa panandang diskurso at ginagamit ang
“n.d” para tukuyin ang kawalan ng petsa.
May ilang pangkalahatang gabay sa
pagsulat ng Bibliyograpiya sa estilong
APA:

1. Lahat ng linya pagkatapos ng unang


linya sa bawat sanggunian ay nakapasok
o indented na may kalahating pulgadang
sukat.
2. Tinatawag itong hanging indention.
Baligtad ang pagkasulat ng pangalan ng
awtor. Itinatala ang pangalan ng lahat ng
awtor hanggang pito, ngunit kapag ang akda
ay may awtor na higit sa pito, ilista lamang
ang hanggang anim na awtor at gumamit ng
ellipses pagkatapos ng ikaanim na pangalan.
Pagkatapos ng ellipses ilista ang
pinakahuling awtor ng akda.
3. Kailangang alpabetikal ang pagkaayos ng mga sanggunian batay sa
apelyido ng unang awtor sa unang sanggunian.
4. Para sa higit sa isang artikulo na isinulat ng iisang awtor, ilista ang
mga sanggunian sa kronolohiyang paraan, mula sa pinakaluma
hanggang sa pinakabagong petsa ng publikasyon.
5. Itala ang buong pangalan ng journalat panatilihin ang orihinal na
paraan ng pabaybay, paggamit ng maliit o malaking letra at bantasna
ginamit sa pamagat ng journal.
6. Isulat sa malaking letra ang lahat ng pangunahing salita sa pamagat
ng journal.
PAGBANGGIT SA MGA PERSONAL NA
KOMUNIKASYON
Para sa mga panayam, sulat, e-mail o iba
pang personal na komunikasyonbanggitin
ang pangalan ng nagbigayng impormasyon
at ang petsa ng komunikasyon. Hindi na
kailngang ilagay sa talaan ng sanggunian
ang mga personal na komunikasyon.
PAGBANGGIT SA HINDI DIREKTANG
SANGGUNIAN
Kung gagamit ng sanggunian na binangit sa
isapang sanggunian,kailangang ang orihinal
na pinagkunan ng ideya sa panandang
diskurso. Itala lamang ang sekondaryang
sanggunian sa talaan ng bibliyograpiya kung
ito lamang ang sinanguni at isama rin sa loob
ng saknong.
ELEKTRONIKO
NG SANGGUNIAN
Kung posible binabanggit din ang
mga elektronikong sanggunian
gaya ng iba pang dokumento sa
pamamagitan ng apelyido ng
awtor at taon ng pagkalathala.
PAGBANGGIT SA AKDA NA MAY ISANG HIGIT NA
AWTOR
Para sa mga akdang may higit sa isang awtor, maaaring
ilista ang mga apelyido ng awtor sa mismong teksto o sa
loob ng saknong. Para sa mga akdang may higit sa
tatlong awtor, maaaring gamitin ang impormasyon
bibliyograpikal para maging gabay ng pagbanggit.
Maaaring ilagay ang apelyido ng naunang awtor sa
sinusundan ng et al. o kaya ay isa-isang ilista ang lahat
ng apelyido ng mga awtor.
VIDYO
MAIKLING
PAGSUSULIT

You might also like