Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Balangkas sa Pagsulat ng Posisyong Papel

Sa pagbuo ng balangkas kailangan masunod ang pormat sa pagsulat ng


posisyong papel.
1. Panimula
Sa pagsulat pa lamang ng simula kailangan mailahad nang maayos ang paksa

at ang katwiran ukol sa pinapanigang isyu upang makumbinsi ang mga

mambabasa na pumanig sa nasabing posisyon. Kapag sa simula ay maipakita

ang kahinaan ng argumento mas madali makukumbinsi ang mambabasa na

paniwalaan angposisyon.

2. Katawan (Lohikal pagkakasunod-sunod ng mga argumento at mga ebidensya) –


Sa pagsulat ng katawan mahalaga ang lohikal na pagkakasunod-sunod ng

mga argumento at mga ebidensya. Sa bawat argumento, mahalagang

mapatunayan na mali o walang katotohanan ang binabato o mga argumentong

tumutol sa iyong tesis. Sa bawat paglalahad ng pangangatwiran bigyan ito ng mga

matitibay na mga batayan mula sa mga pinagkakatiwalaang datos upang

maipakita na makatotohanan ang iyong posisyong pinaglalaban.Mas higit na

kapanipaniwala kapag may tatlo o higit pang matitibay na mga ebidensya na

gagamitin para madepensahan ang pinapanigang posisyon.

3. Kongklusyon
Sa kongklusyon, ilahad muli ang argumento at ang talakayin ang magiging

implikasyon nito.

Bawat isa ay may mga kanya-kanyang opinion sa bawat isyu.May mga sang-

ayon at may mga di-sang-ayon sa isyu.Ang posisyon ng bawat indibidwal ay

makakatulong upang magkaroon ng kamalayan sa pangyayari sa ating lipunan.


Nariyan ang isyu ng pagtanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad.Anong

Paninindigan mo tungkol sa nasabing isyu?Sang-ayon ka ba o di kasang-ayon?

Kapag nagsusulat ng posisyong papel, sa umpisa pa lamang ay

inilalahad na nag malinaw na komposisyon ng pagtututol. Dapat isa- isahin

ang malilinaw na batayan sa simpleng paraan at maiintindihan ng

karaniwang tao. Dapat isaalang-alang ang kultura ng bayang sinilangan sa

pagsulat ng posisyon.Isa sa layuninng Posisyong papel ay manghikayat.

You might also like