Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

NUEVA VIZCAYA GENERAL COMPREHENSVE HIGH SCHOOL

Bayombong
FILIPINO DEPARTMENT

WEEKLY HOME LEARNING PLAN


Learning Area FILIPINO School Year 2020-2021
Grade Level GRADE 9 – Apollo at Gemini Quarter THIRD
Subject Teachers Erwin Joseph D. Dumelod Class Adviser
Date & Time Code Specific Topics Learning
Learning Competencies
Tasks
WEEK 1 MELC 1 F9PB- IIIa- 50 Pang-uugnay ng pangyayari sa Gawain 2
MELC 1-3 Napatutunayang ang mga pangyayari sa binasang parabula sa tunay na pahina 7
March 22-26 binasang Parabula ay maaaring maganap buhay
sa tunay na buhay sa kasalukuyan. Ang Parabula ng Alibughang
Anak
MELC 2 F9PU- IIIa- 53 Pagsusulat ng Isang Anekdota, Gawain 4
Naisusulat ang isang anekdota o liham na Elihiya at Liham pahina20
nangangaral; isang halimbawang Elehiya
MELC 3 F9WG-IIIa-53 Matatalinghagang Pahayag Gawain 3
Nagagamit nang wasto sa pangungusap pahina 24
ang matatalinhagang pahayag.
Remarks: 1. Ang mga sagot sa mga nakatakdang gawain ay ilagay sa sagutang papel (yellow pad paper)
2.Gumamit ng colored paper o short bond paper sa paggawa ng portpolyo. Sundin ang pormat sa pagbuo ng portpolyo.
3.Gawin ang lahat ng mga takdang gawain nang buong kasipagan at katapatan

GAWAING PAGKATUTO 1
Pang-uugnay ng pangyayari sa binasang parabula sa tunay na buhay
Kasanayang Pampagkatuto at Koda
Napatutunayang ang mga pangyayari sa binasang Parabula ay maaaring maganap sa tunay na buhay sa
kasalukuyan. F9PB- IIIa- 50
ANG KANLURAN AT TIMOG ASYA
Ang Kanlurang Asya ay binubuo ng mga bansang Armenia, Azerbaijan, Bahrain, Cyprus, Georgia, Iraq,
Iran, Jordan, Kuwait, Lebanon, Oman, Palestine, Qatar, Saudi Arabia, Syria,, Turkey, United Arab Emerates, at
Yemen.
Ang Iraq na ang dating pangalan ay Mesopotamia ay kilala sa taguring Fertile Crescent dahil sa
mayamang lupain nitong kahugis ng kabiyak na buwan dulot ng dalawang ilog na matatagpuan sa lugar – ang
Tigris at ang Euphrates. Ang mga gawaing panrelihiyon tulad ng dalit, salmo, alamat, mga pinagmulan at
kasaysayan ng bayani ang bumubuo sa panitikang Babylonian (Iraq). Isang kasaysayan na tumutukoy sa mga
gawa ng Gilgamesh, isang bayani na naniniwalang siya’y kamatayan o mayroong walang hanggang buhay. Ang
kasaysayan ng pagkakalikha ng mundo at ang malaking baha na nagwasak dito ay may kaugnayan sa epiko.
Sa Timog Asya naman kabilang ang mga bansang Afganistan, Bangladesh, Bhutan, Maldives, Nepal ,
Pakistan, Sri Lanka at India. Pinakakilala rito ang epikong Sanskrit na Ramayana at Mahabharata. Dito rin
nagmula si Rabindranath Tagore, isang Nobel Prize Winner sa Panitikan noong 1913.
Mula rin sa India ay hiniram naman ng mga Arabe ang mga bilang na magpahanggang ngayon ay atin
pa ring ginagamit—ang tinatawag na “Arabic” na mga bilang. Nakasalig ang kanilang mga panitikan at panulat
sa Koran na nasusulat din sa wikang Arabic na siyang wika ni Mohammed, ang kanilang propeta. Sa mga Kwento
sa “ Mga Gabi sa Arabia” (Arabian Nights) ay nakabibihag ang kagandahan ng kulturang Muslim.

FILIPINO 9 Apollo & Gemini IKATLONG MARKAHAN MELC 1-3 Linggo 1


Note: Observe personal hygiene and protocol all the time.
NUEVA VIZCAYA GENERAL COMPREHENSVE HIGH SCHOOL
Bayombong
FILIPINO DEPARTMENT

Parabula ng Alibughang Anak

May isang mayamang ama ang may dalawang anak na lalaki. Ang wika ng
bunso, “Ama, ibigay na po ninyo sa akin ang mamanahin ko.” At ibinahagi sa kanila ng ama ang
kaniyang ari-arian. Pagkalipas ng ilang araw, ipinagbili ng bunso ang kaniyang ari-arian at nagtungo
sa malayong lupain, taglay ang buo niyang kayamanan, at doo’y nilustay na lahat sa di wastong
pamumuhay. Nang malustay na niya ang kaniyang kayamanan, nagkaroon ng matinding taggutom
sa lupaing yaon, at nagdalita siya. Kaya’t namasukan siya sa isang mamamayan sa lupaingh yaon.
Siya’y pinapunta sa bukid upang mag-alaga ng baboy. Ibig sana niyang punan ang kaniyang pagkain
kahit ng mga bungang-kahoy na ipinakakain sa mga baboy ngunit walang magbigay sa kaniya. Nang
mapag-isip- isip niya ang kaniyangn ginawa, nasabi niya sa kaniyang sarili, “Ang mga alila ng aking
ama ay may sapat na pagkain at lumalabis pa, samantalang ako’y mamamatay na sa gutom dito.
Babalik ako sa kaniya at sasabihin ko ‘Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako
karapat-dapat na tawagin ninyong anak; ibilang na lamang ninyo akong isa sa inyong mga alila.’
“At tumindig siya at pumaroon sa kaniyang ama.
Malayo pa’y natanawan na siya ng kaniyang ama at ito’y labis na nahabag sa
kaniya. Kaya’t patakbo siyang sinalubong, niyakap, at hinagkan. Sinabi ng anak, “Ama, nagkasala
po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawagin ninyong anak.” Ngunit tinawag
ng ama ang kaniyang mga alila, “Madali! Dalhin ninyo rito ang pinakamahusay na damit at isuot sa
kaniya. Suotan siya ng singsing at panyapak. Kunin ang pinatabang guya at patayin; kumain tayo at
magsaya! Sapagkat namatay na ang anak kong ito, ngunit muling nabuhay; nawala, ngunit
nasumpungan.” At sila’y nagsaya.
Nasa bukid noon ang anak na panganay. Nang umuwi siya at malapit na sa bahay
at narinig niya ang tugtugan at sayawan. Tinawag niya ang isa sa mga alila at tinanong. “Bakit? May
ano sa atin?” “Dumating po ang inyong kapatid!” tugon ng alila. “Ipinapatay ng inyong ama ang
pinatabang guya sapagkat nagbalik siyang buhay at walang sakit.” Nagalit ang panganay at ayaw
nitong pumasok sa bahay. Kaya’t lumabas ang kaniyang ama at inamu-amo siya. Ngunit sinabi niya,
“Pinaglingkuran ko po kayo sa loob ng maraming taon, at kailanma’y hindi ko kayo sinuway. Ngunit
ni minsan ay hindi ninyo ako binigyan ng kahit isang birisong kambing para magkatuwaan kami ng
aking mga kaibigan. Subalit nang dumating ang anak ninyong lumustay ng inyong kabuhayan sa
masasamang babae, ipinagpatay pa ninyo ng pinatabang guya!” sumagot ang ama, “Anak, lagi kitang
kapiling. Ang lahat ng ari-arian ko ay sa iyo. Ngunit dapat tayong magsaya at magalak sapagkat
namatay na ang kapatid mo, ngunit muling nabuhay; nawala ngunit muling nasumpungan.”
Mula sa Lukas 15:11 - 32

FILIPINO 9 Apollo & Gemini IKATLONG MARKAHAN MELC 1-3 Linggo 1


Note: Observe personal hygiene and protocol all the time.
NUEVA VIZCAYA GENERAL COMPREHENSVE HIGH SCHOOL
Bayombong
FILIPINO DEPARTMENT

Gawain 2. Pag-unawa sa Binasa:


1. Anong uri ng ama ang ama sa akdang binasa?

2. Kung ikaw ang ama sa parabula, ibibigay mo ba ang hinihinging mana ng iyong anak
kahit ikaw ay buhay pa? Bakit?

3. Nakabuti ba sa bunsong anak ang pagkuha agad ng kaniyang mana? Ipaliwanag.

4. Paano nilustay ng bunsong anak ang nakuha niyang mana?

5. Ano ang ibinunga ng kaniyang pagtatakwil sa magulang? May kilala ka bang anak na
ganito ang kinahinatnan ng buhay dahil sa pagiging alibugha?

6. Makatarungan ba ang ginawa ng amang pagtanggap sa kaniyang anak na muling


nagbalik? Kung ikaw ang nasa katayuan ng ama, ganoon din kaya ang iyong
gagawin?Ipaliwang.

FILIPINO 9 Apollo & Gemini IKATLONG MARKAHAN MELC 1-3 Linggo 1


Note: Observe personal hygiene and protocol all the time.
NUEVA VIZCAYA GENERAL COMPREHENSVE HIGH SCHOOL
Bayombong
FILIPINO DEPARTMENT
7. Masisisi mo ba ang anak na panganay na makaramdam ng hinanakit sa kaniyang ama?
Kung ikaw ang nasa kaniyang kalagayan, ganoon din kaya ang iyong gagawin? Bakit?

8. Kung ikaw ang nakababatang kapatid, ano ang gagawin mo upang mabawasan ang
hinanakit at pagtatampo ng iyong kapatid?

GAWAING PAGKATUTO 2
Pagsusulat ng Isang Anekdota, Elihiya at Liham

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Naisusulat ang isang anekdota o liham na nangangaral; isang halimbawang Elehiya
F9PU- IIIa- 53
May dalawang uri ng panitikan upang alalahanin ang mabuti nagawa ng isang tao.

ANEKDOTA – ang anekdota ay isang maikling pagsasalaysay ng isang makatawag-pansin o


nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang tao na kadalasa’y kilala o tanyag.
Ang pagsasalaysay ay karaniwang maikli at ang pangyayari ay maaaring totoong nangyari sa
buhay ng nasabing tao o maaari ding mga likhang-isip lamang subalit nahahawig sa
katotohanan.
Ang anekdotang hango sa tunay na buhay ng isang tao ay nagbibigay ng
pagkakaton upang lalo pang makilala ng mga mambabasa o tagapakinig ang totoong pagkatao
o ang personal na buhay ng taong pinatutungkulan nito.
Ang anekdota namang likhang isip at hindi batay sa tunay na buhay ay madalas
na may paksang katawanan subalit may taglay na mensaheng kapupulutan ng aral ng mga
tagapakinig o mambabasa.
Nagagamit ang anekdota upang makapagbigay aliw, makapagturo o
makapagbigay aral patungkol sa isang paksa.
Sa pamamagitan nito maipapasilip nila ang isang bahagi ng kanilang buhay na
maaaring kapulutan ng aral o pagnilayan ng mambabasa o tagapakinig at maiugnay rin sa
paksang tinatalakay.

FILIPINO 9 - Apollo & Gemini IKATLONG MARKAHAN MELC 1-3 Linggo 1


Note: Observe personal hygiene and protocol all the time.
NUEVA VIZCAYA GENERAL COMPREHENSVE HIGH SCHOOL
Bayombong
FILIPINO DEPARTMENT

Tsinelas ni Jose-Rizal
Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna. Bughaw na may halong luntian kapag
walang sigwa. Ang tunig sa wawa ay napapligiran ng mga kawayang sumasayaw na tila umiindak kapag
nahihipan ng hangin.
Ang mga bangkang may layag ay parang nga paruparong puti na naghahabulan. Ang bangka ay
karaniwang gawa sa kahoy na inukit sa matibay na kahoy na nakukuha sa aming gubat. Kung minsan ito
ay may dalawang katig na gawa sa matitibay at mahabang kawayan upang ang bangka ay hindi gumiwang
kapag ito ay nakatigil sa tubig. Karamihan sa gamit nito ay pangingisda ngunit sa aming lalawigan, ang
bangka’y ginagamit namin sa paglalakbay lalo na sa pagtawid sa ibayo ng dagat. Mas mabilis ito kaysa
gumamit ngkalabaw o ng karatela.
Naalala ko pa noon kasalukuyang kaming nakasakay sa bangka nang humalagpos ang isa kong
tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran kung saan ang bakya
na gawa sa kahoy ay hindi nararapat. Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin.
Malungkot ako dahil inisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas.
Tinignan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali- dali kong
itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas.
“Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?” tanong sa akin ng kasamahan ko sa bangka.
“Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang tsinelas na nasa akin ay wala
ring silbi sa akin. Kung sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit niya ito sa
kaniyang paglalakad.
Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil naunawaan niya ang isang batang katulad ko.

ELEHIYA – Ang elehiya ay isang tulang nagpapahayag ng damdamin o paggunita sa isang nilalang na
sumakabilang-buhay na. Ito ay isang tulang liriko na naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guniguni na
nagpapakita ng masidhing damdamin patungkol sa alaala ng isang mahal sa buhay. May katangian ang elehiya.
Ito’y tula ng pagnanangis, pag-aalaala, at pagpaparangal sa mahal sa buhay na ang himig ay matimpi at
mapagmuni-muni at di masintahin. Binibigyang- parangal dito ang mga nagawa ng yumao.

Elehiya sa Kamatayan ni Kuya


(isinalin sa Filipino ni Pat V. Villafuerte)

Hindi napapanahon!
Sa edad na dalawampu’t isa, isinugo ang buhay
Ang kaniyang malungkot na paglalakbay na hindi na matanaw
Una sa dami ng aking kilala taglay ang di-mabigkas na pangarap
Di maipakitang pagmamahal
At kahit pagkaraan ng maraming pagsubok
Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga
Maniwala’t dili panghihina at pagbagsak!

Ano ang naiwan!


Mga naikuwadrong larawang guhit, poster, at larawan
Aklat, talaarawan, at iba pa.
Wala nang dapat ipagbunyi
FILIPINO 9 - Apollo & Gemini IKATLONG MARKAHAN MELC 1-3 Linggo 1
Note: Observe personal hygiene and protocol all the time.
NUEVA VIZCAYA GENERAL COMPREHENSVE HIGH SCHOOL
Bayombong
FILIPINO DEPARTMENT
Ang masaklap na pangyayari, nagwakas na
Sa pamamagitan ng luha naglandas ang hangganan, gaya ng paggunita
Ang maamong mukha, ang matamis na tinig, ang halakhak
At ang ligayang di-malilimutan. \
Walang katapusang pagdarasal
Kasama ng lungkot, luha at pighati
Bilang paggalang sa kaniyang kinahinatnan
Mula sa maraming taon ng paghihirap
at paghahanap ng magpapa
Mga mata’y nawalan ng luha, ang lakas ay nawala
O’ ano ang naganap
Ang buhay ay saglit na nawala
Pema, ang immortal na pangalan
Mula sa nilisang tahanan
Walang imahe, walang anino, at walang katawan
Ang lahat ay nagluksa, ang burol ay bumaba, ang bukid ay nadaanan ng unos
Malungkot na lumisan ang tag-araw
Kasama ang pagmamahal na inialay
Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita
Ang masayang panahon ng pangarap.

Gawain 4:
Panuto : Pagkakataon mo ng sumulat ng sarili mong akda. Mamili sa Anekdota o Elehiya. Umisip
ng kamag-anak, kaibigan, o kakilala na gusto mong alalahanin dahil sa di-malilimutang nagawa
niya na maaaring kapulutan ng aral o pangyayaring kaniyang nagawa noong siya ay nabubuhay
pa. Umisip ng sariling pamagat. Gamitin ang espasyong inilaan sa ibaba. Magdagdag ng papel
kung kinakailangan. Gawing gabay ang rubriks na nasa ibaba.

FILIPINO 9 - Apollo & Gemini IKATLONG MARKAHAN MELC 1-3 Linggo 1


Note: Observe personal hygiene and protocol all the time.
NUEVA VIZCAYA GENERAL COMPREHENSVE HIGH SCHOOL
Bayombong
FILIPINO DEPARTMENT

Pamantayan
Mga Pamantayan Puntos
May orihinalidad at akma ang elehiya o anekdotang nabuo 5
Gumamit ng tamang pahayag sa pagpapasidhi ng damdamin kaya’t lutang 5
na lutang ang damdaming nais na ipahiwatig
Nalapatan ng akma at kaaya-ayang himig ang nabuong akda 5
Naging kawili-wili at nahikayat ang tagabasa/tagapakinig 5
Kabuuan 20
5- napakahusay 4 -mahusay 3 – katamtaman 2- di- gaanong mahusay 1 – maraming kakulangan

GAWAING PAGKATUTO 3
Matatalinghagang Pahayag

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nagagamit nang wasto sa pangungusap ang matatalinhagang pahayag. F9WG-IIIa-53

Ang matatalinhagang pahayag ay ang mga ekspresyong may malalalim na salita o hindi
tiyak na kahulugan. Ito ay humuhubog sa pag- unawa o kaisipan ng mga tao.
Ang Panitikan ay masasabing masining kung ito ay ginagamitan ng mga simbolo at mga
matatalinhagang pahayag. Sa pamamagitan ng paggamit dito ay nagiging misteryoso ang isang
akda. Lumalalim ang mga pahayag na siyang nagbibigay kulay at ganda sa isang panitikan.
Ang ilan sa matatalinhagang pahayag ay ang mga idyoma, salawikain, kasabihan, tayutay
kasama ang mga simbulo tulad ng pagpapakahulugang metaporikal na ginagamit sa isang akda.
Ang Idyoma ay nakasulat sa anyong parirala, nakatago sa likod ng salita ang tunay na kahulugan
nito. Halimbawa nito ay ang pariralang naniningalang pugad (nanliligaw), di mahulugang karayom
( matao) at marami pang iba. Samantala ang kasabihan naman ay isang bukam- bibig ng mga tao
na hango sa kanilang karanasan tulad ng “ Sa kapipili, ang nakuha ay bungi” na ang ibig ipahiwatig
nito ay ang taong mapaghanap at di-makuntento, minsan ay lalong mamalasin.
Ang Salawikain ay ang yong pataludtod na nagsisilbing tuntunin o kautusang kinikilala at
pinatibay ng karanasan at batayan ng magandang pag- uugali tulad ng salawikaing “ Kung may
sinuksok, may madudukot,” “ Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.”
Ang tayutay naman ay may mga iba’t ibang uri tulad ng pagwawangis, pagtutulad,
pagsasatao, pagmamalabis, pag-uyam, sinekdoke at marami pang iba.
Sa araling ito, ikaw ay matututong gamitin nang wasto ang matatalinhagang pahayag sa
isang pangungusap.

FILIPINO 9 - Apollo & Gemini IKATLONG MARKAHAN MELC 1-3 Linggo 1


Note: Observe personal hygiene and protocol all the time.
NUEVA VIZCAYA GENERAL COMPREHENSVE HIGH SCHOOL
Bayombong
FILIPINO DEPARTMENT
Gawain 3
Maliban sa mga matatalinhagang pahayag na nakita sa mga natapos na gawain, subukin
mo namang pag- aralan ang pagpapakahulugang metaporikal. Ang pagpapakahulugang
metaporikal ay tumutukoy sa kahulugan ng salita batay sa representasyon o simbolismo. Ito ay
taliwas sa literal na pagpapakahulugan.
Halimbawa:
Literal Metaporikal
Bola = bagay na ginagamit sa basketbol a. Bola = pagbibiro
Pangungusap: Ipinasa ni Darius ang bola sa Pangungusap: Tumigil ka, puro ka na lang bola.
kaniyang kasama.

Batid kong naunawaan mo na ang metaporikal na pagpapakahulugan. Ngayon naman ay


subuking ibigay ang literal at metaporikal na kahulugan ng bawat bagay sa kahon at gamitin ito sa
pangungusap. Gawing gabay ang halimbawang ibinigay sa itaas.

Bagay
LITERAL na kahulugan
Pangungusap
METAPORIKAL na kahulugan
Pangungusap

Bagay
LITERAL na kahulugan
Pangungusap
METAPORIKAL na kahulugan
Pangungusap

Bagay
LITERAL na kahulugan
Pangungusap
METAPORIKAL na kahulugan
Pangungusap

Bagay
LITERAL na kahulugan
Pangungusap
METAPORIKAL na kahulugan
Pangungusap

FILIPINO 9 - Apollo & Gemini IKATLONG MARKAHAN MELC 1-3 Linggo 1


Note: Observe personal hygiene and protocol all the time.

You might also like