Q4 Arts 5 Week5

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Asignatura ARTS Baitang 5

W5 Markahan 4 Petsa
I. PAMAGAT NG ARALIN Paggawa ng mobile gamit ang iba’t ibang kulay at hugis
II. MGA PINAKAMAHALAGANG Naipapakita ang pagiging malikhain sa paggawa ng mobile gamit ang
KASANAYANG PAMPAGKATUTO iba’t ibang kulay at hugis
(MELCs)
III. PANGUNAHING NILALAMAN Nagagamit ang kaalaman sa kulay, hugis at balanse sa paggawa ng
mobile art.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
I.Panimula (Mungkahing Oras: 5 minuto)

Nakakita ka na ba ng mga palamuting sinasabit at gumagalaw? Ang tawag dito ay mobile art. Karaniwan
itong nabibili sa mga art store, decor shop, at tindahan ng gamit pangsanggol.
Sa araling ito, inaasahan na ang mga bata ay naipapakita ang pagiging malikhain sa pagagawa ng mobile
art gamit ang iba’t ibang kulay at hugis.
Ang kulay ay maaring gamitin sa disenyo na gagawin. Ang hugis ng likhang sining ay mapagyayaman sa
pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang malikhaing hugis. Ang balanse ay mahalaga lalo na sa paggawa ng
mobile sapagkat di magiging malaya ang paggalaw ng mga disenyo o palamuti kung walang balanse ang mga
ito.

Mobile Art

Ang mobile ay isang gawang sining na nagmula sa bansang Tsina. Ginawa mula sa palamuting bubog na may
pinta na nakasabit sa pinto o bintana na tumutunog kapag nahanginan. Ang mobile art ay isang uri ng kenetikong
eskultura na kung saan ang mga bagay ay isinasabit sa mga tali, kawad at kabilya upang malayang makagalaw
at makaikot. Ginagamit itong pandekorasyon sa mga tahanan at maging sa paaralan. Halimbawa nito ay parol at
lampara.

Upang maging makabuluhan ang paggawa ng mobile art, kailangang lagyan ng diwa tulad ng pangangalaga
sa kalikasan, pagpapahayag ng yaman ng kultura, o pagsasalaysay ng isang kuwento. Mas mabuti ring gumamit
ng mga bagay na nagamit na at maaaring i-recycle upang mabigyan ng bagong buhay. Maaari ring gumamit ng
mga found object o mga bagay na napulot tulad ng mga kabibe, maliliit na bato, at iba pa. Ang iyong pagiging
malikhain ang matatag na pagmumulan ng magandang mobile art na magagawa.

http://bit.ly/36fduAV
Mga Bahagi ng Mobile Art

LARAWAN A LARAWAN B

Mobile na may 4 na bahagi Mobile na may 5 na bahagi

https://www.pinterest.ph/pin/394839092325649983/
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
Mga Kasangkapan at Mga Materyales

A. Mga Kasangkapan
1. Pamutol - pliers, gunting, cutter, kutsilyo (depende kung anong uri ng bagay ang bubuo ng inyong proyekto)
2. Panukat -meterstick / ruler
B. Mga Materyales
1. Pandikit – glue
2. Pantali - kawad, lubid, string, naylon, yarn at ib pa.
3. Mga bagay na ikakabit
a. Mga natural na bagay na makikita sa paligid gaya ng mga bahagi ng halaman o bahagi ng isang
hayop.
b. Mga mabibiling bagay sa palengke o mga bagay na dapat itapon ngunit magagamit pa (recyclable
materials)

Mga Hakbang sa Paggawa ng Mobile Art


1. Ihanda ang mga kasangkapan at mga materyales na kakailanganin.
2. Planuhin ang mga disenyo na nais mo.
3. Umpisahan ang pagsasagawa sa pamamagitan ng pag-sketch ng anyo ng iyong proyekto.
4. Isagawa at tapusin ang bawat bahagi ng proyekto.
5. Kapag handa na ang lahat na bahagi, simulan mo ng ikabit o pagdugtungin ang bawat bahagi mula sa
pinakahuli hanggang sa pinakauna upang doon mo makita ang balance point.

Halimbawa: BALANCE POINT

D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 5 minuto)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: TAMA O MALI

Panuto: Tukuyin ang mga kagamitan at paraan sa paggawa ng mobile art. Isulat ang Tama o Mali sa patlang

________ 1. Maaring gamitin ang sirang hanger bilang sabitan ng mga nakolektang bagay sa pamamagitan ng
pagtali dito.
________ 2. Ang simpleng mobile ay maaring gumamit ng mga found object o mga bagay na napulot tulad ng
kabibe, maliliit na bato at iba pa bagay na may iba’t ibang kulay upang ito ay maging maganda at kaaya aya.
________ 3. Isang teknik sa paggawa ng mobile ay ang paggamit ng higit pa sa dalawang disenyong bagay na
palamuti na isasabit sa pamamagitan ng tali na gumagalaw ng malaya na may balanse.
________ 4. Kinakailangan na ang paggawa ng mobile ay may balanse upang gumalaw ang mga disenyong
palamuti ng malaya.
________ 5. Sa paggawa ng mobile, maipakikita ang pagpapahalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng paggamit
ng recycled materials.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 5 minuto)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Halina’t Alamin Natin


Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang mga bagay na dapat mong gawin bago simulan ang paggawa ng mobile art at
ekis (x) kung hindi.

1. _________ Isabit ang nagawang mobile art sa maaliwalas na lugar. Tingnan muna kung ito ay balanse at
umiikot.
2. _________Linising mabuti ang mga nakolektang bagay.
3. _________Isahang talian at isabit sa lumang sanga ng kahoy ang mga nakolektang bagay. Lagyan ng
wastong pagitan.
4. _________ Isaalang-alang ang pagkakatabi ng mga makinis at magaspang na bagay pati na rin ang maliit
at malaking bagay upang magkaroon ng magandang kabuuan.
5. _________Ayusin ang mga bagay na isasabit sa mobile art.
6. _________Siguraduhing may sapat na kaalaman sa paggawa.
7. _________Ihanda ang lahat ng mga kagamitan na gagamitin sa paggawa.

A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 5 minuto)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Halina’t sagutin natin


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Isulat ang iyong mga kasagutan sa kuwaderno.

1. Paano mo gagawing mas makabuluhan ang iyong proyektong mobile art?


2. Ano ang kahalagahan ng kaalaman sa kulay at hugis sa pagbuo ng isang likhang sining tulad ng mobile art?
Ipaliwanag ang iyong kasagutan?
3. Para sa iyo, anu-ano ang magagandang asal na dapat taglayin upang maisagawa ang mga likhang-sining?

V. PAGTATAYA (Mungkahing Oras: 15 minuto)


(Ang mga Gawain sa Pagkatuto para sa Pagpapayaman, Pagpapahusay, o Pagtataya ay ibibigay sa ikatlo at
ikaanim na linggo)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Ako ay Isang Malikhain


Panuto: Bumuo ng isang mobile art. Ipakita ang pagiging malikhain sa pamamagitan ng paggamit ng mga
materyales na matatagpuan sa inyong tahanan na may iba’t ibang hugis at kulay. Pumili sa dalawang larawan ng
mobile art na nasa panimulang bahagi ng aralin.

Mga kagamitan:
lumang hanger, gunting, art paper, glue o pandikit, lumang yaso o yarn at iba pang tali o sinulid, mga nakolektang
lumang bagay na may iba’t ibang kulay at hugis

Mga hakbang sa paggawa:


1. Ihanda at linisin ang mga nakolektang lumang bagay.
2. Ayusin ang mga bagay na isasabit sa mobile art.
3. Itali at isabit sa hanger ang mga nakolektang bagay. Lagyan ng wastong pagitan at magkakaibang haba ang
mga isasabit na bagay upang magkaroon ng pagkakaibang lalim sa paningin ang mobile art .
4. Isaalang-alang ang pagkakatabi ng mga makinis at magaspang na bagay pati na rin ang maliit at malaking
bagay upang magkaroon ng magandang kabuuan.
5. Isabit ang nagawang mobile art sa maaliwalas na lugar. Tingnan muna kung ito ay balanse at umiikot.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

Nakasunod sa Hindi nakasunod


Nakasusunod sa
pamantayan subalit sa
pamantayan nang
PAMANTAYAN may ilang pamantayan
higit sa inaasahan
pagkukulang
(3) (1)
(2)
1. Nakabuo ng isang orihinal na
disenyo.
2. Naipakita ko ang
kaalaman sa pagkilala
sa mga kagamitan sa
paggawa ng mobile art .
3.Nagamit ng maayos ang
kulay, hugis at balanse sa
paggawa ng disenyo.

4.Malinis na naisagawa ang


disenyo at naibalik sa
lalagyan ang lahat ng
kagamitang ginamit.

VI. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 5 minuto )


• Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.
Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga
gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain
upang matutuhan ko ang aralin.
✓ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang gawain
upang matutuhan ko ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa
gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain Sa LP Gawain Sa LP Gawain Sa LP Gawain Sa LP
Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto
Bilang 1 Bilang 3 Bilang 5 Bilang 7
Bilang 2 Bilang 4 Bilang 6 Bilang 8

VII. SANGGUNIAN Helen P Copiaco, Emilio S. Jacinto Jr. 2016, Halina’t Umawit at Gumuhit, 1253 Gregorio
Araneta Avenue, Quezon City, Philippines: Vibal Group Inc.

Inihanda ni: DENNIS D. ARCEGA Sinuri nina: MARIA DONNAH F. MERCADO


BELLA P. ABARINTOS
CYRUS T. FESTIJO
ELEANOR E. CASILISILIHAN
LEONILO B. AMORA

You might also like