Output

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

ILOILO STATE COLLEGE OF FISHERIES


BAROTAC NUEVO CAMPUS
Barotac Nuevo, Iloilo, 5007 Philippines
Contact No.: (Tel/Fax) (033) 3672-786

MILE -FILIPINO 512- KUWENTONG BAYANG FILIPINO

JENNILYN A. DEMOCRITO
1. Halimbawa ng ALAMAT

ANG ALAMAT NG PANAY

Noong unang panahon, isang binata ang


nanirahan sa isang malaking pulo. Nabubuhay siya sa
mga sariwang gulay at prutas. Taga ilog ang tawag sa
kanya. Minsan, isang matandang lalaki ang gustong
makituloy sa bahay niya. Napangiti ang binata dahil
magkakaroon na siya ng makakasama. May
pagkakataong rin siyang makapaglingkod sa kapwa.
Pinagsilbihan niyang mabuti ang matanda na labis na
humanga sa kanya. 

"Salamat, napakabait mo," anang matanda. "Siyanga pala, napansin kong


maraming ibon at isda sa lugar na ito. Manghuli tayo para masarap ang ulam natin
mamaya. "
"Naku,  huwag po. Sila po ang mga kaibigan ko rito," magalang na tanggol ng
binata. 
"Totoo palang napakabait mo," usal ng matanda. 

Nalaman din ng matanda na bigay ng mga tagabukid ang nga damit ng binata
dahil tinutulungan niya sa pagtatanim at pag-aani ang mga ito. Lalong tumibay ang
paghanga ng matanda sa kanya. Marami namang natutunan ang binata sa mga
pangaral ng matanda, tulad ng:

"Kung ano ang iyong itinanim ay siya mong aanihin, "


"Tulad sa halaman, ganyan din ang sa tao."
"Ang iyong kabaitan at kabutihan ay gagantimpalaan din sa ibang araw."
"Huwag tayong aasa na ang ating inilibing ay makikipaglibing din sa atin."
"Huwag tayong dudura sa langit sapagkat laway din sa iyo ay sasapit."
Mula noon ay naging malikhain ang binata. Dahil mabait at magiliwin sa mga
nilalang ng Diyos, ang binata ay tinawag na Irog. Napakinabangan ni Irog ang lahat ng
tinuro ng natanda. Nagawa niyang panali ang mga baging.  Nakagawa din siya ng isang
bahay-kubo sa gitna ng ilog.  Nagawa rin niyang higaan ang bunton ng mga water lily.
Isang gabi ay mahimbing ang tulog ni Irog. Hindi niya namalayang unti-unting umuusad
ang kubo na parang itinulak ng mga isda. Nakapaligid naman sa kanya ang nga ibon na
nag-aawitan. Mataas na ang araw nang magising siya kinabukasan. May mga gulay at
mga prutas nang nakahain na dulot ng mga ibon. Malayo na ang kanyang narating. 
Napadpad siya sa isang napakagandang batis. Ang batis ay kaakit-akit na tila isang
paraiso. 

Isang umaga, may nakitang isang grupo ng mga dilag si Irog. May pakpak ang
mga ito. Kasalukuyang naliligo sa batis ang mga dilag. Naakit siyang damputin ang
isang pares ng mga pakpak na nakalapag sa batuhan. Matapos maligo ang mga dilag
ay malungkot na naiwan ang isa. Wala kasi itong maisuot na pakpak. Hindi ito
makalilipad. Iyak nang iyak ang dilag dahil iniwan na ito ng mga kasamahan. Nagulat ito
nang makita si Irog. 

"Patawad po sa aking karahasan. Natuwa po ako sa mga pakpak ninyo kaya


hiniram ko ng walang paalam, " hinging paumanhin ng binata. "Ako nga pala si Irog.
Ulila na ako at walang kasama sa buhay. Kung mamarapatin mong mahalin kita ay
pagsisilbihan kita habang buhay."

Hindi na nag-isip ng matagal ang dilag. Pumayag agad ito sa kanyang pagsamo.
Tinawag itong Giliw ni Irog. 

"Sige, mamahalin kita sa isang kondisyon. Huwag kang mag-uuwi ng mga hayop
na mabilis lumipad. Kapag ginawa mo iyon ay mawawala ako sa iyong buhay."

Tuwang-tuwa naman si Irog dahil mapagmahal din ang dilag sa mga hayop.
Nagkasundo sila ni Giliw at tuluyan nang nagsama. Biniyayaan sila ng dalawang anak
makaraan ang ilang taon.  Pinangalanan nila ang mga ito ng Tagumpay at Ligaya. Si
Ligaya ay lumaking mabait at masunurin sa mga magulang. Si Tagumpay naman ay
masipag at mabait din. Minsan ay masaya silang nag-uusap nang magtanong si
Ligaya. 

"Bakit kaya bihirang magsalita si Inay? Hindi naman siya pipi. Matalino naman
siya at maraming alam."

Sumagot si Irog. "Huwag kang magtaka, anak. Lagi ninyong tatandaan na kapag
ang dagat ay mababaw, ito ay maingay. Subalit kapag ang dagat ay malalim, ito ay
tahimik. Makinig kayo sa payo ng mga nakatatanda at lagi ninyo iyong tandaan: Ang
maganda ay pulutin ninyo.  Itapon naman ninyo ang masamang gawain lalo na kung
makasasakit ng damdamin ng inyong kapwa."
Minsan ay nagpahinga si Tagumpay sa lilim ng isang puno. Nagulat siya ng may
ibong dumapo sa balikat niya. Palibhasa ay magiliwin sa mga hayop kaya hinuli ni
Tagumpay ang ibon at iniuwi sa kanilang bahay. Tuwang-tuwa naman si Ligaya dahil sa
iba-ibang kulay ng ibon. Agad nila itong ipinakita sa ina.

"Nakaganda niya, hindi ba, inay?" ang natutuwang sabi ni Tagumpay. 

Napaluha si Giliw. "Oo, iyan si Panay,  ang aming panginoon."

At mabilis na nagtungo sa silid ang babae. Dagli nitong isinuot ang mga pakpak at dagli
ring lumipad palayo. Malungkot na ibinalita ng magkapatid ang paglisan ng kanilang ina.
Mula noon ay naging malungkutin na si Irog. Palagi siyang nagpupunta sa batis,
nagbabakasakali siyang bumalik si Giliw. Ang batis na ito ang pinagmulan ng isang
magandang kasaysayan ng pag-ibig. Dito nagmula ang pangalang Panay o Iloilo.

Ngayon, ang Panay o Iloilo ay isang malaking pulo sa Kabisayaan.

2. Halimbawa ng Pabula

SI HARING TAMARAW AT SI DAGA

Ang Tamaraw ay isang uri ng mga hayop sa


ating kagubatan. Siya ay malaki, mabilis at malakas.
Iginagalang siya ng lahat ng kanyang nasasakupan.
Minsan, nilibot ni Haring Tamaraw ang kagubatan.
Dumating siyang pagod na pagod. Kaagad siyang
nakatulog sa ilalim ng punong Narra. Dumating si
Daga. Tuwang-tuwa siyang naglalaro sa may puno ng
Narra. Sinaway siya ng mga ibon na nakadapo sa
mga sanga ng puno. Ipinaalam nilang natutulog si
Haring Tamaraw. Dali-daling tumakbong paalis si
Daga. Hindi sinasadyang natapakan ni Daga ang paa
ni Haring Tamaraw. Kumilos si Haring Tamaraw at
naipit ang paa ni Daga. Umirit si Daga.

Nagising si Haring Tamaraw. Galit na galit siya. Hinuli niya si Daga at bilang
parusa, kakainin sana niya ito. Nagmakaawa si Daga kay Haring Tamaraw. Nangakong
hindi na siya uulit at sinabi pang baka siya’y makatulong kay Haring Tamaraw
pagdating ng panahon. Pinakawalan at pinatawad ni Haring Tamaraw si Daga.
Nagpasalamat naman si Daga.

Isang araw, naghahanap si Haring Tamaraw ng makakain sa kagubatan. Sa


kanyang paglalakad ay natapakan niya ang isang patibong na hawla na panghuli ng
malalaking hayop sa kagubatan. Napasok at nakulong sa hawla si Haring Tamaraw.
Walang magawang tulong ang mga hayop. Nagkagulo sila at hindi malaman kung ano
ang gagawin sa kanilang hari.

Walang anu-ano dumating si Daga na galing sa paghahanap ng pagkain.


Nginatngat kaagad niya ang mga tali sa hawla. At nakalusot si Haring Tamaraw sa
pagkakaligtas ni Daga sa kanya. Nagpasalamat si Haring Tamaraw kay Daga. Mula
noon, naging mabuting magkaibigan si Haring Tamaraw at si Daga.ng Tamaraw ay
isang uri ng mga hayop sa ating kagubatan. Siya ay malaki, mabilis at malakas.
Iginagalang siya ng lahat ng kanyang nasasakupan.

Minsan, nilibot ni Haring Tamaraw ang kagubatan. Dumating siyang pagod na


pagad. Kaagad siyang nakatulog sa ilalim ng punong Narra. Dumating si Daga.
Tuwang-tuwa siyang naglalaro sa may puno ng Narra. Sinaway siya ng mga ibon na
nakadapo sa mga sanga ng puno. Ipinaalam nilang natutulog si Haring Tamaraw. Dali-
daling tumakbong paalis si Daga. Hindi sinasadyang natapakan ni Daga ang paa ni
Haring Tamaraw. Kumilos si Haring Tamaraw at naipit ang paa ni Daga. Umirit si Daga.

Nagising si Haring Tamaraw. Galit na galit siya. Hinuli niya si Daga at bilang
parusa, kakainin sana niya ito. Nagmakaawa si Daga kay Haring Tamaraw. Nangakong
hindi na siya uulit at sinabi pang baka siya’y makatulong kay Haring Tamaraw
pagdating ng panahon. Pinakawalan at pinatawad ni Haring Tamaraw si Daga.
Nagpasalamat naman si Daga.

Isang araw, naghahanap si Haring Tamaraw ng makakain sa kagubatan. Sa


kanyang paglalakad ay natapakan niya ang isang patibong na hawla na panghuli ng
malalaking hayop sa kagubatan. Napasok at nakulong sa hawla si Haring Tamaraw.
Walang magawang tulong ang mga hayop. Nagkagulo sila at hindi malaman kung ano
ang gagawin sa kanilang hari.

Walang anu-ano dumating si Daga na galing sa paghahanap ng pagkain.


Nginatngat kaagad niya ang mga tali sa hawla. At nakalusot si Haring Tamaraw sa
pagkakaligtas ni Daga sa kanya. Nagpasalamat si Haring Tamaraw kay Daga. Mula
noon, naging mabuting magkaibigan si Haring Tamaraw at si Daga.

Aral:

 Huwag gumanti o humatol ng mabilis sa kapwa. Matutong magpatawad. Hindi


mo hawak ang panahon. Malay mo, ang taong itinuturing mong kaaway ay siya
palang magliligtas sa iyo sa kapahamakan balang araw.
3. Halimbawa ng Parabula

PARABULA NG NAWAWALANG TUPA

Ang “Parabula ng Nawawalang Tupa” ay hango sa Bibliya na matatagpuan sa aklat ng


Lucas kabanata 15 talata 1 hanggang 7 (Lucas 15:1-7).

Isang araw ay lumapit kay Jesus ang mga taong makasalanan at mga maniningil ng
buwis upang makinig sa kanyang mga turo.

Nakita ito ng mga Pariseo at mga tagapagturo ng kautusan kaya sila ay nagbulung-
bulungan. Nakikisama at nakikisalo daw umano si Jesus sa mga taong makasalanan.

Nang marinig ito ni Jesus ay kanyang ibinahagi ang talinghaga ng nawawalang tupa.

May isang lalaki na may isandaang tupa ngunit nawala ang isa. Iniwan niya ang
siyamnapu’t siyam at hinanap ang nawalang isa.

Nang makita ang nawawalang tupa ay masaya niya itong pinasan saka umuwi.

Pagdating sa bahay ay inanyayahan niya ang kanyang kaibigan at mga kapitbahay at


sinabing, “Makipagsaya kayo sa akin dahil nakita ko na ang tupa kong nawawala!”

Makaraang ilahad ni Jesus ang talinghaga ay kanyang sinabi, “Magkakaroon ng higit na


kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang tumatalikod sa kasalanan kaysa sa
siyamnapu’t siyam na matuwid na di nangangailangang magsisi.”

Aral:

 Iwasan ang pagiging mapanghusga sa kapwa at ang pagpapalagay na ikaw o


kayo lamang ang hindi makasalanan. Hindi kinalulugdan ng Panginoon ang
ganoong pag-uugali.
 Naparito ang Diyos upang hanapin at iligtas ang mga naliligaw ng landas kaya
naman kung kumakatok siya sa iyong puso ay iyo siyang pagbuksan.
4. Halimbawa ng Mitolohiya

ANG DIYOS NG ATING MGA NINUNO


(AT PANINIMULA NG UNANG PULO)
Ang dakilang diyos ng ating mga ninuno ay nagtataglay ng iba’t-ibang grupo ng
iba’t-ibang lugar sa kapuluan.

Siya ay tinatawag na Bathala ng mga Tagalog, Laon sa mga Bisaya, Kabunian


sa mga Ifugao, Lumawig sa mga Bontoc at Kankanay, Kadaklan sa mga Tinguians,
Malayari sa mga Zambal, Maykapal sa Kapampangan, Tuluk Lawin sa matandang
Sulod ng Panay, Tagbusan sa Manobo, Mababaya sa Bukidnon, Melu sa Bilaan,
Minadean sa Tiruray, Mamanwa sa Negrito ng Surigao at Panulak Manabo sa
Bagobo ng Mindanao.

Siya ang dahilan at pinagmulan.  Siya ang simula bago ang lahat ay nilalang.

Ang Bathala o Maykapal ng mga ninuno ng Tagalog ay tumitira sa Bundok ng


Arayat.  Siya ang gumawa ng dagat, langit, lupa, at lahat ng tumutubo sa lupa.  Siya
ang nagbibigay-buhay at tagapag-ligtas sa buong daigdig.

Isang palasak na kuwento sa Luson, ang nagsabi na wala pang nilikha sa


daigdig kundi ang langit, dagat, at isang uwak na lilipad-lipad na naghahanap ng
matutungtungan sa lawak ng karagatan.  Wala siyang makita kaya siya’y umisip ng
paraan at pinaglaban ang dagat at langit.  Ininugan at ibinulwak ng dagat sa langit
ang kanyang tubig.  Bilang pagganti ang langit nama’y naghulog ng mga bato at lupa
sa tubig kaya’t napahinto ang alon at nagkaroon ng mga pulo na
mapapagpahingahan ng uwak.

Ayon naman sa Matandang Panay Bisaya, mayroon ding ibong tinatawag na


Manaul na siyang pinakamakapangyarihan sa kalangitan.  Ayon sa alamat, pagod na
pagod na sa pakikipaglaban sa dagat ang langit kaya siya’y dumalangin sa ibon.
Binungkal ni Manaul sa ilalim ng dagat ang kimpal-kimpal na lupa at inihagis sa
dagat.  Ito ang kauna-unahang pulo.
Ang mga Ifugao ay naniniwala sa kanilang diyos na tinatawag na Kabunian na
ayon sa kanila ay nakatira sa ikalimang pinakamataas na lugar ng daigdig.  Ang mga
Igorot sa Benguet ay naniniwala naman sa kanilang Apolaki.  Ang mga ispiritu ng
kadaklan.  Ito ay lumalang sa unang mga tao at nagturo sa kanila ng mga gawaing
kamay.

Ang mga Bontoc at Kankanay sa Lalawigang Bulubundukin ay naniniwala kay


Lumawig na siyang pangunahing Diyos at siyang pinagmulan ng buhay, hari ng
kamatayan at lumalang sa lahat ng bagay sa mundo.

Ayon sa mga Bagobong Mindanao, ang Pamulak Manobo ay tumutira sa langit.


Nang makita niyang ang daigdig ay walang kalaman-laman siya ay lumalang ng sari-
saring bagay upang ipalamuti sa daigdig.

Ang makapangyarihang diyos ng Bukidnon ay si Mababaya na tumitira sa


tahanang tulad din ng sa kanyang mga sakop.  May kapangyarihan at nasasakop
niya ang ibang maliliit na diyos at diyosa.

Sa mitolohiya naman ng mga Tagalog, si Amihan daw at si Habagat ay nag-


isang dibdib.  Sila ay nakita sa isang biyas na kawayang lulutang-lutang sa dagat.  Ito
raw ay napadpad sa dalampasigang kinatatambakan ng isang sapi-sapi.  Ang biyas
ng kawayan ay tinuka ng Ibon at nang mabutas ay nabiyak at dito lumabas ang isang
lalaki at isang babae.
Napapaiba naman ang kuwento ng paglikha ng mga Magindanao.  Ang diyos na
si Sitli Paramisuli bago namatay ay nagtagubilin sa kanyang mga anak na lalaki na
ang kanyang suklay ay ibaon sa pinaglibingan sa kanya.  Nang maitanim ito sumibol
at lumaki ang isang puno ng kawayan.  Sa biyas ng kawayan nagmula si Putri- Turina
na napangasawa ni Kabanguan at ang kanilang mga anak ay siyang kauna-unahang
mga Magindanao.
5. Halimbawa ng Maikling Kwentong Bayan

ANG BATIK NG BUWAN


Maikling Kuwentong – Bayan Ng Bisaya

Mag-asawa ang araw at ng buwan. Marami silang mga anak na bituin. Gustung-
gusto ng araw na makipaglaro sa kanyang mga anak at ibig na ibig niyang yakapin ang
mga ito ngunit pinagbawalan siya ng buwan sapagkat matutunaw ang mga bituin sa
labis na init ng araw. Kinagagalitan ng araw ang mga anak kapag lumalapit sa kanya.

Isang araw, nagtungo sa ilog ang buwan upang maglaba ng maruruming damit.
Ipinagbilin niya sa asawa na bantayan ang mga anak ngunit huwag niyang lalapitan ang
mga ito. Binantayan nga ng araw ang mga anak. Buong kasiyahan niyang pinanood
ang mga ito habang naghahabulan. Nakadama siya ng pananabik at hindi siya nakatiis
na hindi yakapin ang mga anak. Bigla niyang niyakap ang lipon ng maliliit na bituin nang
madikit sa kanya ay biglang natunaw.

Hindi naman nagtagal at umuwi n ang buwan. Nagtaka siya sapagkat malungkot
ang asawa. Naisipan niyang bilangin ang mga anak ngunit hindi nya nakita ang maliliit
kaya't hinanap niya ang mga ito kung saan-saan. Hindi niya matagpuan ang mga anak.
Sa gayo'y sinumabatan niya ang asawa. "Niyakap mo sila? Huwag kang
magsisinungaling!”

Hindi na naghintay ng sagot ang buwan. Mabilis niyang binunot ang isang
punong saging at tinangkang ipukol sa asawa na nakalimutan na ang kanyang
kasalanan. Ang tanging nasa isp niya ay kung paano niya maipagtatanggol ang sarili sa
asawang galit na galit. Dumampot siya ng isang dakot na buhangin at inihagis sa nukha
ng buwan at dahilan sa nangyari ay nagkaroon ng batik ang mukha ng buwan. Hinabol
ng buwan ang araw upang makaganti sa ginawa nito sa kanya at hanggang ngayon ay
hinahabol pa rin ng buwan ang araw.
Kwentong Bayan ng Ibang Bansa

ANG AMA
(kuwento, Singapore)
(di pinangalanang awtor)
(Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena)

Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang
kanilang ama. Ang takot ay sa alaala ngisang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo
ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi. Ang pananabik ay sa pagkain na
paminsan-minsa'y inuuwi ng ama -malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog
at gulay. Ang totoo, para sa sarili lang niya ang iniuuwingpagkain ng ama, lamang ay
napakarami nito upang maubosniya nang mag-isa; pagkatapos ay naroong magkagulo
satira ang mga bata na kanina pa aali-aligid sa mesa. Kundi sa pakikialam ng ina
namabigyan ng kaniya-kaniyang parte ang lahat - kahit ito'y sansubo lang ng
masarapna pagkain, sa mga pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta
anglahat, at ni katiting ay walang maiiwan sa maliliit.
Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki,
doseanyos, at isang babae, onse; matatapang ang mga ito kahit na payat,
atnagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat ng bagay kung wala ang ina,
upangtiyaking may parte rin ang maliliit. May dalawang lalaki, kambal, na nuwebe
anyos,isang maliit na babae, otso anyos at isang dos anyos na paslit pa, katulad ng iba,
aymaingay na naghahangad ng marapat niyang parte sa mga pinag-aagawan.
Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ngama
ng kaluwagang-palad nito - sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng dalawangsupot na
puno ng pansit guisado, at masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain nahirap nilang
ubusin. Kahit na ang ina nila'y masayang nakiupo sa kanila't kumain ngkaunti.
Pero hindi na naulit ang masayang okasyong ito, at ngayo'y hindi nag-uuwi
ngpagkain ang ama; ang katunaya'y ipinapalagay ng mga batang mapalad sila
kunghindi ito umuuwing lasing at nanggugulpi ng kanilang ina. Sa kabila niyo'y
umaasapa rin sila, at kung gising pa sila pag-uwi sa gabi ng ama, naninipat ang mga
matangtitingnan nila kung may brown na supot na nakabitin sa tali sa mga daliri nito.
Kungumuuwi itong pasigaw-sigaw at padabog-dabog, tiyak na walang pagkain, at
angmga bata'y magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay makainis sa
amaat umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang
mukha.Madalas na masapok ang mukha ng kanilang ina; madalas iyong marinig ng
mgabata na humihikbi sa mga gabing tulad nito, at kinabukasan ang mga pisngi at
mataniyon ay mamamaga, kaya mahihiya itong lumabas upang maglaba sa
malalakingbahay na katabi nila. Sa ibang mga gabi, hindi paghikbi ang maririnig ng mga
batamula sa kanilang ina, kundi isang uri ng pagmamakaawa at ninenerbiyos na
pagtawa at malakas na bulalas na pag-ungol mula sa kanilang ama at
sila'ymagtatanong kung ano ang ginagawa nito.

Kapag umuuwi ang ama ng mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati,may
pagkakataong ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Ang dahila'y si Mui Mui, otsoanyos at
sakitin at palahalinghing na parang kuting, ay madalas kainisan ng ama.Uhugin,
pangiwi-ngiwi, ito ay mahilig magtuklap ng langib sa galis na nagkalat sakaniyang mga
binti, na nag-iiwan ng mapula-pulang mga patse, gayong pauli-ulitsiyang
pinagbabawalan ng ina. Pero ang nakakainis talaga ay ang kaniyanghalinghing.
Mahaba at matinis, iyon ay tumatagal ng ilang oras, habang siya aynakaupo sa bangko
sa isang sulok ng bahay, namamaluktot nang pahiga sa banigkasama ang ibang mga
bata, na di-makatulog. Walang pasensiya sa kaniya angpinakamatandang lalaki at
babae, na malakas siyang irereklamo sa ina napagagalitan naman siya sa pagod na
boses; pero sa gabing naroon ang ama,napapaligiran ng bote ng beer na nakaupo sa
mesa, iniingatan nilang mabuti nahindi humalinghing si Mui Mui. Alam nila na ang
halinghing niyon ay parangkudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito'y
nakabubulahaw na sisigaw, atkung hindi pa iyon huminto, ito'y tatayo, lalapit sa bata at
hahampasin iyon nangbuong lakas. Pagkatapos ay haharapin nito at papaluin din ang
ibang bata na satingin nito, sa kabuuan, ay ang sanhi ng kaniyang kabuwisitan.
Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahilnasisante
sa kaniyang trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng isangmahahabang
halinghing at hindi mapatahan ng dalawang pinakamatandang batagayung binalaan
nilang papaluin ito. Walang ano-ano, ang kamao ng ama aybumagsak sa nakangusong
mukha ng bata na tumalsik sa kabila ng kuwarto, kungsaan ito nanatiling walang
kagalaw-galaw. Mabilis na naglabasan ng bahay angibang mga bata sa inaasahang
gulo. Nahimasmasan ng ina ang bata sapamamagitan ng malamig na tubig.
Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at ang ina lamang
ang umiyak habang ang bangkay ay inihahandang ilibing sa sementeryo ng nayonmay
isang kilometro ang layo roon sa tabi ng gulod. Ilan sa taganayon nanakatatanda sa
sakiting bata ay dumating upang makiramay. Sa ama na buong arawna nakaupong
nagmumukmok ay doble ang kanilang pakikiramay dahil alam nilangnawalan ito ng
trabaho. Nangolekta ng abuloy ang isang babae at pilit niya itonginilagay sa mga palad
ng ama na di-kawasa, puno ng awa sa sarili, ay nagsimulanghumagulgol. Ang balita
tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madalingnakarating sa kaniyang amo,
isang matigas ang loob pero mabait na tao, na noondi'y nagdesisyong kunin siya uli,
para sa kapakanan ng kaniyang asawa at mgaanak. Dala ng kagandahang-loob, ito ay
nagbigay ng sariling pakikiramay, kalakipang munting abuloy (na minabuti nitong iabot
sa asawa ng lalaki imbes sa lalakimismo). Nang makita niya ang dati niyang amo at
marinig ang magaganda nitongsinabi bilang pakikiramay sa pagkamatay ng kaniyang
anak, ang lalaki ay napaiyakat kinailangang muling libangin.
Ngayo'y naging napakalawak ang kaniyang awa sa sarili bilang isang malupitna
inulilang ama na ipinaglalamay ang wala sa panahong pagkamatay ng kaniyangdugo at
laman. Mula sa kaniyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas napagmamahal sa
patay na bata, kaya madalamhati siyang nagtatawag, "Kaawa-awakong Mui Mui!
Kaawa-awa kong anak!" Nakita niya ito sa libingan sa tabi ng gulod -payat, maputla, at
napakaliit - at ang mga alon ng lungkot at awa na nagpayanig samatipuno niyang mga
balikat at brasong kayumanggi ay nakakatakot tingnan. Pinilitsiyang aluin ng mga kapit-
bahay, na ang iba'y lumayo na may luha sa mga mata atbubulong-bulong, "Maaring
lasenggo nga siya at iresponsable, pero tunay na mahalniya ang bata".
Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka
tumayo.Mayroong siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot
niyasa bulsa ang perang ibinigay ng kaniyang amo sa asawa (na kiming iniabot
namanito agad sa kaniya, tulad ng nararapat). Binilang niya ang papel-de-bangko. Isa
mandito ay hindi niya gagastusin sa alak. Hindi na kailanman. Matibay ang pasiya
nalumabas siya ng bahay. Pinagmasdan siya ng mga bata. Saan kayo pupunta,
tanongnila. Sinundan nila ito ng tingin. Papunta ito sa bayan. Nalungkot sila, dahil tiyak
nilana uuwi itong dalang muli ang mga bote ng beer.
Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong malaking supotna
may mas maliit na supot sa loob. Inilapag nito ang dala sa mesa. Hindimakapaniwala
ang mga bata sa kanilang nakita, pero iyon ba'y kahon ng mgatsokolate? Tumingin
silang mabuti. May supot ng ubas at isang kahon yata ngbiskwit. Nagtaka ang mga bata
kung ano nga ang laman niyon. Sabi ng pinakamatandang lalaki'y biskwit; nakakita na
siyang maraming kahon tulad niyon satindahan ni Ho Chek sa bayan. Ang giit naman
ng pinakamatandang babae ay kendi,'yong katulad ng minsa'y ibinigay nila ni Lau Soh,
na nakatira roon sa malakingbahay na pinaglalabhan ng nanay. Ang kambal ay
nagkasiya sa pandidilat atpagngisi sa pananabik; masaya na sila ano man ang laman
niyon. Kaya nagtalo atnanghula ang mga bata. Takot na hipuin ang yaman na walang
senyas sa ama. Inipsilang lumabas ito ng kaniyang kuwarto.
Di nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretso sa
mesa.Hindi dumating ang senyas na nagpapahintulot sa mga batang ilapat ang
mgakamay sa pinag-iinteresang yaman. Kinuha nito ang malaking supot at
mulinglumabas ng bahay. Hindi matiis na mawala sa mata ang yaman na wari'y kanila
nasana, nagbulingan ang dalawang pinakamatanda nang matiyak na hindi silamaririnig
ng ama. "Tingnan natin kung saan siya pupunta." Nagpumilit na sumamaang kambal at
ang apat ay sumunod nang malayo-layo sa ama. Sa karaniwangpagkakataon, tiyak na
makikita sila nito at sisigawang bumalik sa bahay, perongayo'y nasa isang bagay
lamang ang isip nito at hindi man lang sila napuna.
Dumating ito sa libingan sa tabing gulod. Kahuhukay pa lamang ng puntod
nakaniyang hinintuan. Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-
dahanginilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita, "Pinakamamahal kong anak,
walangmaiaalay sa iyo ang iyong ama kundi ang mga ito. Sana'y tanggapin mo."
Nagpatuloy itong nakipag-usap sa anak, habang nagmamasid sa
pinagkukublihang mga halaman ang mga bata. Madilim na ang langit at ang maitim na
ulap ay nagbabantang mapunit anumang saglit, pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak
angama. Naiwan sa katawan ang basang kamisadentro. Sa isang iglap, ang
kaninapang inip na inip na mga bata ay dumagsa sa yaman. Sinira ng ulan ang
malakingbahagi niyon, pero sa natira sa kanilang nailigtas nagsalo-salo sila tulad sa
isangpiging na alam nilang ‘di nila mararanasang muli.

Inihanda ni:

JENNILYN A. DEMOCRITO

I.Panimulaa.
Uri ng PanitikanAng kwentong ito ay isang uri ng maikling kwento, kung saan hindi
ganooon karami angtauhan at tagpuan at binubuo lamang na napakaikling
pagssasalaysay. Nagpapahatid rin ito ngmg aral sa mga mambababsa. Ito ay nagmula
sa Bayan ng Bisaya.
b.Bansang pinagmulanAng pinagmulan ng akdang pampanitikang ito ay ang
bansang Pilipinas – sa mga lalawigan ng Visayas kung saan makikita ang iba’t iba
at napakagandang kultura at kaisipangmaipagmamalaki sa buong mundo.
c.Pagkilala sa may akdaAng nag-udyok sa may akdang isulat o likhain ang maikling
kwento ay ang kagustuhanniyang maipabatid o maipamalas sa lahat ang
kagandahan at yaman ng panitikang Pilipinomula sa mga lalawigan ng Visayas
sa pamamagitan ng pagapapakilala ng mga paniniwala ngmga mamamayang
Bisaya. Ipinapakita rin dito ang mga kuro kurong nabubuo sa isipan ng
mgamamamayan tungkol sa mga bagay bagay sa paligid na naipabatid ng maayos ng
may akda.
d.Layunin ng akdaAng layunin ng may akda sa pagsulat ng maikling kwento ay upang
isalaysay at ipabatido ipamalas sa lahat ang yaman ng literatura ng Pilipinas at
kung paano ito maihahalintulad samga walang buhay na bagay sa paligid habang
nakakapagbigay aral sa mga mambabasa.
II.Pagsusuring Pangnilalamane.Tema o Paksa ng AkdaAng te ma o pa ksa n g a kd a
a y an g hi n d i ma ka to to h an a n ng u ni t ma ka bu l u ha n g pagsasaad ng mga
karaniwang pinagaawayan ng mga magasawa at sila ay
kalimitangnagkakaproblema dahil sa hindi pagkaabuso sa tiwala at kapag
nadala na ng emosyon

You might also like