Mabuting Balita (Martes 1 Kuwaresma)

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

MABUTING BALITA Mateo 6, 7-15

V: Sumainyo ang Panginoon.


R: At sumaiyo rin.

V: ✠ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo


R: Papuri sa iyo, Panginoon.

Noong panahong iyon,


sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad,
“Sa pananalangin ninyo’y huwag kayong gagamit
ng napakaraming salita
gaya ng ginagawa ng mga Hentil.
Ang akala nila’y pakikinggan sila ng Diyos
dahil sa dami ng kanilang salita.
Huwag ninyo silang tutularan.
Sapagkat alam na ng iyong Ama
ang inyong kinakailangan
bago pa ninyo hingin sa kanya.

Ganito kayo mananalangin:


‘Ama naming nasa langit,
sambahin nawa ang pangalan mo.
Ikaw nawa ang maghari sa amin,
sundin nawa ang iyong kalooban
dito sa lupa tulad ng sa langit.
Bigyan mo kami ng pagkaing kailangan namin
sa araw na ito;
at patawarin mo kami sa aming mga kasalanan,
tulad ng aming pagpapatawad sa mga nagkakasala sa
amin.

At huwag mo kaming iharap sa mahigpit na pagsubok,


kundi ilayo mo kami sa Masama!
Sapagkat iyo ang kaharian at ang
kapangyarihan at ang kapurihan,
magpakailanman! Amen.
Sapagkat kung pinatatawad ninyo ang mga nagkakasala
sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Amang nasa
langit. Ngunit kung hindi ninyo pinatatawad ang mga
nagkakasala sa inyo, hindi kayo patatawarin ng iyong
Ama.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon!


V: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo!

HOMILIYA

You might also like