Summ G7 2ND

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

LINAMON NATIONAL HIGH SCHOOL

Linamon, Lanao del Norte

IKAAPAT NA MARKAHAN
Ikalawang Lagumang Pagsubok sa Filipino 7

Pangalan: __________________________________________________________________________________
Seksyon: _____________________ Petsa: ______________________ Marka: _____ /60

TEST I: Basahin at unawaing mabuti ang pangungusap sa bawat bilang. Isulat sa nakalaang espasyo ang T kung
ang isinasaad sa pangungusap ay tama sa kaligirang pangkasaysayan ng “Ibong Adarna” at M naman kung mali
ang isinasaad sa pangungusap
______1. Ang tulang romansa ay nakilala sa Europa noong panahong Medieval.
______2. Ang ibong Adarna ay tungkol sa bayani, mandirigma, at larawan ng buhay.
______3. Ang awit ay binubuo ng 8 pantig sa loob ng isang taludtod at apat na taludtod sa isang taludturan.
______4. Ang korido ay binubuo ng 12 pantig sa loob ng isang taludturan, apat na taludtod sa isang taludturan.
______5. Ayon kay Pura Santillan – Castrence, ito ay maaaring hinango lamang sa kuwentong-bayan mula sa mga
bansa sa Europa.
______6. Hindi tinangkilik ng ating mga ninuno ang “Ibong Adarna” sa panahon ng Espanyol sapagkat ito ay
nagdulot ng kaguluhan.
______7. Ang “Ibong Adarna” ay hindi ganap na maituturing na bahagi ng panitikang Pilipino sa dahilang hiram
lamang sa ibang bansa.
______8. Nakarating sa Pilipinas ang “Ibong Adarna” noong 1610 upang mahimok ang mga katutubo na yakapin
ang relihiyong Katolisismo.
______9. Ang dating pamagat ng “Ibong Adarna” ay awit at buhay na pinagdaanan ng tatlong prinsipeng
magkakapatid na anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana.
______10.Ang tauhan sa akdang “Ibong Adarna” ay may kapangyarihang supernatural o kakayahang
magsasagawa ng mga kababalaghang hindi magagawa ng karaniwang tao.

TEST II: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Tumutukoy sa mga suliraning kinakaharap ng mga tao na bahagi sa lipunan.
a. diskrimasyon c. suliraning panlipunan
b. pananampalataya d. suliraning pansarili
2. Alin sa mga sumusunod na suliraning panlipunan ang kinakaharap kapag
hindi pantay ang pagtrato sa kapwa dahil sa kaniyang kulay at lahi?
a. crab mentality c. pagbabalatkayo
b. diskrimasyon d. pandaraya
3. Makikita sa akda ang pagsang-ayon ni Don Diego sa balak ni Don Pedro kahit
alam niyang masama ito. Kung ikaw si Don Diego, ano ang nararapat mong
gawin?
a. Pagsabihan ang kapatid na ipagpatuloy ang paggawa ng masama para sa
isang karangalan.
b. Mag-isip ng plano upang hindi malaman ng iba ang kasamaang ginawa.
c. Huwag sumang-ayon at pigilan ang kapatid sa masamang balak.
d. Hayaan na lamang ang kapatid at huwag nang makialam pa.

4. Bakit nagawa nina Don Pedro at Don Diego ang manakit sa bunsong kapatid?
a. upang makuha nila ang gantimpalang ibibigay ng ama
b. upang maramdaman nila ang pagmamahal ng kanilang ama
c. upang sila ang makahuli sa ibong Adarna para sa kanilang ama
d. upang takpan ang hindi matagumpay na paghuli sa ibong Adarna
5. Isa sa mga suliraning panlipunang makikita sa akda ay ang pagbabalatkayo
ng magkapatid na Don Pedro at Don Diego. Ano kaya ang nararapat na
solusyon nito?
a. ipagpatuloy ito upang magawa ang binabalak
b. maging totoo at huwag magkunwari
c. gumawa ng panibagong plano
d. tanggapin ang katotohanan
6. Sa ginawang pagtitiwala ni Don Juan sa Poong Maykapal, anong klaseng kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna ang
ipinapakita rito?
a. pagtulong sa mga nangangailangan
b. pagpapahalaga sa kapakanan ng pamilya
c. mataas na pagtingin o paggalang ng mga anak sa magulang
d. pagkakaroon nang matibay na pananampalataya sa Poong Maykapal
7. Nalaman ni Don Pedro na ang lunas lamang ng sakit ng kaniyang ama ay ang awit ng Ibong Adarna. Kaagad siyang
pumunta sa bundok Tabor at hinanap ang ibon. Anong kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna ang ipinapakita ni Don
Pedro sa kaniyang ginawang agarang desisyon?
a. pagtulong sa mga nangangailangan
b. pagpapahalaga sa kapakanan ng pamilya
c. mataas na pagtingin o paggalang ng mga anak sa magulang
d. pagkakaroon nang matibay na pananampalataya sa Poong Maykapal
8. Sa paglalakbay ni Don Juan, may nakita siyang ermitanyong nangailangan ng tulong at agad niya itong tinulungan. Anong
kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna ang ipinapakita ni Don Juan sa kaniyang pagtulong sa ermitanyo?
a. pagtulong sa mga nangangailangan
b. pagpapahalaga sa kapakanan ng pamilya
c. mataas na pagtingin o paggalang ng mga anak sa magulang
d. pagkakaroon ng matibay na pananampalataya sa Poong Maykapal
9. Sa paglalakbay ni Don Diego, ang kaniyang kabayo ay namatay at limang buwan siyang naglakad para lamang
mapuntahan ang bundok Tabor. Kahit sa sobrang pagod at gutom hindi siya sumuko sa kaniyang paglalakbay. Anong
kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna ang ipinapakita ni Don Diego sa hindi pagsuko sa lahat ng problemang kaniyang
hinarap?
a. paggalang sa nakatatanda
b. pagtanaw ng utang na loob sa kapwa
c. mataas na pagpapahalaga sa puri at dangal ng kababaihan
d. pagkakaroon ng tibay at lakas ng loob sa pagharap ng mga problema
10. Sa ginawang pagtulong ni Don Juan sa ermitanyo, ang ermitanyo naman ang
tumulong kay Don Juan. Anong kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna
ang ipinapakita ng ermitanyo kay Don Juan?
a. paggalang sa nakatatanda
b. pagtanaw ng utang na loob sa kapwa
c. mataas na pagpapahalaga sa puri at dangal ng kababaihan
d. pagkakaroon ng tibay at lakas ng loob sa pagharap ng mga problema

TEST III. Pagpapaliwanag. (30 puntos)

You might also like