Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Pangalan: Galang, Steve Brian S.

Marka:_________________
Kurso/Seksiyon: BSIT-1L Petsa: Mayo 9, 2021_____

I. Pagkilala: Isulat kung sino o ano ang tinutukoy sa sumusunod na pahayag. Isulat ang sagot sa
inilaang patlang.

Alamat________ 1. Ito ay panitikang tumatalakay sa pinagmulan ng isang bagay, pook


o pangyayari.
Pabula_______ 2. Kalimitang mga hayop ang mga tauhang gumaganap sa akdang
ito.
Alamat_______ 3. Ito ay likhang-isip lamang kaya’t salat sa katotohanan na karaniwang
_______________ opinapaksa ay ang pinagmulan ng isang kalagayan o katawagan.
_______________ Masasalamin dito ang kaugaliang Pilipino.
Kasabihan_______4. Sa pakipagsapalaran sa hamon ng buhay, ginagamit itong gabay o
________________ paalala upang maituwid at mapagtagumpayan ang anumang balakid na
_________________-kinakaharap. Ito ay binubuo ng dalawang  taludtod na may sukat at
_________________ tugma.
Mito_________ 5. Ang akdang ito ay tumatalakay sa mga diyos-diyosan.

Parabula_______ 6. Sinasalamin ng mga tauhang gumaganap sa akdang ito ang mga ugali ng
_________________totoong tao.
Epiko_________ 7. Ang pagtataglay ng agimat o anting-anting ng pangunahing tauhan ang
_________________ isang katangian ng akdang ito.
Pabula________ 8. Isang salaysay na kinasasangkutan ng bagay na walang buhay na
________________ kumikilos at nagsasalita na wari ba’y mga tunay na tao.
Epiko__________9. Ito ay akdang nagsasalaysay ng kabayanihan, katapangan at
_________________ pakikipagsapalaran ng isang pangunahing tauhan.
Bugtong_______ 10. Ito ay isang palaisipan na nangangailangan ng isang kasagutan.
_________________ Mayroon itong sukat at tugma.

A. Sa pagbabalik-tanaw mo sa mga panitikang pasalindila na iniambag sa atin ng ating mga


ninuno, mayroon ka sanang napagtanto. Matitiyak mo ito kung masasagot mo ang ilang
katanungan.
1. Paano nasasalamin ang kulturang Pilipino sa mga ibinigay na halimbawa sa panitikang
pasalindila? Patunayan.

Nasasalamin sa mga panitikang pasalindila ang kultura ng mga Pilipino dahil ang
panitikang pasalindila ay patuloy pa ring itinatangkilik at minamahal ng mga Pilipino
hanggang sa kasalukuyan dahil nasusulat at nababasa pa rin ito sa mga akdang pampanitikan
hanggang sa ngayon. Sa kadahilanan rin na ang mga bugtong, bulong, salawikain, sawikain o
sabi-sabi ay nagpapabatid at nagpapakita ng mga katangian ng isang tunay na Pinoy na
marunong magmahal sa sariling kultura at may malasakit sa sariling kultura. Makikita rin
natin na ang mga panitikang pasalindila ay sumasalamin sa mga magagandang kaugalian,
kultura at tradisyon na kaiba sa ibang lahi.

2. Paano magiging makahulugan at makabuluhan ang mga ito sa kasalukuyan lalo pa at


nahaharap ang mga Pilipino sa mga suliranin? Magbigay ng isang halimbawa.

Magiging makahulugan at makabuluhan ang paggamit ng mga panitikang Pilipino kung


maipapahayag natin ang ating mga kaalaman, kaisipan, damdamin, karanasan, hanganrin,
ideya at ating diwa sa mabuting paraan. Sa ating panahon ngayon na ang mga Pilipino ay may
kinakaharap na problema kagaya ng pandemya, maaari nating gamiting tulay ang ating
panitikan sa pamamagitan ng paggawa at pagbuo ng mga panitikang pasalindila o pasulat sa
pagbabatid ng magaganda at mahuhusay na mga akda na kapupulutan ng mahahalagang aral
tungkol sa pgpapahalaga at pagmamalasakit sa kapwa at sa tulong din ng ating panitikan,
maaari nating ipabatid ang ating sariling kahusayan sa gayundin ang ating mga kapintasan at
kahinaan upang maging daan sa pagpapabuti at pagpapaunlad ng kakayahan ng kapwa natin
mga Pilipino.

B. Sa kasalukuyan,nakararanas at nahaharap ang bansa sa samu’tsaring suliranin.Ikaw mismo


ay maaaring magpatunay at magpatotoo sa mga suliraning nararanasan sa kasalukuyan. 
 
A. Tumukoy ng isang suliranin o isyung panlipunan na kinakaharap ng iyong kominidad
_______o mismo ng ating bansa. Magsaliksik ng maaaring naging sanhi ng problemang ito.

B. Tukuyin ang naging bunga o kinalabasan nito kung kaya’t naituring mo na ito ay
isang _______suliranin.

C. Umisip ng maaaring solusyon o kalutasan sa natukoy na suliranin

D. Pagkatapos, pumili ng alinman sa mga panitikang pasalindila na maaaring umangkop


_______at gawan mo ng sariling bersyon. Isulat ang sagot sa ibinigay na talahanayan.

Angkop na
Panitikang
Suliraning Sanhi Bunga Solusyon
Pasalindila
Nakita
(sariling bersyon)

Hal.
Korapsyon sa Pagpapaliit ng Walang Pagtatasa ng Bulong:
pamimigay badyet na laan kalidad na kaukulang Tabi, tabi po…
ng ayuda sa para ibibigay sa pagkain ang nagastos sa Nagtatanong lang
barangay. mamamayan. ipinamahagi mga po…
tulad ng ipinamahagi sa Magkano po ang
mababang uri barangay badyet para sa isang
ng bigas, 3 (transparency). pamilya?
sardinas at
iba pa.

Sagot:
Kakulangan ng Korapsyon sa Kasabay ng Wastong Kasabihan:
badyet para sa iba’t ibang pagdami ng ipahayag sa Huwag umalis, kung
mga departamento ng kaso ng publiko kung panlasa’y ayaw
pampublikong pamahalaan, isa COVID-19, saan mapanis.
ospital sa ating na rito ang tumataas na napupunta ang
bansa. Ang kasalukuyang rin ang pondo na para Paliwanag:
ibang Pilipino kinakaharap na bilang ng sa pang- Isa sa mga sintomas
ay napipilitang isyu sa mga emergency na ng COVID-19 ay
lumabag sa mga pangungulimbat namamatay nauugnay sa ang pagkawala ng
alituntunin o ng pera ng mga dahil sa kalusugan ng panlasa.
protokol upang taong may COVID-19 at mga Pilipino,
makapagtrabaho matataas na nalampasan sa madaling
at matustusan katungkulan sa pa ang salita ay
ang kanilang Kagawaran ng pinakamataas magkaroon ng
pamilya. Kalusugan o na antas tranparency sa
Department of noong isang kung saan
Health. taon. napupunta ang
binabayarang
buwis ng mga
Pilipino.

                                    

Bilang isang kabataan nabibilang sa ika-21 siglo, paano kaya mapahahalagahan at


mapagyayaman ang mga ambag na panitikan ng ating mga ninuno sa indibidwal at
kolektibong antas?

1. Sa Sarili – Mapapahalagahan ko ang mga ambag na panitikan ng ating mga ninuno sa


pamamagitan ng pag tangkilik sa mga ito at hindi ko ito ipapagsawalang-bahala upang
mapanatili ko ang kanilang halaga. Mas lalo ko pa itong pag-aaralan nang mabuti upang aking
magamit sa pang-araw-araw na pamumuhay at upang patuloy kong malaman ang kahalagahan
nito sa ating bansa.

2. Sa Pamayanan/ komunidad na kinabibilangan - Maari kong ipahayag sa iba, lalo na sa mga


kapwa ko kabataan ang mga ambag na panitikan ng ating mga ninuno sa paraan ng
paglalathala nito sa mga social media platforms kagaya ng Facebook. Sa paraang ito ay
magiging bukas ang puso at isipan ng mga kabataan sa pagtangkilik at pagbuo ng mga
panitikang pasulat o pasalita.

3. Sektor ng Lipunan – Hihikayatin ko ang mga mamamayan upang bumuo ng mga programa
o aktibidad na maaaring makapagsulong at makapagbigay-aral sa mga mamamayan tungkol sa
mga panitikan ng ating mga ninuno at kung paano natin ito mapepreserba upang mapag-aralan
at maisabuhay din ng mga darating pang mga henerasyon.

4. Sa Pilipinas – Patuloy akong susuporta sa mga mamamayan na hinihiling na huwag


matanggal ang asignaturang Filipino sa mga kurso sa kolehiyo dahil nakapaloob rin dito ang
ating sinauna at kasalukuyang panitikan na maaari nating maipagmalaki sa ibang mga lahi na
sumisimbolo sa pagmamahal natin sa ating sariling panitikan at sa Pilipinas.

A. Patatapat- tapat: Hanapin sa Hanay B ang sagot sa mga pahayag na hinihingi sa Hanay A.
Isulat lamang Ang titik ng napiling sagot sa inilaang patlang.

HANAY A HANAY B
D______1. Ang mga tauhang gumaganap dito A. salawikain
________ay mga hayop o mga bagay nawalang B. mito
________ buhay C. bulong
I______2. Ito ay kuwento na punong-puno ng mga D. pabula
_______ kagila-gilalas na pangyayari lalo na sa E. bugtong
_______ pangunahing tauhan. F. palaisipan
A______3. Nagbibigay-payo lalo na sa kagandahang- G. sawikain
________asal H. alamat
E______4. Butil ng karunungan na nagsasanay sa I. epiko
_______ mabilis na pag-iisip at nanghihingi ng isang J. kasabihan
________kasagutan K. parabula
B______5. Ito ay kuwento ng isang paniniwala tungkol sa diyos-diyosan.
H______6. Ito ay kuwento ng pinanggalingan ng isang bagay, pook o pangyayari
K______7. Sinasalamin ng mga tauhang ito ang totoong tao.
A______8. Ito ay maiksing pahayag ng mga batayang tuntunin ng kaasalan.
G______9. Ito ay tinatawag ding patalinghagang pagpapahayag.
J______10. Ito ay isinusulat ng may sukat at tugma at talinghaga na
________ nakabatay sa pang-araw –araw na nararanasan ng tao.

2. Paano makatutulong sa pang-araw- araw na pag-uugali at pamumuhay ng tao ang mga


napagtanto sa mga aralin na binigyaaang-diin sa mga akdang binasa? Talakayin.

Malaki ang naging tulong at epekto sa akin ng mga akdang aking nabasa dahil nakasaad
dito ang lahat ng mga kaalaman, kaisipan, damdamin, karanasan, diwa at mga ideya ng ating
mga ninuno na ang hangarin ay makatulong sa lahat ng henerasyon. Ayon naman sa mga aralin
na binibigyang-diin sa mga akdang aking nabasa, napagtanto ko na malaki talaga ang
impluwensya nito sa ating buhay lalo na sa ating pag-uugali dahil ang ibang akda na ginawa ng
ating mga ninuno ay naglalaman ng mga mabubuting kaugalian, kultura at tradisyon na kaiba sa
ibang lahi. Isa ring paraan ng ating mga ninuno ang panitikan sa pagbibigay sa atin ng paraan
upang matuklasan ang ating sariling talino at sariling kasanayan sa pamamagitan ng kanilang
ipinasa-pasang mga akda na kapupulutan ng mahahalagang aral tungkol sa pgpapahalaga at
pagmamalasakit sa kapwa.
      

You might also like