Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

FIL 166

KALAKARAN AT TUNGUHIN SA PAG-AARAL NG WIKA


(MTH 1:00-2:30)

PILOPOSIYA NG WIKA

Ipinasa kay:
Prop. LOVE I. BATOON

Departamento ng Filipino
Koliheyo ng Agham Panlipunan at Humanidades
Mindanao State University
Fatima, Lungsod Heneral Santos

Ipinasa nina:
Anisa J. Musa
Jhondel Dave Q. Masbate
PILOSOPIYA NG WIKA

Kahulugan ng Pilosopiya
Ang mga kahulugang ito ay nasasalamin sa kung paano natin ginagamit ang naturang
salita sa mga pangkaraniwang sitwasyon o pangaraw-araw na pag-uusap. Ang mga
kahulugang ito ay kadalasang di-eksaktong natutumbok ang tunay na kahulugan ng
sinusuring salita o konsepto dahil ang mga ito ay kalimitang hango sa mga
nakasanayang gawi, kolektibong interes, kombensiyon, o napagkasunduang
hangarin.Gayunpaman, ang mga ito ay magandang panimula tungo sa isang masusing
pagsisiyasat sa tunay na kahulugan ng sinusuring salita o konsepto, dahil ang kanilang
mga kakulangan o limitasyon ay makapagbibigay ng direksyon sa kung paano
masusumpungan ang hinahangad na kahulugan.

Ayon kay Dr. Napoleon M. Mabaquiao, Jr., isang manunulat at propesor ng Pilosopiya
sa Unibersidad ng De La Salle, narito ang ordinaryong pagpapakahulugan sa konsepto
ng pilosopiya kung saan ang pilosopiya ay inuunawa bilang:

(1) ideya, pananaw, prinsipyo, paniniwala, at iba pang mga katulad ng mga ito, sa
pangkalahatang pag-unawa sa mga ito;

(2) pangangatwiran ng isang taong tinatawag na “pilosopo”; at

(3) isang uri ng pag-aaral sa akademiya bilang isang asignatura o kurso.


Una, ang pilosopiya ay karaniwang inuunawa na tumutukoy sa ideya, pananaw,
prinsipyo, o paniniwala ng isang tao o grupo ng mga tao, ano man ang klasipikasyon ng
mga ito sa mga sangay ng kaalaman. Ibig sabihin, sa mga karaniwang sitwasyon, ang
isang ideya, bagamat maiuuring pangrelihiyon, pangkasaysayan, o pawang opinyon, at
hindi naman pilosopiko (sa estriktong pag-unawa dito), ay maaaring tawagin na isang
“pilosopiya.” Halimbawa, sa halip na sabihin na “Ang ideya ni Jose tungkol sa
katarungan” ay maaaring sabihin na “Ang pilosopiya ni Jose tungkol sa katarungan”; sa
halip na sabihing “Ang pananaw ni Mario sa kalayaan ng bayan” ay maaaring sabihing
“Ang pilosopiya ni Mario sa kalayaan ng bayan.” Ang salitang “pilosopiya,” sa
kontektstong ito, ay ginagamit bilang isang pamalit-salita lamang sa mga salitang
“ideya,” “pananaw,” “prinsipyo,” “paniniwala,” at iba pang mga katulad nito.

Ikalawa, ang pilosopiya ay karaniwang inuunawa rin bilang pangangatwiran ng isang


pilosopo. Tatalakayin natin mamaya kung sino ang pilosopo sa konteksto ng mga taong
unang gumamit ng salitang ito. Sa bahaging ito, tingnan muna natin ang karaniwang
Pilipinong konteksto ng paggamit ng naturang salita. Sa konteksto ng mga Pilipino, ang
karaniwang gamit ng salitang “pilosopo” ay may kakaibang konotasyon.
Ayos nga kay De Leon (2016), hindi natin matatangihan ang negatibong konotasyon ng
katawagang "Pilosopo". Sa kanyang artikulo ay nabanggit na isa ito sa mga dahilan sa
patuloy na pagkalugmok ng Pilosopiya at pamimilosopiya sa Pilipinas.

Isang halimbawa ng Pamimilosopo sa konteksto ng mga Pilipino ay katulad ng


pamimilosopo ni Vice Ganda, isang Pilipinong komedyante sa kanyang mga pelikula.
Halimbawa, sa pelikulang Petrang kabayo na makikitaan ng mga linyang pamimilosopo
na nakakatawa para sa manonood.

(Sa opisina)

Sekretarya: ay good morning po sir nandito na po pala kayo.

Peter: Hindi, wala pa picture ko lang 'to hindi pa ako 'to.

Peter: Tse! Timpla mo nga akong coffee.

Sekretarya: Black coffee sir?

Peter: Hindi blue, blue coffee kaya mo?

Peter: Nasaan na ba ang mga papeles ko? Lina! Ipasok mo nga dito ang mga papeles
ko .

Lina : ah sir, Saan ko po ipapasok, dito sa loob?

Peter : Hindi sa labas! ipasok nga diba? Pwede bang ipasok sa labas? Sige nga
subukan mo ngayong ipasok sa labas!

Ikatlo, ang pilosopiya ay karaniwang inuunawa na tumutukoy sa isang uri ng pag-aaral


sa akademiya o institusyong pang-edukasyon bilang isang asignatura (na dati ay
kalimitang itinuturo lamang sa kolehiyo subalit ngayon ay itinuturo na rin sa senior high)
o kurso sa kolehiyo. Sa asignaturang ito, kalimitang tinatalakay ang mga paksang o
usaping pilosopiko tulad ng tamang pangangatwiran, mga batayan ng katotohanan,
mga isyung pang-etika, katarungan sa lipunan, pundasyon ng mga paniniwala sa
relihiyon, at iba pa.

Malinaw na may mga kakulangan at limitasyon ang mga karaniwang kahulugang ito
namaipaliwanag ang tunay na kalikasan ng pilosopiya, subalit ipinahihiwatig ng mga
kakulangang at limitasyong ito ang ilang mahahalagang aspekto o elemento ng
pilosopiya. Una, totoo na ang pilosopiya ay may mahalagang kaugnayan sa mga ideya,
pananaw, prinsipyo, at paniniwala; ngunit tinatalakay ang mga ito sa pilosopiya sa isang
mataas na antas at kakaibang pamamaraan. Ang pilosopikong antas sa pagtalakay ng
mga ito ay may kinalaman sa kanilang katotohanan (truth), pagkaka-ugnay-uganay
(coherence), at batayan (justification).. Samantala, ang pilosopikong pamamaraan sa
pagtalakay sa kanila ay kritikal at mapanuri kung saan sinisayasat ang kahinaan at
kalakasan ng kanilang mga batayan o pamantayan at mga kailangan at sapat na
kondisyon ng kanilang katotohanan. Ang pamamaraang ito ay may iba’t ibang anyo, na
makikitang nakapaloob sa mga tatawagin nating “mga metodolohiyang uri ng
pilosopiya”.
Ikalawa, totoo na ang pilosopiya ay may mahalagang kinalaman sa pangangatwiran,
ngunit ang pilosopiya ay gumagawa ng pagkakaiba sa tuwid at baluktot na
pangangatwiran, at ginagamit ang pangangatwiran para sa isang layunin lamang: ang
malaman o matukoy ang katotohanan. Ang ganitong pag-aaral ay ginagawa sa isang
sangay ng pilosopiya na tinatawag na “lohika,” na itinuring ni Aristotle na ating
pangunahing instrumento (instrumenting pang-isip, sa partikular) sa pag-alam. Bukod
dito, ang pilosopiya ay higit pa sa lohika o pag-aaral ng pagkamatuwid ng ating
pangangatwiran, dahil ang lohika ay isa lamang sa mga sangay ng pilosopiya, na ating
tatalakayin mamaya kaugnay ng saklaw ng pilosopiya.
At ikatlo, totoo na ang pilosopiya ay tumutukoy sa isang uri ng asignatura o kurso na
pormal na inaaral sa isang institusyong pang-edukasyon; ngunit hindi tumitigil ang
pamimilosopiya dito. Ang akademikong pag-aaral sa pilosopiya ay isa lamang antas sa
kabuuang pag-aaral sa pilosopiya. Hindi natatapos ang pamimilosopiya sa akademiya;
ito ay nakikisangkot sa mga aktwal na kaganapan sa lipunan. Ang puntong ito ay
mabibigyang-diin sa ating pagtalakay mamaya sa mga mahahalagang ambag ng
pilosopiya sa mga larangan ng kaalaman at lipunan, kaugnay ng diskusyon sa
kahalagahan ng pilosopiya.

Mula sa mga karaniwang pag-unawang ito sa kahulugan ng pilosopiya, narito ngayon


ang masusing pag-unawa nito. Simulan natin ito sa pagbabalik sa orihinal na kahulugan
nito. Hango sa etimolohiya o pinagmulan ng salitang “pilosopiya,” ang pilosopiya ay
orihinal na inuunawa bilang pagmamahal sa karunungan (love of wisdom). Ang salitang
“pilosopiya,” o “philosophy’ sa Ingles, ay isang salin mula sa salitang Griyego na
“philosophia,” na kombinasyon ng dalawang payak na salitang Griyego: ang salitang
“philo,” na ang ibig sabihin ay pagmamahal; at “sophia,” na ang ibig sabihin ay
karunungan (na, sa kontekstong ito, ay inuunawa bilang tumutugma sa kahulugan ng
salitang “wisdom” sa halip na “knowledge” sa wikang Ingles). Ang pilosopo (philosopher,
na isinasalin din kung minsan bilang “pilosoper”), samakatuwid, ay isang taong
nagmamahal sa karunungan. Ang salitang “pilosopo” ay unang ginamit ni Pythagoras
(Fremantle 1954, 13), ang isa sa mga sinaunang Griyegong intelektwal na kilala rin sa
kanyang theorem sa larangan ng matematika—ang tinaguriang Pythagorean Theorem.
Sa mga panahong iyon, ang literal na katawagan sa taong marunong (wise person) ay
“sopista” (“sophist”), subalit mas ginusto ni Pythagoras na ituring ang sarili bilang isang
pilosopo—bilang isang taong nagmamahal sa karunungan—sa halip na isang sopista
(bilang isang taong marunong). Si Pythagoras ay sinundan ng mga sinaunang
Griyegong pilosopo na sina Socrates at Plato sa paggamit ng salitang “pilosopo” bilang
taong nagmamahal sa karunungan.

Ang pangunahinag paksa ng Pilosopiya ng wika ayon kay Mabaquiao (2012), ay ang
kahulugan ng mga salita at ang ilang partikular na paksang sinisiyasat ay ang
kahulugan ng iba't ibang uri ng salita at pahayag.

Sa artikulong isinulat nina Ada et. al (WP) Mayroong iba't ibang Pilosopiyang pangwika
na ang tao at may mga dalubhasang manunulat ang nagpatotoo nito.

1.Benjamin Lee Whorf (1996). “Ang wika ay nakabatay sa pagpapakahulugan ng tao sa


kanyang kapaligiran”.Ipinakikita dito ni Whorf na galing sa binuo nating kahulugan o
larawan ang salitang ating binibitawan. Marami ang tumutol sa sinabing ito ni Whorf.
Sabi ng ilang linggwista, maaari raw matuto ng ibang salita ang tao kahit wala sa
kapaligiran o paligid ang nasabing salita. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagbabasa,
pagmamasid at pakikisalamuha.

2. Noam Chomsky (1968). “Ang wika ay nakabatay sa kakayahan at kagalingan sa


pakikinig”. Kapag ang isang tao ay marunong making sa kanyang kausap, mabilis na
makabubuo ng mga salitang sasabihin sa tao. Mas naitatala raw sa utak ang anumang
napakinggan kaysa nabasa. Ayon sa ilang dalubhasa, mas malaki ang nagagawa ng
pakikinig sapagkat ito raw ang may pinakamalaking porsyento ng pagkatuto sa
makrong kasanayan.

3. Allan Pace Nielsen (1990). “Ang wika ay nakabatay sa kasarian (Language Sexism)”.
Mayroong restriktibong pananaw sa paggamit ng wika ang lalaki at babae. May
istiryotayping o leybeling ng salita - pro o anti, salitang negatibo, at ekslusibo. Pagdating
sa lalaki, sila ay may awtoroti sa lipunang patriarchal. Dahil itinuturing na haligi ng
tahanan/ama ng tahanan ang mga lalaki, sila ay itinuturing na dominante sa lipunang
ginagalawan - mas malakas, responsable at may karapatang magdesisyon.
Samantalang ang babae ay pantahanan, tagapag-alaga ng mga bata at tagalinis ng
bahay. Ipinapakita ang kaibahan at distinksyon ng pagiging lalaki at babae dahil
sapagkakaiba ng papel na kanilang ginagampanan, kapangyarihan at gawain. Kung
ating lilimiin, tama lamang na mayroong kanya-kanyang papel na dapat gampanan ang
bawat isa, subalit sa panahon ngayon, ganoon pa rin ba?

4. Liam Hudson (1967). “Ang wika ay nakabatay sa karaniwang karanasan”. Ang bawat
tao ay mayroong kanya-kanyang karanasan at ito ay malimit maranasan. Marahil ang
ibig sabihin ni Hudson (1967), madali tayong makatanda ng mga salita base sa
karanasan na naiuugnay sa kasalukuyan. May dalawang mahalagang kaalaman na
ibinahagi si Hudson. Binigyan niya ng distinksyon ang bawat isa at tinukoy niya ang
paraan kung paano mag-isip: Una, ang kaalamang “convergent” na nagsasabing ang
lahat ng suliranin ay mayroong tama at maling sagot, isang koneksyon sa pagitan ng
abstraktong konseptuwalisasyon at aktibong eksperementasyon; ikalawa, ang
kaalamang “divergent” na nakapokus sa kreeytibiti – paglikha ng maraming karanasan
para sa ikatututo o pagkatuto. Nagagawa ito sa pamamagitan ng koneksyon sa
konkretong karanasan sa obserbasyong reflektibo.

Pilosopiya ng Wika

Philosophy of Language is the reasoned inquiry into the origins of language, the
nature of meaning, the usage and cognition of language, and the relationship
between language and reality.

It asks questions like "What is meaning?", "How does language refer to the real world?",
"Is language learned or is it innate?", "How does the meaning of a sentence emerge out
of its parts?"

Mga Teorya ng Pinagmulan ng wika

Tore ng Babel

Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong unang panahon kaya’t walang
suliranin sapakikipagtalastasan ang tao. Naghangad ang tao nahigitan ang
kapangyarihan ng Diyos, nagingmapagmataas at nag-ambisyong maabot ang langit,
atnagtayo ng pakataas-taas na tore. Mapangahas atmayabang na ang mga tao, subalit
pinatunayan ng Diyosna higit siyang makapangyarihan kaya sa pamamgitan
ngkaniyang kapangyarihan, ginuho niya ang tore. Ginawangmagkakaiba ang Wika ng
bawat isa, hindi namagkaintindihan at naghiwa-hiwalay ayon sa wikangsinasalita.
(Genesis kabanata 11:1-8)

Bow-wow

Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao aymula sa panggagaya sa mga
tunog ng kalikasan. Marahil ito ang dahilan kung bakit ang tuko ay tinatawagng tuko
dahil sa tunog na nalilikha ng nasabing insekto.Pansinin ang mga batang natututo pa
lamang magsalita. Hindi ba’t nagsisimula sila sa panggagaya ng mga tunog,kung kaya’t
ang tawag nila sa aso ay aw-aw at sa pusa ay miyaw. Ngunit kung totoo ito, bakit iba-
iba ang tawag sa aso halimbawa sa iba’t ibang bansa gayong ang tunog na nalilikha ng
aso sa Amerika man o sa Tsina ay pareho lamang?

Ding-dong

Kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon daw ng wika ang tao, ayon sa teoryang ito,
sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid. Ngunitang
teoryang ito ay hindi limitado sa mga kalikasanlamang kung di maging sa mga bagay na
likha ng tao.
Pooh-pooh

Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon teoryangito, nang hindi sinasadya ay
napabulalas sila bunga ngmga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa,
sarap,kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa.

Yo-he-ho

Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond (sa Berel,2003) na ang tao ay natutong


magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal. Hindi nga ba’t tayo’ynakalilikha
rin ng tunog kapag tayo’y nag-eeksert ng pwersa.

Ta-ta

Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ngkamay ng tao na kanyang
ginagawa sa bawat partikularna okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto
ng taong lumikha ng tunog at kalauna’y nagsalita. Tinatawag itongta-ta na sa wikang
Pranses aynangangahulugang paalam o goodbye sapagkat kapagang isang tao nga
namang nagpapaalam ay kumakampayang kamay nang pababa at pataas katulad ng
pagbaba atpagtaas na galaw ng dila kapag binibigkas ang salitang ta-ta

Sing-song

Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika aynagmula sa paglalaro,


pagtawa, pagbulong sa sarili,panliligaw at iba pang mga bulalas-
emosyunal.Iminungkahi pa niya na taliwas sa iba pang teorya, angmga unang salita ay
sadyang mahahaba at musikal, athindi maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami.

Hey you!

Hawig ito ng teoryang pooh-pooh. Iminungkahi nglinggwistang si Revesz na bunga ng


interpersonal nakontak ng tao sa kanyang kapwa tao ang wika. Ayon kayRevesz,
nagmula ang wika sa mga tunog na nagbabadyang pagkakakilanlan ( Ako! ) at
pagkakabilang (Tayo! ). Napapabulalas din tayo bilang pagbabadya ng takot, galito
sakit (Saklolo! ). Tinatawag din itong teoryang kontak.

Coo Coo

nalilikha ng mga sanggol. Ang mga tunog daw na itoang ginaya ng mga matatanda
bilang pagpapangalan samga bagay-bagay sa paligid, taliwas sa paniniwala ngmarami
na ang mga bata ang nanggagaya ng tunog ngmga matatanda.

Babble Lucky
Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ay nagmula sa mgawalang kahulugang bulalas ng
tao. Sa pagbubulalas ngtao, sinuwerte lamang daw siya nang ang mga hindisinasadya
at walang kabuluhang tunog na kanyangnalikha ay naiugnay sa mga bagay-bagay sa
paligid nakalaunan ay naging pangalan ng mga iyon.

Hocus Pocus

Ayon kay Boeree (2003), maaaring ang pinanggalingan ngwika ay tulad ng


pinanggalingan ng mga mahikal orelihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga
ninuno. Maaari raw kasing noo’y tinatawag ng mga unang tao ang mga hayop sa
pamamagitan ng mga mahikal na tunog nakalaunan ay naging pangalan ng bawat
hayop.

Eureka!

Sadyang inimbento ang wika ayon sa teoryang ito. Maaariraw na ang ating mga ninuno
ay may ideya ng pagtatakdang mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa
mgatiyak na bagay. Nang ang mga ideyang iyon ay nalikha,mabilis na iyong kumalat sa
iba pang tao at nagingkalakaran sa pagpapangalan ng mga bagay-bagay(Boeree,
2003).

Ta-ra-ra-boom-de-ay

Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sila ay maymga ritwal sa halos lahat ng
gawain tulad ng sapakikidigma, pagtatanim, pag-aani, pangingisda,pagkakasal,
pagpaparusa sa nagkasala, panggagamot,maging sa paliligo at pagluluto. Kaakibat ng
mga ritwal naiyon ay ang pagsasayaw, pagsigaw at incantation o mgabulong.

Mama

Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga pinakamadadaling pantig ng


pinakamahahalagang bagay.Pansinin nga naman ang mga bata. Sa una’ y hindi niya
masasabi ang salitang mother ngunit dahil ang unang pantig ng nasabing salita ang
pinakamahalaga diumano, una niyang nasasabi ang mama bilang panumbas sa
salitang mother.

Rene Descartes

Hindi pangkaraniwang hayop ang tao kung kaya’t likas sa kaniya ang gumamit ng wika
na aangkop sa kaniyangkalikasan bilang tao. May aparato ang tao lalo na sakaniyang
utak gayundin sa pagsasalita upang magamit sa mataas at komplikadong antas ang
wikang kailangan niya hindi lamang para mabuhay bagkus magampanan ang iba’t
ibang tungkulin nito sa kaniyang buhay.

Plato
Nalikha ang wika bunga ng pangangailangan. Necessity isthe mother of all invention.
Sa paniniwalang ito, gaya ngdamit, tirahan at pagkain, pangunahing pangangailangan
din ng tao ang wika kung kaya’t naimbento ito ng tao.

Jose Rizal

Kung lahat ng likas na bagay ay galing sa Poong Maykapal, bakit hindi ang wika?
Naniniwala angpambansang bayani na kaloob at regalo ng Diyos angwika sa tao.

Charles Darwin

Nakikipagsalaparan ang tao kung kaya’t nabuo ang wika. Survival of the fittest,
elimination of the weakest.

Wikang Aramean

May paniniwalang ang kauna-unahang wikang ginagamitsa daigdig ay ang lenggwahe


ng mga Aramean. Sila angmga sina unang taong nanirahan sa Syria (Aram)
atMesopotamia. Tinatawag na Aramaic ang kanilang wika.

Haring Psammatichos

Sinasabi sa paniniwalang ito na bilang hari ng Ehipto,gumawa ng isang eksperimento


si Psammatichos kungpaano nga ba nakapagsasalita ang tao. May dalawangsanggol
siyang pinalaki sa loob ng kuweba at mhigpit naipinag-tos na hindi ito dapat makarinig
ng anumang salita. Sa tagal ng panahon nakapagsalita raw ng “Bekos” ang dalawang
bata na ang ibig sabihin ay tinapay.

Ayon kay Mabaquio (2013), ang paksang sinisiyasat sa Pilosopiya ng wika ay ang
kahulugan ng mga iba’t ibang uri ng mga salita at pahayag.

Nature of meaning

Lahat ng nakikita natin sa ating kapaligiran ay may dalang kahulugan denotatibo man o
konotatibo. Dahil sa dalang kahulugan nito ay maaring iba iba ang interptetasyon nito
sa iba't ibang tao. Halimbawa sa isang larawan o painting, sa lahat ng makakakita ng
painting na iyon ay iba iba ang kanilang magiging interpretasyon o pagpapakahulugan.
Maaring maging malalim ang pagpapakahulugan ng iba, maaari namang ang iba ay
mababaw lang. Kung ihahalintulad ang wika o salita sa isang larawan o painting, lahat
ng salita ay mayroong kahulugan at iba iba ang interpretasyon ng tao rito. Halimbawa
sa salitang "ina" na maaaring ang kahulugan ng iba ay ang taong nagluwal sa kanila at
ang kahulugan naman ng iba para sa kanya ay kanyang bayani.
Relationship between language and reality

The relationship between language and reality can be expressed by the phrase
"direction of fit". There are 2 directions of fit. The first direction is more intuitive to
grasp—language can reflect reality. This is has been called the word-to-world direction
of fit meaning that the words match the world. For example, when we say, "there is a cat
on the mat," or, "Socrates is bald," we are using words to match a certain state of affairs
in the world. This use of language creates propositions which can be true if they
correspond to reality or false if they do not correspond to reality.

The second direction of fit is more interesting. And that is when we use language to
change reality. This has been called the world-to-word direction of fit because the world
is made to match the words. For example, when I am in a meeting and say, this meeting
is adjourned, I am making it the fact that meeting is really adjourned in reality by
representing the meeting as being so adjourned. Similarly, when an authorized religious
official says, "I now pronounce you husband and wife," he is changing reality by
representing reality as being so changed.
SANGGUNIAN

Ada, et.al (WP). Tradisyunal na Pilosopiya ng Wika. Kinuha mula sa


https://www.studocu.com/ph/document/pamantasan-ng-lungsod-ng-
maynila/interdisiplinayong-pagdulog-sa-pagbasa-at-pagsulat/lecture-
notes/tradisyunal-na-pilosopiya-ng-wika/5207233/view

De Leon, Emmanuel (2016). Pamimilosopiya, Wika, at Mga Baluktot na Katuwiran.


Kinuha mula sa
https://www.academia.edu/28774667/Pamimilosopiya_Wika_at_Mga_Baluktot_n
a_Katuwiran

Language and Reality. Kinuha mula sa http://www.gavinjensen.com/blog/language-and-


reality#:~:text=The%20relationship%20between%20language%20and,phrase%2
0%22direction%20of%20fit%22.&text=The%20first%20direction%20is%20more,t
he%20words%20match%20the%20world.

Kahulugan ng etimolohikal na pilosopiya. Kinuha mula sa


https://tl.warbletoncouncil.org/definicion-etimologica-filosofia-7987

Mabaquiao(2012). Pilosopiya: Isang Pag-unawa. Kinuha mula sa


https://www.academia.edu/44239114/Pilosopiya_Isang_Pag_unawa

Pandey, Sadanand. (2019). Re: What is philosophy? How many parts are there in
philosophy? Kinuha mula sa
https://www.researchgate.net/post/What_is_philosophy_How_many_parts_are_t
here_in_philosophy/5c7f49d266112308c60fd22a/citation/download.

Personal Power (2020). Philosophy of Language. Kinuha mula sa


https://youtu.be/dyw2rkT1HyY

Philosophybasics.com (WP). The basics of Philosophy. Kinuha mula sa


https://www.philosophybasics.com/branch_philosophy_of_language.html

TJS Daily (WP). Vice Ganda, Jokes and Lines. Kinuha mula sa
http://www.tjsdaily.com/2011/09/vice-ganda-jokes-quotes-and-lines.html?m=1

Yna Jessica Patani (WP). Mga Teorya ng Pinagmulan ng wika. Kinuha mula sa
https://www.academia.edu/36928754/Mga_teorya_ng_pinagmulan_ng_wika

You might also like