Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

FIL 166

KALAKARAN AT TUNGUHIN SA PAG-AARAL NG WIKA

WRITTEN REPORT

PAPEL NG WIKA BILANG WIKANG PANTURO

LAPIDANTE, KAYE LAURIENE G. - 2ND YEAR ABFIL

BUHAY, NYVIE GRACE - 2ND YEAR ABFIL


PAPEL NG WIKA BILANG WIKANG PANTURO

PAPEL NG EDUKASYON

Ang edukasyon ay isa sa pinakamahalagang bagay na maaring makuha ng isang


indibidwal. Dahil sa edukasyon, nagiging mas mabuting mamamayan ang mga tao,
magkaroon ng mas mabuting trabaho at natututo kung ano ang tama at mali.

Naipapakita ng edukasyon ang kahalagahan ng pagiging matiyaga at


nakakatulong din ito sa ating pag-uunlad bilang isang indibidwal. Kaya naman, maaari
tayong makagawa ng mas mabuting komunidad at lipunan dahil sa pagiging edukado at
pag respeto sa mga batas, at sa mga karapatang pantao.

Mahalaga rin ang edukasyon dahil napapalago ang kritikal na pag-iisip ng isang
tao. Ang pag-iisip na lohikal at kritikal ay nagpapaunlad ng kakayahang gumawa ng
mabuting desisyon ang isang tao.

Dahil din sa edukasyon, mas napapabuti rin ang ekonomiya ng isang bansa dahil
kapag edukado ang isang tao, mas malaki ang oportunidad nitong magkaroon ng
trabahong mataas ang suweldo.

Higit sa lahat, ang edukasyon ay nagbibigay ng paraan para sa iba na magbigay


balik sa komunidad. Ito’y nagbibigay daan para magkaroon ng pantay na oportunidad
para sa lahat, mayaman man o mahirap.

ANO ANG WIKA?

Ayon kay Pamela Constantino ang wika ay maituturing na behikulo ng


pagpapahayag ng damdamin, isang insrumento rin sa pagtatago at pagsisiwalat ng
katotohanan.

Ang wika ay hindi lamang kumakatawan sa isang tao o grupo, sapagkat ito ang
nagiging daan upang maipahayag natin ang ating mga saloobin upang magkaroon ng
pagkakaisa sa pagpapakilala ng kani-kaniyang identidad sapagkat ang wika ay
sumasalamin sa kultura ng isang bansa.

Sa pagpapakahulugan ni Whitehead, isang edukador at Pilosopong Ingles: “Ang


wika ay kabuuan ng kaisipan ng lipunang lumikha nito.” Ibig ipahiwatig nito na ang wika
ay salamin ng lahi.
Pagpapakahulugan ng wika ayon sa iba’t ibang awtor:

Awtor Pagpapakahulugan

Ponciano Pineda Ang Wika ang kasangkapan ng isang manunulat sa paglikha ng


kanyang sining.

Alfonso Santiago Ang wika ay kasangkapan na ginagamit at nabubuhay lamang


habang patuloy na ginagamit. Kapag nawalan na ito ng silbi sa
lipunan ay tuluyan na ring mawawala.

Jose Villa Panganiban Ang wika ay parang tubig. Ang hugis ng tubig ay kung ano ang
hugis ng sisidlan. Ang sisidlan ng wika ay bayan - taumbayan.

Bienvenido Lumbera Parang hininga ang wika.

KAHALAGAHAN NG WIKA

• Instrumento ng Komunikasyon
• Lumilinang ng malikhaing pag-iisip
• Nag-iingat at Nagpapalaganap ng Kaalaman
• Nagbubuklod ng bansa

1.Wika ang ginagamit natin sa pakikipagtalastasan. Sa pamamagitan nito ay


naipapahayag natin ang ating saloobin at kaisipan. Sa pamamagitan din nito nalalaman
natin kung ano ang gustong ipahiwatig ng ating kapwa. Nagkakaintindihan at
nagkakaunawaan ang bawat isa sa pamamagitan ng paggamit ng wika.

2.Ito ang nagbubuklod sa bawat tao hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa
mga ibang bansa rin.

3.Sa pamamagitan ng wika kaya nagkakaunawaan at nagkakaroon ng madaling


komunikasyon ang bawat tao kundi pati na rin sa mga karatig bansa nito.

4.Ang wika ay kaluluwa ng isang bansa at salamin ng lipunan.

5.Sagisag ng pambansang pagkakakilanlan.

6.Ang wikang pambansa ay siyang susi sa pagkakabuklod-buklod ng damdamin at


diwa ng mga mamamayan.

7.Sa pamamagitan ng mga salita nagkakaunawaan ang mga tao.


8.Nakakapagkomunikasyon sa iba at nasasanay tayo sa gramatikasa sarilisa
kapwasa lipunan.

ANO ANG WIKANG PANTURO?

Ayon kay Virgilio Almario (2014) ang wikang opisyal ay itinadhana ng batas na
maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. Ibig sabihin, ito ang wikang
maaring gamitin sa anumang uri ng komunikasyon, lalo na sa anyong nakasulat, sa loob
at labas ng alinmang sangay o ahensiya ng gobyerno.

Ang wikang panturo naman ang opisyal sa wikang ginagamit sa pormal na


edukasyon. Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga eskuwelahan at
ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang panturo sa mga silid-aralan.

“Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng


Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang ibang itinadhana ang batas , Ingles. Ang mga
wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing
pantulong ng mga wikang panturo roon” Saligang Batas ng 1987, Art.XIV, Sek.7

Sa pangkalahatan nga ay Filipino at Ingles ang mga opisyal na wika at wikang


panturo sa mga paaralan

Ang pahayag na ito mula sa isang website na nagpapakita na hanggang sa


kasalukayan ay malaki pa rin ang hamon na ikinakaharap ng wika lalo na sa wikang
ginagamit sa pagtuturo. Ayon pa sa Philnews.ph “Ang wikang panturo ay ang mga wikang
ginagamit ng mga paaralan bilang midyum sa pagtuturo. Kadalasan, ito ay itinatalaga ng
pamahalaan o nang mismong paaralan. Sa Pilipinas, ang opisyal na wikang panturo ay
Tagalog at Ingles.”

Sa bagong sistema ng pag-aaralan ngayon, tinuturo na rin ang Mother Tongue-


Based Multilingual Education o MTBMLE. Sa pamamagitan nito, naglalayong gamitin
ng pamahalaan at ng DepEd ang unang wika ng mag-aaral sa pagtalakay ng lahat ng
asignatura mula sa Grade 1 hanggang Grade 3, maliban sa Ingles at Filipino.

Mga tinuturong mother tongue sa mga paaralan sa Pilipinas:

• Ilocano
• Pangasinense
• Kapampangan
• Tagalog
• Bikol
• Hiligaynon
• Cebuano
• Waray
• Tsabakano
• Tausog
• Meranao
• Maguindanaoan
• Yvatan
• Yvanag
• Sambal
• Akeanon
• Kinaray-a
• Yakan
• Surigaonon

KAHALAGAHAN NG WIKANG PANTURO

Kung babalikan ang parehong pagpapakahulugan ng wikang panturo, binibigyang-


diin nito ang wikang panturo na behikulo ng pagpapasa ng kaalaman at mahahalagang
kakayahan ng isang bata upang maging handa sa paglaki at makapagtrabaho. Ilan sa
punto kung bakit mahalagang usapin ang wikang panturo ay:

•esensyal sa kakayahan ng mag-aaral na maipahayag ang sarili;

•paraan upang makilala pang lalo ng mag-aaral ang sarili bilang mamamayan ng
kaniyang bansa;

•daluyan ng kaalaman at hindi dapat maging balakid sa mga mag-aaral sa pagkatuto;

•tulay upang magkaunawaan ang mag-aaral, guro, at ang paksang pinag-aaralan; at

•nagbibigay ng pantay na oportunidad sa lahat ng mag-aaral na matuto nang sabay-


sabay.
Repleksyon ni Gng. Desiree Reyno isang Filipino Subject Area Coordinator ng Ateneo Grace School noong
Agosto 14,2018 Buwan ng Wika.

Sa mahabang panahon na ako ay


nagtuturo ng asignaturang Filipino,
makailang beses na ring naitatanong sa
akin ang tungkol sa pagtuturo nito. Ang
kadalasang tanong ay, “Mahirap ba itong
ituro?” o “Paano ba ito itinuturo?” Ngunit
ang mas mapanghamong tanong ay,
“Bakit kailangang ituro ang Filipino?”

Sa ganang akin, ang pagtuturo ng


asignaturang Filipino ay higit sa
pagtuturo lamang ng kaalamang balarila o gramatika at pag-unawa sa akdang binasa.
Hindi nagtatapos ang kaalaman sa pagbuo ng wasto at makabuluhang pangungusap at
pagsagot sa mga kasanayan sa pagbasa. Ang FILIPINO bilang asignatura ay
pagpapalalim ng ating wika at kultura.

Ang susunod na katanungan, marahil, sa pahayag na ito ay “Bakit? at Paano?”

Bilang guro ng Filipino, mahalagang maisama sa oryentasyon ng mga batang


tinuturuan kung bakit nila pinag-aaralan ang Filipino. Sa oryentasyong ito, malalaman nila
na higit sa isang asignatura ang Filipino na kanilang pinag-aaralan. Sa pagagamit ng
wika, mahahasa ang kanilang kaalaman at kakayahan sa pagsasalita ng Filipino. Kapag
ginagamit parati ang wika, magiging matatag ang pundasyon ng mga salita na siyang
magagamit sa pag-unawa sa maraming bagay tungkol sa ating mga Pilipino. Ang mga
nakalimbag na akda, dula o anumang palabas o panoorin, at ang mga kuwentong
naririnig tungkol sa ating mga Pilipino gamit ang wikang Filipino ay mas
napahahalagahan dahil sa pagkakaroon ng sapat na pag-unawa rito. Ito rin ang maaaring
pag-ugatan ng damdaming pagkamakabayan at magsisilbing ningas ng pagmamahal sa
ating bansa, sa ating pagka-Pilipino. Hindi ba’t kay sayang isipin na nauunawan ng mga
batang Pilipino ang kanilang kultura gamit ang wikang Filipino?

Mahalaga na sa murang edad ng mga bata ay naiintindihan nila at nagagamit ang


wikang Filipino. Kaya naman kailangan ang patuloy na paglinang sa kakayahan ng mga
bata na magamit ito araw-araw sa kanilang pamumuhay. Sa paraang komunikatibo
kailangang maipagamit ang wikang Filipino. Sa pag-aaral ng Filipino, hindi sapat na
matukoy ng mga bata ang mga bahagi ng pananalita. Sa halip, mas magiging
makabuluhan kung ipagagamit ito sa kanyang pakikipagtalastasan sa iba.

Isang magandang halimbawa nito ay ang paggamit ng pang-uri o salitang


naglalarawan. Mas mabuting ipalarawan sa mag-aaral ang kanyang kalaro o kaibigan
kaysa ipaisa-isa sa kanya ang mga salitang naglalarawan. Sa ganitong paraan, babaunin
niya ang kaalaman at kasanayang natutuhan upang sa kanyang paglabas sa paaralan
ay magamit niya nang wasto at makabuluhan. Ganoon din, isang araw, kapag kinailangan
niyang ilarawan ang kanyang sarili sa
oras ng panayam o anumang gawaing
may kinalaman sa pagpapakilala,
kakayanin niyang gawin ito dahil hindi
naman itatanong sa kanya kung ano ang
pang-uri sa halip, ipalalarawan sa kanya
ang kanyang sarili.

Ang isang batang matatas sa


wikang Filipino ay angat sa karaniwan.
May kakayahan siyang makipag-
ugnayan sa kahit kanino sa ating bansa.
Minsan isang tanghalian, habang ako
ay teacher prefect sa aking mga mag-aaral, naitanong sa akin ng isa kong estudyante
kung bakit pa raw niya pag-aaralan ang Filipino kung magiging CEO naman siya ng
kanilang kumpanya balang-araw. Sinagot ko muna siya ng isang tanong bago ko sagutin
ang totoo niyang tinatanong. “Gusto mo bang maging isang mahusay at mabuting CEO
sa iyong mga manggagawa?” Sa simpleng tanong kong ito, nakita ko ang pagkunot ng
noo at pagsalubong ng kanyang mga kilay. At habang ipinaliliwanag ko ang kahalagahan
ng paggamit ng wikang Filipino upang makipag-ugnayan mula sa simpleng manggagawa
hanggang sa mga aral at dalubhasang kasamahan sa kumpanya, nakita ko rin ang unti-
unting pagliwanag ng kanyang mukha. Napalitan ng ngiti at matamis na “Salamat Ma’am”
ang natanggap ko mula sa kanya.

Makapangyarihan ang wasto at mabuting paggamit ng ating wika. Isa itong daan
upang magkaroon tayong mga Pilipino ng matatag na pagkakakilanlan. Kaya kung
tatanungin muli ako kung bakit mahalaga ang pagtuturo ng Filipino sa mga bata, ito ang
aking tugon. Ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Sila ang magtataguyod ng wikang
magbubuklod sa ating mga Pilipino at magpapakita ng kakayahan, kahusayan, at
kabutihan nating mga Pilipino. Sila rin ang magpapamalas sa buong mundo kung gaano
kaganda at kayaman ang ating wika at kultura. Nararapat lamang na matutuhan nila ito.

MGA ISYU/SULIRANIN NG WIKANG PANTURO

Ayon kay Florentino T. Timbreza, Mayroong apat na maling pagkukuro, pag-


aakala o mga pala-palagay hinggil sa paggamit ng Filipino sa pagtuturo:

Una, pabayaan munang umunlad ang Filipino bago ito gamitin sa pagtuturo.

-papaano uunlad ang wikang Filipino kung hindi ito gagamitin?

Pangalawa, marami pang kakulangan ang wikang pambansa kung kaya’t hindi pa
maaaring gawing wikang panturo ito.
-papaanong mapagpupunan ang kakulangan ng sariling wika kung hindi ito
pauunlarin at payayabungin sa pamamagitan ng paggamit?

Pangatlo, maraming salitang ingles na walang katumbas sa wikang Filipino.

-papaano magkakaroon ng mga katumbas na kataga sa Filipino ang mga salitang


Ingles kung hindi lilikha at bubuo sa pamamagitan ng paggamit?

Pang apat, kulang pa ng mga batayang-aklat sa Filipino kung kaya’t mahihirapan ang
mga mag-aaral.

-papaano makakasulat ng mga batayang-aklat sa Filipino kung hindi


magpapakadalubhasa muna sa paggamit ng wika sa pagsulat at pagtuturo?

Ang pagpapaunlad ng Filipino ay sa pamamagitan ng paggamit lamang. Ito’y


alinsunod sa pakiwari ng mga dalubwika na hindi uunlad ng alinmang wika kung hindi ito
gagamitin. Dahil dito, ang pakiwaring pabayaan munang umunlad ang wikang Filipino
bago ito gamitin ay isang uri ng pag-iwas na makibahagi sa pagpapaunlad ng ating wika.

Ang tanging dahilan kung bakit maraming salitang Ingles ang wala pang katapat o
katumbas na salitang Filipino ay sapagkat sa loob ng matagal na panahon ay itinigil ang
paggamit nito. Ginamit at ginagamit pa rin ang wikang Ingles, kung kaya’t ito ang
puspusang umunlad. Ito ang yumabong at lumawak; samantalang ang wikang Filipino ay
mistulang naluoy at napuril sa di paggamit.

Inalagaan at pinagsunugan ng kilay ang wikang hiram, subalit pinabayaan,


ipinagtabuyan, at ipinagwalang bahala lamang ang wikang sarili samantalang iginapos at
ikinulong ang wikang Filipino upang pakawalan, palayain, at arugain ang wikang
dayuhan.

Hindi kataka-taka na sa ngayon ay magaling at mataas ang mga Pilipino sa


paggamit ng wikang Ingles, samantalang nangangapa naman sa paggamit ng Filipino
lalung-lalo na sa pagtuturo.

Mahihinuha mula sa mga tinuring maling pagkukuro tungkol sa paggamit ng


Filipino sa pagtuturo na ang mabigat na sauliranin ay walang iba kundi ang Pilipino
mismo na nagiging bilanggo ng mga mali-maling palagay kung kaya’t nananatiling
suliranin ang pagtuturo nito.

Ang tanging suliranin tungkol sa Pilipino ay nag-uugat sa kaniyang kalinangan at


kasaysayan. Tinutukoy dito ang pangkasaysayan at pangkalinangang suliranin. Kaakibat
ng mga ito ang mga saloobing sosyolohikal at sikolohikal na angat din sa kasaysayan at
kalinangan ng Pilipinas.
Upang lubos na maunawaan, narito ang pagpapaliwanag sa pamamagitan ng
isang paglalarawang-diwa.

Halimbawa, nagkaroon ng makadayuhang pag-iisip o pag-iisip kolonyal dahil sa


pagsakop ng mga kastila sa loob ng mahigit na tatlong taon. Nagkaroon ng Inferiority
complex o pagkamababang damdamin sapagkat laging inihahambing ang sarili sa mga
dayuhan na malayo na ang nararating, hindi lamang sa larangan ng kalinangan kundi sa
ekonomiya at wika rin

May isang palHalimbawa, nagkaroon ng makadayuhang pag-iisip o pag-iisip


kolonyal dahil sa pagsakop ng mga kastila sa loob ng mahigit na tatlong taon. Nagkaroon
ng Inferiority complex o pagkamababang damdamin sapagkat laging inihahambing ang
sarili sa mga dayuhan na malayo na ang nararating, hindi lamang sa larangan ng
kalinangan kundi sa ekonomiya at wika rinaka na nakatira sa tubig sa loob ng isang balon.
Sapul sa simula, tanging tubig lamang sa loob ng balon ang kinamulatan niyang tahanan
at ang kinagisnan niyang pook o lugar ay ang loob ng balon. Dahil dito, ang buong akala
niya ay wala nang ibang pook kundi ang kanyang tirahan sa loob ng balon. Higit sa lahat,
para sa kaniya ay wala nang ibang katawan ng tubig at wala nang ibang nakahihigit pang
uri ng tubig kundi ang tubig lamang sa loob ng balon. Kung kaya’t nasisiyahan na siya at
lagging isinisigaw na wala nang mas mabuti pang lugar at wala na ring mas malinaw pang
tubig sa buong daigdig kundi ang kinabubuhayan at kinasanayan niyang tubig sa loob ng
balon.

Isang araw ay umulan nang malakas at dahil walang humpay sa pagpatak ng ulan,
tumaas nang sa gayon na lamang ang tubig sa balon, at lalo namang natuwa ang palaka
sapagkat lalong lumalaki at lumalalim ang inaangkin niyang tubig doon. Hindi nagluwat
at napuno ang balon hanggang umapaw at umawas ang tubig sa labas nito. Gayon na
lamang ang pagkamangha at pagkatulala ng palaka nang makita niya na sa labas ng
balon ay mayroon palang mas malaki at mas malinaw pang katawang ng tubig --ang ilog
at ang karagatan.

Kung bibigyan ng matamang pagkukuro-kuro, ang mabigat na suliranin tungkol sa


paggamit ng Filipino sa pagtuturo (hindi lamang sa parte ng guro kundi sa parte ng mga
pag-aaral din) ay nahahalintulad sa likas na karanasan ng palaka sa loob ng balon.

Ayon pa sa Rappler.com, Filipino: ‘Pambansang wika, pero hindi wikang opisyal’

‘Pangunahing balakid upang maging wikang opisyal ang Filipino ang kahirapang
isalin ang mga opisyal na terminolohiya na kadalasang ginagamit sa pamamalakad,
pangangasiwa, at sa usaping batas”
Halos tatlong dekada nang nakalipas nang iniutos ng dating pangulong Corazon
Aquino na gamitin ng mga kagawaran at ahensiya ng pamahalaan ang Filipino sa lahat
ng uri ng komunikasyon at inutos din ng Atas Tagapagpaganap Blg. 217 na isalin sa
Filipino ang mga pangalan ng mga opisina, maging ang panunumpa sa katungkulan ng
mga opisyal na gobyerno.

Nguni’t inamin ni Celso Santiago Jr na parin wikang opisyal ang Filipino kahit na
taggap na ito ng nakararami bilang wikang pambansa dahil sinabi niya na “Hangga't hindi
nauunawaan ng karaniwang masa ang wika ng batas polisiya, pangagasiwa, at
pamamahala, hindi natin naibibigay sa kanila ang kapangyarihang maging mga aktibong
mamamayang may pakikisangkot sa pamamahala at pagpapatakbo ng bansa,"

Dagdag pa ni Santiago, “ Masasabing opisyal ang wika kung ito ang gamit sa mga
opisyal na talastasan sa pamahalaan. Sinikap naming gamitin ang wikang Filipino upang
makaabot ang mga programa ng pamahalaan sa mas nakararami,"

Wika niya, “Kapansin-pansin na wikang Ingles pa rin ang siyang pangunahing


wikang ginagamit sa lehislatura at hudikatura.” Kaya ayon sa kanya. babalik at babalik
pa rin ang usapin sa sektor ng edukasyon, lalo na sa kolehiyo, kung saan mas madalas
pa ring naipapasa ang karunungan at kaalaman sa pamamagitan ng wikang Ingles” .
Kung kaya’t Hinikayat niya ang mga guro at iba pang nasa sektor ng edukasyon na
ipalaganap ang Filipino bilang wika ng pananaliksik at diskurso.

Dagdag pa niya, ‘Hindi makaaasang magiging mahusay na mahusay ang mag-


aaral kung hindi mahusay na mahusay ang modelo – ang mga guro' kung kaya’t
nahikayat ang mga guro na maging malikhain at kasiya-siya ang pagtuturo ng wikang
Filipino sa mga kabataan.

KABUUAN

Mahalaga na pahalagahan at paunlarin natin ang ating sariling wika upang patuloy
na yumabong at maibahagi sa mga sumusunod na henerasyon sa pamamagitan ng
paggamit nito hindi lamang sa pagtuturo ngunit pati na rin sa paggamit nito sa
pamamalakad, pangangasiwa, at sa usaping batas.

Hindi dahilan ang mga suliranin o hadlang sa paggamit ng wikang Filipino bilang
midyum ng pagtuturo sa pagpapaunlad at pagbibigay halaga dito. Hindi masamang
hingkayatin ang mga dayuhang wika dahil parte ito ng pagkatuto upang magkaroon ng
kaunlaran at sapat na kaalaman ang isang indibidwal ngunit nararapat na mas pagtuunan
natin ng pansin at halaga ang sariling atin.
Kinakilangang gamitin ang ating wikang opisyal hindi lamang sa pagtuturo ngunit
sa lahat ng larangan upang mas mapayabong at makagawa ng mga bagong
terminolohiya na makatutulong sa pagpapayabog at upang tuluyang matawag na ang
wikang Filipino ay isang entelektwalisadong wika na gamit sa kaunlaran.
Mga Sanggunian:

Soria, J.(2012, Junyo 29) Kahulugan at Kahalagahan ng wika mula sa


https://www.slideshare.net/thaddeussoria/kahulugan-at-kahalagahan-ng-wika

Geronimo, J. (2015, Agosto 8) Filipino: 'Pambansang wika, pero hindi wikang opisyal'
mula sa https://www.rappler.com/nation/filipino-wikang-opisyal

Geronimo, J. (2015, Agosto 7) Mga guro, maging malikhain sa pagtuturo ng Filipino


mula sa https://www.rappler.com/nation/guro-maging-malikhain-pagtuturo-filipino

Timbreza, F. (https://ejournals.ph/article.php?id=7717

Ki, (2020, October 5) https://philnews.ph/2020/10/05/kahulugan-ng-wikang-panturo-ano-


ang-wikang-panturo/

Cagayo, E. (2017, July) https://quizlet.com/215581637/wika-kahulugan-kahalagahan-at-


kalikasan-flash-cards/

https://www.coursehero.com/file/6907736/Kahalagahan-ng-wika/

https://www.coursehero.com/file/p4jmqsq/Kahalagahan-ng-Wikang-Panturo-Kung-
babalikan-ang-parehong-pagpapakahulugan-ng/

Reyno, D. (August 14, 2018) https://www.ateneo.edu/grade-school/news/features/ang-


kahalagahan-ng-pagtuturo-ng-wikang-filipino-sa-mga-bata

Cumawas, R. (2019, June 1)Wikang opinsyal at wikang panturi


https://www.slideshare.net/REGie3/wikang-opisyal-at-wikang-panturo-151027890

You might also like