Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

I.

Identipikasyon

A. Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na pangungusap. Ilagay ang P kung ito
ay Payak na pangungusap, T kung ito ay Tambalan, H kung Hugnayan at L kung
Langkapan.

1. Magiliw sumayaw ang batang si Maria.

2. Matalinong bata si Marta sapagkat nakakakuha ng matataas na marka sa


pagsusulit.

3. Busilak ang kalooban ni Mario at sya ay maginoo.

4. Maraming regalo ang natanggap ni Karla sa kanyang kaarawan.

5. Masipag na bata si Nena at mapagkakatiwalaan pa.

6. Maganda ang tinig ni Anita at masarap itong pakinggan dahil kaloob ito ng
Panginoon sa kanya.

7. Tahimik na bata si Elias.

8. Mahilig magbasa ng libro si Mara at mahusay magsulat ng tula.

9. Makakapasa si Pablo sa pagsusulit kung aaralin ang mga talakayan sa


eskwela.

10. Mabuti ang pamilyang Reyes at sila ay may busilak na kalooban dahil sila ay
matulungin sa kapwa.

B. Tukuyin ang bawat pangungusap. Ilagay ang K kung ito ay nasa karaniwang
ayos at DK kung ito ay nasa di-karaniwang ayos ng pangungusap.

1. Ang Pilipinas ay isang bansa.

2. Mataas ang punong niyog kaysa sa puno ng mangga.

3. Mahilig manood ng telebisyon si Mirna.

4. Si Ana ay masayang naglalaro ng kanyang mga laruan.

5. Masayang naglalakad si Tanya pauwi sa kanilang tahanan.

II. Paglalapat

A. Bumuo ng pangungusap batay sa hinihinging kayarian mula sa sumusunod na


mga salita/kataga.

1. Mabuting mag-aaral (hugnayan)

2. Masipag na bata (payak)


3. Responsableng pulis (tambalan)

4. Mapagkakatiwalaang bata (langkapan)

5. Magandang dilag (payak)

6. Mabangong bulaklak (tambalan)

B. Sagutan ang mga sumusunod batay sa hinihingi ng sitwasyon. 2 puntos ang


bawat isa.

1. Isaayos ang pangungusap magmula sa karaniwang ayos patungong di-


karaniwang ayos.

Puno ng anghel ang kalangitan.

2. Isaayos ang pangungusap magmula sa di-karaniwang ayod patungong


karaniwang ayos.

Tayo ay mag-ehersisyo upang lumusog.

You might also like