Professional Documents
Culture Documents
Tungkulin NG Alagad
Tungkulin NG Alagad
SERMON NO. 2
"Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa,
na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo: Na
ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo:
at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan."
Intro : Paano makikilala ang tunay na alagad ni Cristo? Anong ibig sabihin ng
salitang alagad? At ano-ano ang mga tungkulin o pananagutan ng isang alagad ni
Cristo?
Body :
Juan, 8:31 "Sinabi nga ni Jesus sa mga Judiong yaon na nagsisisampalataya sa kaniya,
Kung kayo'y magsisipanatili sa aking salita, kung magkagayo'y tunay nga kayong
mga alagad ko;"
PANSININ : Ang salitang Alagad o Disciple ay nangangahulugang Learner and Doer. Ang
salitang ito ay kawangis ng salitang Discipline. Samakatuwid, ang isang alagad ay
masugid na mag aaral at tagasunod ng mga turo ni Cristo.
Mga Gawa, 2:42 "At sila'y nagsipanatiling matibay sa turo ng mga apostol at sa
pagsasamasama, sa pagpuputolputol ng tinapay at sa mga pananalangin."
PANSININ : Ang mga unang alagad ay tumibay na mainam sa kanilang
pananampalataya dahil sa kanilang pagsasamasama tuwing may gawain.
Sa SDA, ang Midweek, Vesper, Sabbath at A.Y. program ay mga itinakda ding
pagkakatipon ng Dios sa ating panahon o sa nalabing bayan ng Dios. Ang mga gawaing
ito ay pananagutan at hindi dapat kaligtaang daluhan ng mga kabahagi sa iglesia
sapagkat itoy sa ikatitibay ng ating pananampalataya.
Hebreo, 10:25-28 "Na huwag nating pabayaan ang ating pagkakatipon, na gaya ng
ugali ng iba, kundi mangagaralan sa isa't isa; at lalo na kung inyong namamalas na
nalalapit na ang araw."
"Sapagka't kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang
pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga
kasalanan,"
PANSININ : Hindi isang maliit na kasalanan ang nagagawa sa Dios ng mga taong hindi
nagpapahalaga sa kabanalan ng mga pagkakatipon sa iglesia. Kapag sinasadya natin ang
ating pagkakasala, tayo ay ituturing ng Dios na mga kaaway at mapaparusahan sa araw
ng paghuhukom sapagkat ang pagkaligta sa pagkakatipon ay katumbas ng kawalang
utang na loob at pagtalikod sa kanyang prisensya.
"Sa lahat ng mga bagay ay magpasalamat kayo; sapagka't ito ang kalooban ng Dios kay
Cristo tungkol sa inyo."
V. SINO ANG PANGUNAHING NAG UUTOS NA TAYO AY LAGING MANALANGIN?
SAGOT : Ang pangunahing nag uutos na tayo ay laging manalangin ay ang Panginoong
Jesu-Cristo.
Lucas, 18:1 "At sinalita niya sa kanila ang isang talinghaga, na sila'y dapat
magsipanalanging lagi, at huwag manganglupaypay;"
Marcos, 12:31 "Ang pangalawa ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong
sarili. Walang ibang utos na hihigit sa mga ito."
PANSININ : Ang Pagsamba, pananalangin at pagpapakabanal sa harap ng Dios ay
pagpapakita ng pag ibig sa Dios. Ngunit hindi doon natatapos, bilang mga alagad ni
Cristo ay pananagutan din natin na magpakita ng pag ibig sa ating kapwa gaya ng
mismong ginawa ni Cristo. Laging maging bukas ang ating palad para tumulong sa iba.
Judas, 1:23 "At ang iba'y inyong iligtas, na agawin ninyo sa apoy; at ang iba'y inyong
kahabagan na may takot; na inyong kapootan pati ng damit na nadungisan ng laman."
PANSININ : Hindi pwedeng akayin ng bulag ang kapwa bulag. Yamang tayo ang nasa
katotohanan, tayo rin na mga alagad Niya ang kanyang inaasahang magbabahagi ng
pabalita ng kaligtasan sa ating kapwa.
Appeal :
IX. LUGI BA TAYO KUNG ATING PAGTALAGAHAN ANG ATING TUNGKULIN BILANG
ALAGAD NI CRISTO?
SAGOT : Hindi wawalang kabuluhan ng Panginoon ang ating mga gawa sa Kanyang
pangalan.
1 Mga Taga-Corinto, 15:58 "Kaya nga, mga kapatid kong minamahal, kayo'y magsitatag,
huwag makilos, na laging sumasagana sa gawa ng Panginoon, yamang nalalaman
ninyo na hindi walang kabuluhan ang inyong gawa sa Panginoon."
PANSININ : Kung ang tao ay makakalimot sa mga gumawa sa kanya ng mabuti, ang Dios
ay hindi. Hindi Niya winawalang kabuluhan ang ating mga gawa sa Kanya bilang mga
alagad ni Cristo.
Mateo, 24:46-47(MB) "Mapalad ang aliping iyon kapag dinatnan siyang tapat na
naglilingkod sa pagbabalik ng kanyang panginoon!"
PANSININ : Bilang mga Alagad ni Cristo tayo ay may tungkulin o pananagutan. Ang
pagsamba, pananalangin, pagbabagong buhay at pag aakay ng kaluluwa ay gawin nating
buong puso at may pagtatalaga.
Mapalad tayo kung maratnan tayong tinutupad ang ating tungkulin hanggang sa
pagdating ng Panginoon sapagkat tayo ay magmamanang kasama ni Cristo sa kaharian
ng Dios Ama.