Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Panuto: Suriin ang mga sumusunod na sanaysay ayon sa balangkas ng

pagsusuri.

Kahirapan sa Pilipinas
Akda ni  Ghie
Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat na problema ng ating bansa.
Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero
sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad?

Sabi nga nila, “Katamaran ay katumbas ng Kahirapan”. Tama sila, at tama


rin naman ang mga taong nagsasabing nasa gobyerno ang pagkakamali. Sinasabi
ng karamihan, kaya sila naghihirap ay sa kadahilanang wala silang trabaho, pero
ang totoo, maraming trabahong nakalaan, mapili lang talaga ang mga Pilipino.
Pero hindi rin natin sila masisisi, mas pipiliin pa nilang maupo na lang sa isang
tabi at manghingi ng limos kaysa magpakapagod sa napakabigat na trabaho at
kumita ng isang daang piso sa isang araw. Pero sa kadahilanang ito, pinapakita
lang natin na tayo ay tamad, pinakadahilan ng kahirapan.

Pangalawa sa mga dahilan ay ang maling gawain ng mga pinuno ng ating bansa,
ang pagbubulsa sa kaban ng bayan. Ang mga pondo na para sa pagpapaunlad
ng buhay ng mga mahihirap ay ginagamit ng mga pulitiko para sa sarili nilang
interes. Sapat ang sweldo ng mga pinuno ng ating bansa, ang totoo ay sobra-
sobra pa ito para bumuhay ng isang pamilya, pero patuloy pa rin sila sa maling
gawain nila.

Kamakailan lang ay sinabi na umaangat na ang ekonomiya ng ating bansa,


pero wala kahit isa ang nakaramdam nito. Kailangan pa ring pumila ng matagal
para lang makabili ng NFA Rice, mataas pa rin singil sa gasolina, sa kuryente at
halos sa lahat ng bilihin, hindi kasya ang sweldo ng isang empleyado lamang.

Dahil sa maling gawain ng mga pulitiko, mga simpleng mamamayan ang


naaapektuhan, dahil mas pinipili nilang ibulsa ang malaking pondong
pangkahirapan kaysa idagdag sa sweldo ng mga empleyado, isang malaking
kamalian sa parte ng mga pinuno.
Pangatlo sa mga kadahilanan ay ang pagiging iresponsable ng mga Pilipino, o
ang kawalan ng paninindigan. Kung magiging responsible lamang ang mga
magulang ng mga batang kalye ay malamang walang pakalat-kalat na bata
ngayon sa lansangan, walang uhuging bata na nanghihingi na limos, at walang
kaawa-awang mga mukha ng mga gutom na bata ang makikita natin.

Kung pinag-aaral lamang sila ng kanilang magulang, malamang ay


magkakaroon sila ng magandang kinabukasan. Bumabalik nanaman dito ang
kadahilanang wala silang trabaho, pero may mga programa ang ating
pamahalaan, maging ang local, para sa libreng pag-aaral, pero mukhang hindi
nauubusan ng dahilan ang Pilipino kung bakit hindi sila nakaka-pagaral, at
ibabalik nanaman ang sisi sa gobyerno.

Ang katotohanan ay tayo mismo ang dahilan ng ating paghihirap, tayong


mga mamamayan ng bansa natin. Kung sisimulan natin ang pagbabago sa sarili
natin, malamang ay mababagao rin natin ang antas ng ating pamumuhay, pinuno
ka man o simpleng mamamayan ay dapat magbago para sa ikauunlad nating
lahat.
Edukasyon: Tungo sa Magandang Kinabukasan
Mula sa  JohnLloydQuijano.wordpress.com

Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na Edukasyon ay isang


saligan upang mabago ang takbo na isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng
isang masaganang ekonomiya. Mataas na Edukasyon na hindi lamang binubuhay
ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga unibersidad at paaralan.
Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat
na Edukasyon, ang praktikal na Edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na
pamumuhay ang siya paring dapat na piliting maabot. Matibay ang isang
Edukasyon kung ito ay may pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na
pag-aaral tungkol sa Mathematics, Science, English at mga bagay na tungkol
naman sa buhay at kung paano mabuhay na maayos.

Ang Edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na


hinaharap na isang bansa. Kung wala ito, at kung ang mga mamamayan ng isang
lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng
Edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat
lamang na maintindihan na ang Edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa
kanilang mga inaasam na mga mithiin. Ang unang layunin ng Edukasyon ay
upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at impormasyon sa
kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo na
humubog sa isipan at damdamin at pakikipagsalamuha sa kapwa ng isang tao.
Ito rin ang dahilan ng mga mabubuti at magagandang pangyayari sa ating
mundo at ginagalawang kapaligiran.

Ang Edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ay nagiging daan sa isang tao


upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at
komunidad na ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa
isang matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa upang lubusang
mapakinabangan ang daigdaig at malaman ang mga layunin nito.
Kahirapan na walang katapusan
(Pang-Masa, Marso 30, 2015. Galing sa  Philstar.com)

Maganda ang forecast sa ekonomiya ng Pilipinas ngayong 2015. Maaari


raw umangat ng 6-7 percent ang kabuhayan. Nakikita na umano ang mga
palatandaan. Noong 2012, umangat ang ekonomiya ng bansa ng 6.6 percent.
Tuwang-tuwa si President Noynoy Aquino sa pag-angat na ito. Ipinagmalaki niya
ito. Sabi, ang pag-angat ng ekonomiya ay dahil sa “maayos na pamamahala” ng
kasalukuyang pamahalaan.

Ang nakapagtataka, sa kabila na umaangat ang ekonomiya, bakit marami


pa rin ang naghihirap at nagugutom. Bakit marami pa rin ang walang trabaho?
Bakit marami pa ring palaboy?

Sa latest Pulse Asia survey, 40 percent ng mga Pilipino ang nagsabing hindi
sila satisfied sa ginagawa ng gobyerno kung paano malulutas ang kahirapan ng
buhay. Wala pa ring pagbabago sa buhay ng mga dukha at lalo pa umanong
nalulubog sa kumunoy ng kahirapan. May ginagawang paraan ang gobyerno
gaya ng pagbibigay ng financial na tulong sa mga mahihirap na pamilya pero ito
ay hindi garantiya na magpapabago sa buhay ng mga dukha, sa halip tinuturuan
lamang na umasa at maging depende sa pamahalaan. Hindi na nagnanais
magsikap at bagkus naghihintay na lamang ng babagsak sa kanilang bunganga.

Hindi magawa ng gobyerno na mapagaan ang pasanin ng mga mahihirap.


Kahit na maraming beses nang nag-rollback ang petroleum products, ang presyo
ng mga pangunahing bilihin ay nananatili pa ring mataas. Walang makitang
pagsisikap ang pamahalaan para mabigyan ng kagaanan ang maraming Pinoy na
isang kahig, isang tuka.

Marami sanang mapagkukunan ng ikabubuhay sa bansang ito pero kulang


ang pagsisikap ng gobyerno. Ang agricultural sector na maraming pagkukunan
ng pagkakakitaan ay nakakaligtaan. Sa halip na tulungan ang mga magsasaka na
kumita mula sa inaani, mas pinapaboran pa ang pag-iimport ng produkto –
halimbawa ang bigas at sibuyas.

Hindi matatakasan ang kahirapan at kagutuman, dahil walang sistema ang


gobyeno kung paano lulutasin ang problema. Nababaluktot ang daang matuwid.

Sa Maling Pag-ibig
NI: EDILOU ALFEREZ MANGOGTONG

“kung kailan ka magmahal,doon ka pa masasaktan’’

Isang kwentong karanasan sa pag-ibig na naranasan sa totoong


buhay.ito ay kwento ko,at ito ay naranasan ko ngayon.gusto ko lang
isulat ito dahil wala akong mapagsabihan dahil ang mga magulang ko
ay hindi kami gaanong magkasundo.puwera nalang sa kapatid ko na
babae.iyon nga lang hindi din kami gaanong magkasundo.pero may
pagkakataon na magkausap kami kapag may kailangan siya o di
kaya’y ako,magtutulungan lang kami kung ano ang mayroon ako na
wala siya,at kung mayroon siya na wala ako.magbibigayan nalang
kami. Nagsimula ang lahat sa barkada at kaibigan ng kapatid
ko,pinakilala niya ako sa isa sa mga kaibigan niyang lalaki.doon kami
nagkakakilala,humingi siya ng number ko,nagttxt,natatawagan at nag-
uusap sa personal,dahil iisa lang naman ang aming paaralang
pinapasukan.at nagiging kami,dahil sabi ng kapatid ko mabait daw
siya at seryosong magmahal.ayon sinagot ko siya dahil nga ang
kapatid ko na nagsasabi sa akin kung ano siya. Hindi pa umaabot ng
isang linggo an aming relasyon.kahit na ganun,minahal ko na siya
agad,hindi ko alam kung bakit?hindi ko maipaliwanag sa sarili ko kung
bakit.baka natamaan ako ni kupido.pero kahapon ko lang nalaman ang
lahat tungkol sa taong mahal na mahal ko.iyong taong mahal ko ay
may mahal pala ng iba,ang sakit…..sakit talaga,kahit ilang araw lang
kami magkasintahan ay minahal ko na siya higit pa sa buhay ko.akala
ko iba siya sa lahat ng mga lalaki,pero katulad din pala.kaya nalaman
ang lahat,tumawag siya sa akin,at nagtaka ako kung bakit bigla siyang
tumawag sa akin.iyon pala ang babae,kaya hindi siya nagsalita sa
akin. Kahapon sa alas 5 ng hapon,may tumawag sa akin na number na
hindi ko kapamilyar,tapos sinagot ko,hindi siya sumagot.hindi ko alam
na ang babae pa iyon,di ko alam kung bakit may number siya sa
akin.sabi pa ng babae “iting babaeng ito,para namang sinong
maganda.” Pagkatapos,binaba na niya ang telepono.ka gabi,nagtetext
kami ng babae lahat ng masasakit na salita ay sinabi niya sa akin.sabi
niya pinaasa lang daw ako sa tao,at bakit raw ako pumatol sa taong
may mahal ng iba.ang sakit talaga talaga sa pakiramdam,at galit na
galit ako sa sa sarili ko kung bakit nangyari ito sa akin,at galit na galit
din ang babae sa akin. Sinabihan ko ang kapatid ko sa lahat ng
nangyari,ayon nagalit siya dahil siya raw ang dahilan kung bakit
naging kami ng kaibigan niya.kaninang madaling araw ,nagtext yong
babae sa akin humingi ng tawad sa mga masasakit na salita na
binitawan niya sa akin at sana raw maintindihan ko siya,dahil ayaw
raw niya mawala ang taong mahal na mahal niya.sinabihan ko siya na
naitindihan ko kung ano ang pakiramdam kapag nangyari sa akin ang
ganyang setwasyon.lalo na kapag ang taong mahal na mahal mo na
ayaw mong mawala ,dahil nga sa pagmamahal mo sa kanya kaya mo
nagawa iyon.kung ako ,ganun din ang gagawin ko kapag nangyari iyon
sa akin.malay ko kasi na may syota pala siya at kinakasama pala niya
ito,ang mas malala pa don ay kakilala at kapitbahay ko pa…kaya
humingi din ako ng tawad sa kanya,dahil nagmahal lang naman ako at
masama bang magmahal ng isang tao?hindi naman talaga ako o siya
ang kasalanan,biktima lang kaming dalawa at nangako ako sa kanya
na ako nalang ang lalayo para wala ng gulo at ayaw ko ng masaktan
ng pauli-ulit… Mapaglaro talaga ang mundo sa akin,bakit sa akin pa ito
nangyari.kung kalian tayo magmahal,don pa sa taong hindi karapat
dapat na mahalin at hindi puweding maging akin dahil pag-aari ng
iba.parang isang bagay na akala mo sayo na,hindi pala,dahil ito ay
may nakalaan na.
Ekonomiya ng Pilipinas: Saan Papunta?

        Papunta na nga ba sa daang matuwid ang ekonomiya ng ating bansa?


Saan na nga ba ito nakarating? Unti-unti ng nakakamit ng Pilipinas ang
kaunlarang inaasam asam nito. Dahil ang kaunlaran ay minsan lang kung
ating matikman at waring pansamantala lamang, huwag nating hayaang
mawala pa ito sa atin gayong abot-kamay na natin ito.

        Hindi lingid sa ating kaalaman na umaangat na ang ating mga


kahinaang Pilipino pagdating sa ekonomiya ng bansa. Tuluyan na ngang
natutupad ang pinapangarap ng mga Pilipinong umunlad ang ekonomiya.
Dahil na din  yan sa pagkakaisa ng mga Pilipino at pamumuno ng mga nasa
mataas na posisyon. Ayon nga sa medya, marami ng magagandang
pagbabago sa ating bansa tulad ng pagtaas ng GDP at ang paglago ng
ekonomiya. Patunay dito ang mga nagsisitayuang mga gusali, pabrika, at iba
pang pasilidad na nakakapaglikha ng mga serbisyo at produktong
nagpapataas sa ating ekonomiya. Idagdag mo pa ang parami ng parami na
pagpapatayo ng negosyo maging ng pagpapagawa ng modernong mga
transportasyon. Pati ang mga usapin sa pagluluwas at pag-aangkat ng mga
produkto sa bansa kasama ang edukasyon at pagkakaroon ng trabaho ay
nakakatulong sa paglago ng ekonomiya. Dahil dito, maaaring masolusyonan
ang problema sa kahirapan.      
 
          Gayunpaman, inaasahan ng mamamayang Pilipino ang patuloy na
pagtaas ng ekonomiya at lalo pang mapagbuti sa hinaharap upang
magkaroon ng magandang kinabukasan. Malaking bagay ang pagkukusang-
loob sa pakikipagtulungan at pakikiisa upang patuloy nating maiangat ang
ekonomiya ng bansa. 
Kahalagahan ng Wikang Filipino
ni: J

Malinaw na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na ginagamit


upang maiparating ang mga nasasaloob na ideya at damdamin ng isang tao.
Hindi lamang ito isang paraan ng pakikipag-usap niya sa kapwa kundi
ginagamit din niya upang makipagkaibigan, makipagtalakayan at maibahagi
ang kanyang iba’t ibang opinyon at kaisipan. Sa buong kasaysayan,
maraming mga bagay, sitwasyon at pangyayari na tumutukoy sa
kahalagahan ng wika sa mga tao, sa kanyang kapaligiran at higit lalo na sa
kanyang bansa. Ang wika ay hindi lamang kumakatawan sa isang tao. Ito ay
hindi lamang isang sasakyan para sa pagpapahayag ng mga sariling
saloobin, opinyon, mga personal na obserbasyon at halaga ng kanyang mga
katangian bagkus ay isang sisidlan na siyang nagpapahayag ng mga aspeto
ng isang komunidad o bansa. Ang wika ay kumakatawan din sa pangunahing
pagpaparating sa iba ng panlipunang pagkakakilanlan. Sa maikling salita,
ang wika ay tumutulong na mapanatili ang mga damdamin ng kultura, sining
at pagkabansa ng isang bayan.
Ang wikang Filipino, na siyang pambansang wika sa Pilipinas ay ang
wikang ginagamit sa lahat ng sulok ng bansa. Ito ang nagsisilbing sinturon
upang maitali ang mga mamamayan upang maging isa sila sa kanilang mga
diwa, pangarap at kalsadang tinutugpa. Mahirap na isipin kung walang
sariling wika na magiging daan upang magkabuklod-buklod ang mga hiwa-
hiwalay na isla ng Pilipinas. Maaaring magdulot ito ng mga kaguluhan at
hindi pagkakaunawaan. Kahit na sa anumang anyo, sa pamamagitan man ng
pagsusulat o pagsasalita, ang wika ang pinakamabisang paraan upang
maihatid ang mga kaisipan at mapanatili sa madaling hakbang ang
kasaysayan at mga tala ng mga sinaunang Pilipino. Sa ganitong
pagkakataon, malalaman ng mga kasalukuyang mamamayan ang mga
hakbangin na ginawa noong una upang maituloy ito sa mabuting paraan at
maiwasan ang mga hindi magagandang pangyayari noon. Ito ang ilaw na
magiging tanglaw ng mga Filipino upang mapabuti pa ang mga gawain. Ito
rin ang magsisilbing lakas upang maisakatuparan ang mga naudlot na
pangarap noong simula pa. Sa paglipas ng panahon, mapatutunayan na ang
wika ang siyang pinakamahalagang sandata upang maiparating ng isang
bansa sa kanyang mga mamamayan ang mga pangyayari, kasaysayan at
bahagi ng ekonomiya nito. Gayundin naman na ang wika ang siyang sentro
ng mga mamamayan upang maihugos sa kanilang pamahalaan ang kanilang
mga hinaing. Naipadarama ng isang tao sa pamamagitan ng kanyang
sariling wika ang kasidhian ng kanyang damdamin, ang lalim ng kanyang
pagkatao, ang katangian ng kanyang ginagalawang kapaligiran, ang lawak
ng kanyang kultura at sining, ang kabihasaan niya sa anumang larangan at
ang katotohanan ng kanyang pag-iral.
Sa kabuuan, ang wika ang nagsisilbing kaparaanan upang maging
isang ganap na tao ang isang tao at maging isang ganap na bansa ang isang
bansa. Linggo ng Wika Theme 2011 - "Ang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw
at Lakas sa Tuwid na Landas.”

You might also like