Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Elijah Andrei C.

Ignacio
7 – Kadakilaan

1. Sino ang naaalala ninyo na Pilipino kay Gandhi? At bakit?

Ang naaalala kong Pilipino na katulad ni Gandhi ay si Dr. Jose Rizal na ating pambansang
bayani dahil pareho silang masipag, matalino, at iba pang positibong katangian. Parehas silang
lumaban gamit lamang ang kanilang katalinuhan at kasipagan sa pagsusulat. Parehas din silang
matulungin sa kanilang kapwa kahit hindi nila kakilala. Hindi sila pumapayag na sakupin lang sila
ng kalaban bagkus sila ay nanlaban sa pamamagitan lamang ng kanilang katalinuhan dahil
mahal na mahal nila ang kanilang bayan.

2. Sang-ayon ka ba sa pamamaraan ni Gandhi sa paglaban sa mga dayuhan? Bakit?

Sang-ayon po ako sa pamamaraan ni Gandhi sa pakikipaglaban sa mga dayuhan dahil


gaya ni Gandhi ayoko din ng karahasan. Mas magandang makipag-ayos sa mabuting usapan.

3. Ang bahagi ng pagkatao ko na may pagkaGandhi ay…

Katulad ni Gandhi ako din po ay nagsusumikap sa aking pag-aaral upang makatapos.


Matulungin din po ako sa aking kapwa lalo na sa nangangailangan sa pamamagitan ng
pagbibigay ng pagkain sa iba kong klasmeyt dati at pagpapaubaya ng mga bagay sa aking
nakakabatang kapatid. Dahil tinuruan po ako ng aking magulang na maging mapagbigay.

You might also like