Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

FLT-302

Unang lingo

Gawain 1.1 (Today)

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto sa ibaba at pagkatapos ay sagutin ang mga katanungan
sa loob ng kahon.
Ang aking silid-aralan ay buhay na saksi na talagang ang larangan ng pagtuturo ay isang
makulay na propesyon. Sa unang araw ng pasukan, ang silid-aralan na ito ay tila isang blankong
papel. Walang nakasulat. Malinaw at malinis. Sa pagdaan ng mga araw, ito ay unti-unting
nagkakaroon ng kulay at nabibigyan ng buhay. Naaalala ko pa ng ako ay binati ng aking mga mag-
aaral noong Araw ng mga Guro. Hindi ko rin malilimutan noong ako ay kanilang sinorpresa sa aking
kaarawan. Naaalala ko rin ang aming mga tawanan at halakhakan tuwing may nagpapatawa sa klase
at ang kagalakan sa tuwing nananalo kami sa mga kompetisyon mapaloob o mapalabas ng paaralan.
Hindi sapat ang walong-daang salita upang ipahayag ang galak na aking nararamdaman sa tuwing
makakasagot ang aking mga mag-aaral sa klase, makakuha ng mataas o kahit na pasadong marka sa
aking asignatura at lalo’t higit ang pagkakaroon ng magandang pag-uugali at tamang asal. Kaakibat
din ng mga kasiyahang ito ang lungkot sa tuwing nakikita ko ang ilan sa kanila na walang baon at
pamasahe, kumakalam ang sikmura, at may problema sa pamilya. Ito ang mga panahon na labis ang
aking pagkalumbay sapagkat itinuturing ko na silang mga tunay na anak. Tama nga ang aking ina
nang sabihin niya sa akin na gagawin niya ang lahat mapagtapos lang kami ng pag-aaral. Tulad ng
isang magulang na handang gawin ang lahat maibigay lang ang pangangailangan ng anak, handa ko
ring ialay ang aking sarili para sa kapakanan ng aking mga mag-aaral. Pangarap ko na tulungan sila na
maging matagumpay sa buhay. Sabi ko nga sa kanila, “Pag nag-reunion tayo, sana ay propesyonal na
kayo katulad ko.”

Ito ang kwento ng aking buhay. Maagang gumising. Hapon na kung umuwi. Walong oras sa
araw ang ginugugol upang makapagbahagi ng kaalaman sa mga munting anghel gamit ang pisara at
isang piraso ng yeso. Masaya. Mayroon ding lungkot. Isang hamon sa akin bilang guro ang mga
batang kapos sa buhay ngunit nagsisikap sa pag-aaral, mga batang araw-araw pumasok kahit walang
baon, mga batang nakaligtaan nang maging ‘bata’ dahil maagang nagbanat ng buto para
makapaghanap-buhay, mga batang hindi nakakapasok sa eskwelahan dahil kailangang mag-alaga ng
kapatid, at mga batang kahit luma ang gamit at walang maayos na damit ay naroon pa rin ang
dedikasyon upang mapagyabong ang kanilang nalalaman. Hindi maitatanggi na ito ang reyalidad ng
buhay na dapat kong harapin at suungin. Tila napakahirap bigyan ng solusyon, pero aking kakayanin
alang-ala sa aking mga estudyante na nagpupunyagi sa kanilang pag-aaral.

Lumipas man ang mga taon, lumabo man ang aking mga mata, agawan man ng lakas ang
bawat himaymay ng aking laman, at humina man ang aking mga buto sa aking katawan, mananatili
akong guro sapagkat nariyan ang mga batang nagsisikap upang makamit ang kanilang mga
mumunting pangarap.

https://www.teacherph.com
Gawain 1.2 (Today)

Panuto: Magtala ng limang (5) tinitingala ninyong guro. Tukuyin kung anong mga katangian ang taglay
nila at magbigay ng patunay.

GURO KATANGIAN PATUNAY

1.

2.

3.

4.

5.

Gawain 1.3 (Next week)

Panuto: Gumawa ng isang collage batay sa inilahad na paksa sa ibaba. Gawing gabay ang rubriks sa
inyong gagawing collage.

Paksa: Ang Guro at Pagtuturo sa Gitna ng Pandemya

Pamantayan 10 8 7 Marka
Pagkamalikhain Hindi naging Naging malikhain Lubusang
malikhain sa sa pagbuo ng nagpamalas ng
pagbuo ng collage pagiging malikahain
collage. sa pagbuo ng
collage.
Kaangkupan sa Hindi angkop ang Angkop ang ilang Lubusang
paksa nabuong collage. (kalahati) bahagi napakaangkop ng
ng collage. nabuong collage.

Presentasyon Hindi naging Naging malinaw Lubusang malinaw


malinaw ang ang intension o ang intension o
intensyon o detalyeng detalyeng
detalyeng ipinahahayag ng ipinahahayag ng
ipinahayag ng collage. collage.
collage.

You might also like