MRR (Pigafetta)

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

ULAT UKOL SA PAGKAUNAWA SA NAKATALAGANG BABASAHIN

Iskor:

Pangalan: Aizel E. Palmaria Kurso/Taon/Pangkat: MFE – 1A Petsa:


June 23, 2021

Pamagat: The First Voyage Around The World

Paksa: Ang pagtuklas at karanasan sa paglalakbay ni Magellan sa lipunan ng


Pilipinas

May-akda (Kasama rito ang maikling paglalarawan ng personal at akademikong tala ng


may- akda):

Si Antonio Pigafetta ay isang Italyanong eksplorador at iskolar mula sa Venezia na isa sa


mga kasa-kasama sa ekspedisyon ng Espanya na pinamumunuan ng isang Portuguese
na si Ferdinand Magellan at aksidenteng nakarating sa kapuluan ng Pilipinas noong
taong 1521.

Paunang Kaalaman ukol sa Paksa (Personal na kaalaman sa paksang pinag-


aaralan bago pa basahin ang kabuuan ng akda. Maaari itong nakuha o nalaman sa mga
datin ng aralin, binasang aklat, o sa paghahaka-haka ng mambabasa):

Nakasalaysay sa akdang ‘The First Voyage Around The World’ ang mga bagay at
pangyayari sa mahabang paglibot o paglalakbay ng mismong manunulat nito kasama si
Magellan sa Pilipinas.
Mga Mahahalagang Konsepto o Teoryang Lumutang sa Babasahin (Mga
susing konsepto o teorya na makatutulong sa ganap na kaunawaan ng paksang
tinatalakay. Inaasahan na ang mga konsepto at teoryang matitisod sa mga babasahin
ay bibigyan ng kaukulang paliwanag):

Kung titignan nang malalim ang konsepto ng panitikan na ito, hindi lamang ito basta
bastang istoryang naglalahad ng mga karanasan at paglalakbay ni Magellan sa
kapuluan ng Pilipinas. Bagkus, dahil dito, naipakita ang kung anong klaseng tunay na
mayroon ang lipunan ng Pilipinas noon. Na ayon sa paglalarawan ng mismong
manunulat ng akda na si Pigafetta, na kung magkaiba man ang Pilipinas at Espanya sa
kultura at politika gayoon naman ang pagkakatulad nito sa sistemang pamamahala tulad
ng pagkakaroon ng mga militar at lider sa isang kapuluan. At kung tutuusin, sa kabilang
banda ay masasabing mas mayaman pa nga raw talaga ang Pilipinas kaysa sa lipunan
ng Europeo noon. Sa pangkalahatan, ang pagkakakilala sa akdang ito ni Pigafetta ang
nagbigay nang malinaw na ideya para sa tinutukoy ni Andres Bonifacio sa kasalukuyang
panahon na likas at tunay na napakayaman ng ating bansa.

Sintesis ng Binasang Akda (Nilalaman nito ang buod o pinakadiwa ng paksang


tinalakay o pinag-uusapan):

Dahil sa mahabang paglalakbay ni Magellan patungong Spice Islands o Isla ng Moluccas


na sentro ng mga iba’t ibang uri ng mga pampalasa na wala sa Europea upang gamitin
bilang preserba ng kanilang mga pagkain bago sumapit ang tag-lamig sa kanilang lugar
ang naging daan upang aksidenteng matagpuan niya kasama ng iba pang mga
manlalakbay na Espanyol ang kapuluan ng Pilipinas noong 1521. Bunga nang mahaba
nilang paglalayag, ang kanilang baong panustos sa oras ng kagutuman ay hindi na
naging sapat kung saan kinakailangan nilang dumaog sa mga isla upang punain ang
kakapusan at humingi ng tulong sa mga lokal na nakatira sa mga pulo ng Pilipinas. Dito
nila nalaman ang taglay na kakayahan ng punong niyog o mas kilalang coconut tree na
nagsalba sa gitna ng kanilang kapaguran at kagutuman. Kung saan mas kanilang
nakilala ang lipunang Pilipino at napansin na hindi man ito nasa Europa bagkus ay may
sarili namang sistema, paggalang, estilo ng paghahain ng pagkain, paggawa ng sandata
at higit sa lahat ay may sariling kakaibang istraktura ng politika. Napagtanto nila na ang
kapuluan na ito ay naiiba sa mga naunang lugar na kanila nang napuntahan sa South
America at mga Pacific Islands. Namangha sila sa kultura at sa buong lipunan na
mayroon ang Pilipinas. Sapagkat kung ikukumpara sa lipunan ng Espanya ay parang
hindi ito papasa sa pamantayan ng pamumuhay nila roon dahil sa mga nakita nilang
tinta na nakamarka sa mga katawan ng ating ninuno o tattoo sa balat. Hanggang sa
naunawaan nila ang tunay na kahulugan nito na ang mga lokal na may ganito ay isang
mandirigma at sinisimbulo nito kung gaano na karami ang digmaan na napanalo at
napatay na nilang kalaban. Sa nabuong samahan sa pagitan ng dalawang lipunan
nagkaroon ng tinatawag na “The First Mass” na dala ng mga Espanyol. Dito nagsimula
ang pag-ayon ng mga tagasunod at ng haring si Raja Humabon sa Espanya sa
itensyong kapag tinangkilik ang dala nitong kultura ay may kapalit na bagay. At ang ganti
na ito ay ang matulungan silang mapagharian ang buong kapuluan ng Cebu ngunit sa
impulsidong pagsugod ni Magellan kasama ng kanyang mga tauhan dito ay nagkaroon
ng madugong digmaan na naging dahilan ng kamatayan ng kanilang lider na si
Ferdinand Magellan. Sa huling parte ng babasahin, dito na binigyang diin ni Pigafetta na
hindi na nila ituturing na kaibigan ang mga ito dahil nga pinatay ng ating mga ninuno ang
kanilang patnubay at liwanag.

Mga Bagay na Nangangailangan ng Paglilinaw (Mga konsepto na hindi


naunawaan habang binabasa ang akda o mga katanungan na nabuo o nangangailangan
ng paglilinaw):
Sa pagkamatay ni Magellan sa pulo ng Mactan, ano kaya ang ginawang aksyon ng
kanyang mga tauhan pa bago bumalik sa Lipunan ng Espanya. Nakipagkita at bumalik
pa ba muna sila sandali sa pulo na pinag-haharian ni Raja Humabon, kung ganon ano
na ang kanilang huling pinag-usapan.

Mga Bagong Bagay na Natutuhan sa Babasahin (Mga napag-alaman mula sa


binasang babasahin na nagpayaman sa pagkaunawa ng mga pangyayari sa
kasaysayan.):

Dahil ang literaturang ito na isa sa mga primaryong batis ng ating kasaysayan, mas
naging malinaw para sa akin nang nailahad nito nang malinaw na likas na mayaman ang
ating bansa. Nang aksidenteng mapadpad dito ang mga Espanyol at hindi na tinangka
pang hanapin ang tamang ruta nila patungong Spice Islands dahil sa angking yaman na
lahat ng kailangan at gusto nilang makita ay nasa mismong pulo na kanilang dinatnan.
Dahil doon mas napatunayan nila na mayaman at sistematiko ang ating bansa noon pa
man. Kabilang na rin ang ating mga ninuno na may pinaiiral na alituntunin at batas. Tayo
ay may partikular na sistemang politika, kultura at tradisyon kung kaya’t ang mga
ganitong klase ng akda ay napakahalaga upang mapag-usapan ang nakaraan sa
kasalukuyan. Akin din napagtanto na totoong marami pang mga makasaysayang bagay
na hindi pa nailalahad ngayon na magiging gabay at patnubay na mayaman talaga ang
bansang Pilipinas.

You might also like