The Mafia Saw Toxic Waste As A Huge Business Opportunity

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

“The mafia saw toxic waste as a huge business opportunity.

They noticed how industries faced difficulties in safely

Disposing of their waste, and offered a turn-key solution: a

Cheaper and faster way to get rid of the waste, avoiding costly

Investments and bureaucratic procedures.”


Tinaguriang “ecomafia” ang mga nagmamay-ari ng pabrika, at mga

planta sa industriya, na nagtatapon ng mga basurang may halong kemikal

sa ilang bahagi ng timog Italy. Ito’y naging dahilan ng malubhang

pagkasira ng tubig at kalupaan sa nasabing lugar. Batay sa siniping

pahayag ni Lagambiente, masasabi kong nawawalan na ng saysay ang

kahalagahan ng kalikasan magawa lamang ang ninanais para sa sariling

kagustuhan. Ang pahayag ay nagpapakita ng isang relasyon ng tao sa

kalikasan na kung saan ay ang tao’y walang magandang naidudulot kundi

ang pang-aabuso nito sa kalikasan.

Ang ugnayan ng tao at kalikasan ay nagkakaroon ng suliranin depende sa

paraan ng pagtrato nito sa isa’t isa. Maganda ang nagiging dulot sa tuwing

mabuti ang pakikisalamuha ng tao sa kalikasan, ngunit nagkakaroon

naman ng suliranin sa tuwing hindi maganda ang ginagawa ng nito sa

kalikasan. Halimbawa, ang pagputol ng puno at pagkalbo sa kagubatan


upang magkaroon lamang ng espasyo para sa ipapatayong gusali na

gagamitin pangnegosyo, ito ay nagiging sanhi ng malawakang pagbaha.

May mga lugar na hindi pa gaanong naabot ng industriyalisasyon, at kung

ating mapapansin mayroon pang kagubatan at magaganda pa ang mga

tanawin. Ngunit, hindi na natin maitatago ang lubhang pagkasira at

pagkawala ng dating saganang kalikasan sa lugar na kung saan ay laganap

na ang industriyalisasyon. Ingay at usok mula sa mga sasakyan,

nagtataasang gusali at sobrang init na kapaligiran dahil wala nang puno

ang pwedeng pagsilungan, ilan lamang yan sa mga epekto ng nasabing

industriyalisasyon na naging dahilan ng pagkasira ng ating kalikasan.

Ang konsepto ng sustainability sa ugnayan ng tao, kalikasan, at industriya

ay mailalahad sa pamamagitan ng paano lumalago ang tao at industriya sa

kalikasan at ang kalikasan sa lipunan at tao. Ang pagpapalitan ng mga

sangkap sa pagitan ng tao at kalikasan, ang pagunlad ng anumang lipunan,

ng lahat ng sangkatauhan ay kasama sa pag-unlad ng kalikasan.

You might also like