Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Aralin 1.

1: Panunuring Pampanitikan

MGA TEORYANG PAMPANITIKAN

1. Teoryang Klasismo/Klasisismo - Ang layunin ng panitikan ay


maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng
estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy
ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga
salita at laging nagtatapos nang may kaayusan. Matipid sa
paggamit ng wika ang mga klasista – “hindi angkop ang
paggamit ng mga salitang balbal. Hindi rin angkop ang labis
na emosyon.” Halimbawa nito ay Florante at Laura ni
Francisco Balagtas.

Katangian ng Akdang Klasiko


 Pagkamalinaw
 Pagkamarangal
 Pagkapayak
 Pagkamatimpi
 Pagkaobhetibo
 Pagkakasunud-sunod
 Pagkakaroon ng hangganan

2. Teoryang Humanismo - Ang layunin ng panitikan ay ipakita na


ang tao ang sentro ng mundo ay binibigyang tuon ang
kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino,
talento at iba pa.

1. Pokus ng teoryang ito ay ang itinuturing na


sibilisado ang mga taong nakatuntong ng pag-aaral na
kumikilala sa kultura.

2. Tao bilang sukatan ng lahat ng bagay kung kayat


mahalagang maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa
pagpapahayag ng saloobin at kalayaan sa pagpapasya.

3. Teoryang Romantisismo - Ang layunin ng teoryang ito ay


ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao
sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig s a kapwa, bansa at mundong
kinalakihan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin
ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang
kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.

4. Teoryang Realismo - Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang


mga karanasan at nasaksihan ng mag-akda sa kanyang lipunan,
Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit
hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda
ang kasiningan at pagka-epektibo ng kanyang isinulat.

1. Mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan.

2. Ayon sa mga realista, ang sinumang tao, anumang


bagay at lipunan, ay dapat maging makatotohanan ang
isasagawang paglalarawan o paglalahad.

3. PAKSA: Kahirapan, kamangmangan, karahasan, krimen,


bisyo, katiwalian, kawalan ng katarungan,
prostitusyon, atb.

5. Teoryang Pormalistiko - Ang layunin ng panitikan ay


iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang
kanyang tuwirang panitikan, Samakatuwid, kung ano ang
sinasabi ng may-akda sa kanyang panitikan ang siyang nais
niyang ipaabot sa mambabasa– walang labis at walang kulang.
Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang
pagsusuri’t pag-unawa.

1. tanging pisikal na katangian ng akda ang pinakabuod


ng pagdulog na ito.

2. Tunguhin ng teoryang ito ay matukoy ang nilalaman,


kaanyuan o kayarian at paraan ng pagkakasulat ng
akda.

3. Kailangang masuri sa akda ang tema o paksa ng akda,


ang sensibilidad at paguugnayan ng mga salita,
istruktura ng wika, metapora, imahen, at iba pang
elemento ng akda.

6. Teoryang Eksistensyalismo - Ang layunin ng panitikan ay


ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para
sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang
pananatili sa mundo (human existence).

7. Teoryang Feminismo - Ang layunin ng panitikan ay magpakilala


ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang
pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy
kung ang isang panitikan ay feminismo sapagkat babae o
sagisag ng babae ang pangunahing tauhan ay ipinayagpag ang
mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.

1. Ang mga babae ng panitikan ay inilarawan ng ilang


manunulat bilang mahina, marupok, tanga, sunud-
sunuran, maramdamin, emosyonal, pantahanan at
masama.

2. Ito ang sistemang pangkababaihan bilang mga


indibidwal na di-kapantay ng kalalakihan.

8. Teoryang Markismo/Marxismo - Ang layunin nito ay ipakita na


ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na
umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekonomiyang
kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga
paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa akda ay
nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.

1. Mahalagang mapagtuunan ng pansin ang mga bahaging


tiyakang nagpapakita ng paglabanan ng malakas at
mahina; mayaman at mahirap. Makabuluhan rin kung
paano natalo ng mahina ang malakas; ng mahirap ang
mayaman. Ginagamit ng mga oryentasyon na ito upang
mabuksan ang mga isipan at ang mga mata ng tao sa
pang-aapi at pananamantalang nagaganap sa lipunan.
Ito'y sumibol sa Panahon ng Kastila at Hapon, at
namayagpag naman sa makabagong panahon.

2. Nagagamit ang Marxistang pananaw sa pagsusuri sa


kalagayang panlipunan, pag-uugali at motibasyon ng
mga tauhan sa kwento. Bukod dito, binibigyang-pansin
ng pananaw na ito ang mga umiiral na tunggalian:
tauhan sa sarili niya, sa ibang tauhan, sa lipunan o
sa kalikasan.
Hal. Walang Panginoon - Deogracias A. Rosario
Dahil sa tunog ng animas, naalala ni Marcos
kung paanong naging mahirap ang buhay nila sa
pamamahala ni Don Teong at sa pagkamkam nito
sa kanilang natitirang kabuhayan gayundin ang
pagiibigan nila ni Anita na anak ni Don Teong
at kung paanong ito ng naging sanhi ng
pagkamatay ng dalaga. Ang lahat ng ito ay
naging gatong sa poot na nararamdaman ni
Marcos na nag−udyok na rin upang mabuo ang
plano ng binata na patayin ang Don.

You might also like