Sa paniniwalang ito ay inihahanap ng katibayan ang kahalagahan ng personalidad,
kapangyarihan at kapasyahan ng tao laban sa katwiran ang binibigyan ng gtimbang o halaga. HALIMBAWA NG SURING DULA I. SANLIGAN A. Maskara ni Pablo M. Cuasay B. Sanggunian – ang dulang ito ay hinango sa Antolohiya ng mga Dula II. BUOD Ang dula ay nagsisimula sa bahay ng Mayor ng Sunog-Apog na walang iba kundi si Mayor Tony Ruedas, nag-uusap sina Mayor Tony at ang asawa nitong si Siling hinggil sa mga nababalitang holdapan at patayan. Napadako ang usapan nila sa katiwaliang nagaganap sa mga tanggapan ng pamahalaan na siyang naging daan upang masabi ni Siling sa asawa na itigil na nito ang pagpapalakas sa huweteng sapagkat mapaparusahan ito sa sandaling mabunyag ang kanyang ginagawa. Ngunit ipinagwalang-bahala ito ng Mayor. Walang nakakaalam na siya ang Mayor sapagkat ang mga kobrador ay pulos taga-ibang bayan at ang bola ay isinasagawa rin sa ibang bayan. Ang kumpadre niyang hindi kilala sa Sunog- Apog ang nagsasalita para sa kanya at ito rin ang nagbibigay ng pera sa mga nagsisitama, bukod pa rito ay may mataas na opisyal ng P.C. ang nangangalaga rito. Ngunit sinabi ni Siling na ang mga maralitang taong-bayan ang naapektuhan nito. Sinabi naman ng Mayor na ginagawa niya iyon upang ang kanilang mga anak ay makapag-aral sa kolehiyo. Iginiit naman ni Siling na mas mahalaga ang karangalan at paano na lamang kung malaman ito ng kanilang anak. Matagal silang nagtalo hanggang sa magdesisyon sila na matulog na lamang upang hindi na lumawak ang kanilang diskusyon. Sa sumunod na tagpo, si Mayor ay kinidnap ng mga tulisan upang ipatubos sa asawa nito ng halagang dalawampu’t limang libong piso. Habang ang Mayor ay nasa poder ng mga tulisan, ito ay nakapiring upang hindi niya makita ang lugar na pinagdalhan sa kanya. Maya-maya ay dumating si Ruben na kung tawagin ay “Kilabot ng Cordillera” kasama ang dalawang tulisan. Itinanong ni Ruben kung dumating na ang kasama nila na kukuha ng perang pantubos ngunit hindi pa raw ito dumarating. Pinaalis nito ang mga tulisan sa tabi ng Mayor at maya-maya ay tinanong nito kung bakit matagal ang perang pantubos dito. Sinabi naman ng Mayor na marahil ay naghahanap pa ito ng karagdagan sapagkat masyado itong malaki. Maya-maya ay nagulat na lamang ang Mayor nang sabihin nito na siya ang utak ng pagpapalakad ng huweteng sa Sunog-Apog at mga kalapit na bayan nito. Matapos nito ay matagal silang nag-usap na ang paksa ay tungkol sa buhay ni Ruben. Ikinukuwento nito na siya ay nag-aral sa Philippine Military Academy sa baguio at konting panahon na lamang ay makakatapos na ngunit siya ay natiwalag dahil sa hazing. Naputol ang kanilang pag-uusap nang biglang lumapit ang isa sa mga tulisan at ipinaalala kay ruben na takdang oras na ng pagligpit sa Mayor. Maya-maya ay ipinaalis kay Ruben ang piring ng Mayor at gayon na lamang ang pagkabigla nito nang makita niya si Ruben sapagkat ito rin ang nagpanggap na opisyal ng P.C. na ang Mayor na ito ay huwad lamang ar sinabi rin ni Ruben na pareho lamang sila. Babarilin na lamang ng isa sa mga tulisan ang Mayor nang biglang dumating naman ang kasamahan nito na nagbalitang natanggap na nila ang perang panubos. Nasa gayon silang ayos nang biglang may sumigaw na may dumarating na mga P.C. Iniutos ni Ruben na kalagan at alisin ang piring ng Mayor at sila’y umalis na. dumating sina Mayor Teves at sinabi na madudulas talaga ang mga tulisan. Maya-maya ay binalingan nito ang Mayor at sinabi rito na may paratang na pampangasiwaan laban dito. FEMINISMO Ang teoryang feminism ang isa sa pinakabagong teoryang pampanitikan. Ang pagsilang ng ganitong teorya ay bunga ng paghihimagsik sa kaisipang: Ang kababaihan ay karaniwang inilalarawan sa simplistiko at nakatakdang paraan-masamang babae/birhen, mayumi/marahas, masamang impluwensya sa kalalakihan, emosyonal, irasyunal, histerikal, walang utak, pantahanan lamang, walang buhay sa labas ng kanyang pamilya; sa medaling salita, ang panitikan bilang institusyon ay isang ahente sa pagpapatuloy ng mga istiryutipo tungkol sa kababaihan na karamihan ay negatibo at hindi nagbibigay ng karampatang pag-unawa sa kanyang pansariling kasalimuutan. (Reyes, 126) Mabuting maging akdang suri ang teoryang ito ang mga akdang nagbibigay-diin sa karanasan, katangian at kakayahan ng mga kababaihan-ang kanilang pagtatagumpay, pagkabigo’t muling pagbangon at kapangyarihang taglay na nagagampanan ng isnag lalaki. Ang paggamit sa teorya ay pagpapakita ng pagkakapantay o maaaring kahigitan pa ng isang babae sa isang lalaki anumang larangan-pag-ibig, hanapbuhay, pulitika, panulat, edukasyon, siyensya, pagtatanggol at iba pa. “Maraming Kulay ang Bahaghari” Ni: Myrna A. Afundar I. Sanligan: Hiyas ng Lahi IV II. Buod: Sina Ronil, Mina, Christina at Emily ay pawang mga magkababata. Si Mina ang pinakabata sa kanila. Ngayon na ang pinakhihintay nilang araw, ang magkasama-sama silang muli. Si Rnil ay sa Maynila nagtuloy ng kanyang pagkokolehiyo at sa kanilang mga sulat ay nagawa nilang mangako na pagkatapos ng dalawang taon ay muli silang magkikita-kita sa bakuran ni Ka Incio kung saan sila lumaki. Sabik na sabik si Mina na makita ang kabataang si ronil dahil may lihim siyang pagmamahal ditto, ngunit sa kabila nito ay itinuring lamang siya nitong isang kapatid at sinabihan pa siyang may gatas pa raw sa labi. Isang araw sa kanilang pamamasyal sa burol, nagbalak si Mina na ipagtapat kay Ronil ang nadarama kahit na siya pa ang babae. Inabutan sila ng ulan sa burol at nagpag-usapan nila ang tungkol sa bahaghari at kung bakit daw ito maraming kulay. Sinabi ni Mina na ang abwat kulay ng bahaghari ay kumakatawan sa damdamin ng isang tao. Iniba ni Ronil ang usapan hanggang sa tuluyan nang hindi naitanong ni Mina ang nais. Dumating na ang araw ng pagbabalik ni Ronil sa Maynila at nangako itong matapos ang dalawang taon ay muli itong babalik sa kanilang baryo at sinigurado ng lalaki na sa panahong iyon ay dalagang-dalaga na si Mina, sinabayan pa ito ng pisil sa kanyang kamay. Laking pasasalamat ni Mina sa bahaghari dahil kundi dahil dito ay tuluyan na sanang bumaba ang pagtingin ng lalaki sa kanya. Itinulad niya sa bahaghari si Ronil na kusang dumarating pagkatapos ng ulan at nagpapakita ng sari-saring kulay na hindi kumukupas na mawala man sa paningin.