Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PAG-IBIG LABAN COVID19

Ni: Trisha Mae A. Mabag

Mula noong Enero 31, 2020, ng idineklara ang public health emergency
ng DOH sa boung mundo dahil sa 2019 novel coronavirus acute respiratory
disease (2019 nCoV ARD) mahigit isang taon na ang ating patuloy na
pakikipaglaban sa COVID19 pandemic na bumago sa ating nakasanayang
buhay at ngayon ay kasalukuyan tayong namumuhay sa new normal. Marahil
ang iba sa atin ay napapagod nang maghintay kung kailan matatapos itong
pandemya, dahil kahit marami nang mga bakuna ang nadiskubre para sa
CoVid19 bakit dumadami pa rin ang kaso ng nagpopositibo sa Covid19?
Tanungin natin an ang ating mga sarili. Saan ba tayo nagkukulang? Anu ang
dapat nating gawin? May magagawa ba tayo upang wakasan ang pandemyang
ito?
Ang talumpati kung ito ay pinamagatang PAG-IBIG LABAN COVID19.
Naniniwala akong PAG-IBIG ang tunay sa solusyon sa suliraning kinahaharap
natin ngayon. Ito ang salitang maykakayahang puksain ang novel corona virus
kung isasabuhay natin. Ito ay PAG-IBIG sa sarili, sa kapwa at sa bayan.
Paano magiging solusyon ang pag-ibig sa sarili? Ang bawat indibidwal ay
contribyutor sa lipunan nang magsimulang idiklara ang Covid19 public health
emergency ay mahigpit na ipinatupad ang mga patakarang pampublikong
pangkalusugan ang ilan sa mga ito ay ; kapag lumalabas ng bahay ay dapat
magsout ng facemask, faceshield, mag disinfect, dumistansiya ng isang metro
mula sa kapwa at umiwas sa matataong lugar. Ang pagsunod sa mga hakbang
sa kaligtasang ito ng bawat isa ay nagpapakita ng pagmamahal sa sarili at ito
ay may malaking maitutulong sa pagpigil ng pagkalat ng CoVid19 sa bansa.
Kung ang lahat ay may pagmamahal sa sarili hindi na sana dadami pa ang
kaso ng mga nagpositibo sa CoVid19. Ibig sabihin hindi naka depende sa
bakona ang solusyon sa pagpatay ng Covid19 ito’ ay mas nakadepende sa
ating pagkakaisang sugpuin ang suliraning ito na magssisimula sa ating
pagmamahal sa sarili.
Pangalawa ay pagmamahal sa kapwa, ang pagmamahal natin sa sarili ay
nagpapakita rin ng ating pagmamahal sa kapwa sapagkat kung tayo ay
mahigpit na nag iingat upang hindi mahawaan ng virus na ito nagbibigay rin
ito ng proteksiyon sa ibang tao na ating nakakasalamuha. Dapat rin natin
tiyakin ang kaligtasan ng iba sa pamamagitan ng ating pagsunod sa mga
patakarang pangkalusugan na ipinapatupad ng mga awtoridad. Ang pagdalo
sa mga okasyon ngayonng pandemya ay nagpapakita ba ng pagmamahal sa
sarili at kapwa? Ang kasagutan ay isang malaking hindi. Bakit? sapagkat ikaw
na dadalo ay maaring nagdadala ng virus na ito nang hindi mo nalalaman
sapagkat mayroong nagpopositibong syntomatic at assymptomatic maging ang
mga sambahayan at iba pang dadalo sa okasyon na iyon kaya naman upang
matiyak ang kaligtasan ng sarili at kapwa dapat umiwas sa pagdalo sa mga
okasyon at manatili na lamang sa bahay.

Pangatlo ay pag-ibig sa bayan. Sino pa nga ba ang magmamahal sa ating


sariling bayan kundi tayong mga Pilipino. Nakakataba ng puso ang lahat ng
hakbang na ginagawa ng pamahalaan upang tugunan ang mga suliraning
bunga ng pandemyang ito. Ilan sa mga hakbang ng gobyerno upang tugunan
ang epekto ng COVID-19 ay ang Social Amelioration sa ilalim ng Republic Act
11494 o Bayanihan to Recover as One Act na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo
Duterte noong Setyembre 11, 2020, at nagsimulang ipatupad noong Setyembre
15, 2020 at nagkaroon pa ng Bayanihan 2 at Bayanihan 3. Pagdating naman
sa alokasyon ng bakuna aktibo ang ating pangulo na nakikipag ugnayan sa
ibang bansa upang makakuha ng vaccine at mabukunahan ang mga Pilipino
sa katunayan ayon sa balita noong pebrero 28, 2021 nang dumating ang
kauna-unahang batch ng bakuna sa CoVid19 na Coronavac mula sa Chinese
company na Sinovac mismong si Pangulong Duterte ang nanguna sa welcome
ceremony para sa mga bakuna, kasama ang ilang opisyal ng gobyerno. Libre
ang bakunang ito mula sa China subalit hindi nito kayang takpan ang
adhikain ng China na agawin at angkinin ang teritoryo ng Pilipinas sa west
Philippine sea. Hindi na sana kailangan pa nating tumanggap ng libreng
bakuna kung mayroon tayong sapat na pondo para makabili nito subalit ang
kurapsiyon sa kaban ng bayan ay patuloy pa ring umiiral kaya naman
napakahalaga na ang bawat isa ay may pag-ibig sa bayan hindi lamang ang
mga opisyal ng gobyerno kundi lahat tayong mga Pilipino. Ang lahat ay dapat
makiisa sa layunin ng ating bayan lalo na ngayong pandemya.
Sa patuloy nating pakikipaglaban sa pandemyang ito panatilihin natin ang
postibong pananaw, palakasin natin an ating pagkakaisa at pairalin natin an
ating pag-ibig . Sabi pa nga ni St. Terese “there is no other way of reaching
perfection but love” kaya magkaisa tayong isulong ang Pag-ibig laban Covid19.

You might also like