Professional Documents
Culture Documents
Rehiyon 1
Rehiyon 1
Hanapbuhay
- Ilocos Norte at
Pagtatanim ng tabako ang pangunahing hanapbuhay
Paghahabi
Pag-aalaga ng hayop
Pagmimina
- Ilocos Sur
Pagtatanim ng tabako ang pangunahing hanapbuhay
Paghahabi
Pag-aalaga ng hayop
- La Union
Pagtatabako, pagtatanim at pangingisda ang pangunahing hanapbuhay ng taga La Union.
- Pangasinan
Paggawa ng asin, bagoong at bukayo ang pangunahing hanapbuhay ng mga taga
Pangasinan.
Kultura
Tradisyon
- Ilocos Norte
Tan-Ok ni Ilocano: The festival of festivals- pinakamalaking pagtitipon sa lalawigan ng Ilocos
Norte kung saan ang bawat lungsod dito ay magtatanghal ng isang sayaw na maglalarawan
ng kanilang kultura at industriya.
Empanada festival- ginaganap sa bayan ng Batac
Panag-buos festival- ginanagap sa bayan ng Banna
Tadek festival- ginaganap sa Nueva Era
Guling-Guling festival- ginaganap sa Paoay
Dinaklisan festival- ginaganap sa Currimao
Amian festival- ginaganap sa Bangui
Pamulinawen- ginaganap sa Laoag.
- Ilocos Sur
Longganisa festival- Ginaganap sa Vigan, ang pagkaing longganisa sa vigan ay hango sa
bersyon ng Mexican, na naging paboritong ulam sa panahon ng mga Kastila. Tuwing ikatlong
lingo ng Enero, ginaganap ang pagdiriwang.
- La Union
Pindangan festival- Pindangan ang unang pangalan ng siyudad, mula sa salitang “Pindang”
na ang ibig sabihin ay tradisyunal na pagpapatuyo ng isda na noon ay siyang pangunahing
pinagkakakitaan ng mamamayan nito. Binuo ang pangalan ng ng Pindangan noong 1759, at
ang nasabing pangalan ay pinalitan ng San Fernando noong 1850. Noong Pebrero 13, 1898,
ang baying ito ay naging component city ng lalawigan ng La Union.
- Pangasinan
Bangus festival- Ito ay ginaganap sa Bayan ng Dagupan, tuwing ikatlong lingo ng Abril.
Bagoong festival- Ito ay ginaganap sa bayan ng Lingayen, tuwing ikatlong lingo ng Enero
Kaugalian
- Ilocos Norte
Kasunduan sa pag-aasawa- nakikipag-usap ang magulang ng lalaki sa magulang ng babae.
Pagkatapos ng kasal- na kung saan, hinahatid ng banda ang bagong kasal sa paniniwalang
mapapaalis ang masamang pangitain.
Paglilibing- Inililibing nila ng patay sa ilalim ng kusina, dahil naniniwala sila na gustong
mamalagi ng patay sa malamig.
Pagkapanganak, pinauusukan ang babae ng iba’t ibang uri ng dahon sa loob ng 23 hanggang
30 araw, para makaiwas na malamigan at mahanginan
Binyag- itinatakbo ang bata palabas ng simbahan ng ninong o ninang sa paniniwalang
magiging malusog at mayaman ang bata.
- Ilocos Sur
Pagkapanganak, pinauusukan ang babae ng iba’t ibang uri ng dahon sa loob ng 23 hanggang
30 araw, para makaiwas na malamigan at mahanginan
Binyag- itinatakbo ang bata palabas ng simbahan ng ninong o ninang sa paniniwalang
magiging malusog at mayaman ang bata.
- La Union
Panganganak- dito ay mas marami ang hilot na lalaki.
- Pangasinan
Panunuyo- ginagawa ng lalaki sa Pangasinan, na kung saan mag-aalay ng paglilingkod sa
kanyang nililugawan.
Panganganak- dito hindi sinusundo ang hilot, ipinupukpok lamang ng ama ang pambayo ng
lusong na lilikha ng ingay para marinig ng hilot.
Panganganak- uutusan ng hilot na mag-asal unggoy ang ama, gagapang sa hagdan pababa
ang ama pag nahihirapan manganak ang asawa nito.
Panganganak- binibigyan ng itlog para daw mapadali ang paglabas ng bata.
Binyag- dito ay kapitbahay ang mag-iisip ng pangalan ng bata
Panitikan
Manunulat
1. Pedro Bucaneg
Ang kinikilalang panitikang Iloco
1. Leona Florentino
Itinuturing na kauna-unahang makatang babaeng Filipino.
2. Jose Bragado
Tanyag na manunulat at sinasabing pumapangalawa kay Pedro Bucaneg
3. Jose Calip
Sinulat nya ang mga alamat ng Filipino.
Mga Akda