Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

PANALANGIN (Novenario) SA MGA KALULUWA

[Matandang Edisyon]

Sumasampalataya ako sa ngalan ng Ama, ng Anak, at Espiritu


Santo. Amen.

(Lahat)
Panginoon kong Hesu-kristo, Diyos na totoo at tao namang totoo,
gumawa at sumakop sa akin, pinagsisihan kong masakit na masakit sa
tanang loob ko ang dilang pagkakasala ko sa iyo, na ikaw nga ang Diyos
ko, Panginoon ko at Ama ko na iniibig kong lalo sa lahat. Nagtitika
matibay na matibay na hindi na ako muli-muling magkakasala sa iyo at
nagtitika naman akong magkumpisal ng dilang kasalanan ko. Umaasa
akong patatawarin mo alang-alang sa mahal na pasyon at pagkamatay
mo sa Cruz dahilan sa akin. Siya nawa.

N: Buksan mo, Panginoon ko, ang mga labi namin, palusugin ang aming
loob at pakalinisin sa mga walang kapakanang-mahalay at likong akala.
Liwanagin mo ang aming bait, papagningasin ang aming puso nang
magunam-gunam naming mataimtim ang kamahal-mahalan mong
pinagdaanang hirap at kamatayan sampu ng kapaitang dinalita ng
iyong marangal na Ina, at maging dapat kaming dinggin sa harapan ng
iyong di matingkalang kapangyarihan, ikaw na nabubuhay at naghahari
magpasawalang hanggan. Siya nawa.

N: Lubhang maawaing Hesus; lingapin ng matamong maamo ang


kaluluwa ni: [Pangalan ng Pumanaw] na namatay na, ng dahil sa kanya
nagpakasakit ka at namatay sa Cruz. Siya nawa.
N: Hesus ko, alang-alang sa masaganang dugo na iyong ipinawis nang
manalangin ka sa halamanan
S: Panginoon, kaawaan mo at patawarin ang kaluluwa ni
___________.

N: Hesus ko alang-alang sa tampal na tinanggap ng iyong kagalang-


galang na mukha

S: Panginoon, kaawaan mo at patawarin ang kaluluwa ni


___________.

N: Hesus ko alang-alang sa masakit na hampas na iyong tiniis.

S: Panginoon, kaawaan mo at patawarin ang kaluluwa ni


___________.

N: Hesus ko alang-alang sa koronang tinik na tumimo sa kasantu-


santusan mong ulo.

S: Panginoon, kaawaan mo at patawarin ang kaluluwa ni


___________.

N: Hesus ko alang-alang  sa paglakad mo sa lansangan ng kapaitan, na


ang Cruz ay iyong kababaw-babaw.

S: Panginoon, kaawaan mo at patawarin ang kaluluwa ni


___________.

N: Hesus ko alang-alang sa kasantu-santusan mong mukha na naliligo


sa dugo at iyong binayaan malarawan sa birang ni Santa Veronica.

S: Panginoon, kaawaan mo at patawarin ang kaluluwa ni


___________.

N: Hesus ko alang-alang sa damit mong natigmak na dugo na biglang


pinaknit at hinubad sa iyong katawan ng mga tampalasan.
S: Panginoon, kaawaan mo at patawarin ang kaluluwa ni
___________.

N: Hesus ko alang-alang sa kasantu-santusan mong katawan na napako


sa Cruz.

S: Panginoon, kaawaan mo at patawarin ang kaluluwa ni


___________.

N: Hesus ko alang-alang sa iyong kasantu-santusang paa at kamay na


pinakuan ng mga pakong ipinagdalita mong masakit.

S: Panginoon, kaawaan mo at patawarin ang kaluluwa ni


___________.

N: Hesus ko alang-alang sa tagiliran mong nabuksan sa saksak ng isang


matalim na sibat at binukalan ng dugo at tubig.

S: Panginoon, kaawaan mo at patawarin ang kaluluwa ni


___________.

N: Pagkalooban mo siya ng kapayapaang walang hanggan.

S: Liwanagan mo siya ng di magmaliw mong ilaw.

N: Mapanatag nawa siya sa kapayapaan.

S: Siya Nawa.

Paghahain Sinipi sa isang Panalangin ni San Agustin


[Lahat]
Katamistamisang Jesus ko, na sa pagsakop Mo sa sangkatauhan,
ay inibig Mong Ikaw ay ipanganak, tumulo ang Iyong mahalagang
dugo sa pagtutuli; inalipusta ng mga Judio, napasa kamay niyong
mga tampalasan sa paghalik ni Judas; ginapos ng mga lubid;
dinala sa pagpaparipahan sa Iyo,
tulad sa korderong walang sala; iniharap kay Anas, kay Caypas,
kay Pilato at kay Herodes, niluraan, pinaratangan at pinatotohanan
ng mga saksing sinungaling, tinampal, naging alimura, natadtad ng
sugat ang buo Mong katawan sa hampas ng suplina; pinutungan ng
koronang tinik, natakpan ang Iyong mukha ng isang purpura sa
pagpapalibhasa sa Iyo, nalagay sa isang pagkahubong kahiya-hiya
napako sa Krus, at natindig sa Kanya, napagitna sa dalawang
magnanakaw, na parang isa sa kanila; pinainom ng apdong nilahukan
ng suka, at ang Iyong tagiliran ay silain ng isang sibat.

Hanguin Mo na Panginoon ko alang-alang doon sa madlang sakit na


lubhang mapait para dalitain Mo ang kaluluwa ni________
sa pagdurusa niya, iakyat mo siya ng matiwasay sa Iyong
kaluwalhatian, at iligtas Mo siya, alang-alang sa mga Karapatan
ng Iyong kasantusantuhang pagpapakasakit, at pagkamatay
Mo sa Krus, sa mga hirap sa infierno, nang siya/sila ay maging dapat
pumasok sa payapang kaharian na Iyong pinagdalhan sa mapalad na
magnanakaw kasama Mong naripa sa Krus; nabubuhay ka nga at
naghahari na kasama ng Diyos Ama at ng Diyos Espiritu Santo,
magpasawalang hanggan. SIYA NAWA.

*****ANG LIMANG TANDA NG SANTA CRUZ*****

[Lahat]

[MAG-CRUZ (†)] Aba, Anak ng Diyos Ama

[MAG-CRUZ (†)] Aba, Ina ng Diyos Anak

[MAG-CRUZ (†)] Aba, Esposa ng Diyos Espiritu Santo


[MAG-CRUZ (†)] Aba, Simbahang Banal ng Santisima Trinidad

[MAG-CRUZ (†)] Aba, Birheng kalinis-linisang di nagbakas ng kasalanang


orihinal

N: Ama namin, sumasalangit Ka. Sambahin ang ngalan Mo.


Mapasaamin ang kaharian mo Sundin ang loob Mo dito sa lupa para
nang sa langit.

S: Bigyan Mo kami ng aming kakanin sa araw-araw At patawarin Mo


kami sa aming mga sala Para nang pagpapatawad namin sa
nagkakasala sa amin. At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso At
iadya Mo kami sa lahat ng masama
Amen
N: Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya,
Ang Panginoong Diyos  ay sumasaiyo.
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
At pinagpala naman ang 'yong anak na si Hesus.

S: Santa Maria, Ina ng Diyos


Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami'y mamamatay.
Amen

N: Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.

S: Kapara noong unang-una, ngayon, at magpakailanman, at


magpasawalang hanggan.
Amen.

 
***PANALANGIN***

[N]

Panginoon kong Diyos, Amang kagaling-galingan at kaalam-alaman sa


lahat, Salamat sa iyo ng walang hanggang pasasalamat sa dilang awa
mo sa amin. Kaming mga alipin mong masasama ang siyang
nagpapasalamat sa iyong mahal na anak na Bugtong sapagkat
ipinagkaloob niya sa aming lahat ang dinalita niyang hirap dito sa lupa.
Galang sa iyo, awa sa amin, sampu ng kabanalan ng Mahal na Birheng
Ina niya, inihahain nami’t ipinagmamapuri at pinasasalamatan ang
dilang awa mo sa amin.

Magsalita ka Ama naming maawain at ipakinabang mo sa amin ang


iyong mahal na grasya dito sa lupa at saka sa kaluwalhatian sa langit.
Alang-alang kay Hesukristong Anak mo, Panginoon naming na
nabubuhay at naghahari na kasama mo at ng Diyos Espiritu Santo
magpasawalang-hanggan. Siya nawa.
***LITANYA NG MAHAL NA BIRHENG MARIA***

Kristo, pakinggan mo siya.


Kristo, pakapakinggan Mo siya.
Diyos, Ama sa Langit, Maawa Ka sa kanya.
Diyos, Anak na tumubos ng sanglibutan,
Maawa Ka sa kanya.
Diyos Espiritu Santo, Maawa Ka sa kanya.
Santisima Trinidad Tatlong Persona sa IIsang Diyos, Maawa Ka sa kanya
Santa Maria, ipanalangin Mo siya. *
Santang Ina ng Diyos.* ipanalangin Mo siya.
Santang Birhen ng mga Birhen.* ipanalangin Mo siya.
Ina ni Kristo.* ipanalangin Mo siya.
Ina ng Grasia ng Diyos.* ipanalangin Mo siya.
Inang kasakdalsakdalan.* ipanalangin Mo siya.
Inang walang malay sa kahalayan.* ipanalangin Mo siya.
Inang di malapitan ng masama.* ipanalangin Mo siya.
Inang walang karamdaman sa kasalanan.* ipanalangin Mo siya.
Inang kalinislinisan.* ipanalangin Mo siya.
Inang Immaculada.* ipanalangin Mo siya.
Inang kaibig-ibig.* ipanalangin Mo siya.
Inang kataka-taka.* ipanalangin Mo siya.
Ina ng mabuting kahatulan.* ipanalangin Mo siya.
Ina ng may gawa sa lahat.* ipanalangin Mo siya.
Ina ng Mananakop.* ipanalangin Mo siya.
Birheng kapaham-pahaman.* ipanalangin Mo siya
Birheng dapat igalang.* ipanalangin Mo siya
Birheng dapat ipagbantog.* ipanalangin Mo siya
Birheng maawain.* ipanalangin Mo siya
Birheng makapangyayari.* ipanalangin Mo siya
Birheng matibay na loob sa magaling.* ipanalangin Mo siya
Salamin ng katuwiran.* ipanalangin Mo siya
Luklukan ng karunungan.* ipanalangin Mo siya
Mula ng tuwa namin.* ipanalangin Mo siya
Sisidlan ng kabanalan.* ipanalangin Mo siya
Sisidlan ng bunyi at bantog.* ipanalangin Mo siya
Sisidlan ng bukod tanging kataimtiman.* ipanalangin Mo siya
Rosang bulaklak na di mapuspos ng bait ng tao ang halaga.*
ipanalangin Mo siya
Tore ni David.* ipanalangin Mo siya
Toreng garing.* ipanalangin Mo siya
Bahay na ginto.* ipanalangin Mo siya
Kaban ng Tipan.* ipanalangin Mo siya
Pinto ng Langit.* ipanalangin Mo siya
Talang maliwanag.* ipanalangin Mo siya
Mapagpagaling sa mga may sakit.* ipanalangin Mo siya
Pagsasakdalan ng mga taong makasalanan.*
ipanalangin Mo siya
Mapang-aliw sa mga nagdadalamhati.* ipanalangin Mo siya
Mapag-ampon sa mga Kristiyanos.* ipanalangin Mo siya
Reyna ng mga Anghel.* ipanalangin Mo siya
Reyna ng mga Patriarka.* ipanalangin Mo siya
Reyna ng mga Profeta.* ipanalangin Mo siya
Reyna ng mga Apostol.* ipanalangin Mo siya
Reyna ng mga Martir.* ipanalangin Mo siya
Reyna ng mga Confesor.* ipanalangin Mo siya
Reyna ng mga Birhen.* ipanalangin Mo siya
Reyna ng mga Santo.* ipanalangin Mo siya
Reynang ipinaglihi na di nagmana ng salang orihinal.*
ipanalangin Mo siya
Reynang iniakyat sa Langit.* ipanalangin Mo siya
Reyna ng kasantu-santuhang Rosaryo.*
ipanalangin Mo siya
Reyna ng kapayapaan.* ipanalangin Mo siya
Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng sanlibutan,
Patawarin Mo po siya/sila, Panginoon.
Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng sandaigdigan,
Pakapakinggan Mo po siya/sila, Panginoon.
Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng sangtinakpang
langit,
Maawa Ka po sa kanya/kanila, Panginoon.

N: O Panginoon kong Hesus, alang-alang sa iyong kahirapan para sa


kaligtasan ng sansinukob.
S: Kaawaan mo ang kaluluwa ni ________

N: Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.

S: Kapara noong unang-una, ngayon, at magpakailanman, at


magpasawalang hanggan.
Amen.

N: O Panginoon kong Hesus, alang-alang sa iyong kamatayan sa Mahal


na Santa Cruz na naging kasangkapan upang matamo namin ang kaloob
mong kaligtasan.

S: Kaawaan mo ang kaluluwa ni ________

N: Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.

S: Kapara noong unang-una, ngayon, at magpakailanman, at


magpasawalang hanggan.
Amen.

N: O Panginoon kong Hesus alang-alang sa iyong pagkabuhay na


magmuli at pagka-gapi sa kamatayan.

S: Kaawaan mo ang kaluluwa ni ________

N: Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.

S: Kapara noong unang-una, ngayon, at magpakailanman, at


magpasawalang hanggan.
Amen.

***ABA PO SANTA MARIANG HARI***

[Lahat]

Aba Po Santa Mariang Hari, Ina ng Awa. Ikaw ang kabuhayan at


katamisan; Aba
pinananaligan ka namin. Ikaw nga ang tinatawagan namin, pinapanaw
na taong

anak ni Eva. Ikaw rin ang pinagbunbuntuhang hininga namin ng aming


pagtangis

dini sa lupang bayang kahapis-hapis. Ay aba, pintakasi ka namin, ilingon


mo sa

amin, ipakita mo sa amin ang iyong Anak na si Hesus. Santa Maria, Ina
ng Diyos,

maawain, maalam at matamis na Birhen. N. Ipanalangin mo kami,


Reyna ng

kasantusantuhang Rosaryo. S. Nang kami’y maging dapat makinabang


ng mga

pangako ni Hesukristo.

PANALANGIN
[N]
Panginoon kong Hesukristo, Amang katamistamisan,
pakundanagan sa pagkaligaya ng Iyong Mahal na Ina, ng
Ikaw ay pakita sa Kanya niyong gabing mabuhay Kang
mag-uli, at ng Ikaw ay makitang punong - puno ng
kaluwalhatian, alang-alang sa Iyong pagka Diyos, idinaraing
ko sa Iyo na ako ay liwanagan Mo ng mga biyaya ng Diyos
Espiritu Santo, sa araw-araw samantalang ako ay nabubuhay
mangyaring matupad ko ang Iyong kalooban; nabubuhay at
naghahari Ka magpasawalang hanggan. SIYA NAWA.
Bendito y alabado sea el Santísimo Sacramento del Altar, y la
Inmaculada Concepción de María Santísima, Madre de Dios y Señora
nuestra, concebida sin pecado orihinal en el primer instante de su ser.
Amén.

N: Aba Ginoong Maria , napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos


ay sumasaiyo, bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala
naman ang iyong Anak na si Jesus.

S: Santa Maria Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan,


ngayon at kung kami’y mamamatay.  Amen.

(3x)

N: VIVA JESUS MARIA MADRE DE GRASYA, pagpalain


Nyo po ang kaluluwa ni ___________
N. Kapayapaan kailan man ang igawad ng Maykapal sa yumaong ating
mahal.
S. Siya nawa ay silayan ng ilaw na walang hanggan. SIYA NAWA.

N: Aba Ginoong Maria , napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos


ay sumasaiyo, bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala
naman ang iyong Anak na si Jesus.

S: Santa Maria Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan,


ngayon at kung kami’y mamamatay.  Amen.

(3x)

[Lahat]

SA NGALAN NG DIYOS AMA, DIYOS ANAK, DIYOS ESPIRITU SANTO


AMEN.

You might also like