LAS F1Q4 W4 Kasingkahulugan

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 1

Kwarter 4, Linggo 4

Pangalan: ___________________________________ Baitang_______________


Paaralan: ___________________________________ Iskor__________________

PANIMULA

Magandang araw! Kumusta ka?


Nahihirapan ka ba na maunawaan ang kahulugan ng salita na
iyong binabasa?
Madali lang ito, may inihanda akong mga halimbawa kung
paano matukoy ang kahulugan ng salita batay sa kasingkahulugan.
Upang lalong maintindihan, narito ang mga pagsasanay na
makakatulong para maunawaan mo ang paksa.
O, ano kayang-kaya ba?

LAYUNIN

Sa gawaing ito, ikaw ay inaasahang matutukoy ang kahulugan


ng salita batay sa kasingkahulugan.

SUBUKIN MO

Panuto: Ikabit ang bawat salita sa kaliwang hanay na


kasingkahulugan nito.

1.maligaya mabango

1
2. malinamnam pobre

3.mahalimuyak matalim

4. matalas masarap

5. mahirap masaya

PAG-ARALAN MO
Basahin mo.

Ang Malikot na Sisiw


May isang inahin kasama ang kaniyang mga sisiw. Nakatira sila
sa silong ng isang bahay-kubo. Araw-araw ay naghahanap sila ng
pagkain.
Isang araw kinausap ng inahin ang mga anak na sisiw.
“Huwag kayong masyadong lalayo.May isang nag-aabang para
kayo ay dagitin.

2
Ngunit may isang malikot. Sa paghahanap ng pagkain, siya ay
napalayo sa mga kasama. Hindi niya nakita ang papalapit na lawin.
Patuloy siya sa pghahanap ng uod. Nang dadagitin na lang siya
ng lawin nagtatakbo ng mabilis ang sisiw.
“Inay! Inay! Tulungan ninyo ako.
Tumakbo ang sisiw patungo sa inahin. Takot na takot ang
malikot na sisiw.
Sagutin ang tanong:
Saan nakatira ang inahin at ang kaniyang mga anak?
Nakatira sa silong ng isang bahay-kubo.

Ano ang kasingkahulugan ng salitang silong?


Ito ay ang ilalim o ibaba ng bahay.

Kailan sila naghahanap ng pagkain?


Araw – araw nghahanap sila ng pagkain.

Ano ang bilin ng inahin sa kanyang mga anak na sisiw? Uliting


basahin ito.
“Huwag kayong masyadong lalayo. May isang lawin nag-
aabang upang kayo ay dagitin.”

Ano ang kasingkahulugan ng salitang

nag-aabang at dagitin?

3
nag-aabang – naghihinta dagitin - saklutin
Bakit napalayo ang isang sisiw sa kasamahan?

Dahil ito ay malikot.

Ano ang kasingkahulugan ng salitang napalayo at malikot?


napalayo- napunta sa malayo
malikot - magalaw

Ipagpatuloy mo.

Naunawaan mo ba ang mga salitang ito?


Ano ang mabilis na paraan para maunawaan ang kahulugan ng
salita?

Opo ,Isang paraan ng pag-unawa ng kahulugan ng salita ay sa


pamamagitan ng pagbibigay ng kasingkahulugan nito.
Ang mga salitang magkasingkahulugan ay mga salitang
magkatulad ang kahulugan o pareho ang ibig sabihin.
Mga Salita Kasingkahulugan
Silong ilalim o ibaba ng bahay
nag-aabang naghihintay
Napalayo napunta sa malayo
Dagitin saklutin
Malikot magalaw

Subukin kong magagawa mo ito:


Panuto:
Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit? Bilugan ang
tamang letra.
1. Magulo ang aking mga kaklase.
a. maingay b. matapang c. masaya
4
2. Ang aso ko ay mataba.
a. mataas b. malusog c. payat
3. Masarap ang luto ni Nanay.
a. malinamnam b. maanghang c.maalat
4. Si Lisa ay may magandang asal.
a. tahimik b.ugali c. magulo
5. Si Elsa ay marikit.
a. maganda b. mataba c. masaya
SAGUTIN MO

A. Panuto:
Hanap-Salita: Hanapin ang kahulugan ng salitang may salungguhit
sa loob ng kahon. Maaring pahalang o pababa ang salita, kulayan
ang sagot.

1. May maliit na higaan.


2. Makupad gumalaw ang pagong.

3. Nakasagot ako ng wasto sa aking pagsusulit


4. Marungis ang bata na nasa kanal.
5. Mahirap lang kami.
HANAP- SALITA
M A L K A M A O T
A X S A Y A W C A
R M A B A G A L M
U D V M A L I V A
M A P O B R E V H
I S M A B A G A L

5
B. Panuto: Punan ang mga patlang ng angkop na salita upang
mabuo ang pangungusap. Hanapin ito sa loob ng kahon at isulat.

masarap kama tuwa


unos mabilis

1.Masarap matulog kapag malaki ang ________________


2.Naghahanda ang mga tao sa paparating na__________
3.Ang mga pagkain ay_________________________.
4.________________________tumakbo ang mga sasakyan.
5.____________ang aking nadama sa pagdating ni nanay.

C. Panuto: Piliin ang kasingkahulugan ng nasa may salungguhit na


salita upang mabuo ang pangungusap.
1. Maligaya ang pamilya kung nagmamahalan, kaya’t
namumuhay silang_____(malungkot, masaya).
2. Ang pamilya nila ay mayaman kaya ang lalaking iyan ay____.
(mapera, mahirap).
3. Ang batang matipid ay maganda ang kinabukasan, kaya’t
mahalagang ______. (mag-impok, magastos)
4. Matalim ang kutsilyo kaya hindi dapat paglaruan ng mga bata.
Lahat ng kasangkapan na _______ay kailangang itago.
(matalas, mapurol)

5. Malaki ang aking kuya. Naabot niya kahit na________na


punongkahoy.
(mataas, pandak)

6
KARAGDAGANG GAWAIN:

Panuto:
Basahin ang tula. Ano ang kahulugan ng mga salitang may
salungguhit? Palitan ito ng kasingkahulugan.

Ang Batang Huwaran


ni Nanette Z. Raquitico

Ang batang huwaran,


mabait at magalang.
Sa tahanan lagi siyang
maasahan.
May mabuting-asal,
sumusunod sa pangaral.
Maging sa eskuwela,
pag-aaral pinaghuhusayan.
Kaya lubos na kasiyahan,
Dama ng mga magulang
Para sa anak na uliran
isang batang huwaran.

SANGGUNIAN:
Filipino Kwarter 4- Modyul 4
MELC Pahina 146
Raquitico, N. at Padillo, J. (2020). Filipino 1, Kwarter 4- Modyul 4: Salita at
Pangungusap ROV-SLMs. Legazpi City

Inihanda ni: Tiniyak ang kalidad nina:

JUDITH L.OSEA,MT-2
FEBIE JEAN R. TASARRA JUVY G. CLAVILLAS-MT-2
Teacher II/ SIES BABY ELSIE M. JOVE-MT-2

RAO/033121/CID

7
8
BABY ELSIE M. JOVE-MT-2 Teacher II/ SIES
JUVY G. CLAVILLAS-MT-2 FEBIE JEAN R. TASARRA
JUDITH L.OSEA,MT-2
Tiniyak ang kalidad nina: Inihanda ni:
MELC Pahina 146
Filipino Kwarter 4- Modyul 4
SANGGUNIAN:
PAG-ARALAN MO
B. 1.masaya
1.kama 2. masarap
2.unos 3. mabango
3.masarap 4.matalim
4.mabilis 5. mapera
5.tuwa
SAGUTIN MO
C. A.
1. Kama
1.masaya 2. Unos
2.mapera 3. masarap
3.mag-impok 4. mabilis
4.matalas 5. tuwa
5.mataas 6.
HANAP- SALITA
M A L K A M A O T
A X S A Y A W C A
R M A B A G A L M
masaya 5. mahirap
U D V M A L I V A
masarap 4. matalas
M A P O B R E V H
matalim 3.mahalimuyak
I S M A B A G A L
pobre 2. malinamnam
mabango 1.maligaya
SUBUKIN MO
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like