Pagsasanay Sa Filipino 4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pagsasanay sa Filipino 4

Simuno at Panaguri
Pangalan ____________________________________ Petsa ______________

I. Panuto: Isulat sa patlang ang salitang simuno kung ang may salungguhit ay tumutukoy sa simuno o paksa
ng pangungusap. Isulat ang salitang panaguri kung ito ay tumutukoy sa panaguri ng pangungusap.

S 1. Si Ginoong Malvar ang nahalal bilang pangulo ng samahan.

P 2. Masayang nakilahok sa paligsahan sina Gloria at Gemma.

P 3. Sinusuri nang mabuti ng mga imbestigador ang mga ebidensiyang nakuha sa lugar ng krimen.

S 4. Sila ay tumulong sa paglikas ng mga residente mula sa mapanganib na lugar.

S 5. Iligpit natin ang mga nakakalat na laruan sa sahig ng sala.

P 6. Ang kaibigan mo ay tiyak na matutuwa sa sorpresa na inihanda mo para sa kanya.

S 7. Tumayo tayo nang tuwid habang inaawit ang Lupang Hinirang.

S 8. Napansin ng guro ang mabubuting asal na ipinamalas ng mga mag-aaral.

S 9. Ang mga magulang ng mga mag-aaral ay inanyayahang dumalo sa gaganaping pagtatanghal.

P 10. Ang mga turista ay hinikayat na sumali sa pagsasayaw sa parada ng pista.

II. Panuto: Tukuyin ang simuno at panaguri sa pangungusap.

1. Ang paninigarilyo ay nakadudulot ng sakit sa puso at baga.

Simuno:

Panaguri:

2. Mas makakaiwas sa mga nakakahawang sakit ang mga sanggol na binakunahan.

Simuno:

Panaguri:

3. Ang mga sentrong pangkalusugan ng pamayanan ay magbibigay ng libreng bakuna sa mga sanggol.

Simuno:

Panaguri:

4. Ang pagpapanatili ng kalusugan ng mga bata ay tungkulin ng mga magulang.

Simuno:

Panaguri:

5. Sinusubaybayan ng mga magulang ang paglaki at kalusugan ng kanilang mga anak.

Simuno:
Panaguri:

6. Nag-eehersisyo araw-araw sa parke sina Percy at Pearl.

Simuno:

Panaguri:

7. Pumupunta sa dentista dalawang beses sa isang taon ang buong pamilya Santos.

Simuno:

Panaguri:

8. Ang mabuting paghuhugas ng mga kamay ay mabisang paraan para maiwasan ang iba’t ibang sakit.

Simuno:

Panaguri:

9. Si Jeremy ay kumakain ng sari-saring gulay at prutas.

Simuno:

Panaguri:

10. Umiinom ng maraming tubig bago, habang, at pagkatapos magehersisyo ang mga atleta.

Simuno:

Panaguri:

You might also like