Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 7

EL FILIBUSTERISMO

kabanata 1: Sa kubyerta

Narrator: Umaga ng Disyembre ng maglayag ang Bapor Tabo, patungong Laguna,


sakay ang napakaraming pasahero, habang binabagtas ang paliku-likong Ilog Pasig.
Maituturing na ngang barko ng lahing pilipino ang Bapor tabo o mas kilala sa tawag na
daong ng pamahalaan dahil pinamunuan ang mga Reverendos at Ilustrimos. Ito’y
gawa sa bakal at animo’y hugis tabo, kung saan nakuha ang pangalan nito. Nahahati ito
sa 2 bahagi, sa itaas ay ang kubyerta at dito matatagpuan ang mga manlalakbay na
nakasuot- Europeo, mga prayle at mga kawani ng pribadong tanggapan na nananabako
habang tumitingin sa tanawin. Ang tanging babae lamang dito ay si Doña Victorina na
kahalubilo ang mga Europeo.

Kapitan: “Babor!”…..”Estribor!”…

Doña: “Ngunit kapitan, bakit sa lugar na iyon pumupunta ang mga hangal na
timonero?”

Kapitan: “ Sapagkat nakapababaw po roon ginang.” (sabay kindat)

Donya: “Bakit mabagal ang takbo? Bakit hindi tulinan?”

Kapitan: “Pagkat baka tayo maglagos sa mga bukiring iyon, ginang.”

Ang iba namang mga kasakay ay naging abala sa paghuhuntahan ng kahit na naong
paksang pumasok sa kanilang isip upang maiwasan ang pakikipag-usap sa ginang.

Salvi: “Nalalaman mo ba kung ano ang kakayahan ng mga taong dalubhasa sa agham,
Ben Zayb? Hayan sa lalawigan ng Puente del Capricho na ginawa ng isa naming
kapatid. Hindi natapos sapagkat pinintasan ng mga sinasabi mong mga taong
dalubhasa sa agham. Ayon sa pinagbabatayan nilang teorya, ang tulay ay may
kahinaan, di matatag at mapanganib. Tingnan nyo ngayon, nariyan pa rin ang tulay.
Hindi pa nagigiba ng baha at lindol.”

Camorra: “Iyan, putris!. Iyan talaga ang sasabihin ko (sabay suntok sa hangin). Iyang
Puente del Capricho, ang mga taong dalubhasa sa agham. Iyan nga talaga ang
sasabihin ko, padre salvi!.

Salvi: “Ngunit hindi nangangahulugan na wala kang gaanong katuwiran na gaya ni


Padre Camorra. Ang sama ay nasa lawa.”

Dona: “mangyari’y wala ni isa mang maayos na lawa sa kapuluang ito.

Simoun: “Ang lunas ay napakadali. Totoong nagtataka ako kung bakit walang
sinumang nakaisip nito. Ang lunas ay napakadali at walang magugugol na kahit isang
pera Humukay ng isang tuwid na kanal mula sa lawa hanggang Maynila. Sa madaling
sabi, magbukas ng bagong ilog at sarhan ang dating ilog Pasig. Makatitipid ng lupa.
Mapapadali ang paglalakbay. At maiiwasan ang pagbabara ng buhangin sa ilog.
Ben: “ Isang panukalang Yankee!”

Custodio: “Ipagpaumanhin mo Ginoong Simoun, ang iginagalang kong kaibigan, na di


ka sang-ayunan. Napakalaking salapi ang magugugol. At bukod sa rito maraming nayon
ang masisira.”

Simoun: “Pwes, sumira!”

Custodio: “ At ang salaping ibabayad sa mga manggagawa?”

Simoun: “Hindi kailangang bayaran. Gamitin ang mga bilanggo.”

Custo: “Hindi makasasapat ang mga bilanggo, G. Simoun.”’

Simoun: “Kung ganoon, pakilusin ang buong bayan, matatanda, kabataan at mga
bata. Pagtrabahuin sila ng tatlo, apat, o limang buwan sa halip na labinlimang araw sa
sapilitang paggawa, Papagdalahin sila ng sariling pagkain at kagamitan.”

Custo: “Tingnan ninyo, bago simulan ang mga sawain sa daungan, nagharap ako ng
isang panukalang orihinal, madalin gawin, makabuluhan, at matipid upang linisin ang
putik at buhangin sa gulud-guluran ng lawa. Ngunit hindi tinanggap sa dahilang hindi
ito makapagbibigay….nito!”

Salvi: “Maaari bang malaman ang inyong ang inyong panukala?”

Custo: “Kung walang panganib ay ibig ninyo akong magsalita at kapag mayroon ay
tahimik kayo……Nakakita na ba kayo ng pato?”

Ben: “Palagay ko’y nakapamaril ng mga iyan sa lawa.”

Custo: “Hindi ang patong bundok ang ibig kong tukuyin. Ang tinutukoy ko ay mga itik
na inaalagaan sa Pateros at Pasig. Alam mo ba ang ipinapakain sa mga ito?”

Camorra: “ Mga suso, mga susong maliliit! Hindi mo kailangang maging Indio upang
malaman yan! Kailangan mo lang gamitin ang iyong mga mata!”

Custo: “Tama, maliliit na suso! At alam nyo ba saan nakukuha ang mga ito?...Kung
matagal kang namalagi sa lalawigan, tulad ko, malalaman mong nakukuha nag mga
iyon sa gulud-gulurang kahalo ng mga buhangin.”

Camorra: “ At ang inyong panukala?”

Custo: “ Iyan ang tutukuyin ko. Pipilitin ko ang mga baying magkakanugnog at malapit
sa gulud-guluran ng buhangin na mag-alaga ng mga itik. Makikita nyo kung paano
magpapalalim sa gulud-guluran ng mga buhangin ang mga itik. Sisisirin nila ang mga
suso. Iyan ang panukala ko.”

Ben: “Mapapahintulutan ba ninyong sumulat ako ng lathalain ukol ditto? Kakaunti an


gang nag-iisip sa baying ito.”
Donya: “Ngunit, Don Custodio. Kung ang lahat ay mag-aalaga ng itik, dadami ang
balut! Hu! Nakakadiri! Bayaan na lamang ninyong matuyo ang gulud-guluran.”

Kabanata 2

-Sa Ilalim ng Kubyerta-

Tagpuan: Sa isang bapor na nagngangalang Tabo. Kakikitaan ang bapor ng iba’t


ibang uri ng tao. May mayayaman, mahihirap, kawani ng pamahalaan at iba pa.ang
bapor ay patungong Laguna mula Maynila. Ilan sa mga lulan ng bapor ay ang mga
prayle, si Isagani, ang mamamahayag na si Ben Zayb, si Donya Victorina, isang mag-
aalahas na nagngangalang Simoun, at si Basilio. Sa ilalim ng kubyerta ng bapor
makikitang naguusap si Isagani, Basilio at Kapitan Basilio.
Kapt. Basilio: Kamusta na si Kapitan Tiyago?

Basilio: Tulad ng dati, ayaw paring magpagamot ni Kapitan Tiyago.

Kapt. Basilio: (pailing na sumagot) Noong mga bata pa kami nila Kapitan Tiago, wala
pa ang droga nay an,hinidi ko maisip kung san ito nagmula.

Isagani: Mawalang galang na po, ngunit ang opyo ay isang uri po ng halaman. Ito ay
hindi isang gamot na katutuklas pa lamang, at hindi rin isang halamanng katutubo pa
lang sa ganitong kapanahunan, hindi ba, Basilio?

Basilio: Sang-ayon ako sa sinabi mo kaibigan. (palihim na napangiti sa sinabi ng


kasama)

Kapt. Basilio: Sa pagkakaalam ko, mayroon ngang opyo noon. Tama meron nga!
Ngunit ito’y hindi gaanong napapansin dahil abala nag marami sa pag-aaral. Maiba ako,
kamusta na nga pala ang itinatatag ninyong Akademya ng Wikang Kastila?

Basilio: Handa na po ang lahat. May mga guro na po at handa na ring pumasok ang
mga mag-aaral.

Kapt. Basilio: Mabuti kung ganoon. Sana’y magtagumpay kayo sa inyong plano .
Paano, mauna na ako sa inyo. Kailangan ko ng pumunta sa itaas. Maiwan ko na kayo.

(Pag-alis ni Kapitan Basilio ay siya naming pagdatinng ng mag-aalahas na sa


Simoun.)
Simoun: Magandang araw sa inyo. Basilio, ikaw ba ay pauwi na at magbabakasyon?

Basilio: Ganoon na nga po G. Simoun.

Simoun: at sino naman ang iyong kasama? Kababayan mo ba siya?

Basilio: Hindi po Ginoo, ngunit magkalapit lamang ang aming bayan. Bakit Ginoo, hindi
pa po ba kayo nakakarating sa bayan nila?

Simoun: Sadyang hindi ako nagtutungo sa mga lalawigan dahil ang mga tao doo’y
hindi naman bumibili ng mga alahas, sa aking palagay ay dahil sa mahihirap ang mga
tao doon.

Isagani: Sadyang hindi lamang kami bumibili nang mga gamit na hindi naman naming
kailangan.

Basilio: Ipagpaumanhin ninyo G. Simoun, kami’y mauuna na sa inyo. Ang tiyo ng aking
kasama ay naghihintay na sa amin doon sa may dakong hulihan.

Kabanata 3: MGA ALAMAT


Custo: “ Saan ka nagtatago? Himdi mo nakita ang pinakamainam na tanawin sa paglalakbay!”

Simoun: “Ay, naku, marami na akong nakitang mga ilog at mga tanawin. At ngayon ang may
kabuluhan na lang sa akin ay ang mga alamat.”

Kapitan: “Ang Pasig ay may ilang alamat. Nariyan ang malapad na Batumbuhay noon bago pa man
dumating ang mga Kastila at diumano’y tinitirhan ng mga espiritu. Subalit nang mawala ang
pamahiing iyon at tampalasanin, ito ay naging pugad ng mga tulisan. Mayroon pang isan alamat,
ang tungkol sa kwento ni Donya Geronima. Ikukwento ito sa inyo ni Padre Florentino.”

Flor: “Noong unang panahon ay may mag-aaral na nangakong magpapakasal sa kanyang dalagang
kababayan. Subalit ang mag-aaralk ay nakalimot at ang dalaga’y naghihintay habang lumilipas ang
panahon. Hanggang sa mabalitaan ng dalaga na naging arsobispo na ng Maynila ang kanyang
hinihintay at dahil sa ang kanyang pangako ay mahirap ng mangyari, nagpagawa ang arsobispo ng
kweba para sa kanya. Dito sya nanirahan hangga’t mamatay at ditto na rin siya inilibing.”

Ben: “Napakagandang alamat! Isusulat ko iyan! Napakasentimental!”

Simoun: “Ano sa palagay mo Padre Salvi? Hindi ba’t mas mainam na inilagay ng kanyang
kamahalan si Donya Geronima sa beateryo, halimbawa gaya ng sa Sta. Clara, sa halip na bigyan siya
ng isang kweba?...Dahil hindi pagiging maginoo ang pagbibigay ng tahanang bato sa isang binigo
ang pag-asa. Higit na mabuti pa siguro kung ikulong siya sa Sta. Clara at dalawin na lamang ng
paminsan-minsan. Ano sa palagay ninyo? Kayo na humalili sa arsopbispo. Ano sa ang gagawin nyo
kung mangyaring sa inyo ito mangyari?

Salvi: “Ah Hindi ko mahahatulan na di dapat hatulan ang ugali ng arsobispo at pagsasayang lamang
ng oras ang pag-iisip sa mangyayari. Ngunit dahil sa pinag-uusapan natin ay mga alamat, hindi nyo
dapat limutin ang nauukol na milagro ni San Nicolas na pinakamaganda at pinakatotoo na marahil
ay hindi pa naririnig ni Ginoong Simoun. Tila noong unang panahon nag ilog, ganoon din ang lawa,
ay pinaninirahan ng mga malalaki at masisibang buwaya na tinataob ang mga Bangka sa
pamamagitan ng pagpalo lamang ng buntot. Isang araw, may isang demonyo na nag-anyonh
buwaya ang nagpataob sa Bangka ng isang intsik. Sa takot ng intsik, nanalangin sya kay San
Nicolas. Dininig naman ng Santo ang panalangin ng intsik at ginawang bato ang buwaya.”

Ben: “Kahanga-hanga, talagang kahanga-hangang alamat! Papasok na pala tayo sa lawa. Kapitan,
saan dyan sa lawa napatay ang isang nagngangalang Geuvarra – Navarra – Ibarra?”

Kapitan: “Tumingin kayo roon. Ayon sa mga kawal na tumugis kay Ibarra, nang malapit na syang
masukol ay tumalon sya mula sa Bangka at sumisid nang mahigit dalawang milya. Nang lumitaw
ang kanyang ulo ay itinataguyod siya ng mga bala hanggang sa makita nila na pumula ang tubig
dahil sa dugo. Hustong labintatlong taon na ang nakakaraan ng mangyari iyon.”

Ben: “Kung gayon ang kanyang bangkay?”

Sibyla: “Nakasama na sa kanyang ama. Hindi ba’t isa rin syang pilibustero, Padre Salvi?”

Ben: “Yan ang masasabi kong murang paglilibing, ha, Padre Camorra?”(nakatawa)

Camorra: “ Lagi ko ngang nasasabi, na hindi mo maaasahang ang pilibustero ay magkakaroon ng


marangal na libing.” (habang tumatawa din)

Ben: “ Anong nangyayari sa iyo Ginoong Simoun? Huwag ninyong sabihin na kayo ay maysakit?!
Kayo na datihang manlalakbay, mahihilo sa ganitong paglalakbay lamang?”

Kapitan: “Kailangan ninyong malaman, na ang paglalakbay sa ilog na ito ay hindi dapat maliitin.
Ang lawang ito ay higit na malakisa alin mang lawa sa Switzerland o lahat ng lawa sa Espanya
pagsama-samahin man. Nakakita na ako nang mga sanay na mandaragat na nangahilo dito.”

Kabanata 4: Kabesang Tales


Selo: “Magtimpi! Mas gugugol ka sa isang taong paghihintay sa usapin kaysa magbayd ka ng
sampung taon sa mga paring dayuhan. Hmm! Marahil ay babayaran ka naman nila ng mga misa.
Isipin mo na lamang na natalo ang tatlumpong piso mo sa sugal. O kaya’y nahulog sa ilog at kinain
ng mga buwaya.”
Masagana ang naging ani at naibenta sa mabuting halaga. Nakapagpagawa na ng bahay na gawa sa
tabla na siyang pinapangarap ng pamilya ni Tales. Itinaas muli ng mga prayle ang buwis sa iba’t
ibang kadahilanan. Binayaran na lamang ni Tales ang buwis upang maka-iwas sa gulo.

Selo: “Magtimpi! Isipin mo na lang na lumaki ang buwaya!”

Nang unti-unting bumuti ang pamumuhay nila Tales any inatasan siya bilang pangunahing
maniningil ng buwis sa baryon g kanyang mga kababayan. Tinawag na rin siyang Kabesang Tales.
Upang maiwasan ang di pag-uunawaan sa mga prayle ay nag-aabono na lamang siya mula sa
sariling lukbutan kapg kinukulang ang kanyang nakokolekta.

Selo: “Magtimpi! Isipin mo na lamang na nagsidatingan ang mga kamag-anak ng mga buwaya.”

Pingarap ng mag-ama ang papag-aralin ang talong anak ni Kabesan Tales sa susunod na taon.
Subalit hindi na dumating ang susunod nation at itinaas na naman ang buwis sa lupa hanggang
umabot sa dalawang daan ito. Tumutol na si Kabesang Tales at nagreklamo na hindi na niya kayang
bayran ang ganoon ka taas na halaga. Binalaan siya ng mga prayle na kapag hindi nakapagbayad
ayibang tao ang paglilinangin ng kanyang lupain dahil marami ang may interes sa lupain na nag-
aabang lang.

Akala ni Kabesang Tales ay nagbibiro lang ang mga ito subalit hindi pala, katunayan ay bumanggit
siya ng isa sa mga utusan na hahalili kung sakali. Ang kaawa-awang si Tales ay namutla at para
niyang nakita ang kanyang asawa’t anak na naghihingalo. Naalala niya ang pagtullo ng kanyang
pawis sa lupain; nakita nya ang kanyang sarili na nagsasaka sa kainitan ng araw habang ang mga
prayle ay nakasakay sa mga karwaheng sinusundan pa ng mga alipin ng kanyang kapalit. Hindi siya
makapapayag na angkinin nito ang kanyang lupaing pinaghirapan. Sa galit ni Kabesang Tales ay siya
ay naghimagsik. Tumanggi siyang magbayad kahit ni isang pera hangga’t hindi nakapaghaharap ng
malinaw na dokumento na ito nga ay sa mga prayle. Ng walang maipakitang mga dokumento ang
mga prayle ay nakarating sa korte ang kaso.

Tales: “Napaglingkuran at pinaglilingkuran ko ang hari sa pamamagitan ng aking salapi at lakas.


Ngayon nama’y hihingi ako sa kanya ng katarungan at kailangan ay ibigay niya ito sa akin.”

Sa kasamaang palad ay naubos ang kanyang pera sa pagbabayad sa mga mapagsamantalang


abogado, eskribano, ahente at mga opisyal. Pinanigan ng hukom ang mga prayle dahil na rin sa
katigasan ng ulo ni Tales. Ang kanyang anak na si Tano ay nahirang na magkawal. Makalipas ang
anim na buwan ang nanbalitaang siya ay ipinadala sa Carolinas. Tatlong araw na hindi lumabas si
Tales sa kanilang bahay. Nang lumabas ito ay may bitbit na baril. Sa takot ng mga tao na siya ay my
balak patayin, pinag-utos ng kapitan heneral na ipagbawal ang pagdadala ng baril. Isinuko naman ni
Tales ang kanyang baril ngunit pinalitan naman ito ng mahaban itak. Isang gabi habang
nagbabantay si Tales sa kanyang lupain, nabihag siya ng mga tulisan at humingi ng limandaang piso
kapalit ng buhay nito.

Napagpasyahan ni Juli na ipagbili lahat ng kanyang mga alahas maliban sa laket na may brilyante at
Esmeralda na bigay ni Basilio sa kanya subalit hindi pa rin ito nakaabot ng limandaan. Walang
nagawa si Juli kundi ang magpa-alipin na lamang sa isang matandang mayaman para lamang
makuha ang kinakailangang salapi. Inalala ni Juli ang kanyang sasapitin kinabukasan bilangn isang
utusan at ang sasabihin ni Basilio. Wala syang magawa kundi ang manalangin sa birhen na gumawa
ng milagro. Nakatulugan na nya ang isiping iyon dahil na rin siguro sa dalamhati at pagod.
Kabanata V (Noche Buena ng isang kutsero)

Kutsero: “Noong kapanahunan ng mga Santo, walang maraming guardia civil pagkat
kung may nang-aapi ay hindi mabubuhay ng ganyan katagal ang mga taon iyan. (sabay
turo sa mga imahe) Wala talagang guardia civil noon. Kung mayroon, ang maitim na
lalaking iyon ay hindi makasasabay sa dalawang Kastila sapagkat mabibilibid
siya.”….”Kung makakawala lamang ang paa ni Haring Bernardo, ibibigay ko sa kanya
nag aking mga kabayo, magpapa-alipin at magpapakamatay ako sa kanya dahil siys
ang magtatanggol sa atin laban sa mga guardia civil.”

Kapitan: “Areglado Ginoong Simoun. Pupunta kami sa Tiyano upang makita ang iyong
mga alahas.”

Alperes: “Pupunta rin ako. Kailangan ko ng relo ngunit napakarami kong inaasikaso.
Kung maikukuha mo ako ng isa Kapitan Basilio.” (sabay bigay ng pera kay Kapitan)

Kapitan: “Hayaan ninyo na maging pamasko ko na ito. (tinanggihan ang pera) Bueno,
maaari nating pag-usapan iyan pagkatapos.”

Kura: “Ako rin, gusto ko ng isang pares ng hikaw na mataas na uri. Mamaya na rin
natin pag-usapan pagkatos.”

Kapitan: “Huwag kang mag-alala padre.”

Tumuloy na sa bahay ni Kapitan Tiyago si Basilio at nakipamalita kay Kapitan Tiyago.

Tiyago: “Isang kasama natin ang namatay. Ang matandang lalaki na katiwala natin sa
gubat. Namatay ito sa katandaan. Ayaw pumayag ng kura ng pangmahirap na misa
dahil mayaman naman daw ang kanyang panginoon.

Basilio: “Wala ba kayong magandang maibabalita sa akin? Nawawalan ako ng gana sa


aking mga naririnig. May balita ba kayo tungkol sa Sapang?”

Sinabi ng matanda ang tungkol sa pagkabihag ni Kabesang Tales. Hindi umimik si


Basilio at nag-isip ng malalim hanggang sa nawalan na nga sya ng ganang kumain.

You might also like