Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

5

Supplementary
Learning Kit
Music
Ikatlong Markahan – Unang Linggo

ARALIN 1: ANG MGA ANYO (FORM) NG MUSIKA

Most Essential Learning Competency

1. Natutukoy ang disenyo o estraktura ng mga simpleng pormang musikal: tulad


ng.Unitary nag-iisa (isang seksyon) 2. strophic (parehong tono na may 2 o higit
pang mga seksyon at 2 o higit pang mga talata)

MU5FO-IIIa-1

1
SUBUKIN
Pangalan: _________________________ Date ________________
Grade: ______________ Seksyon: ______________

Panuto:Isulat sa sagutang papel kung Tama o Mali ang sumusunod na mga


pangungusap.
___________1. Hindi lahat ng sining ay may anyo.
___________2. Ang pag-aaral ng konsepto ng anyo ay nagsisimula sa motif.
___________3. Ang pinakamaliit na bahagi o ideya ng musika ay tinatawag na
motif.
___________4. Ang mga awitin ay binubuo ng melodic at mga rhythmic
patterns.
___________5. Ang paglalagay ng paulit-ulit na pattern sa musika ay
nagpapakita ng iba;t ibang ideya.
___________6. Ang strophic ay may anyong AAA.
___________7. Ang unitary ay may anyong AA.
___________8.Sa anyong strophic, walang pagkakaiba o contrast ang kulay sa
awitin.
___________9. Ang awiting “Amazing Grace” ay may anyong strophic.
___________10. Ang anyong unitary ay may dalawang pangunahing ideya na
sadyang magkaiba.
___________11. Ang anyong “Sitsiritsit” ay nasa anyong strophic.
___________12. Ang anyo ay walang kaugnayan sa hugis, estruktura ng
organisasyon at pagkakaugnay-ugnay ng mga elemento ng sining.
___________13. Ang ibig sabihin ng verse sa wikang Filipino ay taludtod.
___________14. Ang anyong strophic at unitary ay mapapansin o matatagpuan
sa mga katutubong awitin, awiting bayan, himno, awiting pansimbahan at
mga awiting pamasko.
___________15. Ang paglalagay ng pattern nang paulit-ulit at mga contrast ay
mga pangunahing prinsipyo sa konsept o ng anyo sa musika

2
ANG MGA ANYO NG MUSIKA

Panimula

1. Anyo (form) – may kaugnayan sa estruktura ng organisasyon at


pagkakaugnay-ugnay ng mga elemento ng sining.
2. Motiff – pinakamaliit na bahagi o ideya ng musika
3. Unitary – isang anyo ng musika na iisa lamang ang bahaging hindi
inuulit
4. Strophic – isang anyo ng musika na mayroong iisang melody na
maririnig nang paulit-ulit sa bawat taludtod ng buong kanta.
5. Verse – taludtod na binubuo ng 4 o higit pang mga linya.

A. Panuto: Pag-aralan ang awiting “Are You Sleeping”.

3
Suriin
1. Ayon sa musical score ng awiting “Are you Sleeping”, ilan ang musical
phrase o linya ng awiting ito?
2. Ilan ang verse ng awiting ito?
3. Anong anyong musical ang may isa lamang verse na hindi inuulit?

B. Panuto: Pag-aralan ang awiting “Bahay Kubo”

1. Ayon sa musical score ng awiting “Bahay Kubo” ilan ang musical phrase
o linya ng awiting ito?
2. Ilan ang verse ng awiting ito?
3. Anong anyong musical ang may isa o higit pang mga verses ang maaaring
ulitin?

4
Maraming uri ng anyo sa musika na maaring gawing basehan sa paglikha
ng isang awit o musika. May mga simpleng anyo ng musika tulad ng unitary
at strophic. Ang unitary ay isang anyo ng musika na iisa lang ang bahaging
hindi inuulit.
Isa pang simpleng anyo ng musika ay ang strophic. Ang isang awitin o
musika ay matuturing na may anyong strophic kung ito ay mayroong iisang
melody na naririnig nang paulit-ulit sa bawat taludtod ng buong kanta. Kahit
magbago ang mga titik ng awit ang melody nito ay mananatiling pareho
lamang na buong awit.
Ang bawat taludtod na may isang melody na tinatawag na A. Kung ang
melody ay inuulit ng ikalawang beses sa ibang taludtod ito ay may anyong
AA, at kung ang melody ay inuulit ng ikatlong beses sa ibang taludtod ito ay
may anyong AAA.

Tandaan

Ang anyo ay may kaugnayan sa hugis, estruktura ng organisasyon, at


pagkakaugnay-ugnay ng mga elemento ng sining.
Uri ng Anyo sa Musika
1. Unitary – isang anyo ng musika na iisa lamang ang bahaging di
inuulit.
2. Strophic – isang anyo ng musika na mayroong iisang melody na
naririnig nang paulit-ulit sa bawat taludtod ng buong handa.

Gawaing Pagkatuto

Gawain 2
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na awitin at iguhit ang kung
tumutukoy sa anyong unitary at kung tumutukoy sa anyong strophic.
Maaaring kantahin o pakinggan ang mga awitin sa youtube upang lubos na
malaman ang anyo nito
_________1. Leron, Leron Sinta
_________2. Bahay Kubo
_________3. Baby Shark

5
_________4. Happy Birthday
_________5. Ili-ili Tulog Anay
_________6. Mary had a little lamb
_________7. Are You Sleeping
_________8. Sitsiritsit
_________9. Amazing Grace
_________10. Malayyu
_________11. Silent Night
_________12. Twinkle, Twinkle Little Star
_________13. Row, row, row your boat
_________14. Farmer in the Dell
_________15. Come, Holy Spirit

Susi sa Pagwawasto

Pre-test Gawain 2
1. Mali 1. 6. 11.
2. Tama
3. Tama 2. 7. 12.
4. Tama
5. Tama
6. Tama 3. 8. 13.
7. Mali
8. Tama 4. 9. 14.
9. Tama
10. Mali 5. 10. 15.
11. Tama
12. Mali
13. Tama
14. Tama
15. Tama

6
Aralin 2: MGA AWITING NASA UNITARY FORM

PAGLIKHA NG AWITING NASA ANYONG


UNITARY NA MAY APAT NA LINYA

Panimula:

Isa sa mga anyo ng awit ay tinatawag nating awiting nasa anyong unitary.
Ang awiting nasa anyong unitary ay may iisang melody o tono lamang
ngunit hindi inuulit ang lyrics o ang titik nito. Ito ay may isang verse
lamang. Sa araling ito, matutunan mo ang tamang paggawa ng awiting nasa
anyong unitary.
Tingnan ang iskor ng awiting “Sitsiritsit Alibangbang”.
Ang awiting ito ay nasa anyong unitary. Ang melody o tono nito ay hindi
inuulit at ito ay may iisang verse ng lyrics o titik lamang.

SURIIN

Sitsiritsit Alibangbang

https://www.google.com/search?q=sitsiritsit+alibangbang+sitsiritsit+note&tbm=isc
h&ved=2ahUKEwi6g

Ang titik ng isang awit ay hindi basta-basta isinusulat. Mayroong ilang bagay
na dapat tandaan sa paggawa nito. Ang titik ng isang awit ay binubuo ng

7
tinatawag nating mga antecedent at mga consequent. Ang antecedent ay ang
bahagi ng awit na nagtatanong, samantalang ang consequent naman ay ang
bahagi ng awit na sumasagot sa tanong na ito. Pangkaraniwan na ang
antecedent ay ang unang linya ng awit at ang consequent naman ay ang
pangalawang linya ng awit, kaya ang magiging istruktura ng bawat saknong
ng isang awit ay ganito:
unang linya antecedent
pangalawang linya consequent
pangatlong linya antecedent
pang-apat na linya consequent
Balikan ang titik ng “Sitsiritsit Alibangbang” at pag-aralan kung paano
ginawa ang antecedent at consequent nito.
Ang unang linya ng “Sitsiritsit Alibangbang” ay isang antecedent. Mula sa
linya o titik na ito ay maaari kang gumawa ng tanong na iyong sasagutin. Ang
sagot sa gagawin mong tanong ang siyang magiging consequent nito.
Antecedent: Sitsiritsit alibangbang
(Tanong ): Paano inilarawan ang salitang “alibangbang”?)
Sagot/Consequent: Salaginto, salagubang

Sa paglikha ng 4-line unitary song ay maaari kayong magsimula sa anyong


tula at pagbigkas nito.Ihimig ito hanggang sa malapatan ng simpleng melody
o tono. Mahalaga ding tandaan na dapat ay magkakatugma ang bawat linya
nito.
Nakatutulong din na magkakapareho ang bilang ng pantig ng bawat linya. Sa
awiting “Sitsiritsit Alibangbang”, mapapansing walo ang pantig mula sa una
hanggang sa ika-apat na linya.

MGA PAGSASANAY
Gawain 1
A. Isulat ang mga dapat tandaan sa paglikha ng awiting nasa anyong
unitary.
____________________________________________________________
____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

8
B. Lapatan ng naaayon na consequent ang mga antecedent na nasa
ibaba.
Isulat ang nais mong consequent sa patlang.

Antecedent: Salamat guro ko, sa matiyaga mong pagtuturo


Consequent: ____________________________________
Antecedent: Pagmamahal mo’y babaunin dito sa aking puso
Consequent: _____________________________________

Gawain 2
A. Tingnan at pag-aralan ang iskor ng musika ng awiting pambata na
“Row, Row Your Boat”.

https://www.bethsnotesplus.com/?br=%2F%2Fbethsmusicnotes.blog
spot.com%2F2013%2F08%2Frow-row-row-your-boat.html

B. Sagutin ang mgasumusunod na tanong.


1. Anong uri ng awitin ang “Row, Row Your Boat?”
______________________________________________________________
2. Nasa anong anyo ito?
______________________________________________________________
3. May ilang verse ito?
______________________________________________________________
4. Inuulit ba ang melody nito?
______________________________________________________________
5. Anong parte ng awitin ang antecedent? Ang consequent?

9
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Tandaan

Upang makagawa ng awit na may apat na linyang anyong unitary, dapat


tandaan ang istruktura o disenyo ng anyong ito.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Panuto: Lumikha ng unitary song na may apat na linya na may temang
dapat tandaan o gawin sa panahon ng pandemya. Suriin ang
sarili kung paano nakasunod sapamantayan ng paglikha ng
unitary song. Lagyan ng tsek ( ) ang antas ng paglikha na
iyong nagawa.

(Kulang ng (Mahusay) (Lalong (Pinakama


Pamantaya Husay) Mahusay) husay)
n 2 puntos
1 puntos 3 puntos 4 na
puntos

Nakaayon Nakaayon Nakaayon Nakaayon


Paksa ng ang unang ang una at ang una ang apat na
awit linya ng awit ikalawang hanggang linya ng awit
sa paksa na linya ng awit ikatlong sa paksa
ibinigay sa paksa na linya ng awit na ibinigay
ibinigay sa paksa na
Magkakaiba Magkasing- Magkasing-
ibinigay Magkasing
ang tunog ang tunog ang -tunog ang
tunog/tug dulong dulong dulong
Tunog/Tug ma sa bahagi ng bahagi ng bahagi ng
ma dulong una at una apat na
bahagi ng ikalawang hanggang linya ng
bawat linya linya ng ikatlong awit.
ng awit. awit. linya ng
awit.

10
Nailapat Nailapat Nailapat ng Nailapat
Paglalapat
ang tono at ang tono at maayos ang ng maayos
ng tono at
musika musika tono at ang tono at
musika
ngunit ngunit musika musika na
kinakitahan kinakitahan ngunit kinakitaha
ng ng kinakitaha n lang ng
maraming mangilan n ng bahagyang
pagkakama ngilang kaunting pagkakam
li sa pagkakamal pagkakama ali sa
phrasing, i sa li sa phrasing,
dynamics at phrasing, phrasing, dynamics
iba pang dynamics at dynamics at iba pang
musical iba pang at iba pang musical
markings musical musical markings.
sa lahat ng markings markings
linya sa 3 linya sa 2 linya
ng kanta ng kanta
Nakabuo Nakabuo Nakagaw Nakumplet
lamang ng ng a ng o ang apat
Kabuuan
isang linya dalawang tatlong na linya
ng liriko
ng awit ng unitary linya ng linya ng ng unitary
song. unitary unitary song.
song. song.

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
A.
hindi inuulit ang melody
may isang verse lamang
may 4 na linya
may antecedent at consequent
magsimula muna sa tula at pagbigkas nito
ihimig ito hanggang sa malalapatan ng simpleng tono
dapat magkakatugma ang bawat linya
B.
ang sagot ay naayon sa gustong consequent ng bata.

GAWAIN 2

B.
Tingnan sa mga nakasulat na
impormasyon tungkol sa paglikha
ng 4-line unitary song at ikumpara
ito sa iyong sagot.

11
Aralin 3: Pagbuo ng Strophic na Awit

Pagbuo ng Strophic na Awit


Sa nakaraang aralin, tinalakay natin kung ano ang strophic na awit.
Ang isang awitin o musika ay maituturing na may anyong strophic kung ito
ay mayroong iisang melody na naririnig nang paulit-ulit sa bawat taludtod
ng buong kanta. Kahit magbago ang mga titik ng awit, ang melody nito ay
nanatiling pareho lamang sa buong awit.
Masdan ang halimbawa sa ibaba.

“SITSIRITSIT, ALIBANGBANG”
I.
III.
Sitsiritsit, alibangbang Mama, mama,
Salaginto at salagubang namamangka

Ang babae sa lansangan Pasakayin yaring bata.

Kung gumiri'y parang tandang Pagdating sa Maynila

II. Ipagpalit ng manika.

Santo Niño sa Pandakan IV.

Putoseko sa tindahan Ale, ale namamayong

Kung ayaw mong magpautang Pasukubin yaring sanggol.

Uubusin ka ng langgam Pagdating sa Malabon


Ipagpalit ng bagoong

(Maaring sangguniin ang website na ito para sa tugtog ng kanta:


https://www.youtube.com/watch?v=lDqdaaZtTqw

12
Sa araling ito, ay susubukan nating bumuo ng sarili nating strophic na awitin
na may apat (4) na linya at dalawang (2) taludtod.
Paano nga ba ito gagawin?
Makabubuti kung pantay ang bilang ng mga pantig sa bawat linya at
may tugma sa bawat dulo nito. Lapatan din ng himig na may iisang tono o
melody ang bawat taludtod upang maipakita ang anyong strophic sa
ginawang kanta o awit.

Gawaing Pagkatuto

Pangalan:___________________________________________ Petsa:_____________
Baitang:_____________________________________________ Seksyon:___________

Kasanayan sa Pagkatuto: Creates 4-line strophic song with 2 sections and


2 verses. (MU5FO-IIIc-d-3)

GAWAIN 1

Panuto: Punan ang patlang ng angkop na salita na tutugma sa mga salitang


nakasalungguhit sa bawat linya.
“PAMILYA KO”
(sa tono ng “Bahay Kubo”)
Nanay, Tatay, Ate, Kuya
Pati na si bunso, ang aking (1.)_____________
Nagmamahalan, (2.) ____________________
Ganyan ang aming samahan.

Inuuna ang kaligtasan,


Pagkat mahalaga ang (3.)__________________.
Manatili sa ating (4.)___________________
Upang sakit ay (5.)____________________.

13
GAWAIN 2
“Tugma at Awit”
Panuto: Bumuo ng strophic na awit na may apat na linya at dalawang
taludtod. Maaaring mag-isip ng ano mang napapanahong paksa. Lagyan ng
pamagat, awitin, irecord at ipadala sa personal account o fb messenger ng
guro para sa pagmamarka nito. (Sundin ang Pamantayan sa pagmamarka o
rubric sa ibaba.)

“ “
(Pamagat)

14
RUBRIK Pamantayan Iskor
5 4 3 2
Nakabuo ng Nakabuo ng Nakabuo ng Hindi
strophic na strophic na strophic na natugunan
awit na may awit na may awit na may ang mga
apat na linya apat na linya isa hanggang iniaasahang
at dalawang at isang tatlong linya pamantayan.
taludtod o taludtod. lamang.
higit pa.

Nakabuo ng Nakabuo ng Nakabuo ng Hindi


strophic na strophic na strophic na natugunan
awit kung awit kung awit kung ang mga
saan lahat ng saan apat na saan iniaasahang
linya sa mga linya sa isang dalawang pamantayan
taludtod ay taludtod linya lamang
may tugma. lamang ang ang may
may tugma. tugma.

Nakabuo ng Nakabuo ng Nakabuo ng Hindi


strophic na strophic na strophic na natugunan
awit na may awit na may awit na may ang mga
pare-parehong pare-parehong pare-parehong iniaasahang
bilang ng bilang ng bilang ng pamantayan.
pantig sa pantig sa apat pantig sa
bawat linya. hanggang dalawa
anim na linya hanggang
lamang. tatlong linya
lamang.

KABUUAN

Tandaan

Ang awit ay nasa anyong STROPHIC kung ang bawat taludtod ay


mayroong iisang himig o melody na inaawit nang paulit-ult.

15
16

You might also like