No.3 Fil.4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

FILIPINO 4

SANAYANG PAPEL
SA
FILIPINO 4

Ikaapat na Markahan – Aralin 3

Paggamit ng Iba’t ibang Uri ng Pangungusap sa


Pagsasalaysay ng Sariling Karanasan

PANGALAN: ______________________________ PETSA: ___________________________


GURO :_____________________ BAITANG AT PANGKAT:___________________________

Page 1 of 10
Pagsasanay sa Aralin 3 :

Paggamit ng Iba’t ibang Uri ng Pangungusap sa Pagsasalaysay ng Sariling Karanasan

Mahahalagang Paalala: Gamitin ang sanayang papel nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o susulatan ang anumang bahagi ng sanayang papel. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Ibalik ang sanayang papel na ito sa iyong guro kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling mahirapang sagutin ang mga gawain sa sanayang papel na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sinuman sa iyong mga kasama sa bahay na
mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Inaasahan na sa
pamamagitan ng sanayang papel na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at
makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito.

Simulan mo!

Magandang araw sa iyo ! Tiyak na handa ka na sa bagong kasanayan na iyong pag -aaralan
sa oras na ito.
Pagkatapos mong basahin , pag -isipan at sagutan ang sanayang papel na ito ,
ikaw ay inaasahan na :
A. nakagagamit ng iba’t ibang mga uri ng pangungusap sa pagsasalaysay ng
sariling karanasan: at
B. nakapagpapahayag ng wasto gamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap
na naaayon sa gamit ng bawat uri nito at sa makabuluhang pagbuo ng
salaysay.
Bago ka magpatuloy sa bagong aralin ,susubukan mo muna ang iyong kaalaman sa
aralin na ito.Handa ka na ba ? Umpisahan mo na ang pag -aaral!

PAUNANG PAGSUBOK
PANUTO: Piliin ang letra nang pahayag na nauugnay sa bawat larawang
ipinapakita.

Page 2 of 10
1. 2. 3. 4.

A. Ako ay lumahok sa sports na volleyball.

B. Pumipili na ang aming pangkat at ako ay isa sa mga napabilang na manlalaro.


C. Nasaktan ako sa paghabol sa bola.
D. Tinulungan ako ng aking kasama.

ARALIN
Sa pagsisimula mo ng iyong aralin, sagutin ang mga sumusunod na
mga tanong:
May pagkakamali ka bang nagawa na hindi mo malilimutan? Paano
nakabubuti ang paghingi ng kapatawaran?
Kilala tayong mga Pilipino sa pagiging mababa ang kalooban. Sabay
sabay nating basahin ang kwento ng isang anak na minsan ay nagkamali
ngunit nagbalik-loob at humingi ng patawad sa kanyang ama. Ito ay hango
sa maikling kuwento mula sa Bibliya- Ang Alibughang Anak.

Patawad, Patawad!

Sa isang bayan ay mayroong isang ama na may dalawang anak na

lalaki. Katulong niya ang mga ito sa kanilang kabuhayan at kabalikat sa lahat
ng mga gawain.Maligaya silang nabubuhay sa piling ng isa’t isa. Ngunit isang
araw, nagpahayag ng balak ang bunsong anak.

“Itay, maaari po bang ninyong ibigay na sa akin ang aking dapat

Page 3 of 10
manahin?“Bakit anak?”“Nais ko na pong mabuhay nang mag-isa. Pupunta
po ako sa kabilang bayan.”Nalungkot ang ama. Ibinigay niya sa bunsong anak
ang hinihingi nito.
Masayang-masayang umalis ang bunso. Nagpunta siya sa ibang bayan.
Pagkaraan ng ilang araw, ipinagbili niya ang lahat ng kanyang ari-arian.
Namasyal at nagliwaliw. Nilustay ang pera sa masamang bisyo. Nagastos na
ang lahat ng pera.
Nang maubos, naghanap siya ng trabaho. Napilitan siyang mamasukan
bilang tagapag-alaga ng mga hayop sa bukid. Sa tindi ng gutom, ipinasya
niyang muling bumalik sa kanila. Nasabi sa kanyang sarili, “hihingi ako ng
tawad sa aking ama.”
Malayo pa lamang ay nahabag na sa kanya ang ama. “O, anak ko!
Salamat at nagbalik ka” ang sa bi ng tuwang –tuwang ama.
Biglang tinawag ng ama ang gma katulong at sinabi, “Madali, kumuha
kayo ng pinakamagandang damit at isuot sa kanya. Lagyan ng singsing ang
kanyang mga daliri at suotan siya ng sandalyas. Katayin ninyo ang
pinakamatabang baka at lutuin ito nang masarap. Ipagdiwang natin ang
pagbabalik ng aking anak.”

Ngayon ay inaanyayahan kitang basahin mo ang mga pangungusap


mula sa akdang binasa. Ano-ano ang pagkakaiba-iba ng mga ito? Paano
nagsimula at nagtapos ang mga pangungusap?
1. Nais ko na pong mabuhay nang mag-isa.
2. Bakit, anak?
3. Madali, kumuha kayo ng pinakamagandang damit at isuot sa kanya.
4. Itay, maaari po ba ninyong ibigay na sa akin ang aking dapat manahin?
5. Ipagdiwang natin ang pagbabalik ng aking anak!
Mayroon ba sa mga pangungusap na nagpahayag ng ninanais niyang
maganap? Alin sa mga bilang ang tumukoy dito?

Aling bilang naman ang gumamit ng tanong upang mabigyang liwanag ang
kaganapan sa kanyang anak?
Mayroon bang nagpahayag ng tungkulin na dapat gawin? Alin sa mga bilang
na ito?
Sa anong bilang naman ang gumamit nang magalang na pahayag ng isang
Page 4 of 10
utos?
Mayroon bang pangungusap na naghatid nang matinding damdamin? Sa
anong bilang ito?
Bawat pangungusap ay nagpahayag ng iba’t ibang uri naaayon sa gamit.
Mayroong pasalaysay, patanong, pautos/pakiusap at may padamdam. Tulad
sa iyong nasabi ang bawat pangungusap ay nagsisimula sa malalaking titik
at nagtatapos sa angkop na bantas.
Ang pangungusap na pasalaysay ay nagsasalaysay ng pangyayari o
katotohanan Ito ay nagtatapos sa tuldok (.).
Ang pangungusap na patanong ay nag-uusisa o nagtatanong tungkol sa
isang paksa, impormasyon, o detalye. Ito ay nagtatapo sa tandang pananong (?).
Ang pangungusap na pautos ay nagsasabi ng tungkuling dapat gawin.
Nagtatapos ito sa tuldok (.).
Ang pangungusap na pakiusap ay magalang na paghiling. Karaniwang
ginagamit ang panlaping paki- o maki- o kaya naman ay idinaragdag ang mga
salitang maaari o puwede.
Ang pangungusap na padamdam ay nagpapahayag ng matinding damdamin.
Karaniwan itong nagtatapos sa tandang padamdam (!).

Magtulungan

PANUTO: Piliin ang letra nang wastong sagot. Pag-ugnayin ang mga
pangungusap sa Hanay A na angkop sa mga karanasang nakalimbag sa
Hanay B.

Hanay A Hanay B
__1. Madali,kumuha kayo ng a. Pagpapaalam ng anak sa ama
pinakamagandang damit at isuot sa kanya. b. Nakakaawang sitwasyon nang gutom na
__2. Masayang–masaya umalis at nagpunta gutom na anak.
sa iba’t ibang lugar. c. Pagsisisi at pagbabalik ng anak
__3. Itay, maaari na po ba ninyong ibigay d. Pagliliwaliw sa iba’t ibang lugar
ang aking dapat manahin.
__4. Sa tindi ng gutom halos kainin niya
ang pagkain ng mga hayop.

Page 5 of 10
Magagawa mo !
PANUTO: Lagyan ng tsek (/) ang letra na angkop sa hinihinging uri ng
pangungusap sa bawat bilang.

1. Maayos na paghuhugas ng mga kamay ( Pasalaysay )


___A. Ate, dalawampung segundo daw ang maayos na paghuhugas ng mga
kamay.
___B. Ate, bilis ! Maghugas ka na ng mga kamay mo
___C. Ate, pakihugasan mo ang mga kamay ng iyong anak.
2. Kahalagahan ng pagsusuot ng face mask ( Patanong )
___A. Ano ang face mask?
___B. Bakit mahalaga ang magsuot ng face mask tuwing ako ay lalabas?
___C. Paano ang mga matatanda, makalalabas pa ba sila?
3. Ipinagbawal ang face to face na pagtuturo ( Pautos )
___A. “ Walang face to face habang walang vaccine, “ wika ng Pangulo.
___B. Magtuturo na ang mga guro.
___C. Pakilagyan ninyo nga sa inyong Barangay ng patalastas tungkol sa
face to face na pagtuturo.
4. Pagpapanatili sa loob ng bahay ( Pasalaysay )
___A. Pinababagal ang pagkalat ng COVID- 19. Manatili lamang sa bahay.
___B. Paano na ang kanilang hanapbuhay noon?
___C. Wow! Gagamit na kami ng internet.

5. Natatakot sa pandemya ( Padamdam )


___A. Hala! Araw-araw may bagong kaso.
___B. Marami ang namatay na Pilipino sa sakit na COVID- 19.
___C. Ilan nga ba sa buong mundo ang apektado ng virus na ito?

Pagtataya /Pangwakas na Gawain :

PANUTO: Batay sa iyong karanasan, sagutin ang mga sumusunod na


tanong gamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap.
1. Kailan at saan ka ipinanganak?
Page 6 of 10
________________________________________________________________________
2. Ano ang masasabi mo isang tanawin na iyong napuntahan?
________________________________________________________________________
3. Isulat ang utos na lagi mong naririnig sa inyong mga magulang?
_________________________________________________________________________
4. isulat ang iyong naging reaksyon sa isang di-inaasahang pangyayari.
__________________________________________________________________________
5. Anong ang pinakamahalagang tanong na naitanong mo sa iyong guro o
magulang?
_________________________________________________________________________

SUSI SA PAGWAWASTO
Paunang- Pagsubok Magtulungan tayo Magagawa mo

1. b 1. c 1.a
2. d 2. d 2.b
3. a 3. a 3.a
4. c 4. b 4.a
5.a

Page 7 of 10
SUSI SA PAGWAWASTO

Paunang Pagsubok Pagsasanay 3

Page 8 of 10
1. c 1. Sanhi: Dahil sa pagbabasa niya ng
sari-saring aklat
Bunga: lumawak ang kaalaman ni Pablo

2. a 2. Sanhi: Dahil sa polusyon


Bunga: unti-unting naglalaho ang mga isda at iba pang
lamang dagat

3. e 3. Sanhi: Nakatulog ng mahimbing ang guwardiya ng


grocery store Bunga: kaya nakapasok ang mga magnanakaw

4. d 4. Sanhi: Laging napaglilipasan ng gutom si Rona


Bunga: kaya nagkasakit siya

5. b 5. Sanhi: dahil tinambakan ito ng mga basura ng tao


Bunga: nagging marumi ang ilog

Balik-Aral Paglalahat
1. simuno 1. sanhi
2. panaguri 2. bunga
3. simuno 3. pananhi
4. panaguri 4. panlinaw
5. simuno 5. dayagram
Pagsasanay 1 Pagpapahalaga
1. Sanhi: Nag-aral ng mabuti si Alex 1. X
Pangatnig: kaya
Bunga: matataas ang marka niya sa pagsusulit.
2. Sanhi: May sugat si Lani 2.X
Pangatnig: kaya
Bunga: iyak siya ng iyak
3. Sanhi: malakas na ulan Pangatnig: dahil sa 3./
Bunga: bumaha sa EDSA

4. Sanhi: mataas ang kanyang lagnat


Pangatnig: sapagkat
4. /
Bunga: dinala ospital si Sam
5. Sanhi: Hindi siya kumain ng almusal Pangatnig: kaya
Bunga: sumasakit ang kaniyang tiyan 5.X

Pagsasanay 2 Panapos na Pagsubok


1. Nagsawalang bahala si Beth sa pagsusulit 1. b

2. kaya nakaraos sila 2. e


3. kung kaya pinarangalan siya 3. c
4. Pinabayaan ni Annie na paglaruan ng kanyang 4. d
aso ang kanyang aklat

5. Dahil mabuti siyang anak 5. a

ARALIN
1. Ang pangunahing tauhan sa kuwento ay ang batang pulubi.
2. Ang kaniyang hinahanap ay plastic na baso at pagkain.
3.Naging palaboy ang bata sapagkat maaga siyang naulila sa mga magulang.
4.Ang mga magulang ang nagbibigay sa atin ng gabay at pagmamahal.
5. Tutulungan ko po sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain at inumin.

Page 9 of 10

You might also like