Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

4

Filipino
Ikaapat na Markahan
(Aralin 2)

Pagsagot ng mga Tanong sa Napanood na


Patalastas at; Paggamit ng Iba’t Ibang Uri ng
Pangungusap sa Pagpapakilala ng Produkto

Sanayang Papel sa Filipino 4


Pangalan: ___________________________________ Petsa: _____________________
Baitang at Pangkat: ___________________________

Pagsasanay Aralin 2:

Pagsagot ng mga Tanong sa Napanood na


Patalastas at; Paggamit ng Iba’t Ibang Uri ng
Pangungusap sa Pagpapakilala ng Produkto

Mahahalagang Paalala: Gamitin ang sanayang papel nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o susulatan ang anumang bahagi ng sanayang papel. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Ibalik ang sanayang papel na ito sa iyong guro o
tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Simulan mo!

Magandang araw sa iyo! Tiyak na handa ka na sa bagong kasanayan na iyong pag-


aaralan sa oras na ito.
Pagkatapos mong basahin, pag-isipan at sagutan ang sanayang papel na ito, ikaw ay
inaasahan na:

A.nakasasagot sa mga tanong sa napanood na patalastas; at


B. nakapaghahambing ng iba’t ibang patalastas na napanood at nakagagamit ng iba’t
ibang uri ng pangungusap sa
pagpapakilala ng produkto.
Bago ka magpatuloy sa bagong aralin ,susubukan mo muna ang iyong kaalaman sa
aralin na ito. Handa ka na ba? Umpisahan mo na ang pag-aaral!

PANUTO:Basahin ang isang patalastas at sagutin ang mga tanong.

Dapat matuto siyang gawin ang tama…


Marumihan man siya
Para protektado sa germs
Sa safeguard ako may tiwala!
Tumatagal ang germ proteksyon na bigay
Proteksyong pabaon sa buhay!

1. Tungkol saan ang pahayag?


A. Safeguard C. Tiwala
B. Germs D. Gawaing tama
2. Ano ang magandang maidudulot ng produktong nabanggit sa
pahayag?
A. Mamahalin ito
C. May iba’t ibang kulay
B. Tumatagal ang bango
D. Tumatagal ang
proteksyong bigay
3. Sino-sino ang puwedeng gumamit ng produktong ito?
A. Mahirap lamang
C. Mayaman lamang
B. Buong pamilya D. Matatanda lamang
4. Anong uri ng pangungusap ang makikita sa pahayag?
A. Pautos
C. Patanong
B. Pakiusap at patanong D. Pasalaysay at padamdam
5. Ang pahayag na ito ay madalas nating naririnig sa telebisyon.
Ano ang tawag dito?
A. Babala
C. Balita
B. Pelikula
D. Patalastas

Muli nating payabungin ang ating mga kaalaman. Handa ka


na ba?
May mga alam ka bang mga patalastas sa radyo o telebisyon?
Ano ang pinakapaborito mong patalastas?
Ngayong araw ay pag-aaralan natin ang isa sa mga nakikita
at naririnig natin sa telebisyon araw-araw tungkol sa mga bagay
na ginagamit natin. Kung paano nila hinihikayat ang mga tao na
gumamit ng mga produkto. Handa ka na ba? Halina at ating
tuklasin!
PATALASTAS

HALIMUYAK SHAMPOO

Sagot ba sa problema sa buhok hanap mo? Narito na ang


halimuyak shampoo! Ito ay nagpapalakas sa inyong buhok sa loob
lamang ng isang araw. Mawawala ang mga balakubak sa buhok
ninyo at magkakaroon ito ng malakas na proteksyon mula dito. Ito
rin ay hindi nakakairita sa iyong mata. Mananatili rin ang
mahalimuyak na amoy sa inyong buhok hanggang bente kuwatro
oras! Ito ay gawa sa mga natural na mga kagamitan kaya hindi ito
nakasisira sa ating kalusugan! Ang lahat ng benepisyong ito ay
makukuha ninyo sa mababang presyo!
1. Ano ang patalastas?
Ang PATALASTAS ay isang paraan ng pag-aanunsyo o isang
anyo ng media na naglalayong hikayatin ang mga tao na bilhin
o tangkilikin ang
isang produkto.
2. Ano-ano ang mga uri ng patalastas?
- May mga patalastas na napapanood na mas madaling
nakakaakit sapagkat gumagamit ng mga sikat na tao, makikita mo
ang epekto ng produkto sa tao at mga patalastas sa nakasulat
na tanging larawan lamang ng produkto ang makikita at mga
paglalarawan ukol dito.
Sa pagbuo ng patalastas, maaari tayong gumamit ng iba’t ibang
uri ng pangungusap.
• Pasalaysay – pangungusap na nagsasalaysay o
ngakukuwento
at gumagamit ng bantas na
tuldok(.)
• Patanong –pangngusap na nagtatanong at gumagamit
ng bantas na tandang pananong (?)
• Padamdam –pangungusap nagsasaad ng matinding
damdamin at gumagamit ng bantas na tandang
padamdam(!)
• Pautos – pangungusap na nag-uutos at gumagamit
ng bantas na tuldok(.)

Narito ang mga hakbang sa pagbuo ng patalastas


1.Alamin kung sino ang bibili ng produkto(dilaw)
2.Alamin ang pangangailangan ng mamimili na maaaring tugunan
ng produkto. (Berde)
3.Anong katangian ng produkto ang dapat bigyan ng
kahalagahan(Bughaw)
4. Maaari tayong gumamit ng mga pangungusap na patanong,
pasalaysay, padamdam at pautos o pakiusap.
Lagi nating tandaan na hindi lahat ng ating nakikita o napapanood
ay dapat gayahin, maging mapanuri tayo upang hindi tayo mapahamak

Magtulungan tayo

PANUTO: Punan ng angkop na bantas ang bawat patlang upang mabuo ang
diwa ng patalastas.

Gatas Pure, Tunay na malasa, sariwa at masustansiya pa.


Iniinom ko ito tuwing umaga bago ako pumasok sa eskuwela __
Taglay nito ang purong sangkap na makakapagpalakas ng
enerhiya __ Kaya mapapa wow ka sa taglay nitong sustansiya! Ano
pa inaantay mo __ Mag gatas Pure na! Pure ang lasa __ Pure ang
Sustansiya __

Magagawa mo!
PANUTO: Basahing mabuti ang patalastas at sagutan ang mga sumusunod na
tanong.

Maselan ba ang balat mo? Ang Kutis Soup ay bagay na bagay


sa iyo. Itong sabon ay walang kemikal, natural ito kaya hindi ka
magkakaroon ng allergy. Ito ay punong puno ng bitamina na
nakabubuti sa inyong kutis. Ano pa inaantay mo? Tara at bumili
sa pinkamalapit sa inyong tindahan!
1. Ano ang produkto na bagay sa maselang balat?
2. Ano-ano ang katangian ng Kutis Soap?
3. Sino ang puwedeng gumamit ng produktong “Kutis
Soap”?
4. Ano-ano ang mga ginamit na bantas sa pagbuo ng
patalasatas?
5. Ano-ano ang mga ginamit na uri ng pangungusap sa
patalastas?

Pagtataya /Pagwawakas

PANUTO: Basahin nang mabuti patalastas. Sagutin ang mga


sumusunod na tanong.Piliin ang letra ng tamang sagot.
Panatilihing malusog ang pangangatawan at malakas ang
ating resisitensya sa pamamagitan ng MJ3 Plus.
Maging bata at matanda puwedeng gumamit nito. Tatlong
sachet sa isang araw ang iyong kailangan upang mapanatili ang
malakas, malusog at puno ng enerhiya ang iyong katawan. Ito ay
may limang sangkap na gulay na kailangan ng ating katawan.

1. Anong produkto ang pinapakilala?


A. MX3
B. MJ3 Plus C. Nutroplex D. Ceelin Plus
2. Ano ang maibibigay nito sa ating katawan?
A. Nagpapatibay ng buto
B. Nagpapalinaw ng ating mga mata.
C. Nagpapatibay ng ating kalamnan
D. Nagpapanatili ng malakas,malusog at puno ng enerhiya
na katawan
3. Ilang sachet sa isang araw an gating kailangan?
A. 2
B. 5
C. 3
D. 4
4. Anong uri ng pangugusap ang ginamit sa patalastas?
Maging bata at matanda puwedeng gumamit nito.
Panatiling malusog ang pangangatawan at malakas ang ating
resisitensya
sa pamamagitan ng MJ3 Plus.
Ito ay may limang sangkap na gulay na kailangan ng ating
katawan.
A. Padamdam
C. Pakiusap
B. Pasalaysay
D. Patanong
5. Anong bantas ang ginamit sa mga pangungusap sa patalastas?
A. Tuldok (.)
C. Tandang pananong(?)
B. Tandang padamdam (!) D. Wala sa nabanggit

Susi sa Pagwawasto
Paunang Pagsubok

1.A
2.D
3.C
4.D
5.D

Magtulungan Tayo

1. .
2. .
3. ?
4. !
5. !

Magagawa mo

1. Kutis SOAP
2. Walang Kemikal
3. Puno ng bitamina
4. Natural
5. May maselang balat

Pagtataya/Pagwawakas

1.B
2.D
3.C
4.B
5.A

You might also like