Garcia Esp M4-5 Q4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Garcia, John Joriz V. Ms.

Alma Almaquer
10-Newton 06.14.2021
4th Quarter
Edukasyon sa Pagpapakatao – Module 4
Pagyamanin
A. Walang lihim na hindi nabubunyag.
Ipinapahatid ng kasabihan na ito na walang sikreto ang mananatiling nakatago, lahat ay
siguradong mabubunyag sa tamang lugar at tamang panahon.

B. Ang katotohanan ang magpapalaya sa iyo.


Marahil ang sinasabihan ng kasabihan na ito ay mga taong hindi kayang tanggapin ang
katotohanan at patuloy na nagtatago sa kasinungalingan. Nagpapahayag ito na sa panahong
matanggap mo ang katotohanan ay mas magiging malaya at mawawala ang sikip sa iyong dibdib
na dulot ng hindi pagtanggap sa katotohanan.

K. Ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama ng maluwat


Nangangahulugan ito na ang pagsasabi ng katotohanan at tapat ay mas napapatibay ang
samahan ng isang grupo. Sa kabilang dako, ang mga taong nabubuhay sa kasinungalingan at
nabubuhay din sa pagtatago ng katotohanan kung saan ang sinulid ng samahan ay madaling
maputol at mapigtas.

4th Quarter
Edukasyon sa Pagpapakatao – Module 5
Pagyamanin
KONSEPTO SARILING INTERPRETASYON
1. KATAPATAN  Ang pagsisiwalat ng katotohanan na walang bahid
ng kasinungalingan.
2. KASINUNGALINGA  Ang pananatili sa madilim na espasyong tinatawag
N ring kawalan ng katapatan sa sarili at sa kapwa.
3. PANINIRA NG  Isang hindi makataong Gawain kung saan sinisiraan
REPUTASYON o nagsasabi ng hindi makatotohanang pahayag
upang makasira ng reputasyon o estado ng isang tao.
4. INTELLECTUAL  Ito ay ibinibigay sa isang tao o grupo na
PROPERTY RIGHTS nakaimbento o unang nakagawa ng isang bagay
tulad ng brands, libro at kagamitan na sumailalim sa
metikulosong pagaaral.
5. FAIR-USE  Ito ay ang pagbibigay ng kredito sa isang tao o
PRINCIPLE grupo upang mabigyan ng banggit pasasalamat ang
mga ito. Ito rin ay isinasagawa upang malaman ng
mga mambabasa o mga tao na hindi sa iyo ang
kaalaman at hiniram mo lamang ang sipi ng
katalinuhan ng ibang tao.

Reflection Paper
“Katapatan, ating Pagnilayan”
“Ang mga labing bulaan ay karima-rimarim kay Jehova, ngunit yaong mga gumagawing
may katapatan ay kalugud-lugod sa kaniya.”—Kawikaan 12:22.

Ang bawat tao ay may tungkulin na maging matapat sa lahat ng oras, dahil ito ang
magpapatatag sa ugnayan natin sa ating sarili at sa ating kapuwa. Sa pagkakaroon ng katapatan,
nagiging panatag ang ating kalooban dahil wala tayong naaagrabyadong tao. Ito rin ang
magdadala sa atin sa isang payapang pamumuhay na may kabutihan at busilak na kaloobang
tinataglay.

Ang pagiging tapat ay isa sa pangunahing aral na nawawala na sa mundong ito. Ako ay
nanniniwala na kaya nating maibalik ang katapatan kung lahat ay mapagninilayan kung ano ang
masamang epekto ng pagsisinungaling. Isang madalas na pangyayari na dulot ng
pagsisinungaling ay ang pagkawala ng tiwala ng isang tao. At ito ang isa sa dapat nating
katakutan. Dahil kapag nasira ito, mahirap na itong buuin. Kaya dapat pangalagaan natin ang
tiwala saatin ng ating ng mga tao lalong lalo na ng ating mga magulang at mahal sa buhay Ako’y
labis na nadidismaya sa nangyayari ngayon sa ating mundo dahil tila iilan na lamang ang
masasabi mong tapat katulad na lamang ng pagiging matapat sa isang tungkulin kagaya ng mga
opisyal sa gobyerno kaaramihan dito ay nangungurakot at ginagamit ang kaban ng bayan para sa
kanilang sariling pangangailangan.

Biniyayaan tayo ng kapayapaan ng isipan at paggalang sa sarili. Pagtitiwalaan tayo ng


Panginoon at magiging karapat-dapat na makapasok sa Kanyang mga banal na templo. Ang
kawalan ng katapatan ay nagkakaroon ng masamang epekto hindi lamang sa ating sarili kundi
pati rin sa ating kapuwa. Kapag kayo ay nagsisinungaling, nagnanakaw, nangungupit, o
nandaraya, pinipinsala natin ang espiritu at ang pakikipag-ugnayan natin sa Diyos. Maganda sa
pakiramdam ang pagkakaroon ng kapayapaan sa ating sarili dahil tayo ay panatag. At alam natin
sa sarili natin na wala tayong maling ginawa.

You might also like