Professional Documents
Culture Documents
Moralidad
Moralidad
Moralidad
ASHLEY
JOAN
YANZ
KARA DAVID
BUOD: Sa dokumentaryong “UNWANTED” ni Kara David inalam niya ang iba’t ibang kalakaran at
istoryang umiikot sa mundo ng internet—lalo na sa panahong nasa bahay ang karamihan dahil sa
ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine sa ilang lugar.
Sa panahon kung kailan halos lahat makikita na sa internet, natuklasan ni Kara David na pati ang
pagpapa-abort, online na rin.
Kung dati patago kung dumiskarte ang mga kagaya ni “Yanz” na nagbebenta ng abortion pills, ngayon
“PM-PM” na lang o sa pamamagitan ng private messaging sa social media. Naipadadala na rin daw ito sa
pamamagitan ng courier. Kada araw, umaabot daw sa isandaang pakete ng abortion pills ang ino-order
kay “Yanz.” At kung may maituturing daw siya na pinakaunang customer, ito'y walang iba kundi ang
kanyang sarili nang magdalang tao siya noon.
Sina “Ashley” at Joan, parehong nabuntis nang hindi inaasahan. Si “Ashley,” nag-aaral pa lang at hindi pa
raw handa na maging isang ina kaya’t umabot siya sa desisyong ipalaglag nalamang ang wala pang
kamuwang muwang na sanggol sa kanyang sinapupunan. Sa kaso naman ni Joan, kahirapan ang nagtulak
para maisipan niyang ipa-abort ang dinadalang sanggol ngunit sa huli nanaig parin ang pagiging isang ina
sa puso ni Joan.
Sadya man o hindi sadya, na sa timing man o wala ang pagbubuntis ng isang babae kailanman hindi
solusyon ang abortion. May masabi man o wala ang ibang tao ang ang mahalaga gawin natin kung ano
ang tama.
PAGSUSURI
A. PANAHONG KINABIBILANGAN
Ang panukalang batas tungkol sa pagpapalaglag ay nag mula sa gobyerno ng Espanya noong 1870.
Nagpatuloy ito. Nagkkaroon lamang ng kaunting pagbabago noong Disyembre 1930. Sa kasalukuyan, ang
Pilipinas ay isa sa labing apat na bansa na ipinagbabawal pa rin ang pagpapalaglag o abortion.
B. SARILING PUNA
Ang abortion ay illegal sa pilipinas ngunit sa dakumentaryong ito ni Kara David napansin ko na
parang walang kinikilingang batas ang mga tao dahil sa lantaran ngang pagbebenta ng gamot at
serbisyong pang abortion sa internet. At dahil nga rito maraming nahihikayat na magpaabort.
C. GINTONG KAISIPAN
Bisang Pangkaisipan
Biinigyan diin ko na ang abortion o pagkitiil ng isang saggol na nasa sinapupunan pa
lamang ay kasalanan sa mata man ng batas o ng diyos. Ang abortion ay isa immoral at
malaking pagkakamali na hindi dapat gawing legal. Ang buhay ay mahalaga sapagkat
ito’y biyaya, kaya dapat lang na respetuhin at bigyang pagkakataon na mabuhay ang
sinuman.
Bisang pandamdamin
Halo-halo at hindi maipaliwanag na emosyon ang nararamdaman sa ganitong usapin
galit, lungkot, awa, panghihinayang. Sa dokumentaryong ito parehas kong naramdaman
ang lungkot at awa para sa mga sanggol na naging biktima ng maling sitwasyon at
desisyon ng tao. Nakakapanhinayang para sa mga magulang na hindi man lang nila
nasilayang buhay ang kanilang anak.
Bisang pangkaasalan
Ano man ang maging desisyon natin sa ating mga buhay mangyaring isipin natin palagi
kung ano ba ang tama na naayon sa atin at naayon din dapat sa batas na mayroon tayo
sa ating lipunan.
D. MUNGKAHI
Para maiwasan ang isyung ito dapat muna isipin ng mabuti kung ano ang mga magiging epekto
nito bago gumawa ng aksyon. Kung ayaw mong hindi magiging sagabal ang pagbubuntis sa pag-
aaral o sa pagtatrabaho o hindi kaya’y ayaw mong mapahiya sa iyong pamilya dapat sana hindi
mo nalang sinimulan dahil sa maliit na pagkakamali hindi solusyon ang pagpapalaglag . Ang
sanggol ay isang biyaya na ipinagkaloob ng Poong Maykapal kaya hindi ito dapat ipalaglag. Para
sa katahimikan ng lahat sama-sama tayong labanan ang aborsyon at ang pagsasabatas ng RH
BILL. NO TO ABORTION! Bigyang hustisya ang buhay na pinagkaitan ng tao para mabuhay.