Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

GAÑAC, MARY JANE G.

AC301
FLIN02G

Activity 3 (Midterm – Individual)


Lunsaran / Mga Gawain

Ipaliwanag ang ugnayan ng pananaliksik, komunidad at mas malawak na lipunan sa


tulong ng pigura.

Ang pananaliksik ay mahalgang instrumentong ginagamit ng isa o grupo ng tao sa pag-


aaral ng isang bagay o pangyayari. Ang layunin nito ay makapagbigay ng eksplanasyon,
opinyon, o solusyon. Kung mapapansin sa pigura sa itaas, ang bilog ay nahahati sa tatlo na kung
saan ang pananaliksik ay nasa gitnang bahagi samantalang pinapalibutan ito ng komunidad at
lipunan. Sinisimbolo lamang nito na pananaliksik ang siyang sentro ng pagpapalawak at
pagpapaunlad ng isang komunidad at maging ang lipunan nito. Nang dahil sa pagsasagawa ng
isang pananaliksik, naapeketuhan nito hindi lamang ang isang tao ngunit ang komunidad na
ginagalawan nito at lumawak pa ang sakop nito habang tumatagal ang panahon. Mas
naapapabilis ang pag-unlad o paglutas ng isang suliranin gamit ang mga napag-aralan ng isang
mananaliksik. Mas napapabilis din ang pagtukoy ng kalagayan ng mga lugar o buong bansa. At
mas nagiging produktibo at maayos ang kalakalan ng ekonomiya. Tinutukoy sa pigurang ito ang
sakop ng epekto ng isang pananaliksik. Kapag nagsagawa ng isang pananliksik ang isang
mananaliksik, hindi lamang isang tao ang makikinabang nito ngunit ito ang siyang sentro o
batayan ng isang tao upang mapaunlad ang kanilang lugar na ginagalawan.

You might also like