Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Kabanata 3

Mitodolohiya

Sa kabanata na ito makikita and disenyo, lugar na pagdarausan at kung paano


mangangalap ng mga datos gamit ang mga napiling guro na parte ng pananaliksik na
ito.
Disenyo
Ang pananaliksik na ito ay napabilang sa isang sarbey na pananaliksik.Ang pag-
aaral na ito ay naglalayong malaman at makalap ang mga impormasyon tungkol sa
bilang ng mga guro sa paaralan ng Sindangan Pilot Demonstration School na
naniniwala na angkop ang paggamit ng wikang Bisaya sa pagtuturo upang makamit ng
mga mag-aaral ang mabilis na pagkatuto.
Ang disenyong gagamitin sa pananaliksik na ito ay ang kantitatibo sapagkat
layunin nitong malaman ang bilang ng mga respondente na sang-ayon na angkop ang
wikang Bisaya sa pagtuturo sa elementarya.
Lugar na Pagdadarausan
Ang pananaliksik na ito ay idadaos sa paaralan ng Sindangan Pilot
Demonstration School na paaralang pang-elementarya na matatagpuan sa
Poblacion,Sindangan,Zamboanga del Norte.Doon gagawin ang pag-aaral na ito dahil ito
ang pinakamalaki at kilalang paaralang pang-elementarya sa nasabing pook.

Sampling
Sa pag-aaral na ito nakapaluob ang bilang ng mga guro na kabilang sa
isasagawang pananaliksik.

Mga Baitang Bilang ng mga Guro Bilang ng mga Guro na


Kabilang sa pananaliksik
Baitang 1 13 13
Baitang 2 13 13
Baitang 3 13 13
SPED 4 4
Kabuuan 43 43

Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng Purposive Sampling dahil maliit lamang ang
bilang ng mga guro na nagtuturo mula sa baiting 1 hanggang baiting 3.Kung kukuhanan
pa ito ng sample mas liliit ito na siya namang hindi puwede sa isang pananaliksik.
Instrumento sa Pananaliksik
Kukuha ng mga datos ang mga mananaliksik sa paggamit ng
talatanungan(Survey Questionnaire).Ang talatanungang gagamitin ay kinapapaluoban
ng pangalan ng respondente,edad,kasarian,seksyon,address at ang panghuli ay ang
tanong na kanilang sasagutan.
Sa paggawa ng tanong ,dapat mag-isip ng mabuti ang mga mananaliksik
sapagkat ang gagawing tanong at posibling tanong ay magbibigay sa kanila ng mga
datos na kailangan sa ginawang pag-aaral.

Pamamaraan sa Pagkalap ng Datos


Ang mga mananaliksik ay siyang personal na magbibigay ng mga talatanungan o
questionnaire sa lahat ng mga guro mula sa baiting 1 hanggang baiting 3 upang
matiyak ang kridibilidad ng impormasyon at ipiprisenta ang mga nakalap na
datos.Ginamit nito ang talatanungan sa pagkulikta ng mga datos upang mas mapadali
para sa mga mananaliksik maging sa mga guro.
Ang mga mananliksik ay nagsagawa ng maikling oryentasyon sa mga guro
upang matiyak ang pagiging kompidensyal ng mga makakalap na datos bago sagutan
ang mga talatanungan.Magbibigay sila ng limang minuto para sa pagsagot ng mga
tanong.Pagkatapos masagutan ng mga guro ang talatanungan ay agad kukunin ng mga
mananaliksik ang mga ito at itatala ang mga sagot.Kokumpyutin ang mga nakalap na
datos gamit ang stadistikal na kompyutasyon.

Stadistikal na Pagsusuri ng mga Datos


Ang mga datos na nakalap ay susuriin upang lalong mas mapadali ang
pagtataya ng mga ito. Ang mga mananaliksik ay gagamit ng Weight Arithmetic Mean
upang irepresenta ang mga datos kung saan gagamit nga mga talaan upang madaling
suriin ang mga datos.Napili ito ng mga mananaliksik dahil mas madaling maintindihan
ang mga datos,sapagkat nakabuod ang mga resulta ng mga datos na nakalap sa mga
talatanungan.
Sa paggawa ng mga interpretasyon,pinakamainam at mabilis na maintindihan
para sa mga mananaliksik ay ang paggamit ng talahanayan kung gayon ay epektibo
ang Weight Arithmetic Mean sa pag-aaral na ito.Gagamitin ang Weight Arithmetic Mean
sapagkat ang pag-aaral na ito ay may isang Independent variable at Dependent
variable.
∈wx
X=
N
Kung saan: X = weight arithmetic mean

∈=summation

X=frequency

W=weight of each time

N= number of respondents

You might also like