Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

John Fort Edwin E.

Amora
Grade 12 Aguinaldo

Kabataan, Pag-asa pa rin ba ng Bayan?

Ayon sa ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal na “Ang kabataan ang pag-asa ng
bayan”. Ngunit sa panahon ba ng kabataan ngayon ay maituturing pa rin ba sila na “pag-asa” ng
bayan? Kung kayo ay makikinig, malalaman ninyo kung ang kabataan sa panahon natin ngayon
ay matatawag pa rin ba na pag-asa ng bayan.

Sa panahon ngayon, napakaraming isyu ang patungkol sa kabataan ngayon. Isa na rito
ang pagkalulong sa masamang bisyo. Marami ang nalululong kaya’t marami ang napapatay at
nakukulong na kabataan. Ang maagang pagbubuntis ay isa rin isyu ng kabataan ngayon. Ngunit,
sa aking opinyon, kahit na ano pa ang gawin ng kabataan sa henerasyon ngayon ay nasa kamay
pa rin nila ang kahihinatnan ng ating bansa. Wala nang magagawa ang mga taong nalipasan na
ng panahon kung hindi ang magbigay na lamang ng mga payo sa kabataan. Kung kaya’t
masasabi pa rin na kabataan ay pag-asa pa rin ng bayan.

Sa kabuoan ng aking sinabi, masasabi ko na ang kabataan ay pag-asa pa rin ng bayan.


Nasabi ko ito sapagkat lahat ng tao ay ay pag-asa na makapagbago at kahit na napakaraming
isyu ang kabataan sa aming henerasyon, wala nang magagawa kung hindi ang umasa sa amin.
Kami at kami pa rin ang aasahan na magbabangon sa ating bayan sa kasarinlan kaya’t sama
sama tayo at magtulungan ang aming kapwa kabataan na magbago para sa kinabukasan ng
ating bayan.

You might also like