Professional Documents
Culture Documents
Ap8 Q4 W 8
Ap8 Q4 W 8
Ap8 Q4 W 8
Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
• Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
• Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
• Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
• Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
Alamin Natin
Panimula:
Binabati kita sa matagumpay mo na pagkakamit ng mahahalagang kaalaman tungkol sa mga
ideolohiya at epekto ng neo-kolonyalismo sa nakaraang aralin. Ngayon, pag-aaralan mo sa
araling ito ang bahaging ginampanan ng mga pandaigdigang organisasyon, pangkat, at alyansa
sa pagsusulong ng pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran. Sa
pamamagitan ng iba’t ibang gawain, inaasahang higit na madaragdagan at lalawak ang iyong
kaalaman sa paksa. Inaasahan ring matalino mong masasagot ang katanungang: Paano
mapananatili ng mga organisasyong pandaigdig ang pagkakaroon ng kapayapaan at
pagkakaisa sa daigdig?
Subukin Natin
1
3
1 2
5
4
Balikan Natin
Halina’t balikan natin ang mga naging epekto ng ideolohiya, cold war at neo-kolonyalismo sa
iba’t ibang bahagi ng daigdig. Anu-ano ang iba’t ibang kategorya ng ideolohiya? Alam mo pa
ba ang mga ito? Sa tulong ng mga impormasyon sa ibaba ay malalaman natin ang iyong
kaalaman tungkol dito. Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI
naman kung hindi.
2
__________ 7. Isa sa epekto ng neo-kolonyalismo ay kawalan ng karangalan kung saan ito ay
naging sanhing impluwensiya ng mga dayuhan.
__________ 8. Nakasentro ang ideolohiyang pangkabuhayan sa paraan ng pamumuno at sa
pakikilahok ng mga mamamaya sa pamamahala.
__________ 9. Isa sa mga di mabuting epekto ng cold war ay umigting ang di
pagkakaunawaang pampolitika, pangmilitar at kalakand ng mga bansa.
_________10. Isang imstrumento ng neo-kolonyalismo ay ang nakapaloob sa dayuhang
tulong na maaaring pang-ekonomiya, pangkultura o pangmilitar.
_________11. Ang ideolohiya ay isang sistema o kalipunan ng mga ideya o kaisipan na
naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at mga pagbabago nito.
_________12. Ang ideolohiyang pangkabuhayan ay nakasentro sa mga patakarang pang
ekonomiya ng bansa at paraan ng paghahati ng ma kayamanan para sa mga
mamamayan.
_________13. Isa sa mga naging epekto ng neo-kolonyalismo ay “over dependence” kung
saan ang mga tao ay labis na umaasa sa mayayamang bansa lalo na sa may
kaugnayan sa United States.
_________14. Ang ideolohiyang panlipunan ay tumutukoy sa hindi pagkakapantay-pantay ng
mga mamamayan sa tingin ng batas at sa iba pang pangunahing aspeto ng
pamumuhay ng mga mamamayan.
_________15. Tumutukoy ang neokolonyalismo sa patuloy na impluwensiyang pang
ekonomiya at panlipunan ng mga mananakop sa mga bansang dati nilang
kolonya, bagamat wala silang tuwirang militar o pulitikal na kontrol sa mga
ito.
Tuklasin Natin
3
2. Organization of American States (OAS)
Taon ng
Organisasyon Layunin
Pagkakatatag
1.
2.
3.
4.
5.
Sagutin ang tanong: Sa iyong palagay, saklaw ba ng mga organisasyong ito ang mga
bansa sa iba’t ibang kontinente? _______________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________-
4
Talakayin Natin
Narito ang iba pang mga pandaigdigang organisasyon. Basahin at unawaing mabuti ang mga
layunin nito.
WORLD BANK
Ang World Bank ay isang pandaigdigang bangko na nagbibigay ng tulong
pananalapi at teknikal sa mga bansang umuunlad para sa mga programang pangkaunlaran tulad
ng mga tulay, kalsada, paaralan at iba pa na may layunin ng pagpapababa ng antas ng
kahirapan.
GAWAIN #2
Panuto: Lagyan mo ng tsek (/) ang hanay na maliwanag na isinusulong ng mga organisasyon.
1.
2.
3.
4.
5.
5
Sagutin ang tanong: Ano sa palagay mo ang mangyayari kung walang organisasyon
katulad ng World Bank, IMF at WTO sa taas na nagsusulong ng pagkakaisa, kapayapaan
at kaunlaran? _____________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Pagyamanin Natin
6
GAWAIN #3
Panuto: Dahil nalaman mo na ang ilan sa mga pandaigdigang samahan kabilang na ang trade
bloc na nagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran, isa-isahin ang layunin at kahalagahan ng mga
ito. Isulat ito sa tabi ng tsart.
Kahalagahan ng trade
organisayon
ORGANISASYON L
AFTA A ________________________________________
________________________________________
NAFTA
Y ________________________________________
________________________________________
U
________________________________________
IMF ________________________________________
N
________________________________________
WB I ________________________________________
WTO N ________________________________________
________________________________________
Tandaan Natin
Upang maiwasan at tuluyang matuldukan ang sigalot na mga bansa sa daigdig, itinatag ang
United Nations at ang mga sangay nito. Gayundin ang iba’t ibang organisasyon at alyansa tulad
ng EuropUnion (EU), Organization of American States (OAS) Organization of Islamic
Countries, at ASEAN. Naitatag din ang mga pang-ekonomikong organisasyon at trade blocs
tulad ng GATT, World Trade, IMF/World Bank, APEC, Asean Economic Community,
NAFTA, AFTA, OPEC at iba pa. Ang Trade bloc ay isang kasunduan ng mga bansang
kadalasan ay magkakaanib sa isang samahang rehiyunal na naglalayong bawasan, paliitin, o
tanggalin ang ang mga taripa at mga hadlang sa taripa sa mga miyembrong bansa. Nilikha ang
mga ito upang magbigay tulong sa pananalapi, magbigay kalayaan sa kalakalang internasyunal,
mamahala sa sa pandaigdigang sistema ng pananalapi, at iba pa. Layunin nitong patatagin ang
kooperasyon ng mga bansa at magtaguyod ng kaunlaran. Sa pamamagitan ng mga samahang
nabanggit, mapangalagaan ang kapayapaan, kalayaan at katarungan ng daigdig.
7
Isabuhay Natin
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
Tayahin Natin
GAWAIN #5
Panuto: Basahin ng mabuti ang mga sumusunod na pahayag, tukuyin kung ano ang tinutukoy
nito. Isulat ang sagot sa patlang bago ang numero.
8
___________ 4. Ito ang pinakamalaking kapisanang pandaigdig sa mundo na nagsisilbi para
sa kapayapaan ng mga bansa.
___________ 5. Ang organisasyong ito ay nabuo noong Enero 1, 1995 kahalili ng
Pangkalahatan Kasunduan ng Taripa at Kalakalan.
___________ 6. Ito ang pinakamalaking kompederasyon ng mga malalayang estado na itinatag
sa ilalaim ng pangalan ng unyon noong 1992.
___________ 7. Ito ay isang kasunduan na nilagdaan ng Canada, Mexico, at United States na
lumilikha ng trilateral trade bloc sa North America.
___________ 8. Isang organisasyong pandaigdig na itinatag upang mapamahalaan at
magbigay ng kalayaan sa kalakalang pang-internasyunal.
___________ 9. Ito ay isang pandaigdigang bangko na nagbibigay tulng -pananalapi at
teknikal sa mga bansang umuunlad para sa mga programang pangkaunlaran
__________ 10. Ito ay nabigyang bisa noong 1994 na nagbigay-daan sa pagkakabuo ng isang
trade bloc na maituturing na may pinakamataas na pinagsama-samang
purchasing power parity sa GDP.
__________ 11. Ito ay samahan ng mga bansang Muslim na naglalayong siguruhin at
protektahan ang interes mula sa pamamagitan ng pagsusulong ng
kapayapaang pandaigdig at pagkakaunawaan.
__________ 12. Ang mga layunin ng samahang ito ay maitaguyod ang paglago ng ekonomiya,
kaunlarang panlipunan, pagsulong ng mga kultura ng bawat kasapi, at
pagpapalaganap ng kapayapaang panrehiyon.
__________ 13. Ito ay isang kasunduan ng hanay na pangkalakalan ng Kapisanan ng mga
bansa sa Timog-Silangang Asya na nagtataguyod ng mga pampagawaag
pampook (local manufacturing) sa lahat ng mga bansa sa ASEAN
__________ 14. Layunin ng organisasyong ito na makamit ang kapayapaan at hustisya,
itaguyod ang pagkakaisa ng mga estadong kasapi, patatagin ang kanilang
pagtutulugan, pangalagaan ang kanilang awtonomiya, ang kanilang
teritoryo at ang kanilang kalayaan.
__________ 15. Ito ay isang organisasyong internasyunal na pinagkatiwalaang mamahala sa
pandaigdigang sistema sa pananalapi sa pamamagitan ng pagmasid sa mga
halaga ng palitan at balanse ng mga kabayaran, gayon din ang pag-alok ng
teknikal at pinasyal na tulong kapag hiningi.
Karagdagang Gawain
GAWAIN #6
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod.
1. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng pandaigdigang organisasyon?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
9
2. Paano nakatutulong ang mga organisasyong pandaigdig sa pagpapanitili ng kapayapaan,
pagkakaisa at pag-unlad?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Sanggunian
10
Development Team of the Module
Telefax: 8384251