Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pigura 1.

Implementasyon ng Teorya ng Proteksyonismo sa Taripa ng mga Angkat ng


Karne ng Baboy

Ang Teorya ng Proteksyonismo ay itinakda ni Friedrich List noong 1789. Ito ay


tumutukoy sa mga patakaran ng gobyerno na limitahan ang internasyonal na kalakalan upang
matulungan ang mga lokal na industriya (Walters, 2021). Ang layunin ng teoryang ito na
mapabuti ang aktibidad na pang-ekonomiya sa loob ng isang bansa para sa kaligtasan o kalidad
ng mga produktong ikokonsumo ng mga mamimili. Dagdag pa rito, ang teoryang ito ay nakatuon
sa pag-aangkat ngunit maaari ring masangkot ang iba pang mga aspeto ng internasyonal na
kalakalan tulad ng mga pamantayan ng produkto at mga sector ng lipunan.

Kaugnay nito, ang balangkas na nasa itaas ay tumatalakay sa pag-implementa ng


proteksyonismo na maaaring magdala ng mga sumusunod na resulta: (1) mas mataas na presyo
sa angkat na karneng baboy, (2) karadagang pagkakataon upang umunlad ang lokal na merkado
sa karneng baboy, (3) mas mataas na kita sa lokal na merkado, at (4) mas kakaunting
kakumpitensya sa merkado. Ang pagtaas ng taripa ng angkat na karneng baboy ay magdudulot
ng pagtaas ng presyo nito sapagkat tataas din ang gastusin upang maiangkat ito ng mga ibang
bansa. Maaari ring mabawasan ang mga nag-aangkat ng produkto sa bansa at ito ay
magreresulta sa mas kaunting kumpetisyon. Sa pagtaas ng presyo ng mga angkat na produkto,
magreresulta ito na mas pipiliin ng mga mamimili ang lokal na produkto dahil sa mas mababang
presyo nito. Kung tataas ang demanda para sa lokal na produkto, tataas ang kita ng mga
nagbebenta nito sa merkado. Sa pagtaas ng kanilang kita, mas mabibigyan sila ng pagkakataon
na paunlarin ang kanilang mga negosyo at magbubukas pa ng mga napakaraming oportunidad.
Ang mga nabanggit na resulta sa pag-implementa ng teoryang ito ay makatutulong upang mas
maging epektibo ang pagpapaunawa sa taripang ipinasa ng pamahalaan sa mga angkat na
karneng baboy.

Sa pag-aaral na ito, masasabi na ang teoryang nabanggit ay lubos na mahalaga sapagkat


tinatalakay nito ang mga salik na maaaring makaapekto sa pagbabago ng taripa sa angkat na
karne ng baboy. Ang teoryang ito ang susuporta sa mga argumento ng mga mananaliksik at
magbibigay linaw kung tunay ba na ang pagbaba ng taripa sa karne ng baboy ay
nakakapagpahirap sa mga manininda ng mga karne ng baboy sa Pilipinas.

You might also like