Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

PAGDALUMAT SA ILANG MGA PILING TULANG KONTEMPORAYO

GAMIT ANG DULOG SIMBOLISMO AT REALISMO

Isang Pananaliksik Bilang Parsyal na Pangangailangan


sa Filipino 415 Kritikal na Pagsusuri ng Panitikan
ng Pilipinas kay

Ipinasa ni:

Mayo 2021
KABANATA I
ANG KALIGIRAN AT SULIRANIN NITO
INTRODUKSIYON

Mahaba-haba na rin ang pinagdaan ng panitikang Pilipino. Ang panahon ng

kontemporaryong panitikan sa Pilipinas ay nagsimula noong taong 1986. Ito ang panahon ng

paglaya ng mga Pilipino sa pamahalaang Marcos sa pamamagitang ng People’s Power.

Ayon sa aklat ni Resurreccion D. Dinglasa, Ph. D na Kritisismong Pampanitikan. Ang

panitikan ay isang sining sa maayos at makahulugang pagpapahayag ng damdamin ng tao,

pasalita o pasulat hinggil sa bagay-bagay na may kaugnayan sa kanyang sarili o sa

pakikitungo niya sa kapwa.

Ayon pa rin kay Resurreccion D. Dinglasa, Ph. D Sa larangan ng sining, ito’y may

tiyak na kabuluhan. Ang panitikan ay matapat sa muling paglikha ng buhay sa isang masining

na paraan. ito ay pag-aayos ng payak ngunit makahulugang karanasan ng tao na hinahabi sa

pamamaraang ninais ng maykatha. Ang tunay na kabuluhan ng panitikan ay matatagpuan sa

katotohanang ito’y naipadarama sa pamamagitan ng panitik, at sa gayo’y naisisiwalat ng

manunulat ang kanyang kaisipan at saloobin tungkol sa buhay.

Idinagdag pa ni Gonzales (1978) na itinatampok sa panitikan ang mga karanasan at

kalagayan ng lipunan o pulutong ng mga taong naghahari sa kinauukulang panahon. Ang

panitikan ay isang bukas na talaarawan ng mga mamamayan. Sa talaarawang ito, mababasa

ang panahon ng kasaysayan ng kultura ng isang pangkat.  Makikita at makikilala mula rito

ang tradisyon, kaugalian, paraan ng pamumuhay, paniniwala, at lahat ng tungkol sa isang

grupo ng mga mamamayan.  

Ayon naman sa Aklat ni B.S Medina, Jr. (1972) na pinamagatang Tatlong Panahon ng

Panitikan, ang alinmang likhang-sining ay nag-uugat sa isang partikular na bansa, sa isang

tiyak na panahon, at sa kongkretong kalagayan ng sambayanan. Sa makatuwid, ang halaga

nito ay hindi maaring ihiwalay sa mga tradisyon at kondisyon ng kulturang humubog dito.
Ayon sa aklat nina Consolacion P. Sauco et.al na pinamagatang Panitikan, Isang

walang katapusang daloy ng tubig sa batisan ang kahalagahan ng panitikan sa bawat bansa sa

daigdig. Ito ay mamamatay lamang kung ang mga nakalimbag na titik ay mawawala sa

daigdig at kung ang mga tao ay wala nang kakayahang magpahayag ng kanyang kaisipan at

damdamin.

Sadyang napakamaunlad ng panitikang Pilipino at isa sa ito ay ang tula. Ayon sa aklat

ni Alma M. Dayag, Pinagyamang Pluma 10 ang tula ay isang akdang pampanitikang

naglalarawan ng buhay, hinango sa guniguni, pinararating sa ating damdamin, at

ipinahahayag sa pananalitang may angking kariktan o aliw-iw.

Ayon naman kina David, M. at Estrareja, A. sa kanilang Aklat na Cañao ang tula ay

isang kaayusan ng mga salitang magkakatugma na nagpapahayag ng mga katotohanan,

kaisipan at damdamin sa paraang higit na maguniguni, mabuti at matindi kaysa sa

ordinaryong pananalita.

Ayon kay Zenaida S. Badua sa kanyang aklat na Pahiyas ang panitikan ay

sumasalamin sa tunay na buhay… Kung ganito kalakas ang impluwensya ng panitikan sa tao

ay nararapat lamang na matuto tayong sumuri o maging mapanuri sa mga panitikang ating

binabasa at sinusundan narito ang ilang halimbawa ng dulog o pananaw kung paano suriin

ang isang akda: Imahismo, Romantisismo, Realismo at iba pa…

Ayon naman kay Paquito B. Badayos Ph. D sa kanyang aklat na Hari Raya Puasa

Yaman ng Diwa ang mahalaga ang paggamit ng mga simbolismo o sagisag sa isang akda. Ito

ang nagbibigay ng kasiningan sa isang akdang pampanitikan.

Ayon sa www.scribd.com ang realismong dulog ay may layuning magpakita ng mga

karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan. Higit na mahalaga ang katotohanan

kaysa kagandahan. Hangad ng realismo ang makatotohanang paglalahad at paglalarawan ng

mga bagay, mga tao at lipunan.


THEORITICAL BACKGROUND

TEORYANG SOSYOLINGGWISTIKA

Constantino 2002

PAGSUSURI SA TULA

DULOG SIMBOLISMO DULOG REALISMO

 Simbolismo
 Wikang ginamit
 Damdaming
Ipinalalagay sa teoryang sosyolinggwitika ay ang ideya ng pagiging heterogenous na
nakapaloob
 Paksa
wika. Ang wika ay heteroneous dahil sa ang bawat tao o grupo ng tao sa buong mundo ay

may iba ibang-interes, lugar na tinitirhan, trabaho at iba oa. Ang mga ito ang maaaring

makaapekto sa wika ng mga tao.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong masuri ang mga piling tulang kontemporaryo:

putol, maila, chain poem at paninda gamit ang dulog o pananaw simbolismo at realismo at

matugunan ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano-ano ang mga katotohanan ng buhay na makikita sa mga piling akda? Ang mga

katotohanang ito ba ay makikita pa rin sa kasalukayan?

2. Ano-anong mga simbolismo ang makikita sa mga piling tula?

3. May pagkakatulad at pagkakaiba ba ang mga tula sa isa’t isa batay sa:

a. Tema/paksa

b. Wikang ginagamit
c. Damdaming nakapaloob

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Naniniwala ang mananalikisik na makabuluhan ang pag-aaral na ito dahil sinalamin

nito ang kotemporaryong panitikan na kung saan makikita ang pag-unlad ng wika at sining sa

paggawa ng mga akda at pagiging dayamiko ng obra at wika. Mahalaga ang pag-aaral na ito

upang mapalalim ang pang-unawa at kaalaman hindi lamang sa wika kundi maging sa

panitikan at sa sining ng panulaan. Ang pag-aaral na ito ay makikitaan ng iba’t ibang akda

mula sa iba’t ibang makata na sumasalimin sa kasalukuyang panahon na maaring makuhaan

ng mahahalagang aral at leksyon.


KABANATA II

METODOLOHIYA

DISENYO NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng Kwalitatibong Pananaliksik

at Descriptive Research Design na pananaliksik. Tinangkang suriin ang mga piling

komtemporaryong tulang may pamagat na Maila, Putol, Chain Poem at Paninda gamit ang

Dulog o Pananaw Simbolismo at Realismo. Ang disenyong ito ay makakatulong sapagkat

hindi naman nangngailangan ng grafikal na presentasyon ang pananaliksik na ito kaya

tanging pagsusuring tekstwal lamang ang kinakailangan.

INSTRUMENTO NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa pagsusuri sa mga piling komtemporaryong

tulang may pamagat na Maila, Putol, Chain Poem at Paninda gamit ang Dulog o Pananaw

Simbolismo at Realismo. Research based strategy lamang ang ginamit bilang instrumento sa

pananaliksik dahil nangalap lamang ang mga mananaliksik ng mga datos gamit ang aklat at

elektronikong hanguan bilang batayan sa mga impormasyong gagamitin sa pag-aaral.

PARAAN SA PANGANGALAP NG DATOS


Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa pagsusuri sa mga piling

komtemporaryong tulang may pamagat na Maila, Putol, Chain Poem at Paninda gamit ang

Dulog o Pananaw Simbolismo at Realismo. Ang mga mananaliksik ay nangalap ng mga

impormasyon at datos mula sa mga primaryang sanggunian, sekundarya at maging sa

elektronikong sanggunian. Kumuha lamang ng apat na tula ang mananaliksik mula sa

kontemporaryong panahon.
KABANATA III
PRESENTASYON, INTERPRETASYON AT ANALISIS

Talahanayan 1 Mga Simbolismong makikita sa mga piling tulang (Chain Poem,


Paninda, Maila at Putol)

Pamagat ng tula Simbolismong nakita sa tula

Chain Poem ni Felix Fojas Young Executive


Grass Widow
Deadly curse
Shaped
Paninda ni Joi Barrios Timbangan
Suso/hita
Palengke
Saplot
Sinehan
Komiks at magasin
Maila ni Paul del Rosario Miss U
Swimsuit
Maila
Beauty
Talent Portion
National Costume
Putol ni Michael Coroza Paang Putol
Kanang pang putol
Nike
Basurero

Makikita sa itaas na bahagi ang Talahanayan 1 Mga Simbolismong makikita sa mga

piling tulang (Chain Poem, Paninda, Maila at Putol). Makikitang may apat (4) na simbolismo

sa Chain Poem, apat (4) din sa Putol, anim (6) naman para sa Paninda at anim (6) din sa

Maila. Makikita sa ibabang bahagi ang pagsusuri at kahulugan ng mga simbolismong nasa

talahanayan.

Pagdulog Simbolismo

A. Chain Poem
a. Young executive – mayaman/bata

b. Grass widow- mahirap/may-edad

c. Deadly curse - babala

d. Shaped – nakatagong kahulugan (X-Y)

B. Paninda

a. Timbangan – hustisya at paghahatol

b. Suso/hita- tukso

c. Palengke – magulo, mingay at iba-ibang klase ng mga tao.

d. Saplot- dignidad ng isang tao

e. Sinehan – pampalipas-oras, libangan o pantanggal ng pagod

f. Komiks at magasin – libangan o katuwaan/ uso at patok

C. Maila

a. Miss U – pamantayan ng ganda

b. Swimsuit – kompanyansa sa sarili

c. Beauty - natatangi

d. Talent Portion – kakayahan

e. National Costume – angking dapat ipagmalaki

D. Putol

a. Paang Putol – ito ay nagpapakita ng kriminalidad at karahasang makikita at

nangyayari sa lipunan.

b. Kanang paang putol- nagpapahiwatig at nagpapakita ng kawalang hustisya o

katarungan sa lipunan.

c. Nike- nagpapakita ng antas o katayuan sa lipunan at maaari ring nagpapakita

ng luho o materyalistikong pananaw sa buhay.

d. Basurero – kahirapan, kawalan ng edukasyon, estado sa lipunan.


Gamit ang mga simbolismo mas lumitaw ang ganda at pagkamasining ng mga akda.

Nakapagbibigay ng mas malalim na pagsusuri hindi lamang sa mga salita kundi maging sa

kabuang mensahe ng tula. Ayon pa nga kay Paquito B. Badayos Ph. D sa kanyang aklat na

Hari Raya Puasa Yaman ng Diwa mahalaga ang paggamit ng mga simbolismo o sagisag sa

isang akda. Ito ang nagbibigay ng kasiningan sa isang akdang pampanitikan.

Pagdulog Realismo

Ang mga tula ay nagpakita ng karanasan ng tao sa lipunan sa makatotohanang

pamamaraan. Sa tulang Putol ipinakita ang kasalukayang pangayayari sa ating bansa at

lipunan gaya ng kahirapan, kriminalidad, karahasan, kawalan at kakulangan ng siguridad at

maging ang pagkakaroon ng pansariling pag-uugali na siyang nagdudulot ng kawalan ng

pakialam sa ibang bagay o sa iba dahil mas inuuna ang sariling pangangailangan o sariling

buhay.

Ang tulang paninda naman sumasalamin sa masalimoot na karanasan ng mga

kababaihan sa ating lipunan. Prostisyon sa iba’t ibang pamamaraan (online pornography

through text, messenger, call at iba pang social media platform), Sextortion, human

trafficking (sex slaves) at marami pang iba. Makikita sa tula ang pagyurak sa dignidad ng

isang babae.

Ang tulang Miala naman ay humihingi ng atensyon, pang-unawa at pangtanggap.

Ang LGBTQ+ community sa lipunan ngayon ay humihingi ng pagkakapantay-pantay,

pagkilala at pagtangap. Tulad ng tauhan sa tulang Maila na kung san siya ang nanalo bilang

reyna sa patimpalak ngunit wala pa ring nagbago. Nagbihis man siya ng maganda, nag-

swimsuit o nag national costume man ay hindi pa rin mababago nito ang katotohanan na siya

ay isang babaeng nasa loob ng katawan ng isang lalaki.


Ang tulang Chain Poem naman ay napakapalasak sa Social Media at sa lahat ng

flatform nito lalong-lalo na sa text. Nagpapakita ito ng isang mensaheng kailangan mong

ipasa sa mga taong malapit o maging sa mga kaway mo dahil may posibleng mangyaring

maganda o masama sa iyo kapag hindi mo ito ipinasa- isang paniniwala. Makikita rin dito

ang kultrang popular na kung san kung ano ang in- ay siguradong papatok at trending lalo na

sa mga millennials ngayon. Dito rin makikita ang importasya ng paggamit ng technolohiya at

pag-evaluate sa mga impormasyon na pwede at hindi pwedeng ibigay o ipasa.

Sa kabuan ang mga tulang nabangit ay nagpapakita ng realidad at makatotohanang

pangyayari sa lipunan at buhay na kapupulutan ng leksyon at aral. Gamit ang realismong

dulog ay nakita ng realidad, Ayon pa nga sa www.scribd.com ang realismong dulog ay may

layuning magpakita ng mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan. Higit

na mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan. Hangad ng realismo ang makatotohanang

paglalahad at paglalarawan ng mga bagay, mga tao at lipunan.

Talahanayan 2. May pagkakatulad at pagkakaiba ba ang mga piling tulang

(Chain Poem, Paninda, Maila at Putol) sa isa’t isa batay sa: Tema/Paksa, Wikang

ginagamit/Damdaming nakapalob.

Leyenda: / - may pagkakaiba at pagkakatulad

X – walang pagkakaiba at pagkakatulad

Pamagat ng tula Tema/ Wikang Damdaming

Paksa Ginagamit nakapaloob


Chain Poem ni Felix Fojas / / /
Paninda ni Joi Barios / / /
Maila ni Paul del Rosario / / /
Putol ni Michael Coroza / / /

Makikita sa Talahanayan 2 kung may pagkakaiba at pagkakatulad ba ang mga piling

tulang (Chain Poem, Paninda, Maila at Putol) sa isa’t isa batay sa: Tema/paksa, wikang

ginagamit, at damdaming nakapaloob. Makikita sa talahanayan na ang apat (4) na tula ay


parehong makikitan ng pagkakaiba at pagkakatulad. Makikita sa ibaba ang pagsusuring

ginawa upang makita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga piling tula sa isa’t isa.

Tema/Paksa:

Chain Poem- ebalwasyon sa mga impormasyong dapat at hindi dapat na ipamahagi at

nagpapakita ng kulturang popular.

By now you know that this chain


Poem can cast a deadly curse.
Make seven copies and send
Post haste to your enemies.

Paninda- Ang paksa ng tula ay tungkol sa Pagbebenta ng Katawan bilang isang

hanap-buhay.

Lagi’y may mamimiling


Hanggang makipagtawaran, makipagbaratan
O maghamon ng pakyawan.
Habang ang babae’y nakikipagtagisan
Sa kapwa babae
Sa ganda at halina,
Hanggang ang lipunan ay eskaparate
Ng babaeng paninda.

Maila- patungkol ang paksa sa isang May lawit na sumali sa isang patimpalak.

Kagabi, win ang beauty ko


Pero ano nga ba ang premyo?
Ngayong palabas ay wa na
Ako pa ri’y isang Maila. (May lawit, gaga!)

Putol- tungkol sa karahasan at kahirapang nagaganap sa lipunan.

Ang bawat tula ay may kanya-kanyang paksa o temang tinatalakay ngunit nakasentro pa rin

ito sa mga pangyayaring nararanasan ng mga tao sa isang lipunan gaya ng kahirapan,

prostitusyon, karahasan, LGBTQ+ na isyu, pagbabahagi at pagtangap ng impormasyon at

maging ang kulturang popular.


May kanang pang putol
Sa tambakan
Ng basura

Dinampot
Ng basurero.

, “Sayang
Wala na naming kapares.”

Sa kabuoan may hawig ang apat na tula, parehong pumapatungkol ang mga paksa nito

sa isyung panlipunan at sumasalamin ito sa katotohanang pangyayaring makikita sa buhay o

realidad.

Wikang ginamit:

Chain Poem: Wikang Ingles ang ginamit.

Paninda: Wikang Tagalog ang ginamit at hayagan at lantaran ang mga salitang

ginamit.

Dalawang tumpok ng nakabuyangyang na suso,

Isang guhit ng nakabukang hita,

Presyuhan ninyo ang hipo na mas mababa

Sa lamas at lamutak.

Ang saplot ko sa katawan, siya naming haba

Ng pila sa sinehan.

Kung gaano kanipis

Ang tumatakip sa aking dibdib,

Maila: may conyotek na ginamit, jagon ng mga bakla o Gay lingua na ginamit.

Conyotek - Kagabi, win ang beauty ko, Yes, madir, Miss Gay Retiro

Sa talent portion, bongga rin. At siyempre pa, best in swimsuit


Kagabi, win ang beauty ko
Gay Lingua- Sholbog, Dayanara, Shout akesh, Crayola lahat ng mga backless. Mga
mhin

Putol: Tagalog ang wikang Ginamit. Simple lamang ang mga salitang ginamit.

Gumamit ng salitang hiram na Nike- isang brand ng sapatos.

Sa kabuoan may pagkakaiba sa wikang ginamit sa mga tula kahit na nasa parehong

Tagalog ang naging batayan sa pagsulat ng tula ng tatlong akda ang Putol, Paninda at Maila

makikita pa rin ang Barayti ng wikang ginamit at ang pagpili ng mga salita. Ang Chain Poem

naman ay gumamit ng Wikang Ingles bilang batayan.

Damdaming nakapaloob:

Chain Poem: Hindi masyadong lantad ang damdamin ng tula ngunit nais nitong

magbigay ng intinsibong damdamin sa mga mambabasa, gusto nitong maghatid ng takot at

kaba lalong-lalo na sa mga naniniwala sa mga chain messages at mga pamahiin o di kaya

mga swerte-swerte o mga kamalasan.

By now you know that this chain

Poem can cast a deadly curse.

Make seven copies and send

Post haste to your enemies.

Paninda: Pagtitiis at kawalan ng moral o dignidad sa sarili. Pagtitiis sa trabahong

napasukan-maring sadya o di sadya. Kawalan ng moral o dignidad sa sarili di man

espesipikong sinabi ngunit dahil na rin sa paglalarawan at pagamit ng mga lantad na mga

salita masasalamin ang ganitong damdamin sa tauhan. Ang patunay nito ay ang buong tula o

ang bawat salitang ginamit mismo sa tula.

Maila: kagalakan, kasiyahan at kalungkutan. Kagalakan at kasiyahan dahil halos na

iuwi niya lahat ng pa-premyo sa patimpalak na kanyang sinalihan ngunit may kalungkutan sa

bandang hulin dahil kahit anong premyo ang nakuha niya hindi pa rin nito maaalis ang

katotohanan na siya ay isang maila, may lawit.


Putol: panghihinayang sa maraming aspeto. Panghihinayang dahil hindi nga

mapapakinabangan ang sapatos na kanyang nakita dahil wala itong kapares. Panghihinayang

na rin sa kapalarang kanyang tinahak o natahak.

Samakatwid ang mga damdaming namutawi sa mga tula ay ang mga sumusunod:

intinsibong damdamin na nais maghatid ng takot at kaba, kasiyahan, kagalakan, kalungkutan,

pagtitiis at kawalan ng moral. May pagkakaiba-iba an gang mga damdaming nakapaloob sa

tula abatay na rin sa paksa at tema ng tula.

KABANATA IV

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

LAGOM

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa layuning masuri ang mga piling tulang

kontemporaryo: Chain Poem, Paninda, Maila at Putol gamit ang dulog o pananaw

simbolismo at realismo. Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng


Kwalitatibong Pananaliksik at Descriptive Research Design na pananaliksik. Research based

strategy lamang ang ginamit bilang instrumento sa pananaliksik dahil nangalap lamang ang

mga mananaliksik ng mga datos gamit ang aklat at elektronikong hanguan bilang batayan sa

mga impormasyong gagamitin sa p ag-aaral.

Batay sa pagsusuring ginawa lumalabas na ang mga tula ay makikitaan ng

katotohanan sa buhay at may pagkakaiba at pagkakatulad ang mga ito sa paksa/tema, wikang

ginamit at damdaming nakapaloob dito. Ang mga simbolismong makikita sa tula ay ang mga

sumusunod: timbangan, suso/hita, palengke, saplot, sinehan, komiks at magasin (Paninda),

putol na paa, nike, basurero (Putol), miss u, swimsuit, maila, beauty, talent portion, national

costume (Maila), grass widow, deadly curse, shaped, at young executive (Chain Poem).

TUKLAS:

Ang mga piling tulang (Chain Poem, Paninda, Maila at Putol) ay makikitaan ng

katotohanan ng buhay na naaayon sa realismong dulog na makikita sa pagsusuri sa

talahanayan 1. Makikita rin sa talahanayan 1 ang mga simbolismong makikita sa bawat tula.

Sa talahanayan 2 naman ay makikita ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga tula sa isa’t isa.

Batay sa pagsusuring ginawa ng mananaliksik, naniniwala itong tama ang teorya ni

Constantino na Teoryang Sosyolinggwitika. Na sinasabing ang wika heteroneous dahil sa ang

bawat tao o grupo ng tao sa buong mundo ay may iba ibang-interes, lugar na tinitirhan,

trabaho at iba pa. Ang mga ito ang maaaring makaapekto sa wika ng mga tao na siyang

makikita sa talahanayan 2 na pagsusuri sa wikang ginamit sa tula. Makikita na may

varyasyon ng wika, umuunlad ang wika at nakadepende ang paggamit ng wika batay na rin sa

taong gumagamit nito o di kaya’y batay sa kapaligihan at sitwasyon.

KONKLUSYON
Batay sa mga nakalap na datos at impormasyon, ang mga mananaliksik ay humantong

sa mga sumusunod na konklusyon:

1. Ang mga katotohanan ng buhay na makikita sa sa mga piling akda ay ang mga

sumusunod:

a. Ang tulang Putol ipinakita ang kasalukayang pangayayari sa ating bansa at

lipunan gaya ng kahirapan, kriminalidad, karahasan, kawalan at

kakulangan ng siguridad at maging ang pagkakaroon ng pansariling pag-

uugali.

b. Ang tulang paninda naman sumasalamin sa masalimoot na karanasan ng

mga kababaihan sa ating lipunan. Prostisyon sa iba’t ibang pamamaraan.

c. Ang tulang Miala naman ay pang-unawa at pangtanggap.

d. Ang tulang Chain Poem naman ay napakapalasak sa Social Media at sa

lahat ng flatform nito lalong-lalo na sa text. Makikita rin dito ang kultrang

popular. Dito rin makikita ang importasya ng paggamit ng technolohiya at

pag-evaluate sa mga impormasyon na pwede at hindi pwedeng ibigay o

ipasa.

e. Sa kabuan ang mga tulang nabangit ay nagpapakita ng realidad at

makatotohanang pangyayari sa lipunan at buhay na kapupulutan ng

leksyon at aral na siya namang napatunayns sa www.scribd.com ang

realismong dulog ay may layuning magpakita ng mga karanasan at

nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan. Higit na mahalaga ang

katotohanan kaysa kagandahan.

2. Ang mga simbolismong makikita sa tula ay ang mga sumusunod: timbangan,

suso/hita, palengke, saplot, sinehan, komiks at magasin (Paninda), putol na paa,

nike, basurero (Putol), miss u, swimsuit, maila, beauty, talent portion, national
costume (Maila), grass widow, deadly curse, shaped, at young executive (Chain

Poem).

3. Ang mga piling tula ay may pagkakaiba at pagkakatulad sa sumusunod:


a. Sa kabuoan may hawig ang apat na tula, parehong pumapatungkol ang

mga paksa nito sa isyung panlipunan at sumasalamin ito sa katotohanang

pangyayaring makikita sa buhay o realidad.

b. may pagkakaiba sa wikang ginamit sa mga tula kahit na nasa parehong

Tagalog ang naging batayan sa pagsulat ng tula ng tatlong akda ang Putol,

Paninda at Maila makikita pa rin ang Barayti ng wikang ginamit at ang pagpili

ng mga salita. Ang Chain Poem naman ay gumamit ng Wikang Ingles bilang

batayan.

c. ang mga damdaming namutawi sa mga tula ay ang mga sumusunod:

intinsibong damdamin na nais maghatid ng takot at kaba, kasiyahan,

kagalakan, kalungkutan, pagtitiis at kawalan ng moral. May pagkakaiba-iba

ang mga damdaming nakapaloob sa tula abatay na rin sa paksa at tema ng tula.

REKOMENDASYON

Kaugnay ng mga isinagawang pag-aaral, buong pagpapakumbabang iminumungkahi at

inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:

1. Palalimin pa ang pag-aaral at pagsusuri ng pananaliksik na ito lalong-lalo na sa ibang

elemento ng tula na hindi na isama tulad ng: tagpuan, imahe, sukat, tugma, sining o kariktan,

saknong at istilo.

2. Gamitin din sa pagpapalalim ang mga sumusunod na pagsusuring nakabatay sa realismo:

a. Pinong Realismo

b. Sentimental na realismo

c. Sikolohikal na realism

d. Mahiwagang realismo
3. Mas palalimin din ang pag-aaral gamit ang teoryang sosyolinggwistika ni Constantino.

SANGGUNIAN
Badayos, Paquito B. Ph. D. 2006. Hari Raya Puasa Yaman ng Diwa II. 1253
Gregorio Araneta Avenue, Quezon City: VIBAL Publishing House, Inc.
Badua, Zenaida S. 2006. Pahiyas Yaman ng Diwa II. 1253
Gregorio Araneta Avenue, Quezon City: VIBAL Publishing House, Inc.
Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma 10. 2017. 927 Quezon Ave, Quezon
City: Phoenix Publishing House, Inc.
David, Melvin C. at Estareja, Arnold O. 2006. Cañao Yaman ng Diwa II. 1253
Gregorio Araneta Avenue, Quezon City: VIBAL Publishing House, Inc.
Ellis, Rod. 1997. Second Language Acquisition. New York: Oxford University
Press.
Gonzales, Lydia Fer., Crecini-Marin, Ludivina & Tiamson-Rubi, Ligaya. 1982.
Panitikan sa Pilipino 2. 856 Nicanor Reyes, Sr. St. 1977 C.M Recto
Avenue Manila, Phillippines: Rex Bookstore.
Medina, B.S. Jr. 1972. Tatlong Panahon ng Panitikan. Center Pines, Union Sts.
Mandaluyong, Metro Manila: Cacho Hermanos, Inc.
Pineda, Ponciano B. (Con), Sauco, Consolacion P., Cruz, Roberto P., Garcia,
Gloria & Quizon, Adela, m. 1978. Panitikan para sa mga kolehiyo at
pamantasan. Manila: Bookmark.
www.scribd.com

APPENDIKS

CHAIN POEM
Ni Felix Fojas
(Panahong Kontemporaryo, dekada ’90)

Handle this poem with care


And leave no sense unturned
See what creeping nuances
Hide beneath each mossy word.
Touch the sound of its shape;
Make yourself truly worthy
To receive the poem’s blessing.
X, a young executive,
Read this poem recklessly and
Was struck down by lightning.
Y, a grass widow, crumpled
This poem for not rhyming
And was murdered in her sleep.
By now you know that this chain
Poem can cast a deadly curse.
Make seven copies and send
Post haste to your enemies.

PANINDA
Ni JOI BARRIOS
(DEKADA ’90 PAGKAKALATHALA)
Lagi’y may timbangang
Sumusukat sa aking halaga,
Dalawang tumpok ng nakabuyangyang na suso,
Isang guhit ng nakabukang hita,
Presyuhan ninyo ang hipo na mas mababa
Sa lamas at lamutak.
Lagi’y may palengkeng
Naglalako sa akin
Kung gaano kaigsi
Ang saplot ko sa katawan, siya naming haba
Ng pila sa sinehan.
Kung gaano kanipis
Ang tumatakip sa aking dibdib,
siya naming kapal
ng maibebentang
komiks at magasin sa bangketa.
At sabay,
Sabay na tumataas
Ang pansayaw na di tumatakip sa hita
Sa bilang ng mga taong nanonood
Sa lingguhang programa.

Lagi’y may mamimiling


Hanggang makipagtawaran, makipagbaratan
O maghamon ng pakyawan.
Habang ang babae’y nakikipagtagisan
Sa kapwa babae
Sa ganda at halina,
Hanggang ang lipunan ay eskaparate
Ng babaeng paninda.
Maila
Ni Paul del Rosario
(Kontemporaryo)

Kagabi, win ang beauty ko


Talagang ang drama’y Miss U!
Ako yata ang nanalo.
Yes, madir, Miss Gay Retiro
Sholbog silang lahat, mama
Sa emote kong Dayanara
Sa national costume pa lang
Hitsura na’y Puerto Rican.

Sa talent portion, bongga rin.


Ate Guy, aking in-acting
“Walang Himala!” Shout akesh
Crayola lahat ng mga backless.

At siyempre pa, best in swimsuit


Mga mhin nga’y sutsot nang sutsot.
Ang hirap talaga, tita
Kapag ubod ka ng ganda!

Kagabi, win ang beauty ko


Pero ano nga ba ang premyo?
Ngayong palabas ay wa na
Ako pa ri’y isang Maila. (May lawit, gaga!)

Putol
Ni Michael Coroza
(kontemporaryo)

May kanang paang putol


Sa tambakan
Ng basura
Naka-Nike.

Dinampot
Ng basurero.
Kumatas
Ang dugo.

Umiling-iling
Ang basurero’t
Bumulong, “Sayang
Wala na namang kapares.”

You might also like