Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

SANAYANG PAPEL SA FILIPINO BAITANG 6

Bilang 5 Kuwarter 4

Pangalan ng Mag-aaral: ___________________________________


Baitang/Seksiyon:______________Petsa:______________________

Sa araling ito ay pag-aaralan ang paghahambing ng iba’t ibang uri ng


pelikula.

Napaghahambing ang iba’t ibang uri ng pelikula. (F6PD-IVe-i-21)

A. Balikan Mo!
Muli mong subukin ang iyong kakayahan sa pagsusuri ng kathang-isip at di-
kathang-isip.
Basahin at suriin ang mga pangungusap. Isulat ang K kung kathang-isip at
DK kung di-kathang-isip. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_____ 1. Nag-usap-usap sina Superman, Spiderman, Batman at Darna na
pagsasamahin nila ang kanilang mahika upang masugpo ang
COVID-19.
1
_____ 2. Ang pagsusuot ng facemask ay isang paraan upang makaiwas sa
COVID-19.
_____ 3. Nagsimula ang COVID-19 sa Wuhan, China.
_____ 4. Si Superman ang nakaimbento ng bakunang panlaban sa
COVID-19.
_____ 5. Ang Sinovac ay isa sa mga naimbentong bakuna laban sa COVID- 19

B. Pag-aralan Mo!
Mga Uri ng Pelikula

Aksyon- mga pelikulang nakapukos sa bakbakang pisikal, maaaring


hango sa tunay na buhay o pangyayari o kaya naman kathang-isip
lamang.
Animasyon- pelikulang gumagamit ng larawan o pagguhit upang
magmukhang buhay ang mga bagay na walang buhay.
Bomba- mga pelikulang nagpapalabas ng mga hubad na katawan at gawaing
seksuwal.
Dokyumentaryo- mga pelikulang nag-uulat ng balita, o mga bagay na may
halaga sa kasaysayan, politika o lipunan.
Drama- mga pelikulang nagpopokus sa mga personal na suliranin o
tunggalian, nagtutulak ito sa damdamin at ginawa upang paiyakin
ang manonood.
Pantasya- nagdadala sa manonood sa isang mundong gawa ng imahinasyon
tulad ng mundo ng mga prinsipe/prinsesa, kuwentong-bayan o mga
istoryang hango sa mga natutuklasan ng siyensiya.
Historikal- mga pelikulang base sa tunay nakaganapan sa kasaysayan.
Katatawanan/Komedya- mga nagpapatawang pelikula kung saan ang mga
karakter ay inilalagay sa mga hindi maisip na sitwasyon.
Katatakutan/Horror- nagnanais takutin o sindakin ang manonood gamit
ang mga multo, bangkay o kakaibang nilalang.
Musikal- mga komedyang may temang pangromansa; puno ito ng musika
at kantahan.

C. Pagsanayan Mo!
Panuto: Paghambingin kung anong uri ng pelikula ang mga larawan. Piliin
sa kahon ang titik ng tamang sagot.

2
_____ 1. ____

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/en/ https://upload.wikimedia.org/w
thumb/6/6c The_Amazing_Praybeyt_ ikipedia/en/thumb/3/35/
Benjamin_poster.jpg/221px-The_Amazing Heneral_Luna_film_poster.jpg/2
_Praybeyt_Benjamin_poster.jpg 15pxHeneral_Luna_film_poster.j
pg

_____ 3.

https://en.wikipedia.org/wiki https://en.wikipedia.org/wiki
/File:Eerie_(2018_film)_ /File:Hello-love-
poster.jpg goodbyeposter.jpg

3
_____ 5.

https://media2.picsearch.com/is?aAs
LHJdnIckNvMTDUrS7eKZ_PQYaM
Fq60L9Oj63EFs&height=240

D. Tandaan Mo!
May iba’t ibang uri ng pelikula. Ang mga ito ay nagkakaiba-iba ayon sa
pokus at layunin na nais ipabatid sa mga manonood.
Ang mga uri ng pelikula ay aksyon, animasyon, bomba, dokyumentaryo,
drama, pantasya, historikal, katatawanan o komedya, katatakutan o horror
at musikal.

D. Pagtataya
Panuto: Paghambingin kung anong uri ng pelikula ang tinutukoy sa
sumusunod na pangungusap. Iguhit ang kung ang pelikula ay
komedya, kung ito drama, kung ito ay animasyon, kung ito
ay aksyon at kung ito ay katatakutan o horror.
_____ 1. Mga pelikulang nakapokus sa bakbakang pisikal, maaaring hango
sa tunay na buhay o pangyayari o kaya naman ay kathang-isip
lamang.
_____ 2. Mga pelikulang nagpopokus sa mga personal na suliranin o
tunggalian, nagtutulak ito sa damdamin at ginawa upang paiyakin
ang manonood.
_____ 3. Nagnanais na takutin o sindakin ang manonood gamit ang mga
multo, bangkay o kakaibang nilalang.
_____ 4. Mga nagpapatawang pelikula kung saan ang mga karakter ay
inilalagay sa mga hindi maisip na sitwasyon.
_____ 5. Pelikulang gumagamit ng mga larawan o pagguhit upang
magmukhang buhay ang mga bagay na walang buhay.

4
A. Balikan Mo! C. Pagsanayan Mo!
1. K 1. b
2. DK 2. d
3. DK 3. e
4. K 4. c
5. DK 5. a

E. Pagtataya
1.
2.
3.
4.
5.

• Kontekstuwalisadong Banghay-Aralin sa Filipino 6


• https://upload.wikimedia.org/wikipedia/en/thumb/6/6c/
The_Amazing_Praybeyt_Benjamin_poster.jpg/221px-
The_Amazing_Praybeyt_Benjamin_poster.jpg
• https://upload.wikimedia.org/wikipedia/en/thumb/3/35/
Heneral_Luna_film_poster.jpg/215px-
Heneral_Luna_film_poster.jpg
• https://en.wikipedia.org/wiki/File:Eerie_(2018_film)_poster.jpg
• https://en.wikipedia.org/wiki/File:Hello-love-goodbyeposter.jpg
• https://media2.picsearch.com/is?aAsLHJdnIckNvMTDUrS7eKZ_PQY
aMFq60L9Oj63EFs&height=240

Inihanda ni:
MA. THERESA P. BAYNAS
Dalubguro 2
Pandan Elementary School
Cabusao District
5

You might also like