Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Mga Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Article info:
Contributor, E. (2020, September 3). Mga Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Retrived
from: https://www.elcombublus.com/mga-pananaliksik-sa-wika-at-kulturang-pilipino/

Ang artikulong pinamagatan na “Mga Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino” ay


nagbigay halimbawa ng isang pananaliksik sa wika at kulurang Pilipino at ito ay pinamagatang
“Ang Pagiging Epektibo ng Isinakomiks na Filipino Klasiks sa Pagtuturo ng Panitikang Pilipino
na May Tuon sa Puntong Sosyal at Moral: Isang Pagsusuri” na ginawa ni Ginoong Servillano
Marquez Jr. na isang PhD graduate. Alam naman natin na ang kasalukuyang henerasyon na ating
namamataan at inabot ay ang makabagong henerasyon kung saan ang tingin mo dati ang mundo
ay napakalaki; napakalayo natin sa isa’t-isa, mahirap kumuha ng iba’t ibang uri ng impormasyon
gawa ng maraming manunulat; limitado ang lahat katulad ng pakikipag-usap o pagbili ng iba’t
ibang uri ng produkto subalit nang dumating ang makabagong henerasyon ay naging madali na
ang lahat kapakana ito ng globalisasyon kung tawagin ng mga western iskolar. Ang mundo ay
lumiit sa paningin natin dahil nakakausap mo na ang mga taong libo-libong milya ang layo sa’yo
gamit ang iba’t ibang klaseng network at nang social media app: mayroon tayong video call,
google meet, zoom, duo, at marami pang ibang klase ng media, ang pagkalap ng impormasyon
ay naging madali rin sapagkat mayroon din tayong google o youtube na pagkukuhanan ng mga
impormasyong gawa ng magkakaiba ng kaisipang manunulat at ang pagbili o pagbinta ng
produkto ay naging madali dahil isang tawag mo lang o gamit ang aplikasyon sa selpon na
Lazada o Shoppe ay makaka’order ka na ng produktong galing sa malayong lugar. Ang lahat ng
epekto ng globalisasyon ay maaring nagdudulot ng negatibong impake sa mga nilalang lalo na
tayong mga tao o pwede namang positibo kaya kinakailangan ng masusing pananaliksik o riserts
upang matuklasan natin kung asaan sa msksbsgo ang may magandang naidudulot o walang
naitutulong na maganda o para malutas natin ang mga umuusbong problema. Katulad ng
ginawang pag-aaral ni Ginoong Marquez na pinamagatang ‘Ang Pagiging Epektibo ng
Isinakomiks na Filipino Klasiks sa Pagtuturo ng Panitikang Pilipino.

Ang komiks ay kuwento ng mga pangyayaring inilalahad sa pamamagitan ng mga


illustrasyon. Ito ay inilalarawan sa tulong ng mga frame o kuwadro na naglalahad nang sunod-
sunod na mga pangyayari hanggang sa katapusan ng kuwento (elcombus, 2020). Ang komiks ay
tingkilik ng ilang Pilipinong manunulat katulad nina Romulo Ramos, Tony Velasquez, Irinio
Miranda, Pablo Gomez, Carlo Caparas, Pol Medina at marami pang Pilipinong manunulat. Si
Ginoong Marquez na siyang gumawa ng pag-aaral patungkol sa Komiks ay naghanda siya ng
mga katanungan para maihatid sa mambabasa ang pagiging epektibo ng isinakomiks na Pilipino
klasiks at natuklasan nito na ang komiks ay nagtataglay ito ng pagpapahalaga sa moral na nais
nating malinang sa mga mag-aaral. Mayroon tayong dalawang klase ng komiks: entertainment at
editorial. Ang entertainment ay isang magandang klase ng komiks na nagpapakita ng moralidad
katulad ng Philippine mythology superheroes kung saan ang mga superherong karakter ay
pinapangalagahan niya ang pagtulong sa mga taong naapi at hindi niya pinapalampas ang mga
taong may masamang pag-iisip para sa kanyang kapwa tao. Ang ilang halimbawa nito ay ang
ginawang komiks ni Carlos Caparas na pinamagatang “Ang Panday” at ang “Totoy Bato”.
Gayundin matatagpuan din sa isinakomiks na Filipino klasiks ang mga implikasong sosyal na
nakikita at nararansan ng mga Pilipino. Dito papasok ang ikalawang klase ng komiks: ang
editorial. Ang editorial komiks ay tumutukoy sa mga isinakomiks patungkol sa isyung political at
sosyal sa lipunan at ang ilang halimabawa nito ay ang ginawa nina E.Z. Izon at Irinio Miranda sa
kapanahonan pa ni Marcos. Ang maganda sa isinakomiks na Pilipino klasiks na may tuon sa
moral at sosyal ay maliban sa nakakapagbasa tayo at natuto ay naaliw tayo sa mga larawan na
ginuhit gamit ang lapis at papel. Ang pagbabasa ng komiks ay nagbibigay ito ng mga iba’t ibang
uri ng impormasyon kaya lumalawak ang ating mga kaisipan, nalilibang tayo at hindi nasasayang
ang ating oras: hindi natin nagagamit an gating oras sa pagtatambay at gumagawa ng kahit anong
kalokohan..
Ang masasabi kong kahinaan ng ginawa ni Ginoong Marquez ay ang hindi pagkakatugma
ng kanyang pamagat doon sa nilalaman ng kanyang riserts kung saan ang implikasyon ng
kanyang pamagat ay doon nakapokus sa pagiging eptikbo ng isinakomiks na Filipino klasiks na
may tuon sa puntong sosyal at moral at ang nilalaman naman nito ay ang kahalgaan. Doon narin
sa pagbigay niya nang apat na halimbawa ng Filipino klasiks na pinagkuhanan ng data upang
masabi ang pagiging epektibo nito at ito ay isang pagkakamali dahil nilahat mo ang pagiging
epektibo nito sa pamamagitan ng pagbigay ng apat na halimbawa ng isinakomiks na Filipino
klasiks. Maganda ang pagbibigay ng halimbawa subalit wag mong lahatin o wag kang magsalita
ng patapos na ang Filipio klasiks ay epektibo ito para matutuhan ng mga kabataan ang moral at
sosyal.

Ang henerasyon na ating inabot ay marami ng nabago kaya kinakailangan natin na


magsaliksik nang masusi para matiyak natin na ang isang bagay na makabago ay hindi
nagdudulot sa atin ng hindi mabuti o nagdudulot ng maganda. Ang isinakomiks ay nagpapakita
ito basi sa iba pang artikulo na aking binasa ng moral at implikasyong sosyal at ito ay makikita sa
dalawang klase ng komiks: ang entertainment at editorial. Ako ay hinihimuk kayong lahat na
mga mag-aaral na magbasa ng isinakomiks kahit marami ang napapagkuhanan mo ng
impormasyon dahil natuto ka sa pagiging moral at magkakaroon ka ng karunungan sa
pakikipagkapwa tao, dadami ang iyong kaalaman sa pagbabasa ng isinakomiks at inaaliw ka pa
nito sa kanyang mga iginuhit at higit sa lahat nalilibang mo ang iyong oras sa mabuting gawain
at hindi sa pagsasayang mo ng iyong oras sa pagtatambay at gumawa ng mga kalukuhan. Sabi
nga nila ligtas ang may alam kaya hinihimuk ko kayong magbasa ng mga isinakomiks dahil
malalaman mo dito ang mga isyung political at sosyal at ang higit sa lahat ay ang moralidad.

You might also like