Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ARALIN 10: Pagbibigay ng Kongklusyon

Mga Inaasahang Bunga:


1. Naibabahagi ang sariling pananaw sa resulta ng isinagawang sarbey tungkol sa tanong
na“ Alin sa mga babasahin ng Timog-silangang Asya ang iyong nagustuhan?”

Paksa/ Talakayan

Pagbibigay ng Kongklusyon
Ang kongklusyon ay isang posisyon o paghatol pagkatapos maisaalang-alang ang
lahat ng ibinigay na impormasyon.Kailangang suriin at unawaing mabuti ang lahat ng
impormasyon bago magbigay ng kongklusyon
Narito ang ilang dapat tandaan sa pagbuo ng kongklusyon.
1. Gawing maikli at tiyak ang ibibigay na kongklusyon. Kapag may tanong na
kailangang sagutin, siguraduhing tiyak at direkta ang ibibigay na sagot.
2. Siguraduhing ang ibibigay na kongklusyon ay mag-iiwan ng kakintalan sa isipan ng
bawat makaririnig o babasa nito.
3. kailangang batay ito sa ibinigay na impormasyon.

Halimbawa:

Batay sa mga datos na sinuri at pinakahulugan ng mga mananaliksik, nakita na


madalas na ginagamit ng mga mag-aaral ang intenet dahil sa mga sumususunod: 1.
Napapagaan nito ang Gawain ng isang mag-aaral 2. Nagkakaroon ng ugnayan ang
kanilang pamilya, kaibigan at mga mahal sa buhay. 3. Nakaka-konekta sila sa mga
bagong nauuso maging ito man ay sa ibang bansa. 4. Nakakakuha ng mga bagong
impormasyon. 5. Napapalawak ang kanilang kaalaman.

Basahin

Basahin ang sumusunod na usapan.

Aralin 10 Pahina 1 sa 1
Rhoneil : Siguradong magagalit na naman ang nanay ko pag
natanggap at nakita niya ang aking report card…ang bababa na
nga ng mga marka ko, may dalawa pang bagsak.
Roel : Ikaw naman kasi e, pinagsasabay mo ang pag-aaral, paglalakwatsa, at bisyo.
Pero hayaan mo, magagalit lang naman ang nanay mo sa una. Papasukin mo na
lang sa isang tainga at ilabas sa isa pa.
Rhoneil : Oo nga, kasalanan ko naman ang lahat. Di bale, magbabago na ako mula
ngayon. Iiwasan ko na ang barkada at paglalaro ng video games para
tumaas ang grades ko… nang matuwa naman ang magulang ko.
Roel : Mabuti naman kung ganoon. Sana nga…
Raymund : (Kararating lamang kasama ang isa pang kaibigan) Pare, (sabay akbay kay
Rhoneil) darating na ang tatay ni Nonoy ngayon galing Saudi… niyayaya niya
tayo sa kanila, may inuman daw.
Rhoneil : Pasensiya na muna ,Pare, lalo lang magagalit ang nanay ko sa akin. Sa ibang
araw na lang.
Niño : Sayang naman kung di ka sasama. Di mag-eenjoy ang barkadakung wala ka.
Kahit sandal ka lang.
Rhoneil : Pasensiya na kayo ha… sa ibang araw. Naaawa na ako sa nanay at tatay ko.
Nagpapakahirap sila para makatapos ako ng pag-aaral.
Gabay na mga tanong:
1. Ano ang ipinangako ni Rhoneil sa kaniyang sarili? Kaugnay nito, anong
konklusyon ang maibibigay mo batay sa binasang usapan?
2. Paano mo nabuo ang iyong kongklusiyon?

Aralin 10 Pahina 2 sa 1

You might also like