Pagpili NG Paksa 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pagpili ng Paksa

Ayon kay Rivera (1987), sa pagpili ng paksa nakasalalay ang buhay ng isang
mananaliksik. Ang paksa ay siyang pinag-iikutan ng isang pag-aaral na gagawin
Mga gabay sa pagpili ng paksa:
1. Kawilihan sa paksa o interes
2. Mayaman sa mga sanggunian
3. Napapanahon ang paksa
Mga paghahanguan ng Paksa
1. Sarili – mula sa sariling karanasan, maaari itong simulant sa pag-iisip ng mga paksang
pagpipilian.
2. Dyaryo at magasin – ito ay mapgkukunanan ng napapanahong isyu.
3. Radyo, TV – mula sa mga balita gaya ng edukasyon, isports, kalusugan, agham, talk
show, programang edukasyunal atbp.
4. Mga Guro, Dalubhasa, Awtoridad – mula sa interbyu o pagtatanong.
5. Internet – ang pinakamadali, mabilis at malawak na paraan sa paghahanap ng paksa.
6. Laybrari/Aklatan – pook na hanguan ng mga babasahin.
Mga Konsiderasyon sa pagpili ng Paksa
1. Kasapatan ng Datos – kailangang may sapt na literature hinggil sa paksang pipiliin.
2. Limitasyon ng Panahon – kinakailangang maisagawa sa takdang panahon.
3. Kakayahang finansyal – sapat na panustos na pangangailangan ng materyales.
4. Kabuluhan ng Paksa – kapaki-pakinabang.
5. Interes ng Mananaliksik.
Pagsusuri sa Pagpili ng Paksa
1. May sapat ban a datos o materyales na makukuha?
2. Matatapos ba itong sa isang tiyak o takdang na panahon?
3. Magiging kapaki-pakinabang ba ito sa iabang tao o ahensya?
4. Bakit interesado ka sa paksang napili? Makabuluhan ba ito para sa iyo?
Ang Paglilimita sa Paksa
1. Sakop ng panahon
2. Sakop ng Edad
3. Sakop ng Kasarian
4. Sakop ng Propesyon/Grupong Kinabibilangan
5. Sakop ng Anyo/uri
6. Sakop ng Perspektiba
7. Sakop ng Lugar

Pagsulat ng Tentatibong Balangkas


Balangkas – ay isang iskeleton ng anumang sulatin.
Mga hakbang sa paggawa ng Balangkas
1. Kinakailangang makatipon ng mga material at datos na kakailanganin sa pagliang ng
paksa.
2. Mahalaga ang pagsusuri at pag-aanalisa sa mga nakuhang mga material at datos sapagkat
may nakukuha tayo na maaring walang kinalaman sa isinusulat na paksa o maaring
gasgas na ang impormasyon na paulit-ulit na anting naririrnig at nababasa subalit kapag
binigyan ng panibagong pagtalakay ay waring nagiging kaakit-akit pa rin sa iba.
3. Kailangang planuhing mabuti ang sususlating komposisyon.
Tatlong Uri ng Pagbabalangkas
1. Paksa na binubuo ng mga pariralang siyang punong kaisipan.
2. Pangugnusap na binubuo ng mahahalagang pagnungusap na siyang kumakatawan sa
mahahalagang bahagi ng sulatin.
3. Talata na ang binibigyang-diin ay ang pagkakaugnay ng mga kaisipan.
Mga Anyo ng Balanagkas
A. Tradisyunal
1. Gumagamit ng mga numerong romano tulad ng I, II, III at iba pa na kumakatawan sa
mga pangunahing ideya.
2. Ang mga letra A,B,C at iba pa ay kumakatawan sa mga di-pangunahing ideya o
kasangang paksa/ideya.
3. Ang numero 1,2,3 at iba pa ay kumakatawan sa mga pantulong na ideya.
4. Tandaan kapag may A dapat may B, kung B walang A o kung walang 2 walang 1.
5. Dapat angkop ang haba sa layunin ng komposisyon.
Halimbawa:
I.
A.
1.
2.
B.
1.
2.
II.
A.
1.
2.
B.
1.
2.
B. Modelo ng Anyo ng Balangkas – gamit lamang ang mga numerong Arabik.
1.
1.1
1.1.1
1.1.2
2.
2.1
2.1.1
2.1.2
2.2
2.2.1
2.2.2

You might also like