Professional Documents
Culture Documents
Module Fil.102
Module Fil.102
PAGPAPAHALAGA SA
KALIKASAN
ETIMOLOHIYA, KAHULUGAN AT KALIGIRAN NG EKOKRITISIMO
Sa taon ding iyon kasama si Harold Fromm, inilathala nila ang kauna-unahang
“Klasikong Antolohiya ng mga Piyesang Pampantikan” na may kaugnayan sa
ekolohiya. Mula rito ay sumibol ang teorya ng ekokritisismo. Ito ang bagong teorya
ng panitikan, kultura at kalikasan. Tinutukan sa teoryang ito ang pandaigdig na krisis
sa kalikasan sa pamamagitan ng panitikan na detalyeng naglalantad ng mga di kanais-
nais na kaganapan sa kultura at pisikal na kapaligiran dahil sa walang humpay na
pagpapalalo ng tao sa luntiang kalikasan.
Ayon pa rin kay Glotfelty (1996) ang ekokritisismo ay tinatawag ding Green
studies na kapwa nangangahulugang isang kritkal na dulog sa pagbasa ng panitikan.
Para sa mga ekokritiko, ang kalikasan ay umiiral bilang isang likha na may
sariling buhay. May epekto sa mga tao ang kalikasan at sa ganoong kaparaanan ay
naapektuhan din ang mga tao ( Barry, 1996). Sinusuri ng mga ekokritiko ang akda
gamit ang lente sa kalikasan. Nililimi ng ekokritiko ang papel ng likas na
kapaligiran na makikita sa imahinasyon at ang pagkakaugnay ng kalikasan at tao ang
paraan ng paglalarawan ng panitikan sa tao kasama ang kalikasan at kung paano
naapektuhan ang isa’t isa. Ang buhay na walang kalikasan at at buhay na walang
panitikan ay halos imposible ayon kay Hitesh Parmar (
http://hiteshparmar1234.blogspot.com). Kaya sa pagsusuring ekokritisismo,
tinitingnan ang kalikasan hindi lamang bilang konteksto kundi isang identidad
na may katumbas na halaga sa mga bidang tauhan ng isang akda.
Mahalagang aparato din ang dulog na ito sa mga magtatangkang basahin ang
mga panitikang bayan na pumapaksa hinggil sa kalikasan. Maaring makikita kung
gayon, ang paraan ng pagtatanghal ng kalikasan sa iba’t ibang perspektibo. Sa gabay
at tuon ng ekokritisismo, maaring mailahad ang mga kaaya-ayang larawan ng isang
lugar o kaya ang mga banta ng pagkasira nito na kailangang bigyang diin upang
mabawasan, kung hindi man maubos ang impak ng mga sakuna na bunga ng kawalan
ng pangangalaga sa kalikasan.
Gawain 1
Pangalan: Petsa
Gamit ang mga susing-salita na makikita sa ibaba. Iguhit ang iyong
pagpapakahulugan sa mga salitang ito.
EKOLOHIYA
KRITISISMO
EKOKRITISIMO
Gawain 2
Gawain 3