Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG WIKA SA KASALUKUYAN

Masasabi ko na umuunlad ang wikang Filipino sa panahon


ngayon sapagkat ang ating wika ay tinatangkilik na nang nakakarami
at alam na ang kahalagan nito, ginagamit na rin ng ibang lahi o mga
dayuhan na dumarayo sa Pilipinas ang ating wika. Marami ng
dayuhan ang nais matuto ng wikang Filipino dahil dito mas nakikilala
na at umuunlad ang ating wika. Isa pang dahilan ay ang paggamit ng
ating mga kapwa Pilipinong nagtatrabaho at naninirahan sa iba't ibang
panig ng daigdig at naibabahagi nila ang ating wika sa ibang lahi na
may kagustuhang matuto.

Ang ating wikang Filipino ay may katangiang malalim na kaalaman at


malawak na karunungan. Ang wikang ito ay mahiwaga at mabisang
kasangkapan sa pag-unlad ng ating bansa kung ito ay ating hahasain
at puspusang pairalin sa iba't-ibang larangan. Kung mahusay nating
magagamit ito sa ating buhay at iba-iba pang mga aspeto nito ay
masasabi ngang magbubunga ito ng kaunlaran at karunungan. Ang
wika ay ang instrumento sa pagpapaunlad ng kultura at sining sa isang
bayan o bansa. Samakatuwid napakahalaga ng wikang Filipino sa iba't
ibang larangan sapagkat ito ang nagbibigay buhay, diwa at ang
nagpapakilala sa ating bansang Pilipinas.

Ito ang sumasalamin sa kultura, kaugalian, paniniwala, kaalaman at


karunungan ng mga mamayan, at nagbabatid nang kakayahan ng mga
tao, ito ang daluyan ng ating komunikasyon, ito’y larawan na
nagpapakita ng ating pagkakakilanlan kung paano tayo tatanawin at
ituturing ng mga tao sa labas ng bansa. Wikang Filipino ang kaluluwa
ng Pilipinas, ang karunungan nito ang susi sa pambansang pag-unlad
sa iba't-ibang aspeto para sa iisang minitmithing tagumpay.

You might also like