Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Anyong Tuluyan/Prosa

Tinatawag na patuluyan ang anyo ng panitikan kung kagaya lamang ng sa pang-araw-


araw na paglalahad ang takbo ng pananalitang ginamit ng may-akda. Nahahati sa mga
talata o talataan ang mga bungkos ng pangungusap at hindi pasaknong.Ilan sa mga uri
ng anyong patuluyan ang maikling kuwento, sanaysay, nobela o kathangbuhay, at
kuwentong bayan. Kinabibilangan ang mga kuwentong bayan ng alamat, mulamat o
mito, pabula, kuwentong kababalaghan, kuwentong katatawanan, at palaisipan.

Mga Uri ng Anyong Tuluyan o Prosa:

Alamat – Ito ay mga salaysaying na lihis sa katotohanan. Tinutukoy rito ang


pinagmulan ng mga bagay-bagay sa mundo. Nahihinggil ito sa kapaniwalaang
nagpasalin-salin mula pa sa matandang panahon. Ito ay kasaysayang malatotoo,
bagaman katha-katha lamang marahil. Kung totoo man ay wala namang sapat na
patunay. Ang alamat ay kawili-wiling basahin sapgkat naaangkin ng masagimsim na
kaisipan at walang kupas na kariktan.

Anekdota – Kinapapalooban ng kakatwang pangyayari sa buhay ng tao na


kapupulutan ng aral. Ang pangunahing layon ng isang anekdota ay ang makapaghatid
ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang kung
ang karanasan o ang pangyayari ay makatotohanan.

Ang isang anekdota ay isang maikling akda. Bunga nito, dapat pagsikapan na ang mga
pangungusap lalung-lalo na ang pambungad na pangungusap ay maging
kapanapanabik. Ang isang magandang simula ay magbibigay ng pagganyak sa mga
mambabasa at mahihilig upang ipagpatuloy ang kanilang pagbasa ng anekdota.

Ang isang anekdota ay may isang paksang tinatalakay. Ito ay dapat bigyang kahulugan
sa pagsulat ng anekdota. Lahat ng mga pangyayari ay dapat magbigay ng kahulugan
sa ideyang nais ipadama.

Ang isang magandang anekdota ay nagdudulot ng ganap na pagkakaunawa sa


kaisipang nais nitong ihatid sa mga mambabasa. Di-dapat mag-iwan ito ng anumang
bahid ng pag-aalinlangan na may mga susunod pang mangyayari.

Mitolohiya/Mito – Kwento tungkol sa Diyos at Diyosa, pinagmulan ng sandaigdigan.


Sinasaliksik ng mga unang tao ang kanilang imahinasyon upang makakuha ng
paliwanag sa mga pangyayari, kalikasan at kaugalian ng tao na nasa paligid niya.

Nobela o Kathambuhay – Isang mahabang kwento na nahahati sa kabanata na


bunga ng malikhaing pag-iisip. Ang nobéla ay inimbentong akdang pasalaysay,
karaniwang mahabà, masalimuot, at itinatanghal ang karanasang pantao sa
pamamagitan ng konektadong serye ng mga pangyayari. Ang kathambuhay ay isang
masining na paglalathala ng kahit ano tungkol sa buhay mo.
Pabula – Mga kwento tungkol sa hayop na naglalarawan sa mga tao. Sa pabula, ang
mga suliranin ay nilulutas hindi ng mga kababalaghan, na tulad ng mga kuwentong
engkantada, kundi sa pamamagitan ng mapanusong paraan, paghahanda, o sa
pamamagitan ng matalinong gawa na katulad ng tao sa kanilang paglutas ng suliranin.

Parabula – Mga kwento na hango sa bibliya. Isang maikling kuwentong may aral na
kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Ang parabula ay nanggaling sa English word na
parable na nanggaling naman sa Greek word na parabole na ang ibig sabihin ay
maiksing sanaysay tungkol sa buhay na maaring mangyari o nangyayari na kung saan
nagtuturo tungkol sa ispiritwal o kagandahang asal na magiging gabay ng isang taong
nahaharap sa pangangailangang mamili o magdesisyon.

Maikling Kwento – Maikling katha, mabilis and daloy ng pangyayari tumutukoy sa


nangungunang tauhan. Ay isang uri ng panitikan na bunga ng isang maikling guni-guni
ng may-akda. Ito ay maaring likhang isip lamang o batay sa sariling karanasan na nag-
iiwan ng isang kakintalan sa isipan ng bumabasa onakikinig. Ito ay maikli lamang at
matatapos basahin sa isang upuan lamang. Iilan lamang ang mga tauhan. Ang mga
kawal ng pangyayari ay maingat na inihanay batay sa pagkasunod-sunod nito.Ang
isang maikling kwento ay mga kwento na mamaari mong tapusin sa isang upuan
lamang ng pagbabasa o kaya'y ang mga kwento na hindi inaabot ng araw para
matapos.

Balita – paglalahad ng totoong pangyayari sa loob at labas ng bansa. ay isang uri ng


lathalain na tumatalakay sa mga kasalukuyang kaganapan sa labas at/o loob ng isang
bansa na nakatutulong sa pagbibigay-alam sa mga mamamayan. Maaari itong ihayag
sa pamamagitan ng paglilimbag, pagsasahimpapawid, Internet, o galing sa bibig at
ikalat sa ikatlong partido o sa maramihang mambabasa, nakikinig o nanonood.

Talambuhay – ito ay nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao na hango sa


mga tunay na pangyayari o impormasyon. Ang talambuhay o biography ay isang anyo
ng panitikan kung saan nagsasaad ito ng kasaysayan ng buhay ng isang tao batay sa
mga tunay na tala, pangyayari, o impormasyon.Ang pagsulat ng isang talambuhay ay
may dalawang paraan: maaari itong tungkol sa ibang tao o kaya sa manunulat
mismo.Mayroon ding tinatawag na talambuhay na karaniwan at talamabuhay na di-
karaniwan

Sanaysay – Maikling komposisyon na naglalaman ng sariling kuro-kuro ng may akda.


Ang sanaysay ay isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng punto de vista
(pananaw) ng may katha. Ang mga sanaysay ay maaaring magkaroon ng mga element
ng pagpuna, opinyon, impormasyon, obserbasyon, kuru-kuro, pang-araw-araw na
pangyayari, ala-ala ng nakaraan at pagmumuni-muni ng isang tao.

Talumpati – Isang buod ng kaisipan na sinasalaysay sa entablado. Ang talumpati ay


isang sining ng pagpapahayag ng kaisipan o opinyon ng isang tao tungkol sa isang
paksa na ipinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado. Mananalumpati
ang tawag sa taong gumagawa at nagtatalumpati sa harap ng publiko o grupo ng mga
tao.

Kwentong Bayan – Mga salaysay na hingil sa mga likhang-isip ng mga tauhan na


kumakatawan sa mga uri ng mamayan na kapupulutan ng araw. Karaniwan ang layon
ng ating mga kuwentong-bayan ay makaaliw at magtala ng pinagmulan ng mga bagay-
bagay, subalit ang lalong mahala’y ang pagtatala ng mga nagawa ng mga tao, ang
kanilang mga simulain sa buhay at ang pagpapahalaga sa kanilang kultura.
Sa kultura nakikita ang pagkakaiba ng isang lipi ng mga tao sa ibang tao at ang
kaisahan ng mga taong ito. Ang kaisahan ay lumilinang ng damdaming makabayan.
Ang isang kuwentong-bayang nagpapalipat-lipat sa salin ng lahi ay maikli. Ngunit sa
kanyang kaiklian ay batbat naman ng karunungan, kalatas at karanasan ng bansa.

Dula – Mga kwento na isinasabuhay at nahahati ang pangyayari sa yugto. Ang dula ay
isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin
nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang dula ay isang uri ng
panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng
isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood.

Editoryal – Ito ay pangulong tudling na naglalaman ng kuro-kuro ng editor. Ang


editoryal ay bahagi ng pahayagang nagsasaad ng kuru-kuro ng pahayagan tungkol sa
isang isyu. Ito ang tinig ng pahayagan,nagbibigay ng kaalaman, nagpapakahulugan,
humihikayat, at kung minsa’y lumilibang sa mambabasa.Ito ay naglalaman o naglalahad
ng mga reaksyon, pananaw, at kuro-kuro ng editor o patnugot ng pahayagan tungkol sa
mainit na isyu o mainit na pangyayari sa bansa
Ito ay maaring ukol sa edukasyon, pulitikal, sining, pamahalaan, at napapanahong
paksaIto rin ay matuturing paninindigan ng isang pahayagan, organisasyon, grupo, o
institusyon tungkol sa iba’t-ibang isyu kaya matuturing itong politikal sapagkat ang
lahatay may opinion.

Liham – Tumutukoy sa saloobin ng manunulat. Ang liham ay isang pahayag o mensahe


sa pamamagitan ng pagsulat mula sa isang tao patungo sa isa pang tao o grupo,
kadalasan sa ibang lugar.

You might also like