Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

May isang bata na nakatira Hardin Avenue.

Ito ang pangalan ng lugar dahil bawat tao na


nakatira dito ay may hardin sa loob ng kanilang bahay at isa sa mga tao na nakatira dito ay ang
batang si Sibu.Siya ay mabait na bata pero hindi siya sumusunod sa kaniyang nanay kapag
sinabi ng kanyang ina na kailangan na niyang maligo.
 
Makaraan ang ilan pang linggo, hindi siya pa rin siya naliligo kaya naman mabaho na siya. Siya
ay nainis sa kanyang nanay kasi palagi siyang pinaaalalahanan nito na kailangan niyang
maligo.Dahil sa pagkayamot sa kanyang ina, lumayas siya sa kanilang bahay.
 
Maya -maya pa ay napansin ng kanyang nanay na wala si Sibu sapagkat nang tinatawag niya
ang anak hindi ito lumapit sa kanya.Sa loob ng limang buwan, hinanap ng ina si Sibu ngunit
hindi niya mahanap ang anak kaya sumuko na siya sa paghahanap sa kanya.

Kinabukasan nang isang umaga, may kakaiba nangyari. May isang gulay na tumubo sa hardin
ng nanay ni Sibu. Ito ay isang kapansin-pansing uri ng gulay na kailanman ay hindi pa nakikita
ng sinuman lalo na ng nanay ni Sibu.
Ang gulay na ito ay may masamang amoy. Isang amoy na katulad ng kay Sibu. Dahil mayroon
itong amoy tulad ng batang iyon ay pinangalanan nila itong sibuyas bilang pag-alala kay Sibu at
sa pagkakatulad ng bata sa amoy ng gulay na ito.
 
Ang alamat ng sibuyas ay isang kuwento ng pagsunod. Mahalaga ang pagsunod dahil
nakatutulong ito sa atin na maiwasan ang pinsala at makatutulong ito sa atin na manatiling
ligtas.

You might also like